Lunes, Hunyo 30, 2025

Jack's Biking Chronicles: My First 130km Ride After Heart Surgery in 2019 at Padre Pio Shrine, Sto. Tomas, Batangas

Our epic bike ride from Imus to Sto Tomas, Batangas (National Shrine of Padre Pio)

It's a quarter to two while I'm writing this little piece at mukhang nagbabanta na naman ang malakas na pag-ulan. Ganitong oras ako nakakapagsulat, dalawang oras pagkatapos ng pananghalian. I feel better and a little peaceful during this time kaya naman nakakapagconcentrate tayo magsaad ng mga gusto nating sabihin sa ating kuwento ngayong tanghali. This cloud of black mass covering the skies is also compared to the status of my well-being know as you all know, my old disease, my heart condition, has come back and is haunting me again, which prevents me from biking since the last months of 2023. Nakakamiss pero ngayon wala ka talagang magagawa to keep myself safe. Nakakaboring? Of course, there were times when I would like to shout and cry, but there's nothing I can do because of this illness. God knows when I will be healed or if I should be healed, but fingers crossed, I always trust God's plan for what's next for me. I believed in the Bible verse: "The Lord says, 'I will give you back 7 times what you lost." - Joel 2:25, and that will be my happiest days. I know that soon I can ride and continue with my cycling adventures once again. Hindi ako nawawalan ng pag-asa, kapit lang talaga sa dasal, pagtitiwala sa Diyos at mga panalanging binubulong sa hangin. 

But in the meantime, the only thing I can do is to dive into my social world like blogging my throwback rides, since I have never put these rides on paper to share the story of my bike rides, where I went, and what food trips down the street I went to, or where I went to record the longest ride I did. At sa blog post na ito, sasagutin natin yan with a mix of faith and determination. 

Nung nagsisimula pa lang ako mag-ride after my successful heart surgery in 2019 nagpo-post na ako kung saan ako nagppupunta gamit lang ang aking mini-mountain bike. Sinimulan ko sa malalapit lang pero halos everyday na ako nagbibisekleta at iba't-ibang ruta. Minsan umiikot lang sa Imus, sa mga bayan ng Imus at sa simbahan ng Imus malapit sa plaza. Umaga o kaya hapon, yan ay walang palya sapagkat kailangan ng aking bagong ugat na mag flow ng maayos ang dugo. 

Until my high school classmates saw my rides in Facebook, yun pala ay hilig din nila ang hilig ko. Kaya minsan ay nag-usap kami para magkita, halos 25 years din ang nakaraan bago kami magkita ng mga kaklase ko nung high school. Napakatagal na panahon, napakaraming kuwento. Bago ko sila mameet ay nakakapagbike na rin ako noon sa Maynila kagaya ng Intramuros, Quiapo at Rizal Park. I met them and meron pala silang cycling group a ang pangalan ay Takuza, hindi siya Japanese name at ang ibig sabihin ay mga "Takot sa asawa", natawa ako nung binulgar nila sa akin ang meaning, ang sabi ko mukhang sabit lang muna talaga ako sa grupong ito dahil single pa rin ako hanggang ngayon. 

The band JAREN - Your Cross is Everything

One time, they set a ride. Naka schedule ang ride three weeks bago ko sila ma-meet at kailangan nga daw muna mag-ensayo dahil hindi rin sila gaano nakakapagbisikleta. Kung wala ka kasing ensayo sa pagba-bike madali kang mahahapo at dito sa ride na ito ay mahaba-habang padyakan. Ang aming tutuntunin ay ang National Shrine of Padre Pio sa Sto Tomas, Batangas. Sa totto lang, nagdalawang isip ako kung kakayanin ko ba ang ride na yun kasi halos isang taon lang ang pagitan nang ako'y maoperahan. Hindi ko alam kung anong estado ng mga daan na papadyakan at baka hindi ko kayanin at maging sagabal lang ako sa ride nila at maubos ang oras sa akin, dahil sa tingin ko ay mga sanay na sila sa malalayong padyakan. Sila naman daw ang bahala sa akin at hindi nila ako pababayaan sa biyahe, at dahil kondisyon naman ang aking pakiramdam ay pumayag na rin ako. 


Nagkita kami ng kaklase sa kanto ng aming subdivision at madilim pa bago ako umalis ng bahay. 4:30 nang simula kaming lumarga papuntang Molino dahil duon magkikita-kita ang lahat.You know what guys, until now I still can't believe that I was able to make it on this ride and how am I still alive until that slim of a chance na muntikan na akong madali ng ambulance dahil hindi  pa ako sanay sa mga pa-curve na daan sa Daang Reyna pababa ng Alaska at Muntinlupa. Nag overshoot ako at may ambulansiyang kasalubong, muntikan na talaga ako at hanggang ngayon ay bumabalik ang takot sa tuwing naaalala ko ang pangyayaring iyon. Pagkababa namin ng Muntinlupa ay swabe na dahil mangilan-ngilan na lang ang matataas na lugar o ang tinatawag ng mga siklista na "ahon". Mula San Pedro hanggang Calamba ay mahabang patag na ang daan. Hindi ako hirap sa patag at mahaba ang enerhiya ko para sa ganoong takbuhan. Nag-almusal kami sa Binan, Laguna sabay tuloy ulit ang larga pero nagkahiwa-hiwalay sa Cabuyao. Nag-regroup kami sa Turbina at dito lupaypay na ang grupo. For the first time nakaramdam kami ng pagod sinabayan pa ng tirik na araw. We decided to rest for more than 30 minutes before we rode again. Pero at this point we have to ride 20 km na lang at nasa Sto Tomas, Batangas na kami. 


All Good Things - For The Glory

For me, this ride was not just about distance—it was a testament of faith, healing, and strength. I wouldn't have been able to make it without God’s divine protection and the determination and strength He gave me throughout the journey.

Kasama ko sa biyahe ang ilan sa matagal ko nang kaibigang riders at ang solid na grupo ng Takuza Riders. Naramdaman ko ang init ng samahan, ang saya ng sabay-sabay na pagpedal, at ang suporta nila sa bawat hinto at hataw. Pinagtagumpayan naming sabay ang pinakamatitinding ahon at ininitan ng araw—pero lahat ng pagod ay sulit.

Bawat bayan na dinaanan ay may sariling kwento, sariling init ng araw, at sariling hamon sa kalsada. Pero ang bawat pedal ay papalapit sa isang banal na lugar—ang Padre Pio Shrine.

Pagkarating sa Padre Pio Shrine, lahat ng pagod ay parang nawala. Ang katahimikan ng lugar, ang mga dasal ng mga deboto, at ang presensya ng Panginoon sa bawat sulok ng dambana ay ramdam na ramdam.

Mga dapat puntahan sa shrine:

  • Main Church – Open air, tahimik at may kakaibang presensya ng pananampalataya.
  • Sanctuary of Healing – Dito kadalasang humihingi ng kagalingan at milagro ang mga deboto.
  • Stations of the Cross – Pwedeng ikutin habang nagdarasal, sa paligid ng shrine.
  • The Blessed Sacrament Chapel – Tahimik na lugar para sa personal na dasal.
  • Padre Pio Relic Chapel – Makikita rito ang mga relics ni Padre Pio at ilang alaala ng kanyang buhay.
  • Souvenir Shops and Candle Offering Area – Para sa mga gustong mag-alay ng dasal at magdala ng alaala.

Habang nakaupo ako sa harap ng altar ni Padre Pio, di ko napigilang mapaluha. Isa't-kalahating taon mula nang ako'y maoperahan sa puso, and yet here I am—nakapag-bike ng 130 kilometers, humihinga, tumatawa, lumalaban, at higit sa lahat, nagpapasalamat. Nakauwi kami sa aming mga tahanan mga 9:00 PM. 

Maraming salamat sa aking mga kasamang riders. Pero higit sa lahat, salamat Panginoon. Without Your grace, hindi ko kinaya ito noon.


Kung gusto mong gawin ang ruta naming ito, magbaon ng:
  • Malalim na panalangin
  • Tubig at energy bars
  • Helmet at reflectors
  • Matibay na binti at pusong may pananampalataya
Sa huli, hindi lang ito simpleng ride. Ito ay paglalakbay ng pananampalataya at pasasalamat.

Linggo, Hunyo 29, 2025

Walking Down Memory Lane at My Childhood Place at San Andres Bukid, Manila, Part 2


The memorable Quirino Station on Taft Avenue to San Andres Bukid, all my suitcase of memories lives in here

Tampok sa huling kwento ang aking childhood memories sa aming kalye sa 2120 C Tuazon Street San Andres Bukid, Manila. I just want to bring back old memories using writing, and what are the special events and happenings in my life during the nostalgic days of the 80s and the 90s? So, here I am again for part 2 of this blog, my sharp memories as a weapon, and let my fingers do the talking. 

Sa pagkakataong ito lalabas na tayo sa ating comfort zone, simulan natin sa kanto ng aming kalye. Isang malaking building ang nakatayo hanggang ngayon sa aming kalsada at kung aking natatandaan ay isa itong gas station ng Petron. I still remember those days na inuutusan pa ni tita mama yung mga pinsan ko na bumili ng gas para sa aming kalan para magluto. As a little kid with the purest innocence, takang-taka ako kung bakit nagdadala ng bote ng Coke si Kuya Arnold at dinadala doon sa kanto, tapos pagkabalik niya ay may laman na itong gas, minsan naman Coke talaga. Hindi ko alam paano ginagawa yun, napapawow ako kasi baka kako may sinasalukan silang gas doon sa kanto (hindi ko pa kasi alam ang proseso noon sa mga gas stations) ano bang pakealam namin mga bata noon sa ganyan hehe. Pagkalipas ng ilang taon nawala na ang gas station. Naipatayo ang isang malaking building at the beginning of the 90s era. Hindi ko alam kung para saan ang building na ito kung para ba sa construction, mga establisyementong pinagagawa para upahan ng gustong mag-negosyo or kung ano man. Pero tama nga dahil pagkalipas ng ilang buwan, sa ibabang bahagi ay marami nang establishments katulad ng bagong bakery, coco and lumber, hardware at mini palengke. Pero dahil mayroon kaming personal bakery along San Andres ay doon pa rin kami bumibili ng mga tinapay at pandesal. Mamaya ay paguusapan natin ang Virginia bakery. 

Hindi ko makakalimutan naman si Aling Inday, mga kinse na lakad lang mula sa malaking building sa kanto ng aming kalye ay matatagpuan ang tagpi-tagping bahay nila Aling Inday sa bukana na katabi naman ng bahay-tindahan nila Aling Dely. May looban sa bahagi nila Aling Inday at matatawag nga natin itong slum area kung saan doon din nakatayo ang mga barong-barong. Sila Aling Inday ay nagtitinda ng bananacue, kamotecue, samalamig at kung anu-ano pang pang meryenda. May maliit siyang tindahan at dito ako unang nakabili ng paborito kong tsitsirya noon, ang Jack n Jill Mr Chips. Kapanahunan ng unang labas ng pinakabagong produkto ng Jack n Jill. Patok sa aming mga batang kalye ang tsitsiryang ito, P4.50 ang isa, bagong panlasa kasi sa aming ang "Nacho cheese", kumpara sa mga cheese flavored tigpipisong tsitsirya na nabibili ko kila Aling Meding. Mas masarap ang Mr Chips! 

Ang tsika ang nagmamay-ari pala ng funeraria na katabi lang nila Aling Inday ay ang kanyang kapatid. Nagkaroon pa nga ng bali-balita noon na may bumangon daw na bangkay doon sa mga kabaong na naka display doon sa funeraria kaya sa tuwing dumadaan ako sa tapat ng funeraria ay kumakaripas ako ng takbo hanggang sa makalampas ako. Takot na takot kami ng mga kaklase ko nun kapag malapit na kami sa funeraria at palubog na rin ang araw paglabas namin sa eskuwelahan. Hindi ko alam kung totoo ba ito o may  nakatulog lang na staff sa funeraria at biglang bumangon na parang zombie, hahaha.

Aling Inday and friends

Hindi ko alam kung anong taon, pero dumating ang trahedya sa kanto ng aming kalsada, nagsimula ang sunog kila Aling Inday dahil ata sa naiwang kandila, natupok ang buong bahagi ng bahay, funeraria at ang bahay-tindahan nila Aling Dely sa kanto. Pati kami ay naalarma dahil malakas ang hangin ng araw na yun kahit maganda ang panahon. Nagsimula ang sunog bago magpananghalian. Sa aking dinudungawan ay tumambad ang malaking apoy na dumidila sa mga kabahayan. Tinulungan ko na sila nanay na mag-impake ng mga damit, kagulo na talaga sa aming kalye at halos lahat ay nagtatakbuhan na at nagsisigawan ng sunog! sunog! sunog! Sa awa ng Diyos ay napatay ang sunog ng mga Chinese Fire Volunteers pero huli na ang lahat sa mga kabahayang malapit kila Aling Inday. Binaha ang aming lugar dulot ng tubig na nanggaling sa bumbero. Isa lamang yan sa aking mga trahedyang naexperience noong aking kabataan. Lumipas ang maraming, maraming taon ay napalitan na ito ng malaking market na puwede natin ihalintulad sa isang malaking ukay-ukay, ang "Neighborhood Wholesale". 

My childhood panaderya, ang Virginia bakery

Magbukas man ang maraming panaderya sa aming lugar, iisa lamang ang aming pinupuntahan at naging suki na namin sa napakahabang panahon ang Virginia Bakery. Dito ako nakatikim ng mga klasik na tinapay mula sa pan de regla, kababayan, pan amerikano, pianono, eggpie, pudding, putok, spanish bread, cheesebread, choco fillings bread, sampalok, crinkles, macaroons, ensaymada at ang klasik siyempre na pandesal na hinango sa pugon at mainit-init pa na halos hindi mo mahawakan sa brown paper bag. Dito rin kami binibili ng maiinom bago pumasok sa school, iba-iba kung minsan yan ay yung klasik na Magnolia Chocolait, Hi-C, Sunkist orange, kapag may pera ay yung Zap orange na hugis triangle ang pack at syempre kapag tipid time ay Zesto. At para mayroon kaming extra snack ay binibili rin kami ng biskwit katulad ng Coolies, Chokies, Chocolate Wafer biscuits kung natatandaan niyo pa ay yung kulay gold ang wrapper at siyempre ang klasik na Marie biscuit na lima ang laman. Naging runner din ako noon sa pagbili ng pandesal tuwing umaga kapag napag tripan nilang pandesal ang almusalin, siyempre hindi mawawala ang mga palaman pero kadalasan ay yung tingi-tinging keso minsan sinaasabi ko ay one-fourth na keso o di kaya ay Reno liverspread or kung naubusan ng Reno ay yung kapatid niyang Rica liverspread, oh never heard of Rica noh? Nostalgic yan isama mo pa ang Gusto liver spread pero ang nakasurvive lang sa paglipas ng panahon ay si Reno na hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin sa lamesa ng mga Pilipinong nag-aalmusal sa umaga. 

Ang crush sa bigasan store

Ayan lalarga tayo ng kaunti sa Virginia's bakery. Kapag uwian galing eskuwelahan bandang alas-singko y media ng hapon ay may sinusulyapan ako sa tuwing dumadaan sa tindahan ng bigas. Hays napakaganda niya, ang beauty niya ay maikukumpara sa kagandahan ng Italyanong babae, matangos ang ilong, maputi, makinis ang balat at parang noodles ng Lucky Me pancit canton ang buhok sa pagkaka-kulot. May-ari sila ng bigasan at tindahan along San Andres Bukid. Schoolmate  ko siya pero high school na siya at ako ay nasa Grade 6 pa lamang noon. May pagkakataon na sumusulyap na wala siya at may pagkakataon naman na naroon siya at siya mismo ang nagbabantay sa tindahan. Pero siyempre hanggang crush lang talaga at hanga lamang sa angking kagandahan niya. Hindi ko rin nalaman ang pangalan niya ang part ng kwentong ito ay nagtatapos sa hanggang sulyap lamang. 

ANAKBAYAN STREET - ang lugar ng matatapang!

Ang Anakbayan Streets naman ang lugar ng matatapang, a little Tondo town ng San Andres Bukid walang katinag-tinag.  Kung aastig astig ka wag ka dadayo ng Anakbayan baka lumabas kang may tama ka ng pana. 

St Anthony School, Batch 1998

Konting lakad pa at natatanaw ko na ang simbahan at ang aking eskuwelahan na magkatabi lang, dahil ang  eskuwela ay isang Catholic school kung saan pag-aari ng mga pari. Ngunit bago tumuloy sa bandang kaliwa napansin kong wala na ang Manels Mart ang dating grocery store ng San Andres Bukid. Napalitan na lang ng kung anu anong food stalls. Sa bandang  kanan naman at katapat ng Manels ay yung 7-11 convenient store na napakamemorable sa pagkakafriendzone ko nung hayskul. Maraming di nakakaalam na kaklase pero hindi ko na ikwekwento. Eh di sana ngayon Jack and Rose forever. Pero wala raw forever kaya di bale na lang. Katapat naman ng oldest 7-11 sa San Andres ay ang SEX or Sinangag Express. Isa ito sa hotspot ng Tropang  Physics at Betchut boiz noong hayskul lalo na pag uwian. It’s SEX time lugaw, tokwa at arrozcaldo with egg at laman ang labanan. Pasarapan sa pagtimpla ng tamang anghang at asim. Sino ba naman ang di maglulugaw noon na sais pesos lang ang plain at sampung piso pag may itlog at lamang baboy. The best na food trip, araw-araw ginagawa sa uwian lalo na kapag tag-ulan. Pagkalipas ng maraming taon ay napalitan na ang Sinangag Express ng Chowking. 

The Carpenters - Yesterday Once More

Ang oldest 7-11 sa San Andres Bukid, before I graduated from high school in 1998 ay nakatayo na ang 7-11

Isa sa espesyal na area sa aking childhood sa San Andres ay ang crossing ng Angel Linao street kung saan naroon ang aking paboritong Komiks stand noong dekada nobenta. Ang komiks ang pampalipas oras ng karamihan ng Pilipino noon mapa-bata man o matanda. Para sa aming mga batang kalye noong 90s ang paborito naming komiks ay ang famous na Funny Komiks kung saan ay may sari-saring kwento mula sa pamosong si Combatron, Niknok na naging Eklok, Pitit, Planet Opdi Eyps, Mr & Mrs at kung anu-ano pa. Napakasayang magbasa ng komiks noon habang iniintay mo sa susunod na Biyernes ang susunod na issue ng paborito mong kuwento sa Funny Komiks. Hindi lang pambatang komiks ang nasa comic stand nariyan rin ang pang-adult katulad ng Aliwan, Extra, Hiwaga, Tagalog Klasiks, Bata-Batuta at kung anu-ano pa. Nariyan din rentahan ng pocket books na ang mga tema ng kuwento ay tungkol naman sa pag-ibig, katulad ng Precious Heart Romance na kilalang kilala na brand ng pocket books noon. Hindi rin naman mawawala ang mga songhits sa mga gustong malaman ang liriko ng kanilang kinakanta. Ang sikat na Jingle songhits, Hothits, Solid Gold, at Minus One. Nariyan siyempre ang mga tabloid para kay lolo, tito at tatay na nag-aabang kung anong numero ang lumabas sa jueteng sa araw na iyon at kung anong pangalan ng kabayo ang nanalo sa karera sa Sta Ana race track or sa San Lazaro Hippodrome noon. Ngayon wala na ang aking paboritong comic stand sapagkat hindi na rin naman uso ang komiks. Napalitan na ito ng pharmacy at pawsnhop pagkalipas ng marami pang taon.

Pharmacy at pawnshop ang pumalit sa aking paboritong comics stand pagkalipas ng maraming taon

Then there's Smith Street along San Andres Bukid, Manila. Once a General Manager says in wrestling, "if you have grudges, settle it in the ring". My HS classmates says, "ano tapusin na natin to, diyan tayo sa Smith mamaya". In my high school memories with the tough kids, Smith St. is one hell of a punching ground. This used to be the place where grudges settle. Mula sa maliit na dayaan ng larong "one-three last" (money serial number adding game), tuksuhan na nagkapikunan, mga awayang girlfriend at kung anu-ano pa. Smith St. talaga yung saksi sa maraming rambol at sapakan. Sa kanto naman ng Smith street ang one stop shop na bilihan namin ng mga gamit pang eskuwela kumbaga National bookstore kaya wag ka mag-alala kung nakalimutan mo magpabili ng cartolina, art paper o graphing paper kay nanay kasi malapit lang ang bahay niyo sa Miannis. Nakakamiss ang Miannis na ang may-ari ay si Mang Filemon sapagkat kumpleto sila sa mga school materials. Sa tabi ng shop ay may extra business din si Mang Filemon ang 3M's pizza na lagi rin ako nagpapabili kapag meryenda time. Iba ang lasa ng 3Ms kumpara sa mga common na pizza na inilalako sa kalsada may kakaibang tamis at anghang at manipis lang ang crust nito kaya hindi nakakauyam. Sa tapat naman ng Miannis ay ang dating Minute Burger kaya sulit talaga tumambay sa Smith street may mga action packed na sapakan na may bilihan pa ng mga pagkain at instant tambayan. Nawala na rin ang Miannis at Minute Burger. Napalitan na ang Miannis ng Watson's Pharmacy at ang Minute Burger ay naging restaurant. 

Kwentong Smith Street and Miannis ang one stop shop para sa mga school supplies

Sa kabilang bahagi naman ng Angel Linao makikita ang Jollibee. Mapapansin na mataas itong building na hindi karaniwan sa mga fast food chain na common infrastructure ng Jollibee sapagkat ito ay dating building ng AT&T. Ang AT&T ay dating provider ng telephone services noong dekada nobenta. May kaklase akong nakatira dito sa building at talaga nga naman nale-late pa siya sa klase kahit sampung hakbang lang ang layo ng gate ng school namin.  Ang harapan naman ng Jollibee ay karinderya at mga bentahan ng mga santo, krusipiyo, bulaklak, novena booklets at mga sampaguita.

AT&T to Jollibee. The first Jollibee in San Andres Bukid

5 years old ako nang mag-umpisa mag-aral sa Fabella Kindergarten school sa Fermin St. Singalong Manila. I remember my KitKat lunch box na lagi kong dala-dala. Masarap sa Kinder ee magkukulay kulay lang kayo sa coloring book, kakanta-kanta, maglalaro, kakain habang naglalaro, tapos kakain na naman kapag recess pero noong unang araw atungal talaga ko sa iyak noong first time na iniwan ako ni ermats sa unang araw ng pagpasok ko sa school. I still remember that moment kahit 43 years old na ko ngayon and the teachers todo uto naman sa akin na hindi aalis si nanay at nasa labas lang daw siya. Sa kasalukuyan hindi ko alam kung naroon pa ang aking lumang kindergarten school.

My kindergarten years at Fabella Kindergarten school

Isa sa easy transportation para marating ko ang Vito Cruz Station ay ang pagsakay ng Dulo. Karamihan ng jeep ay nakapila lang sa gilid ng aming school kaya easy access at hindi nauubusan ng jeep. Nakatira pa kasi kami noon sa Paranaque at dito pa ako nag-aaral sa Maynila. 4th year na ako at graduating kaya hindi na ako pinalipat ng school. Easy ride kasi paglabas mo ng school may nag-aantay na jeep. Masaya dahil magkakasama kayong nauwi ng mga tropa mo, minsan naman ay nilalakad namin ito at dadaan sa Fermin street para mag meryenda ng paborito naming tikoy roll at isang malamig na Sarsi cola.

Pero may isang araw akong hindi makakalimutan dahil binulabog ako ng kilig nung nakasakay ko ang crush ko noong high school na sobrang kamuka ni Rica Peralejo. Nakasakay na ako sa jeep noon, ang alam ko examination day kaya maaga ang uwian, yung iba kong kaklase ay nagala pa kaya ako lang ang uuwi mag-isa. Lumabas siya ng school at tyempo naman na nakasakay na ako sa jeep para magpapuno. Shet eto na sumakay siya sa jeep na sinasakyan ko. Tangina kilig naman ako at hindi ko malaman ang i-aacting ko sa sarili ko. Nahihiya akong ewan, pagkakataon na ba para kilalanin ko siya? Baka suplada, baka hindi ako kausapin kapag kinausap ko, daming tanong sa isip. Bahala na. Mapagbiro naman talaga ang tadhana dahil wala talagang ibang sumakay at kami lang talagang dalawa. Magkaharapan kami at naiilang ako. Maya-maya pa ay biglang binuksan ni mamang driver ang radyo ng jeep sakto ang tunog eh Side A band: 

♫ Tell me where did I go wrong, what did I do to make you change your mind completely♫

Magkakahalong emosyon na ang aking nadama noon hindi ko alam kung bubuka na ba ang bibig ko ngunit parang may epoxy akong ibinababad sa bibig para pigilan akong magsalita para makipagkilala sa kanya. Wala talagang sumakay hanggang sa aking pagbaba at kung puwede lamang ako batukan ng tadhana na yan ay ginawa niya na dahil walang nangyari at ang torpedong manunulat nito ay hindi man lamang siya nakausap hanggang sa aming pag-graduate. At diyan na po nagtatapos ang kabiguan ng aking kilig.

The one time kilig moment on a jeepney ride

Sa mga special places sa buhay natin meron din naman tayong tinatawag na troubled-places o mga lugar na hindi natin makakalimutan dahil may nangyaring hindi maganda o gusto na lang talaga nating makalimutan dahil nagkakaroon tayo ng trauma kapag naaalala natin. Ito ang Taft Avenue, Vito Cruz Station sa kasamaang-palad dito ako na-holdap ng mga kabataan, 8 kabataan na humila sa bag ko pero hindi nila nakuha ngunit ang wallet ko at relos ko ay hindi nakaligtas. Kinabukasan, at dahil ang tatay ng aking kaklase ay pulis, humingi kami ng tulog para i-raid ang lugar at dinakip lahat ng rugby boys na naroon pero wala dun yung mga kabataan na nangholdap sa akin. Na-trauma ako noon kasi hanggang sa pagsakay ko ng LRT ay may mga nakasunod sa akin. Nakapasok sila kasi sa Vito Cruz hanggang Baclaran, ang inihuhulog lang na token ay piso. Kabado ako pero nailigaw ko sila pagbaba ko ng chaotic place sa Baclaran. Nakauwi naman ako ng maayos pero sobrang kabado ako sa araw na iyon. 

My not-so-happy moment happened in Vito Cruz Station

Tila napakasarap uli mag-aral sa aming eskuwelahan. Umuunlad na at napakarami ng pagbabago. Sosyal na dahil de-aircon na lahat ang classrooms. Suwerte ang mga kabataang nag-aaral ngayon diyan dahil maganda rin naman ang quality ng pagtuturo ng aming mga minamahal na guro. Mayroon na ring sariling covered basketball court at gymnasium. 

A visit to my high school in San Andres Bukid, Manila back in 2018

Napakabilis ng paglipas ng mga taon at hindi ko namamalayan na napakarami na ng pagbabago, mula sa mga laro at maging ang mga kaibigan na nakasama kong bumuo ng magagandang alaala, mga daan, mga kalsada na nagsilbing mata natin sa ating paglaki. Napapangiti na lamang ako sa tuwing maaalala ko na minsan ako'y isang naging bata. Ngunit hindi na natin kaya pang ibalik ang mga panahon na nakalipas at kailangan na nating mahpatuloy sa buhay na tinatahak natin ngayon. At patuloy na lamang nating baunin ang mga masasayang alaala ng nagdaang panahon.

Huwebes, Hunyo 19, 2025

Purefoods x Smokeys: A Nostalgic Journey Through Every Filipino’s Favorite 90s Hotdog Stand

 

Smokey's is my favorite hotdog stand in the 90s!

May nakakaalala pa ba sa Smokey's? Andito na naman tayo sa confused the Gen-Z's blog post. Let's dig dipper paano nga ba naging isa sa pinakamasarap na hot dog stand para sa mga Filipino ang Smokeys. Pag-usapan natin. 

During the golden era of the 1990s in the Philippines, one of the most unforgettable food stalls that painted every mall, LRT station, and school canteen red (literally and figuratively) was Smokey's Hotdogs. It wasn’t just a hotdog stand — it was a cultural icon. Smokey’s became a go-to spot for merienda and lunch for many students, employees, and mall-goers. With its signature red and yellow carts, the smell of sizzling hotdogs on a griddle, and the familiar red-and-yellow signage, Smokey’s had a charm that was hard to resist. The brand wasn't just about hotdogs — it was about the experience of eating something fast, filling, affordable, and absolutely delicious.


Noong dekada nobenta, halos lahat ng batang galing sa eskwela ay may alaala sa Smokey’s. Isa itong paboritong tambayan pagkatapos ng klase — kung saan kahit may barya ka lang ay makakabili ka na ng isang hotdog sandwich na may ketchup, mustard, at minsan ay mayonnaise. Ang bango ng nilulutong hotdog sa maliit na cart ng Smokey's ay sapat na para busugin ang sikmura mo. At kapag may extrang pera, level-up ka na — bibili ka ng Smokey's Jumbo Cheese Dog o kaya'y Spicy Footlong. Kung may "reward" kang ibibigay sa sarili mo, Smokey’s ang unang choice mo. Fun-fact, alam niyo ba na sa Smokeys nagsimula ang "footlong" hotdogs. 

Smokey’s menu back in the 90s was simple but satisfying. They offered the Regular Hotdog Sandwich, Cheese Dog, Footlong, Spicy Footlong, and my personal favourite, ay yung Pizza dog nila. What made their hotdogs unique was their generous serving and the juicy snap of the sausage itself, which was made by Purefoods, a company known for its high-quality meat products. In fact, Smokey’s and Purefoods were indeed closely tied — Smokey’s was actually a food stall concept introduced and operated under San Miguel-Purefoods, making it not just a random vendor but a powerhouse backed by one of the biggest food companies in the Philippines.

The first outlet of Smokeys was opened in November 1982 at the Quad Car Park in Makati City—the first sausage parlor in the country. The launch was complemented with full advertising support. To get across the message that there’s more to sausages than just hot dogs, the agency creative came up with the thematic line—“Get the sausage surprise of your life!”.

A jingle-based commercial was produced that dramatized the surprising varieties, from the juiciest, tastiest to the fanciest and hottest hotdogs in town! While we do not have the commercial, we still have the jingle that was composed by an award-winning jinglemaker, Ms. Charo Unite, and ably sung by Jakiri.

Smokey's TVC

After its successful launch, Smokey's franchise became popular among independent business entrepreneurs in Metro Manila. By 1989, franchising was expanded to include provinces, thus making Smokey's a national name. 

In 2002, Purefoods, the top meat products company, was merged with the country's number one brewery corporation, San Miguel, giving birth to the new San Miguel-Purefoods Corporation. 

But where is Smokey’s now? That’s the bittersweet part. As of today, Smokey’s is no longer a common sight in the city. Many of its iconic red carts have disappeared, and only a few stalls remain in select locations, mostly privately franchised. The rise of international fast food chains and changing mall food court cultures may have contributed to its decline. Some Filipinos, however, still dream of its comeback, holding on to the memory of biting into that hotdog bun dripping with cheese, ketchup, and mustard after a long day at school or work.


Hanggang ngayon, may iilan pa ring Smokey’s sa ilang sulok ng Maynila — kadalasan ay nasa mga lumang mall o terminal. Pero hindi na ito kasingdami at kasikat gaya noon. Gayunpaman, bawat Pilipinong nakatikim ng Smokey’s noong 90s ay may tagong alaala at ngiti kapag narinig ang pangalang ito. Maraming nagsasabing wala nang tatalo sa lasa ng hotdog na iyon — hindi lang dahil masarap, kundi dahil may kasamang alaala ng kabataan.

Smokey’s is more than just food — it was a taste of an era. It reminds us of a simpler time, when Php 50 could get you a filling snack, when malling with the family almost always ended with a Smokey’s hotdog in hand. It’s a brand deeply embedded in our memory, a classic example of how food can shape a generation. And while it may no longer be as widespread today, its legacy continues to live on — one nostalgic bite at a time.

Ang Smokey's ay hindi lang basta hotdog. Isa itong parte ng ating lumipas na masarap balik-balikan.

Miyerkules, Hunyo 18, 2025

Nobentimeline: Ano Ang Mga Nangyari noong 1990?

Anong mga ganap pagpasok ng 1990 sa buhay ng mga Pilipino?

1990 timeline. Sa panahong ito, bagaman simple lang ang buhay at hindi pa ganoon ka-moderno ang lahat wala pang Android, walang touch screen, walang flat screen, bagaman sa panahon namang ito ay ang pag-usbong naman ng mas buhay na pop culture sa ating bansa sa larangan ng teknolohiya, sa musika at sa pelikulang tabing dahil mas lalo tayong nakaka-op sa mga kanluraning impluwensya lalong-lalo na pagdating sa entertainment. Sa taong ito ang pangulo ng ating bansa ay si dating Pangulong Cory Aquino pangalawang pangulo naman si Salvador Laurel,  si Jovito Salonga naman ang nakaupo bilang pangulo ng senado, si Ramon Mitra bilang House Speaker,  at si Marcelo Fernan bilang Chief justice at ang bansa ay pang 80th congress sa mga sandaling iyon pagpasok ng 1990 ay naroon pa rin ang aftermath ng katatapos lang na coup attempt na pinamumunuan ni Gringo Honasan at ng RAM kasama ang iba pang mga Marcos loyalist laban sa pamunuan ni Pangulong Cory Aquino at sa taon ding ito ay patuloy ang pagkakaroon ng mga peace treaty sa rebeldeng grupong CPLA ng Cordillera na pinamumunuan ni Father Condrado Balweg, kung saan ay bahagi pa nga ng peace treaty na ito ang hiling ng car o ng Cordillera Administrative Region na magkaroon na sila ng autonomiya ang Cordillera Administrative Region ay binubuo ng mga probinsya ng Abra, Benget, Ifugao, Kalinga Apayao, Mountain Province at Baguio hinihiling nila ang autonomiya para sa higit na pamamahala at pagbibigay ng karapatan sa mga mamamayang katutubo ng rehiyon nang sa ganon ay lalong mapangalagaan ang kanilang kultura. 

Bilang bahagi ng 1986 Peace Treaty sa pagitan ng gobyerno at ng CPLA ay isinagawa ang Cordillera autonomy, plebisito 1990 bagaman matapos ang botohan ay hindi na naman pumabor sa mga nagsusulong ng autonomiya ang naging resulta dahilan para sila ay madismaya lalong-lalo na ang mga CPLA pagpasok na pagpasok ng bagong taon January 9, 1990.  Ang Metro Manila Commission na binuo ng dating Pangulong Marcos ay pinalitan ni Pangulong Cory at ginawa niya itong Metro Manila Authority. Si J Jomar Binay ang unang naging Chairman nito at 1994 na lang ng muling palitan ang pangalan nito at ginawang Metro Manila Development Authority kung saan ang mayor naman na si Prospero Oreta ng Malabon, ang naging Chairman sa ilalim naman ni Pangulong Ramos.

 January 10 naman ng mangyari ang 1990 PBA draft kung saan ang naging first overall pick at ay itong si Peter Apet Jao mula sa University of San Jose Recoletos. Ayon sa ilang mga sports analyst ay sa kabila ng husay nitong si Apet at galing sa shooting ay hindi ito masyadong nagamit ng Presto Tivoli ang team na kumuha sa kanya ito ay dahil sa season na iyon ang kapalitan niya eh walang iba kundi ang The Triggerman na si Allan Caidic na mas babad siyempre at ang hinirang pang Rookie of the Year ng season na iyon ay ang second round first pick na si Gerald Esplana na kakampi rin naman niya sa Presto. Naging maiksi lamang ang paglalaro nitong si Apet sa PBA kung saan naglaro lamang siya hanggang 1994 sa mga koponan ng Presto at sa Sta Lucia 


January 12
naman ng magbukas ang Robinson's Galleria Ortigas isa itong limang palapag na shopping mall at masasabi na rin na naging landmark sa Edsa na merong mahigit 400 na mga shops dining outlets entertainment facilities at kung ano-ano pa at Syempre meron bang makakalimot na nakilala ang Mall na ito dahil sa isang urban legend na meron daw ditong naninirahan na isang half-snake, half-human na nilalang na ng tumagal ay lumabas na paninira lamang pala. 

Sa larangan naman ng entertainment noong January 18, 1990 ay ipinalabas naman sa mga sinehan ang version ni Alice Dixon ng Dyesebel kung saan ay kasama niyang bumida dito itong si Richard Gomez bilang Edward at si Carmina Villaroel naman bilang batang dyesebel.

 Pagpasok ng Pebrero ay inabangan ng maraming Pilipino ang isang matinding laban sa larangan ng boxing bagaman ito ay isang international fight ay maraming mga kababayan natin ang nanood ng laban na ito. Ito ay ang Heavyweight bout sa pagitan ni Mike Tyson at Baster Douglas ginanap ito sa Tokyo Dome kung saan tinalo nitong si Douglas si Tyson via 10 round knockout kung saan sinasabi pa nga na  ang labang ito ay naging inspirasyon sa pag-usbong ng boxing career ng ating pambansang kamao, Manny Pacquiao. 

 Sa kabila naman ng patuloy na kaguluhan sa Mindanao ay idinaos naman ng ARMM ang kanilang kauna-unahang eleksyon noong February 12, 1990 kung saan bumoto dito ang mga mamamayan mula sa Basilan, Lanao del Su,  Maguindanao, Sulu,     Tawi-tawi at Marawi. Bumoto sila ng mga kinatawan sa Regional Legislative Assembly,  Regional Governor at Regional Vice Governor kung saan ang nanalong Governor si Zacchariah Candao at Vice Governor naman itong si Benjamin Loong at February 27 naman ay pinanganak ang isa rin sa mga nagbigay sa atin ng karangalan sa larangan naman ng pageant, ito'y walang iba kundi ang Miss World na si Megan Young at sa kaparehong araw February 27, 1990 ay inaresto naman itong si Juan Pon Enrile dahil sa pagkaka involve niya daw sa coup attempt noong December 1989, matapos niyang dalhin sa NBI ay inilipat siya sa Camp Karingal at dito siya pansamantalang ikinulong bagaman, nakapagpiyansa naman siya makalipas ang isang linggo at na-dismiss din ang kaso laban sa kanya pagdating ng buwan ng Hunyo.

 Pagpasok naman ng buwan ng Marso, March 1 naipagdiwang ng GMA Network ang kanilang 40 years sa broadcasting, March 4 naman na pumutok sa mga balita ang naganap na Hotel Delfino siege kung saan ang suspendidong Cagayan Governor na si Rodolfo Aguinaldo ay kinubkob ang Hotel Delfino kasama ang kanyang mga tagasuporta at dito sa Hotel Delfino ay naroon naman itong si Brigadier General Oscar Florendo.

March 15 ay umere naman sa New Vision 9 o sa Channel 9 ang sitcom na Buddy and Sol kung saan ay bumida sina Eric Quizon bilang Buddy at si Redford White naman bilang Sol.  Ang seryeng Ito ay tumagal hanggang 1994 pero dahil sa kasikatan nito ay nagawan din ito ng pelikula, bandang 1992 na Buddy and Sol Sine Ito. March 23 naman ang mai-release ang album na "Kahit Minsan Lang" ng singer na si Lilet kung saan ay nakapaloob dito ang kantang Kahit Bata Pa Ako. 


March 28
ay naitala naman ni Michael Jordan ang pinakamataas niyang puntos sa kabuuan ng kanyang basketball career kung saan siya ay umiscore ng 69 points sa overtime game laban sa Cleveland Cavaliers.  Pagpasok naman ng buwan ng Abril 1 nang mapanood ng mga Pilipino kung paano tinalo nitong si Ultimate Warrior itong si Hulk Hogan sa WrestleMania 6 WWF Heavyweight Title na ginanap sa Toronto Skydome at pagpasok naman ng buwan ng Mayo,  May 13 dalawang American serviceman ang tinambangan ng mga sinasabing rebelde o mga NPA at ito'y nangyari sa Angeles Pampanga paglabas nila ng kanilang hotel na tinutuluyan ayon sa ulat ito'y sina Airman John Raven, 21 years old at si James Green, 22 years old na sinasabing mula sa US Air Force. Walang nakaalam kung sino ang salarin at wala rin namang umako nito bagaman ayon sa mga kapulisan at mga militar, ang may kagagawan nga daw nito ay ang mga komunistang NPA. 

May 23 naman na hinirang naman na National Artist itong si Francisco Arcellana ni dating Pangulong Cory sa larangan ng literature ng sumunod na buwan sa kalahatian ng taon dahil nga sa mga sinasabing banta ng mga komunistang NPA ay nag-aalisan naman ng bansa ang ang 261 na US Peace Core Volunteer at sa bandang ito ng June ay ni-launch ni Ogie Alcasid ang kanyang album na may pangalan ding "Ogie Alcasid", kung saan ay nakapaloob dito ang ilan yung mga sikat na kanta tulad ng "Nandito Ako", "Sa Kanya" at "Dito Sa Puso Ko". Sumikat kasi itong si Ogie sa bandang katapusan ng Dekada 80 at sa pagpasok ng Dekada 90, kaya naman patok na patok sa mga masa ang mga nagagawa niyang kanta.

Ogie Alcasid - Sa Kanya 

June 20 naman ay sinasabing pumasok sa bansa ang pinakaunang bagyo ng taong 1990 ang bagyong "Bising" na agad namang sinundan ng bagyong Claring noong June 25. 

June 28 naman ay ipinalabas sa mga sinihan ang pelikulang "Ayaw Matulog ng Gabi" na pinagbidahan nitong sina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino na idinerek naman ni Carlo J Caparas.

Paagpasok naman ng buwan ng July, July 2 ay pinawalang sala naman si dating Firsst Lady Imelda Marcos sa korte ng America sa mga kasong racketeering at fraud, ito'y dahil sa mga akusasyon sa kanya na sa kanya raw mga pag-iinvest sa America gamit ang pera ng ating bansa. 

 July 10 naman ni-launch ang programang The Inside Story ng ABS CBN kung saan ang naging host nito ay si Loren Legarda na pinalitan din naman nila Julius Babao at ng iba pang mga anchor ng ABS CBN dahil sa pagtakbo niyang senador.

 July 16 naman ang maganap ang isa sa pinakatumatak sa kasaysayan ng Pilipinas ang 7.8 magnitude Luzon earthquake, 4:26 pm ng hapon nang magsimulang yung manig ang lupa kung saan ang epicenter nito ay malapit sa bayan ng Rizal sa Nueva Ecija sa lakas ng pagdinig ay maraming mga imprastruktura ang agad nagtumbahan at marami ring binawian ng buhay na sinasabing umabot ng halos 1,700 mahigit. 3,000 naman ang naging sugatan, at mahigit 700 naman ang nawawala. Sinasabing umabot ng bilyon ang kabuang naging pinsala ng lindol sa ating bansa kabilang sa mga napuruhan ay ang siyudad ng Tarlac, Cabanatuan, Pangasinan, Dagupan,  La Union at ang Baguio kung saan dito nga sa Baguio ay gumuho ang ilang mga building kabilang ang hotels, factories, at ang mga government at University buildings. Nagsara din ang Kennon Road dahil nagkaroon ng mga landslide at ang isa nga sa mga tumatak na gumuhong gusali sa Baguio ay ang HyattTerraces Baguio Hotel. 

July 30 naman naipagdiwang ng TVJ ang kanilang 11th anniversary ng Eat Bulaga. Buwan naman ng August na inintroduce naman ni Francis M ang kanyang album na "Yo" kung san ay nakapaloob dito ang ilang mga kanta tulad ng "Cold Summer Nights",  at "Mga Kababayan".  Ang album na ito ni Francis ay ang sinasabing unang commercially release Filipino rap album. Sa bandang ito ng Agosto ay dumaan din sa ating bansa ang dalawa pang bagyo ang bagyong Gading noong August 17 at ang bagyong Lilang noong August 26 at muli pa rin itong sinundan ng bagyo pagpasok naman ng buwan ng Setyembre nang pumasok naman sa ating bansa ang bagyong Loling. 

Noong September 7 sinasabing ito ay tumama sa Babuyan Group of Islands at sumunod pa ang bagyong Meding, noong September 15 at sa araw ding iyon September 15, ay nagtapos naman ang programang 6:00 news ng IBC 13. 

September 28 naman, 16 na militar ang na-convict at nasentensyahan ng life imprisonment dahil sa kanilang pagkaka-involve sa pagpaslang kay dating senador na si Ninoy Aquino at sa pagpasok naman ng buwan ng Oktubre ay isang rebelyon na naman ang bumungad sa administrasyong Aquino, ang Mindanao Revolt na pinasimulan ni Colonel Alexander Noble na isang Philippine Army at konektado din daw sa 1989 coup attempt laban sa gobyerno kasama ang ilang mga Mindanawon ay kinubkob nila ang dalawang military garison sa Cagayan de Oro at sa Butuan at dito ay prinoklama niya ang kalayaan ng Federal Republic of Mindanao at hinahangad nila na paalisin sa pwesto itong si Pangulong Aquino, kaya nga lang ay nabigo itong sin Noble dahil hindi naman sapat ang kanilang pwersa laban sa mga militar. Kaya naman napilitan na lamang silang sumuko at ang rebelyong ito ay ang sinasabing pinakahuling rebelyon laban sa administrasyong Aquino hanggang sa magtapos ang termino noong 1992. 

