Pages

Miyerkules, Enero 2, 2019

Tanghaling-Tapat Throwbacks

'Memories of your tanghaling-tapat childhood TV'


"Ayan, tapos na ang Teysi ng Tahanan!" Magre-ready na ako para sa Eat Bulaga. Actually, channel 2 pa ang Eat Bulaga noon at bago pa man ako magkamalay ay nasa Channel 9 pa siya. 9 minus 2 equals 7, kaya nasa GMA na siya ngayon. Klaro?! Yan ang scientific explanation kung bakit nasa GMA na ang Eat Bulaga. Lol, seryoso yan maniwala kayo."

Anyway, napakaimportanteng oras ng araw ang tanghali sa buhay ng usang kalye boy na tulad ko noong panahon ng nobenta. Para sa mga pang-umaga sa skul, ito ang ang sumasalubong sa kanila pagdating sa bahay. Para naman sa mga pang-hapon, ito ang sinusulit na oras tuwung half-day dahil bihira sila mag-spend ng oras sa bahay tuwing tanghali. Cartoons naman sa tanghali ang kanilang naaabutan pagkauwi kapag scheduled cleaners ka ay nako TV Patrol na ang aabutan mo kung minamalas malas ka.

Para sa akin, ang Teysi ng Tahanan ang pampainit o "warm-up" show para sa tanghali. Dito, magpapakita sila ng mga recipes at mga issues na pang-tita o pang-nanay o pangkatulong. Pagkatapos nito ay deretso na sa star ng tanghali - Eat Bulaga sa Ch 2 ay Lunch Date naman sa Ch 7. Kung nasa kolehiyo pa lang kayo ngayon ay malamang hindi niyo alam 'tong mga pinagsasabi ko dahil baka hindi niyo na naabutan ang mga palabas na 'to pero yung EB nandito pa rin naman pero nasa ibang channel na.

Teysi ng Tahanan

Habang pinapalabas ang mga shows na ito ay  tatatak sa utak ng mga manonood ang mga patalastas tulad ng C.Y. Gabriel Soap, Lydias Lechon, Dakak, Caronia Nail Polish at Caress. Naaalala ko kapag medyo boring ang hapon ay may kaunting games kame kapag patalastas. Unahan kami manghula kung ano ang produkto ng patalastas ang ipinapakita. Skoran minsan race to 10.

"...with magic Caressss, Caresssss... Color every magic  mohmeeent...."

Eat Bulaga, Bulagaan '88

Kung ikaw naman ay avid fan ng PTV 4 ay siguradong maaalala mo ang Vetracin Multicaps - ang gamot para sugpuin ang bulate ng mga alaga mong baboy. Ito ang patalastas ng sikat na drama anthology noon na "Balintataw".

Kung RPN 9 fan ka naman ay siguradong alam mo ang palabas sa tanghali na Buddy en Sol na later on ay inilipat sa gabi.

"Buddy en Sol! Hindi mapaghihiwalaaaay! Laging magkasama, sa saya at lumbay, magkaibigang tunay na tunaaay... Buddy en Sohoooool...."

Dito ko nakilala si Ces Quesada at ang paminsan-minsang pag-gueguest ni Soxy Topacio. Channel 9 din ang tahanan ng Champoy at ng Reycards. Kung hindi niyo naaalala si Carding ng ReyCards ay tignan niyo na lang yung mga kaibigan niyong malalaki ang bibig. 

Siyempre hindi mawawala sa listahan ang Agila, Valiente, Annaluna at Mara Clara. Heto ang mga palabas na kinalakhan ko noon habang pinipilit akong matulog ng nanay ko.

Paiba-iba ang pasok ko noon. Nung grade 1 ako pang-umaga ko, nung grade 2 pang-hapon at grade 3 pang-hapon ulit. Kaya naranasan ko ang makanood ng Teysi ng Tahanan bago pumasok na palaging kinokomersiyal ang Tiki-tiki.

"Tiki-tiki for baby..."

Nakanood rin naman ako ng Buddy en Sol pagkauwi nung pang-umaga naman ako. Isa rin sa mga napapanood ko sa tanghali eh ang Bistek starring Herbert Bautista. May pinapanood din ako noon sa hapon yung kapatid naman ni Herbert si Hero Bautista pota nakalimutan ko title basta may powers yung reading-glasses niya.

Buddy en Sol

Ang lakas rin ng loob ng Lunch Date nun para kalabanin ang mighty Eat Bulaga. Pero kahit papaano lumalaban naman kasi yung lola ko ay yun ang pinapanood eh. Napapanood rin naman ako kasi naging crush ko nun si Ms. Toni Rose, ang ganda eh! kaya medyo inis ako nun kay Louie Heredia kasi parang sila ang pinagpapartner nun ee.

