Pages

Martes, Enero 28, 2020

January 29: LIFE after 1 year of Open Heart Surgery

Add caption


There are dates in our lives that we can't simply forget because of happy moments or a tragedy. For me this day, January 29 could be my death anniversary instead it happens to be my reborn. God has given me a second life. This day was my 1st heartiversary, the day that I survived my open heart surgery at the Philippine Heart Center




Sa mga nakakakilala po sa akin marahil alam niyo na yung condition ko before my surgery. It's been a hell and back to the emergency room 2 years after akong madiagnosed sa sakit na "Coronary Artery Disease", it's a kind of heart disease where my artery is blocked by cholesterol plaque that given me many kind of symptoms like extreme shortness of breath that almost cost my life. Siguro kung hindi ko nakayanan yung open-heart surgery ko itong day na siguro na ito ang nakasulat sa lapida ko. But all my life, I will carry this day and never forget that in my deepest pain I saw God's glory. Patunay lang talaga na nothing is impossible with prayers.

The night before the surgery parang wala na lang. Wala na akong maramdaman na kahit anong feelings ang sabi ko na lang Lord kayo na po ang bahala sa akin bukas kung ano man po ang mangyari sa akin ay ibinibigay ko na lang po sa inyo ang lahat ng worries ko. I was visited by a chaplain at my hospital bed and he ask me to confess all my sins if in case alam niyo na. We prayed and that was the most sorrowful prayer that I ever had. When you're in front of the death's doorstep is parang lahat ng winoworries mo noong normal ka eh parang hindi mo na maiisip pa. At that moment ang sabi ko na lang sa isip ko, "Lord, please if I ever die tomorrow please let me die without the pain." Since naisip ko na naka-general anaesthesia naman pala ako so hindi ko na mararamdaman yung sting of death. I was trying to convince my self that time na ready na ako whatever happens.


Demon Hunter - Leave Me Alone
This song hits me on a personal level... Ryan wrote it about a serious, albeit temporary, health problem. For people with chronic stuff, it means a lot more. Sometimes we want to know the reason why do we suffer.

The surgery started at 3PM and dinala na ako sa surgical room. I was all naked when I brought there. After that hindi ko na alam yung mga sunod na nangyari yung feeling na parang hindi ka nag-exist. Nagkamalay ako the other day na, January 30 bale gabi na ata hindi ako sure kasi groggy pa ako sa mga gamot na itinusok. Pagmulat ng mata ko ang una kong nakita ay si doc kinamusta niya ako kung anong nararamdaman ko at sinabi niya sa akin na "tapos na". Yung gising ko na yun pakiramdam ko na parang nandoon pa rin ako sa pakiramdam ko kahapon. When I looked around ang daming umiilaw sa paligid ko na mga devices at monitors. May nakita akong device dun at tumunog yung parang sa mga pelikula na kapag patay ka na yung tunog ng flatline. Hindi na kasi ako makatulog nun ulit at narinig ko yun kinabahan ako kasi flatline pero naitanong ko pa sa nurse kung patay na ba ako. Sabi niya sa akin "sir nakapagtanong pa nga po kayo ee, buhay po kayo." Wala lang daw yung tumunog na yun, lol. Oo nga naman, natawa na lang ako sa isip ko pero kabado pa rin. Kabado ko kasi nung time na pinaliguan ako at tinanggal yung hospital dress ko underneath my skin may mga tubes pa palang nakakabit. Pero at that time di ko pa ramdam yung sakit ang natatandaan ko lang ihi ako ng ihi sa hose na nakakabit sa tagiliran ko. My first meal is a gelatin kailangan soft foods muna. I was feeling like a kid again noong pinapasok si ermats sa ICU at sinubuan niya ko ng food ko. 


Demon Hunter - More Than Bones
"'More Than Bones,'" is basically saying that when I leave this earth, I'll leave you more than bones - I'll leave you all of my thoughts and all of my hopes and dreams and my desire to connect and resonate with people through this music."