Sa buwang ding ito sinasabing umere ang mga programang Estudyante Blues sa PTV 4 at ang Viva Drama Specials at sinasabing dito rin sa buwang ito umere ang pinakahuling episode ng programang Takeshi Castle na isang nakakatawa at sikat na programa sa Japan na sumikat din sa ating bansa. 

Nagtapos din sa buwang ito ang ginanap na Asian Games kung saan ay lumahok ang ating bansa at tayo ay umabot sa rank number 13 na merong isang ginto sa larangan ng boxing mula kay Roberto Jalnaiz, dalawang silver at pitong bronze. Sinasabing makasaysayan pa nga ang Asian Games na ito dahil sa a larangan ng basketball first time na magpadala ng ating bansa sa kompetisyon na puro PBA player lahat  Dahil sa pagbabago rin ng rules at ng format na ng SEA games at ng FIBA. 

Pagpasok naman ng buwan ng Nobyembre ay ang pagpasok din ng isang super typhoon sa ating bansa ang bagyong Ruping. Pumasok ito sa ating bansa noong November 12 kung saan ito ay tumama sa kabisayaan, sa Cebu at sa Bacolod. Sinasabing ang bagyong Ruping ang pinakamalakas na bagyo mula pa noong 1981, matapos ang bagyong Irma at 1987 naman sa bagyong Nina. Sa lakas nito ay maraming nasirang mga ari-arian na umabot ng mahigit 400 million dollar at umabot naman sa 800 ang binawian ng buhay. 


Sa kabila ng sakuna ay sumilay naman ang liwanag naang i-launch naman nitong si Jose Mari Chan ang kanyang album na "Christmas In Our Hearts",  noong November 17. Ito'y sa ilalim ng Universal Records at nakapaloob dito ang kantang "Christmas In Our Hearts"
 na kinanta ni Jose Mary Chan at ng kanyang anak na si Lisa Chan, na nagustuhan ng masa. Nung pahanong ng dekada nobenta ay wala pang mga Mp3 o Spotify, kaya naman napakalakas talagang kumita ng mga kanta dahil nga sa marami ang bumibili ng mga casette tapes album. Ang Christmas In Our Hearts ay ang isa sa pinakamalaki ang kinita sa kasaysayan ng Philippine music scene kung saan ay na-certify pa nga ito bilang Double diamond ng Philippine Association of the Records Industry at ng sumunod na buwan naman December ay nalabas din itong si Jose Mari Chan ng isa pa niyang kanta ang "A Perfect Christmas".

 November 28 naman na ipinalabas sa mga senihan ang pelikulang Alyas Pogi na pinagbidahan naman ni Senator Ramon Bong Revilla Jr at sumunod na araw ay naipalabas na sa takilya ang pelikulang Biktima ni Sharon Cuneta, kung saan ay kasama niya naman dito si Christopher de Leon at ang pelikula ay idinirek ng batikang direktor na si Lino Brocka.

 Pagpasok naman ng December sa buwang ito, December 8 ay nagbukas ang night club na Club Dredd na naging isa sa mga kanlungan ng mga nagsisismulang mga banda sa panahong iyon tulad ng Eraserheads at ng Parokya ni Edgar. Ang nightclub ay tinawag na Club Dredd sa Timog at sumikat nga ito dahil sa mga alternative bands na nagpe-perform dito. Halos lahat yata ng bandang 90s ay nakatungtong sa kanilang entablado pero muli ito ay nagsara ito bandang 1993.

December 20 naman ng itanghal na PBA MVP itong si Allan Caidic, matapos ang 1990 season ng liga ay nag-champion naman sa First Conference ang Formula Shell. Ang Presto Tivoli naman sa All Filipino at ang Purefoods Hotdogs sa Third Conference. 

December 25,  kasabay na araw ng Kapaskuhan ay ang pagpapalabas ng mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival kabilang ang mga pelikula ang "Ama Bakit Mo Ako Pinabayaan?",  "Andrea. paano ba maging isang ina?",  "Baril ko ang Uusig",  "Espadang Patpat",  "Tumakbo ka hanggang may lupa",  at ang "Shake Rattle and Roll part two".  Nagwagi bilang best picture ang Andrea paano ba maging isang ina, best actor naman si Dolphy sa Espadang Patpat,  at best actress naman si Nora Aunor sa Andrea paano ba maging isang ina.

Hatinggabi ng December 31, ay muling nag-abang ang mga Pilipino sa taong 1991. Maraming salamat sa inyong pagsama sa ating pagbalik sa ilang mga kaganapan sa taong 1990 muli niyo sana akong samahan sa pag-ala-ala naman sa taong 1991sa mga susunod na aking panulat sa "Nobentimeline" ng Ubas na may Cyanide.

Himutok 101: Blog Traffic Struggles

 

Still dreaming of a 1 million visits on my website. Algorithm gods, your time to shine!

To all the kind souls who stumbled upon my blog—whether you came looking for a memory from your childhood or accidentally clicked while searching for something completely unrelated—I offer you my deepest gratitude. You may be few, but your visits mean the world to me. I check my website stats with the wide-eyed optimism of a kid waiting for a text message from their crush, only to be met with the cold, lonely silence of single-digit traffic. Sometimes, I wonder if my words aren’t enough—if my writing lacks that witty sparkle, that punchline that makes you snort-laugh in public and immediately want to share the post with friends. Maybe I’m too sentimental, too wrapped up in old komiks and candy wrappers, in brownouts and bubble gums, to compete with the flash of TikTok trends or AI-generated wisdom. I find myself questioning everything—do I need to be funnier? Should I learn how to dance? Or maybe dress up as Batang 90s and do a vlog? What does it take to get a million visitors—ritual sacrifice to the algorithm gods? A funny cat wearing a Game Boy around its neck? Should I include an emotional gut-punch in every post? Or sprinkle my nostalgia with trivia, pop culture name drops, and a couple of witty, self-deprecating jabs like “Remember those lollipops that looked like lipstick? They were the only makeup that my crush complimented me on.” Maybe my problem is that I write from the heart when the world wants bite-sized banter with a side of sarcasm. Or maybe, just maybe, I haven’t found you—the people who miss the smell of old VHS tapes, the thrill of text messages that cost ₱1, and the joy of finding Pogs in a sari-sari store. So here's to reinvention, or rediscovery, or maybe just the stubborn belief that somewhere out there, a million hearts beat in rhythm with the memories I’m trying to write down. And until they all find me, I’ll keep writing—for the quiet readers, the one or two who linger, and for myself. 

In a time when vlogging dominates every feed and screen, I often feel like a lone whisper in a world that only listens to shouts. Everyone seems to crave motion, faces, noise, and filters—quick images over quiet thoughts. Vloggers talk fast about what they see: what they eat, where they go, who they're with—curated clips from a day that often looks like everyone else’s. And yet, here I am—still blogging. Still choosing the written word over the viral reel. Still bleeding my soul onto the page instead of pressing record. Because writing feels more human to me. It's not just a flash of emotion or a burst of energy; it's a slow, deliberate pouring of self. Every sentence I type is stitched with memory, with pain, with wonder. Maybe that's why hardly anyone visits my blog anymore. Maybe reading has become too heavy, too silent, too slow for a world addicted to speed. But even if I’m writing into the void, I choose to keep writing. Not because it’s trending. Not because it gets clicks. But because this—this-this art of forming thoughts and shaping them into stories—is how I make sense of being alive. Vlogging may show you what the eyes can see, but blogging reveals what the heart dares to say.

