Pages

Miyerkules, Abril 9, 2014

A Trip to Downtown Quiapo (Ang kwento ng isang Lakwatsero)

Trip to Quiapo 
Gala! Lakwatsa! Stokwa!yan ang buhay ko noong dekada nobenta, oo masama daw ang palaging taong-gala yung tipong akala mo lagi kang kasali sa Amazing Race na kailangan mong magpunta sa mga lugar na malalayo, yung tipong wala nang uwian sa bahay at panay happy time na lang sa paglalakwatsa sa kalsada. Sa totoo lang hindi masama ang pagagala nakakadagdag impormasyon o kaalaman pa nga ito sa mga travelers dahil nakakapag explore sila sa isang lugar at marami silang nadidiskubra tungkol dito. Nagiging pinsala lang naman ang paglalakbay ng isang magagala unang-una lalo n akung estudyante ka pa, alam kong sanay ka sa cutting-classes o cutting trip nuong hayskul pero alam ko rin kaya kayo tumatakas dahil boring ang teacher na subject na yun magturo sa mga oras na yun. Pero cannot be borrow one from two mali pa rin. Pangalawa kung bakasyon mo naman sa eskuwela kailangan naman syempre tumulong ka sa kay Nanay na maglinis ng lababo, kwarto at palikuran nyo bago ka naman mag-ala Dora the Explorer sa pagliliwaliw. O kung gusto mo naman ng tour guide sa paggagala humanap ka lang ng taong grasa dahil alam nyan panigurado ang paikot-ikot sa Maynila pero para sure magdala ka na rin ng cellphone yung may GPRS para hindi ka maligaw, nakakahiya taga MAynila ka na maliligaw ka pa sa sarili mong lungsod.

Pero let's go downtown to the main course ika nga, Naranasan mo na bang mag travel mag-isa? Naka-ikot ka na ba sa mga lugar na di mo pa napupuntahan? Natakot ka bang hindi ka na makabalik at maligaw? Dyahe naman kung magiiwan ka ng tracks o marks para hindi ka maligaw noh ang alam ko kasi sa mga masukal na gubat lang yun ginagawa. Hindi naman jungle ang lungsod pero maraming tao na asal hayup. Mag-iingat ka nga lang lalo na sa mga buwitre at buwaya dito.

Bago pa man maitapon sa Kabite, nagtagal ako ng labing-siyam na taon sa Maynila, tatlong taon sa Paranaque at kasalukuyan nasa Cavite hindi ko na sasabihin kung ilang taon nako sa Kabite at baka mag-ala Mathematician ka at ikompyut mo pa ang edad ko. Sa lahat ng lugar na napuntahan pinaka the best ang pagtigil sa Maynila sa may bandang San Andres, Bukid kung di mo pa rin alam sa Malate at kung di mo pa rin alam ma-Google Map ka nalang nyeta! Probinsiyano ka kasi! Pero joke lang baka di ka na magtuloy magbasa ng blog ko eh. My lifetime of gala never ended in Manila especially teenage days kung saan mapusok, walang takot, complete energy from A to Zinc, walang pakealam sa oras at kapanahunan nila Maskman, Bioman at Ultraman actually sa knila ko nakakakuha ng lakas ng loob. Isa sa mga famous destinations ko ang mga mall ang Harrison Plaza sa Taft, Quad Mall sa Makati, SM City Manila, mawawala ba ang Luneta Park, Manila Zoo kung gusto kong  bumisita sa mga tropang Urangutan, Paraiso ng kabataan malapit din sa Manila Zoo na ngayon naging Paraiso na ng Rugby boys at kung ano-ano pang  masasamang elemento, sa Cultural Center kung saan masarap magpagulong gulong dun arkitekto ng buiding na parang slide sa kaliwa at kanan, makipag badminton sa taong-grasa kapag walang makalaban actually PE days nung hayskul kapag di ko trip mag PE gagala lang ako sa likod ng cultural center at maghahanap ng kalaro hanggang sa matyempuhan ang isang taong-grasa na full battle gear makipag tennis. Pero higit sa lahat na napuntahan at napadpad ako ang pinaka gusto ko at binalik balikan ay ang Downtown Quiapo!

Pure heart Manileno na may pusong Mexican dahil sinapian ko ng espiritu ni Dora the Explorer sa paglalakwatsa. Quiapo is usually portrayed and identified as one of the notorious districts of Manila. Sa lahat naman ng lugar lahat mayroong dark elements, dark past. Naging pugad ng mga snatchers, naging playground ng mga Magdalena at minsan na ring naging tading places ng mga droga, adik at mga halang ang bituka. Pero lahat ng yan binalewala ko, musmos na teens pa lang naman ako nun eh kaya hindi nila ako aanuhin at halata naman sa muka ko na walang yaman sa aking ngiti at alam nilang mahirap lang akong kabataan na mahilig lang mag-istokwa. Proud pa nga yang mga yan eh kasi nka uniporme ka ng eskuwela at alam nilang di ka pumasok at nagcucutting lang. Gusto nilang bad ka diba. Gusto nila rock on and join the forces  of evil empire. Pero di ako ganun boring lang talaga si Mam at Sir.

Pero despite of the obscene scene in Quiapo you have to open your eyes and see the beauty wag lang lahat masama. Kung merong lugar na kumpletos rekados na matatawag wala ng iba kung di QUIAPO! Just feel the vibes and blend in. Quiapo is beautiful. Marahil sa Quaipo makikita yung iba't-ibang paniniwala at relihiyon kung saan ang Kristiyano at Muslim ay magkasama sa isang lugar. Pero ang pinaka puso ng lungsod ay ang Minor Basilica of Nazarene or simply the Quiapo Church isa sa pinakamatandang simbahan at pinaka popular sa Pilipinas at dahil na rin sa imahe at nagmimirakulong Poong Mahal na Itim na Nazareno. Kada ika-siyam ng Enero ang kapistahan, kung saan  lahat ng deboto ay magsasama-sama bilang taunang prusisyon. Lalake, babae, bata matanda amy ipin o wala may social status, at may propesyon, artista o mambabatas ay sumasali sa prusisyon umaasang makahawak sa Poon sa animoy karagatan ng tao, kailangan makalapit ka at maipahid mo ang dalang bimpo sa katawan ng Poon. For whatever prayer, purpose, belief or wish ang lahat ng deboto ay winawagayway ang kanilang panyo habang kumakanta ng "Nuestro Padre Jesus Nazareno" paulit-ulit. Dahil kapag nakapahid ka daw sa katawan o paa ng Poon maari kang mag-wish pero sasamahan mo siyempre ng dasal para dinggin ka ng Poon at iyon ay matutupad.

Pagdating naman sa foodtrip, marami talagang mabibili sa Quiapo. Pero hinding-hindi ko makakalimutan noong bata ako, tuwing pagkagaling namin ng simba ni Ermats across the street andun ang Jollibee, masasabi kong espesyal ang Jollibee na yun dahil sa pagkatagal na ng panahon andun pa rin sila walang nagbago at tuloy ang service. Sa tuwing makikita ko ang Jollibee na yun naaalala ko ang kabataan at kamusmusan. Kumpleto rin ang streetfoods the haven of a poormans meal pero walang kong pakealam dahil masarap nariyan ang fishballs, squidballs, hotdogs, iskrambol, samalameg, palameg, betamax, tenga ng baboy, paa ng manok o adidas, instant fried chicken deep fried on the street, sago-gulaman on the side, balot-penoy, chicharon, puto, kutsinta, maja blanca, pitchi-pitchi,siopao, donut, siomai at ang special kalamay sa streets ng Carriedo. Ilista mo na rin yung mga Chinese food haus na nagbebenta naman ng mga Mami. Anjan rin syempre ang mga tropang silog, tapsi, longsi, hotsi, tosi, malingsi, porksi at marami pang kung-anu-ano na hindi mo pa natitikman. Kumpleto rin dahil lahat meron hardware, drugstore, convenient store, palengke, ukay-ukay, bilihan ng CD/DVD players at bala, barberya, school supplies, auto supplies,books, pocketbooks, bags, shoes, gift items, fruits, plants and other novelty items lahat meron in very affordable prices!

Try walking around tutal gala ka na rin lang eh and know the streets and what they offer as a service, Lakad ka ng Evangelista and Paterno streets kung gusto mo ng optical stores; photo and camera shops sa bandang Padre Gomez at Hidalgo; native handicrafts under the Quezon Bridge, wet market ng Quinta; Electronic gadgets and computer shops in Gonzalo Puyat ito yung RAON na tinatawag; Sports and music equipments in Sales street; mga anting-anting, stones, charms, feng shui artifacts,herbal medicines, pamparegla around the Church at ang mga pirated DVD,CD's and VCD's sa Elizondo!

Yan ang Quiapo, notorious, filthy and chaotic pero sabi ko nga open your eyes, try to see beyond what you can see, feel the vibes and blend in, you will see the beauty of it and you will never look at the place the same way again. Despite of the negative images and chaotic senes everyday STILL there are treasures we often overlooked and neglected.

Puwede ka sumang-ayon o hindi pero sa isang banda bilang lakwatsero ng kabataan ko marami akong natutunan  sa lugar na ito at lubos rin ang pasasalamat ko sa Poong Nazareno dahil pinanata ako ni Ermats sa kanya dahil nung kabataan lagi ako nagkakasakit at kadalasang bisita ng ospital, minsan na nga raw akong nilagyan ng tubo sa ulo hahaha kaya siguro lumaki akong siraulo. Pero ayos lang kontolado naman lahat ng bagay at lumaki naman tayo ng matino. Pinakahuling salita ang Quiapo ay mistikal, exotic at beautiful, it will be part of Filipino's life, as it is a part of mine. 

Lubos na gumagalang,
Jack the Istokwa

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento