Pages

Miyerkules, Mayo 28, 2014

Sino si Eros?


Kung merong mas titinik sa pagsusulat bukod kay Bob Ong ay narito isisilang ang bagong idolo sa pagkumpas ng lapis sa papel, mga produktibong dala ng malilikot na imahinasyon na may laman at kapupulutan ng maraming aral. 

Tsamba at nakatapos si Eros S. Atalia ng Master of Arts in Language and Literature Filipino sa DLSU noong 2008, at BSE-Fit sa PNU noong 1996 dahil na rin sa awa ng mga teachers niya. Nakatsamba ang mga tula, sanaysay at kwento niyang nanalo dahil na rin siguro masama ang pakiramdam ng mga judges nang basahin ang mga ito. Tsamba at nailathala ang Taguan Pung (kalipunan ng mga akdang di pambata) at Manwal ng mga Napapagal (kopiteybol dedbol buk) (UST 2005), Peksman (mamatay ka man) Nagsisinungaling Ako at Ligo na U, Lapit Na Me.

Tsamba rin at pinagturo pa rin siya sa UST kasi naghahanap pa ng ipapalit sa kanya. Tsamba rin kung bakit naging kolumnista siya sa Remate, Wow Balita at Diyaryo Pinoy, may sakit kasi ang pinalitan niya at hindi pa gumagaling hanggang sa kasalukuyan. Tsamba rin kung bakit hindi pa siya natsatsambahan ng mga alien para dukutin at gawing sex slave. Yan ang idolo ko malupit makatsamba. Yan si Eros S. Atalia...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento