Huwebes, Hulyo 5, 2018

Superpowers





Ako ay isang hero. Herodes. Tagapagligtas ng mga nayayamot naaapi.

Joke lang. Ito ang kagaguhang ginagawa ko kapag ako'y walang magawa. Kagaya ngayong panahon na tambay lang muna. Tangina, kasama na pala ko sa mga maaaring hulihin. Wag naman sana pero isasampal ko sa kanila ang medikal sertipikeyt ko kapag nagkataon. Ako'y nagmumuni-muni lang lamang sa aking sarili at pinapangarap na ako'y isang nilalang na maraming superpowers.

Napaka ordinaryo lang naman kasi ng layp ko. Walang excitement. Kung ihahambing ako sa mga maaaring sakayan sa karnabal ay malayong malayo ako sa tayog at thrills at excitement ng roller coaster ang buhay ko'y isa lamang tren, yung tren sa SM na nagiikot lamang sa mall  maghapon. Boring at walang excitement. Kung hindi ako nakatunganga sa kawalan, malimit binibilang ko ang kalyo sa aking kamay o di kaya ay kinakagat ang aking kuko. Kaya naisip ko, ang angas ko siguro kung meron me na kakaibang lakas. Lakas na pagnanasaan kaiingitan ng lahat.

Pero hindi e. Kapal lang ng mukha meron ako.

Sino ba naman ang hindi nangangarap ng gising ngayon sa hirap ng buhay sa bayan ni Juan? Ang haba kaya ng pila sa mga lotto station. Kahit alam kong milyon ang posibilidad na makuha ang winning combination, nakikipila na rin ako. Na kalimitan ay isang numero lang ang nakukuha ko. Sayang ang sampung piso o kung minsan beinte. Pang text text na rin  yun sa mga pakontes sa TV at pang load para magka data ako sa Internet o kung minsan pang boto sa Tawang ng Tanghalan.

Actually hindi naman talaga ko nangangarap ng mala superman na superpowers, hindi bagay sa akin wala akong super hero appeal at hindi bagay sa aking magsuot ng kapa. Ang gusto ko lang talaga ay mapababa ang presyo ng gasolina. Katulad sa kasalukuyan na nagtaas na naman ng dagdag na piso sa pamasahe. Baka makita natin na nagpaparkour na lang ang mga kababayan natin papasok sa trabaho. Magulat ka naka-heels, naka tuxedo nagpaparkour. Astig din naman.

                                       Foo Fighters - My Hero



Ang pinakagusto ko rin talaga ay magkaroon ng kakaibang laser vision. Para makita ko kayong lahat na na hubad habang naglalakad.Para mapasok ko maging ang kukote ng masasamang tao at maisuplong kaagad ang maitim nilang mga binabalak. Para makita ko kaagad kung sino ang may dalang armas, patalim, ice pick, yung mga kamay na itinatago sa loob ng dyip (nagjajackol na pala) ,droga pati na rin condom.

Pero kung gusto mo ng walang halong kalokohang sagot gusto yung power to turn back time. Yung time na hindi pa gaano nilalamon ang lahat ng social media. Yung tamang pa yahoo yahoo messenger lang tapos mamimilit ka buksan yung video niya. Yung time na ang kabataan ay mananatiling kabataan, may respeto sa sarili at higit sa lahat sa nakakatanda. Tutok sa payo ng mga magulang, takot sa magulang. Parang ngayon kasi magulang na ang takot sa anak. Takot na ang aso sa pusa, takot na ang pusa sa daga. Nag-aaral ng mabuti upang magkaroon ng kaalam para makatulong sa pamilya at hindi nagsasayaw ng boom boom at humugot na may kasama nang visual aids. Anlala na ee. Kahit ganyan lang ang maibalik ayos na yun. 

Pero wala e. Kapal lang ng mukha ang meron ako. Tsaka mga kalyo at mga kukong hindi pantay ang pagkakakagat.

Ganito lang talaga ako. Isang tao na pilit nagpapaka hero.

O isang hero na pilit nagpapaka gago ordinaryo.


Linggo, Hulyo 1, 2018

High School Memories: Recitation



'Our  lesson for today is about the parts of the reproductive system'


Kamusta na mga batang uhugin ng dekada nobenta? Uhugin pa rin ba kayo after all these years? Pagod na ba kayo kakaaral at kakatrabaho? Sawa na ba ako tawagin ang pangalan ko at ma-call out gabi gabi? Nahahassle ka na ba sa trabaho mo? Iniisip mo bang palaging may lalabas na serbidora ng kape sa ceiling ng mga kuwadra-kuwadradong styropor sa floor tuwing magsasalita yung babae sa mikropono na "Good morning, deliveroo?" Kung sagad na sa pagoda, sige recess muna. May pag-uusapan tayo ngayon. Doon muna tayo tatambay sa mga classrooms niyo. Pikit ang mga mata at tayo'y bibiyahe 25 years pabalik sa upuan mong kahoy na may kasamang arm chair. I-set nating ang oras 8:30 ng umaga, alas dos ng hapon, o kahit anong patay na oras. Ano nga bang meron sa klasrum ng ganitong mga oras?

Titser: Our lesson for today is about the parts of the reproductive system.

(sabay taas ng kamay si Carlos)

Titser: Yes Carlos?

Carlos: Tite!

Buong klase: *Hagalpakan sa tawat't halakhakan at yung iba lumolobo pa ang ilong sa kakatawa*

Titser: (80% galit) Bastos kang bata ka ha at may tinanong na ba ako ha?

Carlos: Eh, mam sorry po pero kasama naman po talaga ang tite sa reproductive organ.

*TAWANAN NA PANGMALAKASAN*

Titser: Aba't nagdadahilan ka pa talaga? Gusto mong bisitahin ang principal? Tama ka pero hindi Filipino ang subject natin.

Sori, pero kapag alam mo na talaga yung paksa talagang gaganahan kang mag-recite eh lalo na alam mong kakatawanan at katotohanan yung isasagot mo. Ginawang takdang-aralin pero kinabisado mo na kinagabihan pa lang. Anyway, mabalik tayo. Iba-iba ang strategies ng mga estudyante tuwing recitation. Syempre kapag nerd ka o nagtatalinutalinuhan ka e mag-aaral ka na in advance para epektib ang pagpapasiklab mo. Kung row 4 ka naman eh hindi na kailangan ng aklat o notebook. Tuloy-tuloy lang ang paglalaro ng pogs sa labas kahit pa alam mong pag-iinitan ka ng titser mo kinabukasan.

Titser: O ikaw Kit (kahit hindi nagtaas ng kamay), magbigay ka nga ng kahit isang part of the Reproductive system?

(mabagal na tatayo si Kit,  lilinga-linga sa mga katabi habang ang iba naman ay nagpipigil na ng tawa)

Kit: Ah, eh, etits po! (sabay ngiti)

Titser: Magsilabas nga kayong dalawa! Labas! Nangongopya ka lang ng sagot sa kaibigan mo at hindi talaga mapigilan yang mga bibig niyo!

Kit: (nangatwiran pa) E ma'am hindi ko naman itinuring na kaibigan 'yan e.

*Tawanang pangmalakasan ang buong klase*

Titser: AYAN SIGE TUWANG TUWA KAYO SA KALOKOHAN NG MGA KAKLASE NIYO. TUMAYO KAYONG LAHAT!!! REMAIN STANDING! WALANG UUPO!!

NAGWALK OUT SI MA'M!

Green Day - "Good Riddance"

Ang sarap ng ganitong memories. Talagang itatago mo ang tawa mo para hindi ka mahuli ng titser. Mahirap din kapag masyadong seryoso sa klasrum. Kaya ginawa ang mga taong row 4 para bigyan ng kulay ang gawain natin, tulad na nga kapag recitation.

May mga pagakakataon namang halos magiba na ang klasrum sa 2nd floor dahil sa dami ng nagtataas ng kamay. May mga ibang magtatampo pa nga dahil hindi sila tinatawag para mag-recite. Kasama din ang pagkalabog ng paa, at sumisigaw pa ng "Ma'am ma'am ma'am!" "Sir sir sir!!" Halos lahat sila e naka-ulraman-raise-my-hand-stance. Kapag may tinawag sa wakas ang titser e may hihirit pa ng, "Tsk!" akala mo nalugi sa pustahan e.

Sino nga ba ang hindi nakaranas ng matinding suspense at thriller kapag Math na nag subject? Kapag multiplication table of 7 e talaga nga namang hindi mo alam ang gagawin mo para hindi kabahan. Magtatanong ang titser mo sabay tawag sa kahit sinong estudyanteng trip niyang tawagin. Kaya noon gamit na gamit ang notebook namin e, actually nagpalit ako ng notebuk noon, pinalitan ko si Jolina Magdangal covered notebook ko sa Math ng may multiplication table sa likod. Sorry na Jolina, kailangan ee. Paminsan naman ay magtatawag siya ng isang lalake at babae sabay patatayuin sila sa may aisle sa bandang likod para sa isang contest. Maglalabas siya ng mga flash card at paunahan kayong dalawa sa pagsagot. Isang tamang sagot = isang hakbang pasulong. Ang matalo, sira ang pride.

Sino ba naman batang kalye ang hindi nagkamot ng ulo sa klasrum kapag tinawag na ng guro?

Malamang sa alamang ay naranasan niyo na din ang biglang yumuko at unti unting lumulubog sa upuan kapag nagsimula na ang recitation....ooops correction GRADED RECITATION ito yung mga oras na gusto mo na ayaw mo matawag. Tangina yung daga sa dibdib mo nagwhiwhirpool ee ayaw mo naman din na hindi ka matawag kasi mabebetlog ang marka mo sa graded recitation magkamali man ang sagoit mo atleast may grade ka pa rin. Tuwing magsisimula na ang oras na 'to ay biglang mamamawis na ang mga palad ko kahit hindi ako pasmado. Parang magic na titikom ang mga bibig namin sa kakadaldal. Sisimulan kong alalahanin ang kahit anong salitang alam ko sa libro - square root, Malay at Indones, Treaty of Paris, mammals, vertebrae, non-vertebrae, mammals, Amanda Paige, Priscilla Almeda pota hindi yan... ano pa ba?

APO Hiking Society - "Saan na nga ba'ng barkada ngayon?"

"Maico stand-up!" Ayan na. Hindi pinakinggan ang aking dasal. Wala akong lusot. Ito na ang moment of truth. Tinawag na ako at nakatayo na. Unang gagawin ko ay hahanapin agad and pinakamatalinong kaklase na kaibigan ko. Bat ko sinabing kaibigan ko? Dahil kung hindi mo kaibigan ang matalinong kaklase ay 'wag ka nang umasang tutulungan ka niya. Kailangan dito magaling ka sa sign language o kaya lip reading dahil kapag  tatanga tanga bumasa ng senyales ay malamang, kung anu ano lang ang isasagot mo sa titser.

May oras naman na pagalingan sa pagtaas ng kamay lalo na kapag alam na alam ng lahat yung sagot. Yung tipong maaabot mo na ang elektrik fan sa kisame. Sorry ka hindi ka matatawag kapag ganyan. Kasama ka ba sa mga napaka-ayos magtaas ng kamay at hawak pa ng kabilang kamay ang siko ng kamay na nakataas? Sorry, hindi ka din matatawag ng ganyan. Isa ka ba sa mga nagdodrowing ng etits at lettering sa pahina ng libro o kwaderno mo? Congrats sayo. Matatawag ka, pero sa susunod na tanong ni Mam.

Recitation talaga yung pinaka hasel na oras sa skul. Mas gusto ko pa mag-exam kaysa mag-recitation. Sa exam maraming oras o tsansa para mangopya. Dito on the spot jackpot ka. Segundo lang ang bibilangin mo bago ka mapagalitan at mapahiya eh kapag recitation ikaw  lang nakatayo at kitang kita yung pagmumukha mo habang sinesermonan ka ng titser.

Pero siyempre hindi puwedeng walang diskarteng ganap sa recitation na yan. Ito ang ilan na aking naaalala.

1. Taingang-kawali style - Ilang beses nang tinawag ang pangalan mo pero hindi ka pa rin tumatayo. Kunwari eh hindi mo naririnig o kaya naman may sinusulat ka kunwari. Hindi lang makadadagdag segundo 'to. Pwede ring sumimple ka nang naghahanap ng sagot sa libro. Plus 8-10 seconds.

2. Slow-mo na pagtayo - Ito naman yung lahat ng klaseng pagpapakyut ginagawa mo para dahan-dahan ka makatayo. Nagkakamot ng ulo, pangiti-ngiti at pwede rin yung nahulog kunwari ang libro o notebook mo sa sahig. Plus 6-8 seconds rin 'to.

3. Ano po uli yung tanong? - Yan isa ring pampatagal yan. Ipapaulit mo nang ipapaulit sa titser mo ang tanong. Plus 10-15 seconds.

4. Thinking style - ito naman ang kunwaring pag-iisip nang  mabuti sa tanong sa'yo. Tumitingin ka pa kunwari kung saan-saan pero tinitignan mo talaga ang mga signals sa'yo ng tropa mo. Plus 10 seconds.

Sa mga istayl na  yan eh pwede mong gawaing isang minuto o higit pa ang oras mo para makasagoteee. May panahon ka nang intindihin ang mga signals, pakinggan mabuti ang mga bulong na sagot sa likod mo o kaya naman makahanap ng sagot sa kwaderno o libro.

Titser: Bigyan niyo ako ng isang anyong-tubig.

(Tinatapat ko na ang mukha ko sa ulo ng nasa harap ko para hindi ako makita)

Titser: Maico! Patago-tago ka pa diyan ha. Sige tayo!

(Pangiti-ngiti, ginawa ko na lahat ng delaying taktiks)

Me: Hmmmm...Swimming Pool mam!

Remain standing!




Sabado, Hunyo 30, 2018

Hinugot sa Ulan: Window Pain



'This post is brought to you by Vicks Vapor Rub'


Kapag ganitong umuulan ako'y sinisipon. Lugmok at nakatulala sa kawalan. Iniisip ang panahong tag-init at ikaw ay nariyan. 

Oras na naman para magbitbit ng payong. Itim na payong para masaya. Hindi na ako mnahihirapang ipaalam ang kulay ng aking nararamdaman. Pero bakit ganun? Pati ata utak ko sinisipon. Bakit mukha mo ang nakabara sa aking isipan. Ayan tuloy, palagi kong nakakalimnutan iuwi ang payong. Di ko maalala kung saan ko ito naiwan. O kung may humiram. O kung ito'y napaginteresan. Kaya kadalasan...basa pa rin ako ng ulan.

Kaya marahil sinisipon ako kapag ganitong umuulan. Buong araw akong amoy Vicks at palaging may bitbit na inhaler. Mahirap huminga at ewan ko kung ito nga ang dahilan kung bakit naninikip itong dibdib. Kelangan kong uminom ng maraming tubig at humigop ng sabaw. Pero walang lasa ang sopas. Hindi na ito kasing-init at kasing-sarap ng mga panahong ako ay may kasalo.

Wala munang love songs ngayon tag-ulan. Bawal muna ang mga himig tungkol sa mga walang hanggang pangako. Hindi ko naman maririnig ito habang maingay ang bubong at kumukulog. Ayaw ko mag-momol sa ganitong masarap na lamang itulog ang pagbibigay ng langit ng pansamantalang lamig. Mas ikatutuwa ko pa ang mga tugtog na puwedeng sabayan ng indak para pagpawisan. Baka sakaling mabawasan ang hirap na dala ng baradong puso ilong.

                                     IV OF SPADES - Mundo



Mas marami akong libreng oras kapag ganitong sakitin ako at walang nag-aalaga. Mas masusundan ko ang lovelife nina KathNiel, JaDine, LizQuen, Piolo at Sam. Nakakasanayan ko na rin manood ng Ang Probinsiyano alam ko namang hindi pa huli ang lahat dahil alam naman nating lahat na mahaba pa ito. Mas magkakaron ng extension ang aking oras mag Facebook at magview ng profile mo ng mga taong di ko kilala.

Umiyak man ang langit, di ako makikiramay. Mas nalulungkot ako sa bawat buhay na nawawala sa giyera sa Mindanao, sa bawat pamilyang nagdidildil ng asin, sa bawat pisong napupunta sa korapsyon. Sana sipunin din ang mga taong may pakana nito.

Alam kong magiging malamig ang bawat gabi sa susunod na mga araw. Pero hindi ako giginawin. Marami akong kumot na magsisilbing pananggalan. Meron akong makakapal na jacket na magbibigay ng init laban sa mga alaala. Hindi ko lalabanan ang antok. Mariin kong ipipikit ang aking mga mata at bibilangin ang pagkarami-raming tupa. Wala akong mapapaniginipang buhangin, sun block, si David Haselhoff man o tag-araw.

Kapag ganitong umuulan ako'y sinisipon. Kaya huwag kayong magtataka kung ako'y palaging sumisinga o sumisinghot-singhot.  Hindi ako umiiyak kala niyo. Mawawala din ang sipon na ito.

Kung sana meron lamang kamay na magpapahid ng Vicks sa aking dibdib.

Miyerkules, Abril 25, 2018

160





NOW PLAYING NO ONE WILL SAVE YOU NOW by THE AVIATORS

dagdag na kanta at kasama na sa gothic entry ng playlist ko, bagong diskubre na banda at solid at juicy ang mga liriko.

"Don't cry when lanterns fade
Soon we'll be awakened
But it breaks my heart to say
No one will save you now"

Najejebs ako kakakain ko lang ng burger ng Burger Machine

Thanos is now friends with Kim Jong Un

Jhemerlyn likes your photo.

Johnny Sins retweeted.

Twitter, Tumblr, Plurk at Facebook killed my writing skill.

Ba't ka magsusulat kung pwede ka naman kumuha ng litrato at iexpress ang nararamdaman mo sa larawan na iyon.

Bakit ka gagawa ng pagkahaba-habang blog entry kung kaya mo naman sabihin ang gusto mo ipahiwatig sa loob lamang ng 160 characters.

Ang lungkot na dito sa mundo ng blogosperyo, Tsk! Hindi na tulad dati na maraming may sense na entries. Karamihan sa mga bloggers na palagi kong binabasa ay huminto na sa pagbablogging hindi ko na alam kung nasaan na sila o kung mga deads na ba? Sumalangit nawa ang kanilang mga kaluluwa.

Aminado ako na hindi naman talaga ako mahusay magsulat dati pero naniniwala ako na mas maayos akong magsulat noon kesa ngayon. Halos ilang buwan na rin akong di nakakapagsulat pero last week naumpisahan ko naman uli. Minsan nakukulangan na talaga ng oras at panahon. Nakakabasa na lang paminsan minsan ngunit unti unti na rin lumalabo ang mga mata at  karaniwan ay kakaantukan na lamang hanggang sa makatulog. Pumurol na rin ang paraan ko sa pagsusulat dahil nakuntento na lang sa pagbabasa ng katha ng iba kesa sa isulat ko sa ilang paragraph ang gusto kong sabihin.

Well, ngayon? napirmi ako sa pagkukuwento ng mga pangyayare sa buhay ko sa 160 characters.  Gusto kong magsulat ulet yung umaabot ng hanggang 500-700 mahigit na words na nalilimbag ko sa blog ko hindi yung 100 words pa lang suko na at wala na akong masabi o maidagdag pa.

160 characters.

160 fucking characters lagi na akong nababad diyan. Rekta na wala nang pasikot-sikot.

Ano ang kulay ng rosas? sasagutin ko yang ng Pula wala ng karugtong hindi tulad dati na maari kong sagutin yan na ang rosas ay kasing-kulay ng pag-ibig ko sa isang dilag na umakit sa akin at ang tanging kulay na bumihag sa puso ko. Ang kulay ng dugo na naghatid ng sugat, ,nadarang at natinik sa kagandahan ng rosas sa hardin blah blah blah

Ibig kong magsulat ulet, gusto kong magsulat ng may sense hindi yung nagsulat lang ako dahil sa gusto kong may bagong entry. Nais kong magsulat ng higit sa 160 characters yung pagsusulat.

Basta, bahala na si Bat...oops iba na sikat ngayon. Hail the Villains! Bahala na si Thanos!


Linggo, Abril 22, 2018

Superhero 2018 and Beyond



'Ang Tagapagligtas ng mga Broken-Hearted'


After all these years in my life nakapag decide na ko. Wala nang makapipigil sa akin, wala nang urungan. Bata pa lang ako pangarap ko na talaga ito, joke lang yung mga nilagay ko noon sa yearbook na gusto kong maging astronaut.Marami na akong napanood na pelikula pero ang lahat ng iyon ay pawang mga kathang isip lamang. Gusto ko this time kung gagawa ang mga direktor ng pelikula ay  makatotohanan. Yung true to life story at ako ang bida. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Ayoko ng kasabihan ng iba na bago man lang daw sila mamatay gusto nilang makapunta o makalibot sa iba't ibang magagandang  lugar sa ibang bansa. Ang tanging hiling ko lang bago ako malagutan ng hininga ay maging isang kapaki-pakinabang na nilalang. Yung makikilala ka sa mga kabutihang iyong mga nagawa at hindi yung puro katarantaduhan. Kung matotodas man ako ng umaga sa sakit ng pusong ito ang isa ko pang kahilingan sa mga mad scientist na pagsasamantalahan ang carcass ko ay buhayin akong muli hindi para maging zombie yun ay para maging isang SUPERHERO! Tangina! shet! kung mamatay ako dahil sa atake sa puso gusto ko ang magiging monicker ko ay Heart Attack man o di kaya eh Kuya Cardio para mas in, pangmatagalan, matikas at parang si The Flash dahil matibay sa takbuhan kasi nga ang special powers ko ay bihasa sa cardio gaming. Kung sa outfit naman ng pagiging superhero ayoko na siguro ng mga kapa kapa effects. Ipapaubaya ko na kila Batman at Superman  yung ganung outfit at hindi ako tangang superhero na kailangan isuot ang brief sa labas ng mismong costume. Simple lang ang gusto kong costume yung tipong hindi ka pagkakamalan na superhero. Okay na siguro ako dun sa pormahan ni Will Smith sa Hancock. Yung tamang naka cocky shorts lang naka shirt at may bonet na nakashades, may tiyaleko. Yung bonnet ko may burda na KC sa bandang noo. Anong powers ko? Siyempre yung may super strength yung kaya bumali ng adamantium na bakal, yung hindi na kailangan mag-gym at mag selfie para makakuha ng sapat na lakas. Tapos lahat ng makakasagupa ko bibigyan ko ng heart burn, wag muna heart attack kasi kailangan din natin sila bigyan ng chance para magbago. 

                              Aviators - No One Will Save You


Lagi kong dinarasal kay Lord na sana ay may mahulog na meteorite at ako ang makakatuklas nito pagkatapos nung magkakaroon ng mutation churva at maaangkin ko na ang ninanais kong cool na power. Naniniwala akong di totoo si Santa Claus, ang Easter Bunny o Tooth Fairy pero naniniwala akong mayroon Superhero.

Naglaho na ang paniniwala ko sa lahat ng bagay, hindi na ko naniniwala sa pangako ng mga lintek na pulitiko. Naging heretic na din ako pero hindi pa rin nawawala ang paniniwala ko na may mga taong lumilipad, may x-ray vision, may ice blast power, yung mamang kulay berde na kayang pitpitin ang mga naglalakihang trak, yung aleng kayang baguhin ang kahit anong trip niyang weather conditions, ung may laser beams na pula na naka shades forever, may kakayahang kontrolin ang mga bagay bagay, may fast cell regeneration, may kakaibang lakas at kung anu anong anik anik pang kapangyarihan. 

Yung lang ang tanging bagay na ninais kong makamit ang maging isang superhero pero nagising na lang ako sa katotohanang isang gago lang ang mag iisip na totoo ang mga ganitong klase ng tao. Kahit ngayon na nasa trenta anyos pataas na ako iniisip ko kung paano kaya kung totoo ang mga superhero? mas magiging maayos kaya ang mundo? 

Hayaan na nga natin. Wala nga siguro talagang superhero, pero lahat tayo may kakayahan para iligtas ang mundo at siguro para sa akin isa lang ang pagba-blog sa mga kakayahan ko upang baguhin ang mundo. Tulad nga sa tagline ng pelikulang Schindler's List: "Whoever saves one life, saves entire world." Lahat tayo ma y kapangyarihan magligtas ng buhay kinakailangan lang natin gamitin ang ating kakayahan, talento o kaalaman natin para magawa ito.

Hindi nga ako superhero pero may kakayahan naman akong magsulat at ilathala ang mga ito sa aking blog na Ubasnamaycyanide.blogspot.com Hindi nga siguro kasing cool ng mga superhero ang mga kakayahan ko pero at least kahit papano alam kong sa bawat nilalathala ko may isa o dalawang nilalang na natutuwa sa mga ginagawa ko at maaaring nililigtas sila sa plano nilang pagpapakamatay dahil nalaman nilang mas emo pa ako kesa sa kanila.

Well, umaasa pa rin akong maging si Kuya Cardio balang-araw. Ang tagapagligtas ng mga broken-hearted.

Sabado, Marso 24, 2018

Isa Munang Palataspas



'Palaspas by the window'


Isa munang pampaantok.

Ang pananampalataya ng isang tao para sa akin ay hindi nasusukat sa kung ilang beses ka magsimba. Kung anu-anong berso ng gospel at mga palamuting quotes na ipinopost natin sa Facebook. Kung anu-anong dasal ang nagagawa mo, kung anu-anong pagpapahirap sa sarili sa pamamagitan ng penitensiya at pag-aayuno dahil hindi naman talaga naququantify ang faith natin sa Kanya as long as naniniwala ka sa Kanya at kinakausap mo siya sa kahit anong paraan na alam at kaya mo.O baka naman kapag kinakausap nga natin siya sa simabahan ay panay kahilingan lamang ang ating ipinagdadasal? Tandaan mo na hindi siya si Prinsipe K ng Okay Ka Fairy Ko na pagbibigyan lahat ng kahilingan mo, hindi mo siya napulot sa isang bote at hihimashimasin para humingi ng tatlong kahilingan. Siya ang Dakilang Lumikha, Ang Walang Hangganang Pag-ibig at Ang Umpisa't Katapusan. Lahat tayo'y magbabalik sa kanya sa pagdating ng panahon.

Hindi ko rin alam pero ang mga katanungan nila para sa akin ay paano daw ba ako magbabalik loob sa Diyos? Wow ha! Teka.... bakit naman? Kamukha ko na ba si Hell Boy? Hindi naman kasing-pula ng Johnson's floor wax ang aking mga balat para magmistulang kampon ni Satanas ah? Ganun na ba katulis ang sungay ko para tanungin niyo ako ng ganyan? Sir/mam hindi po sungay ang matulis sa akin. 

Alam ko naman na monthly lang ako nakakabisita sa simabahan. Mas madalas akong dinadala ng aking mga paa sa tagayan ni San Miguel at siya lang ata ang santong nakikilala ko. Minsan naman ay nagagawi rin ako sa tayaan ng Lotto, o sa bilihan ng porno. Kaya marahil ay hindi pinagpapala ang aking kapalaran dahil sa mga nababalot na kademonyohang ito.

Ewan ko ba pero nagawi naman ako sa Simbahan noong Pebrero 14 upang magpalagay ng krus na abo sa noo kesa magpakasilaw sa mga pulang bagay na katulad ng mga lobo't, mga rosas. Hindi ko pinili ang matatamis na tsokolate dahil wala naman akong matatanggap at wala din naman akong pagbibigyan. Hiniling ko na lang na sunduin ko ng mga pulang kabayo na luabas sa isang bote at magpahatak papalayo mula sa simbahan dahil naduwag ako't gusto ata ni padre na ibaon ang krus sa aking cerebrum. Namemersonal ata si Father at may galit at diin ang pag-ukit ng krus sa aking noo. Kulang na lang iyon umusok at umikot ang aking mga ulo at maghahalakhak ng walang dahilan sa loob ng Simbahan.

Pero alam niyo hindi ko naman talaga kelangan magbalik kay Bro este sa Diyos pala. Dahil hindi naman talaga nawala ang loob ko. At para maniwala kayo magpapapako ako sa krus sa darating na Semana Santa at magpapahagupit ng latigo at kadenang pang thugz sa aking likod. Siyempre biro lang yun. Kapag ginawa ko yun parang sinabi ko na rin na titigil na ang korapsyon at political dynasty sa ating bansa.

Huwag kayong maniniwalang malapit na sunugin ang kaluluwa ko sa impiyerno. Tsika lang yun. Hilig ko lang talaga ang paglalaro ng apoy. Naiingit ako sa mga taong tinu-toothbrush at ipinangmumumog ang apoy, sumasayaw na may umiikot na apoy, naglalakad ng nakayapak sa apoy at yung mga taong kayang pasuin ang kanilang mga sarili ng hindi nasasaktan. Aliw na aliw ako sa mga ganyan at kadalasang makikita mo sa mga katulad ng Pinoy Got Talent o Tarantadong Pinoy este Talentadong Pinoy. Pero infairness na sa kanila diba, hindi sila mahihirapang mag-adjust kung sakaling hindi sila sa langit magupunta.

At sa mga darating na Linggong ito para mas mapalalim ko ang aking pananampalataya, ako ay mag-aayuno. Alam kong hindi ito gaanong sakripisyo kung tutuusin. Sa mahal ng presyo ng mga pagkain ngayo'y aban'y mapipilitan ka talagang bawasan ang iyong nilalamon. Ay pota , teka may Food Forward nga pala, pero ayos lang papapakin ko na lang yung mga gulay at ibibigay ko sa gustong magkaron ng kasalanan yung mga karne. Pero pangako talaga ibahin niyo ko dahil hindi ko kakainin lahat ng klase ng karne sa panahon ng ayuno. Hindi ako titikim, kahit singhot, kahit kalabit. Kahit yung karneng masarap pisilin, iiwasan ko.

Pagpalain nawa ako.

Isa pa, kailangan din daw magbawas ng sakripisyo. Kailangan gayahin ang Tagapagligtas na namuhay ng simple at payak. Well, wala naman talaga akong kapasidad para maging maluho. Hindi naman siguro luho ang magpagupit kung saan nagpapagupit si James Reid di ba?

Pero sana maging sapat na muna ang tanging paraan ng pagsisisi na alam ko. Ang maging mabait, ang magsakripisyo, at laging magsuot ng karusunsilyo tuwing gagawa ako ng isang blog post na kagaya neto.

Huwebes, Marso 1, 2018

Madaling-Araw



'Ang aking saglit na kapayapaan'


"Feel the calm of the soft darkness, before the fast approaching rage of the light." -Jack Maico

5:44 AM

Hindi ko alam kung kaya ko pang matapos ang post na ito na hindi pa sinisinagan ng araw ang aking kwarto. Isa sa biyaya ng Diyos ang maramdaman nating ang payapang umaga sa madaling-araw. Kung meron lang oras sa isang buong araw mas gugustuhin ko ng dilat ng mas matagal sa madaling-araw. Tahimik at payapa. Isang kagalakan ang makita ang kalangitan na unti-unting nagpapalet-palet ang kulay hanggang sa maramdaman nating ang kalmadong umaga at ang malambot na sinang ng araw sa ating mga balat. Ang tanging maririnig mo lamang sa kasalukuyan ay ang huni ng insekto sa bukid at ang kapiterang nang-aakit ang pagpito sa pagkulo upang makapagtimpla ka ng masarap at humahalimuyak na aroma ng kape. Wala pang potpot ng pandesal, wala pa ang  tropang umaga, wala pa si mamang taho at kuyang naglalako ng isda na animo'y Pied Piper of Hamelin ng Barcelona pero ang sumusunod sa kanya ay ang dose-dosenang pusa na nanghihingi ng bituka ng isda kung sakaling may bumili. Wala pang ingay ng mga "miyaw", at aw-aw ng mga aso. Tulog pa silang lahat at tila naramdaman na rin ng manok ang kapayapaang ng madaling-araw at nakalimutan na niyang tumilaok. Kung pwede ko lang siyang alukin ng kape ay ginawa ko na.

5:54 AM

Sa madaling araw masarap gumising at mag-inat. Napakagaan ng pakiramdam sapagkat kalmado pa ang utak, masarap magmuni-muni at mag-relax bago ang panibagong pakikibaka sa limang araw na pakikipagbuno sa trabaho. Walang katumbas mag-unat ng tumatandang likod sa aming lumang tumba-tumba habang nakadekwatro at ninanamnam at humihigop ng bango ng aking kape. Walang kasing-sarap ang magpaputok ng hmmm....mga buto sa daliri at paa, at sa leeg dahil nakakarelax habang tumatama ang swabeng lamig ng hangin sa bintana mo. Kayganda rin pagmasdan ang pag-ikot ng mundo sa aking binatana habang pumipindot sa keyboard at pinipilantik ang mouse sa kompyuter. May oras na titingin ka sa iyong bintana na unti-unting nang nagliliwanag at kusa na lang naglalaho ang mga bituin at buwan at dahan-dahan na nag pasikayt ng Haring Araw sa Silangan, ang init na hatid ng bagong kinabukasan na nagdadala ng pag-asa sa bawat nilalang.

                                           Cat Stevens - "Morning Has Broken"

                  



6:01 AM

Sumilay na ang bagong umaga, ngunit sa di kawalan ay wala pa ang haring-araw.

At pagkatapos nito, tahimik na ang mga huni ng kuliglig sa bukid, nariyan na sila....yes sir! Nariyan na ang mga lintek at maiingay na sisira sa katahimikan ng umaga. Naglabasan na yung mga kapitbahay mo na habang nagwawalis sa kanya-kanyang harapan ay hindi maiiwasang may mapagkwentuhan, may mapagtsismisan. Kung puwede ko loang i-side swipe ang mundo na parang sa mga cellphone upang ibalik ang kalmadong madaling-araw ay gagawin ko. Narito na ang neigborhood, ang mga walismosa, mga pusang-gala, mamang magtataho "Tahoooooooo!!!", si Isda Man "Eiisdaaaaa kayo diyan, Isdaaaa!", at kung sinu-sino pa. Jampacked na ulet sa Barcelona High Street, maya-maya'y mala-impiyerno naman ang init. Hala, sige na at ala-sais na pala, kailangan nang makipagsiksikan sa bakery kasama ang mga taong nakapalupot ang tuwalya sa katawan na akala mo sa bakery maliligo pota. Bibili ako ng pandesal, keso, mantikilya at itlog. Tutal, tapos na rin naman ang salet na kapayapaan ko. Balik sa ingay. Balik sa riyalidad ng buhay. Balik sa totoong mundo. Mamaya na lang ulet, sa madaling-araw......... 

6:27 AM
-end-