Martes, Hunyo 17, 2025

One Lazy Afternoon Just About Songs


'Just about songs and an old soul'

Nah, nothing really much to this post, just staring into nothingness, but listening to cool music from the past. My choices of music are not really eccentric. For me, as long as a song sounds nice to the ear, then that's good enough for me. I enjoy listening to easy listening music. When I was younger, I preferred songs played on Magic 89.9, but then it was one of the causes of my having insomnia during my college days. So what I did was, I started listening to 94.7 Mellowtouch. The songs there during the evening are slow, and they had Paolo Santos every week, so it was all good for me. But then the songs they played during the day were not my cup of tea, so I looked for another radio station. Yeah, you know me as a hardcore rock music listener, but the truth is I really love any genre except for jazz. It actually depends on how my mood is. If it's a cloudy day and the weather is soothing but not raining, I used to play old, old love songs, yung tipong naririnig mo lang palagi, but you don't know who the artist was. Emoting? Not really, I just love the rhythm of the song na sumasabay sa klima ng panahon, and sometimes the lyrics mix well. 

The songs they were playing were slow ones, but then they're playing current tunes too. So I stuck with that. Until now, I'm more into that station. They regularly play some of my favorites, and that's just pleasant for me.

I'm more of a love songs kind of guy (being single and all that romantic stuff). I imagine myself kissing 'the one' with Texas' "In Demand" in the background. Crush ko nun si Texas, she's the one who sang the hit single, "Say What You Want".

 I will never forget the time that I went home, riding a jeepney and damn man, I was shock because my ultimate crush in high school was there. Pagkakataon ko na ba na makilala siya? No man, I'm weak, I don't have the capability na tanggalin ang ka-torpedohan ko sa katawan. Matindi pa ako sa pipi kahit love songs na yung pinapatugtog ni manong driver sa radyo niya. I remember the song, which was from Side A, "Forevermore." But that was the moment ng katorpedohan ko. I'm happy for her, and she lived well as I saw her Facebook account nung mga nakaraang taon, but I got hacked, I created a new account, but until now hindi niya pa ulit inaaccept ang friend request ko. 

Hands Like Houses - Torn

Some songs make me remember some of the best times of my life:

  • Forevermore, Side A - unforgettable until now, of course, because of my high school crush
  • Teenage Angel, Addict - my personal favorite and dedicated also to a crush before our high school graduation
  • You Got It All, The Jets - can't forget this song playing on the radio when I and my nanay and I went to Marikina tapos may nag-aaway na pasahero at driver haha and then pagdating sa bahay ng tita ko sa Marikina, napakinggan ko ulit to. Ayun tumatak na sa isip ko habang nagmemeryenda ako ng panderegla at Royal. 
  • All This Time, Tiffany - so nostalgic nito. I remember myself sa Quirino station at 1 pm in the afternoon tapos ako lang ang naghihintay ng tren at sobrang nakakantok ang vibes tapos tutugtugan ka ng All This Time ni Tiffany. One of my favorite tunes kasi gusto ko sa mga boses yung mga baby voice na medyo husky. There's something in it!
  • Love Is All Around, Wet Wet Wet - entrada pa lang ng kantang to, nakakainlab na kaya isa sa mga naging favouites ko noong 90s. Haaaays ang gaan sa pakiramdam ng tune na yan. 
  • Hindi Magbabago, Randy Santiago - ohh man, ang tanda ko sa kanta na to nung umiiyak ako mula sa school hanggang sa bahay nung Preparatory pa lang ako kasi hinahanap ko nanay ko at gusto ko nang umuwi hahaha. Pinauwi naman ako pero siyempre nagalit si nanay tapos sumabay pa ata tong kanta na to kasi nanonood sila ng Student Canteen habang kumakanta si Kuya Ratsky. 
  • Always, Atlantic Starr - Nagustuhan ko yung kanta kasi isa ito sa themesong ads ng bagong labas na ice cream sa Magnolia Flavor of the Month. I love the tune so mellow and the coldness of the ice cream in my mouth. Feel na feel ko yung vibe ng kanta. 
  • You're Beautiful, James Blunt- Again, my eternal crush, the love of my life that will never be. 

Pansin niyo yun nagiging paborito natin yung kanta it's because of some event that becomes our memory? Sa alaala na yun naka-attached na itong mga kanta hanggang ma-recognized mo at maisama sa favorite playlist of your life. These are just some of the songs that I really like to listen to these days.

All MLTR songs, Till They Take My Heart Away, I Don't Have The Heart, When She Cries, Heart of Mine, Love Will Lead You Back, I'll Be Over You, Is It Okay If I Call You Mine?, How to Save A Life, Right Next to You, Make it With You, Stuck on You, In My Dreams, Nothing's Gonna Stop Us, Longer Than, Fixing a Broken Heart, Hard Habit to Break and Simply Jessie. 

Call me an old soul, but I really love these songs, and they will live forever.

Lunes, Hunyo 16, 2025

The Band JAREN: Your Cross Everything

 




Tuning:

E A D G B E

Key:

F

Capo:

no capo

[Intro]

F C Dm C Dm7 Bb Bbm

 

[Verse 1]

F                              C

Entangled up in my own sins

                                      Dm7

I built these chains with my two hands

                            Bb

You found me lying in the dark

                             F

Weighed down by a hardened heart

                                      C

But things changed when you took my hand

                              Dm7

My lungs started to breathe again

                            Bb

Tore my chains off one by one

                              F    C

A slow process of coming undone

 

 

[Chorus]

Dm               Dm7

Your death gave me life

    Bb

Your wounds paid my price

F                          C

On Golgotha's tree I was redeemed

        A7

(redeemed, redeemed)

     Dm

Wrote Your love note in scars

      Bb

Red blood ransomed my heart

            F                                C

Praise the One who died my death to set me free

          A7

Oh Your cross is everything

 

Dm7 C F

 

[Verse 2]

F                                  C

I tried and tried to fill my soul

                                       Dm7

Kept searching for things but didn't know

                         Bb

I was searching for someone

 

And You were the One

 

[Chorus]

Dm

Your death gave me life

       Bb

Your wounds paid my price

F                            C

On Golgotha's tree I was redeemed

         A

(redeemed, redeemed)

Dm

Wrote your love note in scars

Bb

Red blood ransomed my heart

            F                                C

Praise the One who died my death to set me free

          A             Dm

Oh, your cross is everything

                     Bb

Your cross is everything

                     F

Your cross is everything

   C

To me

 

 

[Bridge]

A                      Dm

I'm pouring out all of my praise

                               Bb

To the One who endured all the pain

                             F

To pull my soul out of the grave

                      C

So Jesus I'm lifting your name

A                      Dm

I'm pouring out all of my praise

                               Bb

To the One who endured all the pain

                             F

To pull my soul out of the grave

                           A

So Jesus, I'm lifting your name

 


[Chorus]

Dm

Your death gave me life

Dm         Bb              Bb

And your wounds paid my price

F                           C

On Golgotha's tree I was redeemed

             A

Redeemed, redeemed

            Dm

Wrote your love note in scars

     Bb

Red blood ransomed my heart

        F                                C

Praise the One who died my death to set me free

          A7   A       Dm

Oh, your cross is everything

                    Bb

Your cross is everything

                    F

Your cross is everything

   A

To me

 

Your cross is everything


I just want to share this song with you. This song right now is one of the few songs that I find very relaxing to listen to. It's a Christian song from a two-girl band. The Band Jaren and I really need this badly. 

Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...