Tangina isa pang tumatak sa isip ko yung Student Canteen ee prep ako nun ee kumakanta si Randy Santiago nung "Hindi Magbabago" ginugulpi ako ni Nanay dahil mababa ang nakuha kong score sa 1st Quarter exam eh nagkabigayan ng result ng exam at di ba kailangan papirmahan sa magulang yun. Tangina na-hanger tuloy ako habang kumakanta si Randy Santiago may background song pa tuloy ako habang ngumangawa sa iyak. 

Student Canteen, 1986

At yung Mara Clara naman, tingin ko siya na ata ang pinaka-mahabang telenobela sa kasaysayan ng telebisyon higit pa sa ngayon na Probinsiyano. Hindi pa kasi uso noon ang memes baka kung sakaling nauso na nagawaan din ito ng sari't saring nakakaaliw na memes. Eh biruin mo ba naman sinabayan ako sa paglaki ko nito ee. Puchang diary yan napakatagal mahanap at maisiwalat ang nilalaman. Pero medyo natakot rin talaga ko kay Gary (ang akalang tatay ni Mara) nun. Ang angas rin kasi talaga ng mukha eh at parang papatay talaga ng tao eh. Kulot na hindi maputi at hindi rin talaga artistahin yung mukha. Lamang lang siya ng isang paligo sa mga goons ni FPJ.

Mara Clara

Ang parang isa sa mga naging closing shows naman ng mga tanghaling palabas eh ang Cristy Per Minute.

"Cristyyy Per Minte!!! tug tak, tug tak, tug tug tak!!!"

Kaya medyo naging updated rin ako sa showbiz nun dahil hindi rin pinapalagpoas ng mga tita ko ang programang yan. Impiyernes ok ang showbiz na yan. Trenta minutos lang yan araw-araw eh pero sinusulit talaga nla bawat minuto mabalita lang lahat ng showbiz tsismis noong araw.

At tsaka sino ba naman ang hindi makakalala sa kanang kamay ni Ate Teysi na si Eagle Riggs na may segment na, "Eagle's Nest?"

"Salo-Salo Together!" SST! Sa channel 7 din 'to at nadikitan ng SST sticker ang pintuan ng bahay ng kapitbahay ng kaklase ko kaya nanalo sila ng pangkabuhayan showcase! Astig!

Jollibee friends @SST

Pero alam niyo wala na sigurong mas kaklasik pa sa Bulagaan Portion ng Eat Bulaga. Talagang bentang-benta sa masa ang "knock-knock who's there" at ang batuhan ng pie ee. Ang tatatak namang komersiyal sakin nun ay ang walang kamatayang United Home Ferrous Sulfate at iba pa nilang gamot. Natutunan ko rin na ang Landmark noon ang biggest department store in Makati.

Nung lumipat ang Eat Bulaga sa channel 7 ay nagkaroon ng 'Sang-Linggo nAPO Sila sa channel 2 na sinusundan ng...

"Cristyyyyy Per Minute!!! tug tak, tug tak, tug tug tak!!!"

"Bawat ... ng chika, sobra sobra! Kaya dito ka na sa (sabay-sabay!) Cristy Per Minute!"

(bubungad si Cristy Fermin na nakaupo sa high chair.)

Cristy Per Minute Showbiz talk show

Yan nga yung talk show na maikli lang ang oras pero busog ka sa Chika. May mga celebrity guestings pa araw-araw sa Tik-Tak-Talk segment, at konti lang talaga ang itatanong sa kanila ni Ate Cristy.

Sometime around 1991, Valiente ang pinapanood ko pagkatapos ng Eat Bulaga. Dito naman takot din ako sa isang karakter yan ay si  Theo Braganza. At takot rin pala ko kay Odette Khan isa sa mga kakila-kilabot at magaling na kontrabida.

Teka may isa pa akong naalala, malamang eh naalala niyo pa ang isa sa mga unang hosting stint ni Arnel Ignacio. Tinapat ito ng Channel 9 sa Eat Bulaga at 'Sang Linggo nAPO Sila..

"Chichichibog chibog chibog chibog chibugan na.

Chibugan naaaa! Chibugan na!

Chibugan naaa! Chibugan na!

Chibugan  naaa! Chibugan na!

"Chichichibog chibog chibog chibog chibugan na!"

Orient Pearl band @Chibugan na noontime show

Noon talaga ang dami mong pagpipilian na noon time shows at quality drama tuwing tanghaling tapat ee kaya busug na busog na naman ang memory lane ko sa paglikha ng post na ito.

Teka pala meron pa palang isa na hinding-hindi ko makakalimutan na hanggang ngayon ay nandito pa rin pero hindi na original. Hindi siya noontime show at hindi rin drama serye. Tatahimik ang harutan naming magpipinsan kapag alas-tres na bilang respeto sa pagdarasal sa tanghali. Ito yun ee at ito yung original:

3 o'clock prayer habit