Lumabas ako ng ICU hapon na ng January 31 and I stayed at the ward for 4 days para magpalakas. There was a kid na almost katapat lang ng bed ward ko. They said he is 21 years old. That kid is okay, kasi siya nakakapaglakad na siya nauna siya maoperahan sa akin and he really looks well. However, the tragic morning of January 31 has changed it all. May narinig kaming sumisigaw sa comfort room yung guardian nung 21 year old and she continously screaming for help. Halos 10 to 15 seconds din siguro yung itinagal bago dumating yung mga nurse. The boy died that day. Yung time na binabantayan siya ng mother niya sa loob ng CR para jumebs napa-iri ata siya ng todo that caused severe heart attack ang kwento nalaglag nalang sa kinauupuang bowl yung patient at kinapos ng paghinga at nangisay na lang. Seconds later wala na siyang pulse inihiga siya sa hospital bed na dala ng crew ng mga nurses later on the doctor pronounce him dead at that morning. Bawal na bawal kasi umiri ang mga bagong opera kasi mafoforce yung mga ugat sa puso na bagong lagay. Sad to say na uuwi na sila that day but that tragedy happens. Imagine how quick life has taken in just seconds. I will always remember that kid because he is my ward mate. That's the first time I saw someone died and I admit na sumakit yung dibdib ko nun and nahirapan din akong huminga knowing that the kid is already well and he is  about to go home but death still claimed him. 


'Tagaytay, June 2019'
Recovery began and rough days ahead full of anxieties and as expected there's depression. Naka dalawa or tatlo pa rin akong emergency room after the OHS because bumababa ng sobra yung blood pressure ko dahil sa mga BP medicines and my heart rate bagsak sa 60, my BP at the lowest at 72/50 something. Nahirapan ulit akong huminga kasabay ng fever and chills at night. The doctors adjusted my medicines thrice hanggang sa maging okay na ang BP and heart rate ko. After 4 months, my doctor gave me a go-signal na puwede akong bumiyahe kasi nagkaroon ng family outing dahil sa akin to lessen my worries and anxiety we visited Baguio City last summer. I made it doon ako nag-umpisang maglakad-lakad ng medyo malalayo . There were times that I got winded pero thank God kinaya ko yung trip to Baguio. We also had a trip to Tagaytay's Pink Sisters and Father Pio's Shrine at Sto.Tomas, Batangas. 


'Baguio City, April 2019'
'Batangas, September 2019'


After that, recovery goes on a straight line. By prayers and God's guidance the anxiety and depression slowly fades away. Nagagawa ko naulit yung mga bagay na hindi ko na nagawa before like this one blogging, biking, basketball, walking around malls, nakatapos ako ng Simbang gabi na gamit ko ang bike and especially yung stray feeding which I missed the most. That's the contract I signed and all these prayers were answered by Him and I need to do something to give back. I have feed every strays that I saw here in Imus and Bacoor and I am also giving foods to homeless people every Sunday. I'm not trying to be a saint or something. Second chances are rare, He gave me new leash of  life now He needs something in return for the goodness He has given me. 




                 

'Feeding Stray Dogs'
'Project Pawprints'


'Completing the Simbang Gabi night ride'




 Everything has changed from sorrow to happiness. God is real and prayers are heard. I've followed the right path and kung iisipin mo kapag maghahanap ako ng trabaho sa labas they will saw my medical record and malamang na hindi agad ako matatanggap but look nagkaroon ako ng work from home last July and dahil sabi ko sa kanya na mag-shahare ako sa mga nangangailangan nabigyan niya ako ng work na mas higit pa sa mas kaya kong ipangbili ko ng mga gamot ko. I can say na mas nagiging matatag yung faith ko today it makes me closer to Him. Dati wala eh makareceived ako ng mga blessings balewala lang I just consumed all that blessings after that hindi ako nakakapagpasalamat. Pero ngayon I give importance for every blessings big or small I always say "Thank you Lord" before going to bed. 


Biyernes, Enero 24, 2020

Trending: The Kain Pepe Shirts at Ang Mapanghusgang Social Media




I really like a healthy conversation on social media on some comment section threads but I was really fired up when netizens are bashing a girl's picture wearing a brand clothing with a word printed in the shirt "Kain Pepe".



Yes,napakapanget naman talaga pakinggan ang salita na yun lalong lalo na para sa ating mga kababaihan. But what I didn't like are these common judgmental Filipinos bashing this poor girl's photo. They also include her graduation picture with a caption insults pertaining to the model:


"Graduate ka naman at may pinag aralan, Siguro marunong kang mag basa ng A E I O U. Sana binasa mo muna bago mo sinuot. Social Media Influencer ka tapos ganyan mo I impluwensya ang mga kabataan? Haaaist, Hindi ka naman ata gipit o na nangangailangan. Tang ina, Kahit magkano pa ang ibayad sayo kung matino ka at maayos ang pag iisip mo hindi ka basta basta mag susuot nang ganyan ka basura at walang kwentang clothing at lalo na kung babae ka.
You want to earn respect? Then respect yourself first. Di ako haters ayoko lang mamulat ang mga kabataan sa henerasyon ng xbatallion." - Linel Joeren (siya yung haters)
Gusto ko lang himay-himayin ang sinasabi ng kolokoy na ito na akala mo ay ipinanganak na santo. Ito yung mga taong feeling righteous pero malalaman mong sila pala yung mga gumagawa ng katarantaduhan sa kapwa nila.
Sabi niya "graduate ka naman at may pinag-aralan." So, what's the point? Nagsuot lang siya ng t-shirt na hindi ka sang-ayon sa kung anong nakasulat eh nawala na ba ang pinag-aralan niya all through her life? In the very first place kung isinuot niya yun it doesn't reflect naman sa buong pagkatao niya. Who are you to judge? By clothing alam na agad natin ang personality ng isa't-isa?
"Social media influencer ka tapos ganyan mo iimpluwensiya ang mga kabataan?" - ang matinong kabataan alam ang tama o mali para sa kanila hindi naman porke't sinabing social media influencer eh may kasamang hipnotismo na kung anong ginagawa niya sa video eh iaapply mo na rin sa buhay mo. Binigyan ka ng sarili mong utak para timbangin mo ang sarili mo kung tama ba o mali ang ginagawa mo. 
"Hindi ka naman ata gipit o nangangailangan". Hindi ka pala sure ee pero nakapanghusga ka na ng kapwa mo. Paniguradong marunong siya ng A E I O U pero bakit ba napakapakialamero mo sa kapwa. Tsaka isa pa lalake ka parang galit na galit ka sa babae? Naiingit ka siguro kasi wala kang pepe gusto mong magpakain pero wala kang pepe noh? Gipit man o hindi extra income pa rin yan eh wala ka naman ginawang masama at isinuot mo lang yung damit. Hindi naman porket isinuot mo yung damit eh matik na pornstar ka na. 
"Tang ina" - galit na galit na talaga siya, pero ang tanong bakeeet? 
"Kahit magkano pa ang ibayad sayo kung matino ka at maayos ang pag-iisip mo hindi ka basta basta magsusuot nang ganyan" - salamat sa concern mo brad kahit may pang-aalipusta. Ganito yung mga pa-righteous na kasama niyo sa inuman. Mag-iingat yung mga babae sa ganito. Sila yung kadalasan na kapag may alak may balak. Kunyari pa-goodboy pero kapag nalingat at nalasing ka na lalabas ang tunay na kulay. 
"Hindi ka basta basta magsusuot nang ganyan ka basura at walang kwentang clothing at lalo na kung babae ka."
Hindi ko naman nakita na nagsuot siya ng trash bag na kulay itim. Hindi naman sira-sira ang damit niya tohl kumpleto ang details ng tshirt, may manggas, round neck, malinis, presentable siyang tignan paano mo nasabing basura? Eto malupit "lalo na kung babae ka", so kapag mga ganitong text na nakasulat sa damit okay lang kapag lalake ang magsusuot? Pagawan din sana ito ng clothing brand na "Kain Titi" para hindi na siya nag-aalburoto. 
"Di ako haters" - Tang-ina ang dami mo naman. Wag mo na sana hayaang dumami ang lahi mong haters. Hindi ka pa pala hater ng lagay na yan samantalang napakaraming hindi magagandang salita ang binitawan mo sa kapwa mo.
At para sa huli hayop ka idinamay mo pa ang XBatallion.
"You want to earn respect, respect yourself first" - Hahahaha! I love your English it's very automatic ang sarap ibalik sa kanya ng salitang ito kasi ikaw yung walang respeto. Hindi kawalan ng respeto ang gustong madagdagan ang income. Kapag nakapagsalita ka ng hindi maganda sa kapwa mo yun ang kawalan ng respeto. 
At para sa kaalaman mo puwede kang kasuhan sa pagpopost ng pictures ng kanyang graduation picture ng walang pahintulot sa may-ari. Maling-mali.
Ang problema kasi sa tao madali tayong manghusga ng kapwa parang sa kaso lang din yan kapag nagpatattoo ka sasabihin sanggano ka na. Mahilig ka sa metal songs demonyo ka na. Walang pinagkaiba yan dun. Sabihin na natin na bastos yung clothing but it doesn't mean na pati yung ugali ng modelo eh ganun na. Now you're judging a person base sa sinusuot niya? Parang social media lang din yan matino ang mga ipinopost pero sa totoong buhay eh gago pala. Isa pa yung mga makamundong isipan doon nagkakaproblema kung pagiisipan mo siya ng masama dahil sa nakasulat sa damit niya eh sadyang malibog at manyak ka lang. 
Being liberated is not equivalent to being pokpok. Baka kasi namamali sila ng pagkakaintindi when we say liberated you are open at any sensitive topic especially about sex education but you're totally in control. Eto ang problema sa bansang ito kulang ang pang-unawa natin sa sex ed mas delikado kasi kapag hindi ito nabigyang pansin sa parte ng ating pag-aaral sa eskuwelahan. Dito sa Pilipinas napakaraming nagsasanto-santuhan na mga conservative kuno but at the end nagpapadala rin naman sa kamunduhan. 
Sa social media bash tayo ng bash wala tayong pagpapalawak ng utak. Tama na tayo kung hanggang saan lang ang kayang abutin ng pang unawa natin.
Again the issue here is not the girl but the clothing brand. Ang hindi lang tama dito ay yung pangbabash ng netizens dun sa model. Hindi natin ipinagtatanggol yung clothing brand which does not speak anything of women empowerment pagdating doon sa "Kain Pepe" issue.
Ang nakakatawa pa ay yung explanation ng clothing brand na kesyo yung pepe daw ay basic na  pangalan ng isang lalaking Pilipino and kain is to eat and they are encouraging people to eat properly. But I can't say "people" because you're only encouraging men to eat properly dun palang sablay ka na. Kung ang layunin talaga ng clothing company na yun ay ang tamang pagkain hindi siguro ganoon ang graphics na makikita natin. When you say eat properly mas kaayon-ayon siguro ang graphics ay mga prutas, gulay at isda. Hindi niyo kame maloloko dito. 

Huwebes, Enero 16, 2020

Every Good boy Has A Story:Remembering Our Famous Aspins

'Every good boy has a story like Palakitik' / credits to the owner of the image: PETA ASIA

Sa Pilipinas ang lagi nilang sinasabi "tangkilikin ang sariling atin" bilang simbolo ng ating pagiging makabayan. Tama nga naman pero ang tanong ay nagagawa nga ba natin ito? Kung sa mga kagamitan pa lang ay lihis na tayo sa ganitong paniniwala eh paano pa kaya sa ating mga inaalagaan sa bahay. Askal daw noon ang katawagan sa Asong Pinoy ngayon na naging Aspin pangit daw kasi ang salitang askal o asong kalye at hindi magandang pakinggan sa tainga kaya ginawa nating makabayan ang katawagan sa kanila na naging asong pinoy. Pero sa sitwasyon at nakikita ko at dahil na rin sa mga iresponsableng may-ari ng aso ay nalalapit sila na tawaging asong kalye, bakit? kahit saan ka magpunta sa Pilipinas ay marami kang makikitang aso na palaboy-laboy dahil hindi na sila gusto, pinabayaan, inabandona ng kanilang mga amo. Masakit man pero yan ang katotohanan, nagkakasakit, nagkakagalis, nagugutom, nanghihina hanggan sa masagasaan ang mga kawawang nilalang na ito. Akala ko ba tangkilikin ang sariling atin? bakit tila napapabayaan natin ang mga hayop na ito sa sarili nating bansa? At hanggang mayroon tayong mga dog pound na patuloy na nageeuthenize kahit malusog naman at walang mga sakit dahil lamang sa kadahilanan na walang gustong mag-ampon sa kanila. Ang unfair natin bilang tao para sa buhay ng mga hayop di ba? Ganyan kasakim ang tao may magalit man sa aking sinasabi pero yan ang totoo. Kamatayan na lamang ba ang laging solusyon natin sa pagdami nila o tayo talaga mismo ang may problema? 

Sa mga pahina ng mga dog pages sa Facebook ang lagi mong makikita ay ganito: "Please, tulungan niyo naman po ang asong ito,nakita ko sa ilalim ng tulay ang payat-payat niya na at gutom na gutom." Yan ang tipikal na post na ating makikita lalong lalo na kapag ang asong inilalarawan ay Aspin. Pero kapag ang post ay hayop na may breed ay makikita mong sobrang alaga ng hayop na yun at kadalasan ay mga nakadamit pa at natutulog sa malambot na kama. Wala naman tayong galit sa mga hayop na may breed ang atin lang ay yung sariling atin ay tuluyan na natin napapabayaan. Ang tipikal na asong Pinoy ay laging nakatali arawan man o ulanin ay doon lamang sila hanggang sa magkasakit. Meron namang walang tali at pinapabayaan magdamag sa kalye hanggang sa hindi na sila pinapapasok sa bakuran dahil nagkasakit at nagkagalis. Kapag may nagpost ng asong may breed na nawawala ang kadalasang mensahe na makikita mo sa iba ay: "Akin na lang po siya, ako na mag-aadopt malapit lang po ako sa area niyo." Kapag aspin ang naligaw: "Sana may mag-ampon sa kanya, kawawa naman." See the difference? Minsan napaka-ipokrito natin ano? Hindi mo masasabing pet lover ba talaga o hanggang breed lover lang?

Pero dito sa post kong ito ay ibabandera ko at iwawagayway ng todo ang mga Aspin na nakilala ng buong Pilipinas dahil sa angkin nilang talino, tapang at loyalty.


Metallica - Hero of the Day


SAVER THE WONDER DOG.












Do you remember the early year of 2000s? Ang tawag ko sa kanya noon nung una ko siyang napanood ay "Great White Dog", at naaalala ko rin ang una kong alagang aso dito sa Cavite na si Doggie, puting-puti ang coat ni Saver at makikita mong sobrang alaga siya ng kanyang tagapag-alaga. Nakilala si Saver dahil sa kanyang mga unbelievable tricks at naging recipient din siya ng multiple awards. Aside from dancing he can do basic arithmetic and become a popular puppy face sa TV in various commercial and films. 

Sadly, Saver died in 2009 due to heart attack that broke thousands of Filipinos heart especially his master. Pero pagkatapos ng kanyang pagpanaw ay nangako ang kanyang tagapag-alaga na ipagpapatuloy niya ang pagte-train sa mga Aspins para makapagdevelop ulit ng panibagong katulad ni Saver.

Did you know that the Republic Act 8485 also known as Animal Cruelty Law in the Philippines is said to have drawn inspiration from "Saver the Wonder Dog".


Saver's tricks and acting job

ROY THE ASPIN


Foo Fighters - Hero

Roy is a mix breed of Asong Pinoy and Labrador who works for the Philippine Army. The dog became famous back in 2015 where he guide the rescuers for them to retrieve 4 cadavers in the landslide-stricken Manyakan, Benguet.

Nawalan na ng pag-asa ang mga relatives ng biktima but because of the help of our dog hero ay natagpuan niya ang katawan ng mga biktima sadly lang na wala na itong mga buhay. They said the dog went through tons of mud to find the missing bodies.

Sgt. Wilfredo Fiesta added that Roy is a special military working dog. Despite being a mix-breed, he is intelligent and can keep pace with pure breeds.

BLACKJACK



Have you ever heard of a dog that sends his master to school?

You heard it right. Eddie Aquino is the master of BlackJack, pinangalan sa kanya ay blackjack because of the dog's black coat. There tandem started when the Aquino family found a puppy underneath their tricycle in 2013. They took him and trained him to do tricks.

Now Blackjack and Eddie are performing at the sidewalks near the Manila City Hall. Both attracts the passers-by with dance numbers, card tricks and Blackjack's uncanny ability to solve basic math problems like Saver the Wonder Dog.

The boy Eddie said , "the earnings we get from our street performances are used to buy Jack's food, and for my allowance for school."

"Blackjack practically sends me to school", the boy added.


Meet Blackjack and Eddie

BUBOY


'Buboy and Sir Marcelo inside the classroom'

Buboy is said to be the Hachiko of the Philippines.

A stray dog named Buboy, captured the heart of the netizens as he continued to wait for the professor he came to perceive as his companion in Mabalacat City College, Pampanga.

But Buboy does not know that Professor Carmelito Marcelo, who took care of him for around 4 years, had passed away last May 18.

The dog followed the professor everywhere on campus, according to Marcelo's colleague Kristina Demafelix.

The loyal pup was brought to Sir Marcelo's wake, the first time he saw his human since he fell ill and was placed in the hospital's intensive care unit for two weeks. Kristina decided to bring Buboy to the professor's wake after she noticed that the pup had been waiting for the professor outside their faculty room.

The professor considered the pup as his child since has no family of his own.

But here is the bitter twist of the story. 

The stray dog who went viral on social media for faithfully waiting for his human had passed away has joined him in the after-life.

Buboy was run over by a vehicle after just two weeks of Sir Marcelo's wake. Animal Kingdom Foundation said Buboy was following a guard when he was run over by a vehicle while crossing the highway, according to a teacher at Mabalacat City College.


Buboy and Sir Marcelo's story / Our Pinoy Hachiko

HERO DOG KABANG



In Zamboanga, people witnessed a dog threw herself in front of a speeding motorcycle that was bearing down two little girls ages 11 and 3. The two girls and the motorcycle driver was unhurt. But the dog, the hero of the day, didn't get off so easily. Her snout was hit by the motorcycle became caught in the spokes. It was ripped off. I can only imagine the pain the dog was in. Her master Rudy Bunggal took her to the veterinarian, he was asked whether he wanted to euthanize her. He refused.

Hindi na daw mahalaga kung hindi na kagandahan ang itsura ng aso niya basta ang mahalaga ay nakapagsalba ito ng buhay ng dalawang batang babae ang sabi ni Mang Rudy.

After being treated for the wounds and antibiotics, Kabang has been getting along as well as she can. She got pregnant and had puppies. She became a local and international legend with people visiting her at her owner's vulcanizing shop at all hours. 

Fortunately, the story seems to be headed toward a happy ending. Veterinarians, pet lovers and humanitarian groups, including Animal Welfare Coalition. have been raising money to bring Kabang and her family to the US for the surgery treatment.

Doctors at the University of California operated on Kabang's wounds and treated her for a tumour and heartworm. 

The dog goes home on June 8, 2013 and was greeted by a crowd of well-wishers at Manila airport and later reunited with her owner, Rudy Bunggal, in Zamboanga.


Kabang the Hero Dog

FARAH, BILLY AND THUNDER

'The Porac Trio'

Known as the Porac Trio. Although they are not Aspins but they helped a lot in search and rescue operations after an earthquake with many survivors trapped in the rubble of the collapsed four-storey building after a 6.1 magnitude earthquake that hit Luzon last year on April 22.

Special mentions also on the K9 units involved in the operations: RINGO, CODY, CHIA, DUMBO, CHAPLIN, AND LUCY.


Skillet - Hero

Five people, three customers and two employees of Chuzon Supermarket died in the rubble, while nine people were rescued.

However, on November 13, 2019 the dog hero Farah passed away. Netizens expressed sadness at the passing of Farah, thanking the hero dog for her selfless service.

With a successful lives find under her belt, Farah demonstrated obedience and willingness to work under the intense stress and pressure of deployment. 




K9 Team Porac

SAICY



Reports said a dog named "Saicy" followed its owner who was rushed by a neighbor to the Davao Doctors Hospital due to cardiac arrest. Staffs of the hospital said the dog kept barking outside the ER as Elenito Badayon the dog's master was fighting for his life.

Sad to say the patient died. The dog's owner may have been dead, but the love of the dog remains.

In a report conducted by Sun Star Davao, the neighbor who rushed Bandayon to the hospital were allowed to enter the ER when the patient was pronounced dead.

They said Saicy touched his owner and howled like she was crying and it seems that she know that her master is lifeless.

During Bandayon's wake Saicy has been often seen on top of its owner's coffin.

Saicy has been tagged the "Hachiko of Davao". Hachiko is the heartwarming story of a male Akita Inu dog, known for his remarkable loyalty to his owner. His story dates back to the 1920's when he was taken under the care of his master. Professor Hidesaburo Ueno.

PALAKITIK



Palakitik is a dog from the Volcano Island in Taal, where he usually greets tourist and team members conducting life saving clinic on Taal helping hundreds of malnourished and exhausted horses on the island. Palakitik excitedly greeting them and followed them around everywhere.

When the PETA rescue team members finally managed to step onto Taal island yesterday, they called out to her, not knowing whether she was dead or alive. To their amazement and relief, she came running up through ash, overjoyed to see friendly faces!

They gave her food, water and lots of cuddles and took her safely off the island to receive veterinary care.

Sana after all these stories lets be proud if you're an Aspin owners. Para sa akin Aspins are the most loyal dog. Hindi lang sila matatalinong aso they also guard homes and families at sana we learn how to treat them well. Nurture them with all the love you can give ang kapalit nun ay yung loyalty nila kasama na rin ng buhay nila. Yan ang Aspin ko!! 


Palakitik rescued!

Mabuhay ang mga Aspins!