Pages

Huwebes, Marso 20, 2014

90's kids never fails

Kabataang 90's
Kabataan noong Dekada Nobenta

Magandang umaga sa lahat alas diyes trentay sais ng umaga huling araw bago magtapos ang Agosto napag-isa sa mumunting kwarto at sumagi sa isipan ang kapanahunan noong dekada nobenta. Ano nga ba meron sa Dekada nobenta at ito'y aking laging bukambibig? Marahil ito ang taon na kung saan mararamdaman mo ang kaginhawaan ng buhay lalo na sa mga kabataang Pilipino na kung saan malaya ang pagiging , yung unlimited pawis na walang pakialam kahit madumihan o maputikan ka sa paglalaro. Kaysarap ng buhay noon ng kabataan kesa sa ngayon na ang iba ay nilamon na ng sistema ng teknolohiya, nagpapawis na lang sila ngayon sa pag-iisip sa tinatawag nilang "strategical games" kung pano nila mapapabagsak ang kalaban. Marahas, mabangis, sadyang may kaisipan ng pagsakop at kaguluhan yan ang binibigay ng modernong panahon. Ano kaya kung may time machine at ibalik natin sila sa panahon ng mga Hapon para real time ang pakikipag istratehiya. "bata"            Pinagmamalaki ko na ako'y nabuhay noong 90's kung saan ang lahat ng bagay ay simple lang sariwang hangin, mura at masusustansiyang pagkaen at simpleng slapsticks lang mg komedyante sa TV mapapatawa ka na hanggang sa panaginip.            Simulan nating sa unang hakbang sa ESKWELAHAN, bihira sa mga kiddies noon ang walang sugat sa tuhod dahil sa habulan dito habulan doon kapag nasa elementarya ka pa ang tawag dito ay "mataya-taya" kung saan pwedeng maglaro ang buong klase. Kung ikaw ang taya kailangan mong habulin at tapikin ang sino mang ibang kasali para siya naman ang maging taya. Kasi parang feeling mo you've been cursed habang buhay kung ikaw ang taya lalo na kung yung mga kasama mo eh kasing bibilis ni Road runner kung tumakbo kapag napagod ka na at ikaw pa rin ang taya hahaluan pa yan pang-aasar ilalabas pa ang mga dila at aasarin ka pa ng mga mukha nila.            Pagdating mo naman ng High Schoo,l dito medyo hardcore ang habulan. Hindi habulang gahasa dahil wala naman kasaling kababaihan dito. Natatandaan ko ang pangalan ng laro ay "Block 1-2-3" o pwede ring tawaging "Touchdown" hardcore dahil pwede kang matanggalan ng swelas ng leather shoes o kung hindi man mas mapupudpod pa ang suot mong Bandolino shoes kesa sa Rambo na tsinelas na ginagamit mo sa bahay, hardcore dahil maaaring mapunit ang uniform mo dahil nga may kasamang grab ang paghuli sa matataya. Ang larong ito ay nahahati sa dalawang grupo sa magkalayong "base station" na tinatawag. May tatakbo, may manghuhuli at may magpapalaya ng mga kasamang nahuli sa base ng kalaban kung baga kapag nahuli na ang lahat duon palang may mananalo pwede mong palayain yung mga kasama mo sa pagtapik sa kanila sa pinahabang pila na magkakahawak ang kamay na gwardiyado ng kalaban at duon lalabas ang diskarte kung paano ka makakapunta sa base ng kalaban na hindi ka maga-grab para mapalaya mo ang mga kasama mo sa simpleng pagtapik sa knila. Isa din pala sa requierement nito ay dapat hindi ka hikain. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento