Pages

Lunes, Oktubre 13, 2014

A Long and Lifetime Diary with HT Family: "Exit with flying colors" (Last part)

'We are  HOTEL TONIGHT! Signing off with flying colors'
InTUROduksiyon! 

Itutuloy ko pa ba ito? Eh parang wala na rin naman eh. Ikaw na nagbabasa ramdam  mo pa ba ang apoy mula sa puso mo? Ang pagmamahal mo sa unang campaign mo na unti-unting pinipira-piraso na ng araw bago ang kanyang paglisan. Ramdam mo pa ba? Ang mga kaibigan mo, namimis  mo ba sila? Yung mga naiwan mong kaibigan na nasa bingit pa rin ng alanganin dahil andito pa rin sila sa patapos na campaign at wala pang nalilipatan, nagbigay ka ba ng kaunting concern sa kanila? Binigyan mo ba  sila ng lakas ng loob? Ikaw na nagbabasa, na inuna ang sarili sa pagsalba sa lumulubog na animo'y barkong ito. Masaya ka ba ngayon sa bago mong tahanan? Naaalala mo pa ba ang masasayang araw na hatid ng iyong mga kaibigang naiwan dito. Minsan ka na ba uling bumisita  sa dati mong tahanan?

Hindi lang naman sa pag-inom ng San Miguel Beer mo mapapatunayan ang salitang "iba ang may pinagsamahan" di ba? Kung tunay ka at totoo, nariyan ka at hindi mo sila basta basta makakalimutan. Hindi lang sa alak ang basehan kaibigan. Kung madali ka makalimot sa mga una mong nakasama, maituturing lang kitang walang kwenta. Siguro ang pakikisama mo sa kanila ng isang buong taon ay nauwi lang lahat sa pagiging plastik-labo. Oo! Ang labo mo. Mas malabo ka pa sa taong may katarata. At huwag na huwag mo kaming aangasan dahil nakatawid ka sa kabila, ni hindi nga namen alam kung gumamit ka ng "tulay". Oh kung nahulog ka sa tubig baka may nagbato sayo ng SALBAbida. Kaya friend easy ka lang at sana lahat tayo ay pinaghihirapan ang makatawid. Malamang ang favorite themesong ng mga ganyan eh "Bridge over troubled water." Walang duda.

Pero kahit ganun sila, marami pa ring pag-ibig sa campaign na ito at mga masasayang alaala:

HOTEL TONIGHT: THE FIRST CAMPAIGN ALLOWED TO USED THE NEW BUILDING

Last day nuon sa aquarium di ko lang matandaan kung buwan ng Nobyembre o Disyembre. Lilisanin na namin ang old building, dahil masyado na kameng marami. Overpopulated na ng aming campaign ang old building. Kaya nung kinaumagahan ng araw na iyon nagsabi na si Mam na lilipat na kame sa bagong building. Shet! for the first time matatakasan na namin ang Aquarium, hindi na mangangalay ang  aming mga  tuhod at paa sa sikip ng aming station duon. Malaya na kaming makakapag stretching at bending dahil maluwang na ang bawat likuran. Isang privilege na mapili ang campaign dahil nga naman sa  dinadami dami ng campaign sa kumpanya, kami ang napili na  lumipat at una, inuulet  ko UNANG gumamit ng new building. Put that in the history, markado na yan! 
Noon ding umagang iyon inanyayahan kameng sumulyap sa aming magiging bagong istasyon. Wow lobby pa lang pwede nang tambayan, duon kasi sa dating building wala gaanong matambayan. Yung iba OK na dun umupo malapit sa malaking generator at magyosi o magkwentuhan o di kaya sa Shell Select tumambay across the street. Lobby pa lang kita mo na, na meron nang air-condition at meron nang mahaba at malambot na sofa. Ok sa alright, diretso na kame sa 2nd floor. Pagbukas ng pinto, bumungad sa amin ang pagkalawak na stations, maraming computer at shet ang lalaking monitor, sandamukal na office chairs at maaliwalas na surroundings. Nandun din ang pagkaraming aircon,   tig-iisa yan bawat rows! Sabi ko sa sarili, paniguradong magiging Winter Wonderland sa gabi dahil kakaunti pa lang kameng gagamit at malamang buksan lahat ang aircon para itesting ang lamig ng buong paligid. Bago kame umuwi ng umagang yun, ay binigyan na kame ng hudyat na maglagay kame ng pangalan kung saan namen gustong pumuwesto. Isang punit ng scratch paper, lagay pangalan at smileys. Idikit sa napusuang station. Ayos. Uwian na! 

Siyempre kame rin ang unang naka rehistro ng mga pinakaka-unang selfie, groupie, foodie sa  bagong building na ito. Lahat ng "una". Lahat!! Unang paggamit ng mga flush ng CR, pag-upo sa mga bagong nakaplastik na office chairs, unang gumamit ng mga  bagong kompyuter, unang tumipa sa mga bagong keyboards, unang nagpipilitik ng mouse, unang gininaw sa lakas ng aircon, unang nakaakyat sa roof top para mag selfie o groupie sa papasikat na araw, unang dumungaw mula sa itaas ng rooftop-pababa, unang kumaen sa mga lamesa sa ngayong pantry, unang nakahakbang sa mga hagdan, unang humawak ng mga doorknobs, unang gumamit ng mga tissue supplies at kame rin yung unang  sinabihan na huwag magkalat at kame yung unang grupong nag-in sa biometrics sa dalawang bayan ng Kabite. Paano? Mag-iin kame sa Bacoor, pero papasok kame sa Imus. Ang kulet ano po? Kaunting lakad lang kasi sa amin ang boundary ng Imus at Bacoor. Lahat yan una. Lahat yan masaya. Pero ewan ko lang kung merong unang umebak?

PS: Pero alam nyo ba na halos lahat ng floor sa building naging station ng HT mula 2nd flr, naging 3rd, umabot din sa 4th sabay biglang hulog pababa sa ground floor tapos yun sa labas na tayo ng building. Hehehehe! 

THE MIDNIGHT "wedding" PROPOSAL <3
Nabanggit ko kanina ang pag-ibig hindi ba. Bakit nga ba tatawagin silang "Jamich" kung hindi tunay ang kanilang pagmamahalan? One and only na istoryang pang Love Notes ni Joe D' Mango ang natunghayan ng lahat ng gabing iyon. Walang kasing-tamis, walang kapares. Another 1st in the history of our diary na nagkaroon ng nakakakilig na proposal. "Pag-ibig nga naman hahamakin ang lahat, masunod ka lamang." Ito ang kuwento ng pag-iibigan ng dalawang magkasintahan na sina Cathleen De Ere at Billy Earl Barzaga. Habang sinusulat ko ang parteng ito ay uminom muna ko ng isang tasang kape. Medyo inaantok na kasi ako. Hindi joke lang senyora. Actually, wala ako sa mga araw na yan. Rest day ko kasi. Nakita ko na lang na merong video ang naganap na proposal, san pa siyempre sa Facebook diba. Pambihira, minsan lang ako makakakita ng isang tagpong  buong lakas loob na luluhod ang isang lalake upang hingin ang kamay ng isang babae upang mag-isang dibdib wala pa ko. Shet! I miss the opportunity para ma-inloved. Eh sa TV ko lang nakikita yun atsaka sa YouTube eh. Wala pa ko ng live! ayaw ata talaga ng pag-ibig sa akin. Meron akong nakitang proposal sa Youtube  kaso binugbog ng babae yung lalake after magpropose ni lalake. Pero eto iba!

Ewan ko, pakiramdam ko bumata ako ng sampung taon nung nakita ko ang video at pictures ng tunay na pag-ibig. Mula sa kawalan nakita ko ang isang lalake na may hawak na isang kumpol na mga rosas, habang walang kaalam-alam si babae na magpopropose ng pag-iisang dibdib ang isang magiting na loverboy. Meron din atang tsokolate? Di  ko alam wala ako sa scene pero syempre ang kapartner naman ng bulaklak eh tsokolate, alangan naman siomai? Meron din atang nakuntsabang DJ at nagpatugtog ng mga romantikong awitin. Pinas-forward ang Nobyembre at naging Pebrero ang surroundings. Nagkulay pula ang buong paligid, kulang nalang umulan ng mga petals mula sa ceiling. Tigil muna ang lahat sa gawain. Biglang tumahimik ang  buong paligid. Tila tik-tak lang ng oras ang kanilang narinig. Hanggang sa......tila slow-motion ang pagkilos may inabot na cake si lalake na may nakasulat sa ibabaw  ng cake na "Will you marry me!" (with exclamation point) parang ibig sabihin now na! Agad-agad? Dapat daw "Will you marry me?" (question mark) Pero katanungan man o hindi alam na  rin naman natin ang kasagutan sa tunay na pagiibigan nila ay  isang matamis na "oo" mula kay babae. Mula sa parteng iyon, marami ang naluha, marami ang nainlab. Nabalot ng pag-ibig ang hangin, humalimuyak magdamag ang mga rosas. Hindi rin talaga papahuli ang HT pagdating sa mga istoryang hitik ng pagmamahalan.  Narito ang ilang mga larawan na nagpatunay sa kanilang pagmamahalan.
Mga bakas ng Midnight Proposal (Cath &  Billy)


Hawak ang cake kung saan nakasulat ang "Will you marry me!" (na exclamation point)

'Matamis na Oo at Midnight kiss.'
 
CHRISTMAS PARTY sa TRADERS  HOTEL 
Hindi ko alam kung Christmas Party ang pupuntahan ko o Field trip. Ngayon na lang kasi ako ulet makakasakay sa  bus na ang mga kasama mo ay iyong mga kaibigan mo sa trabaho. Pabonggahan ang mga kasuotan kasi merong tema. Ang naaalala ko ay pang 70's or 80's ang tema ng party sa gabing iyon. Kaso hindi na ko nakapag prepare, living proof na siguro yung itsura ko na pang 80's ang karakas kaya simpleng semi-formal na lang ang ginawa ko gayundin naman ang mga tropa. Alas-singko simulang ihatid kame ng bus papuntang Traders Hotel. Sa bus naman, talagang may pagka-aura ng Field trip. Nagbukas sila ng chichirya, habang bumibiyahe ngata, ngasab, lunok, ngata, ngasab, lunok habang nakatingin sa bintana ng bus at nagsa-sight-seeing. Sabi ko kulang na lang talagang may tour guide at souvenirs at fieldtrip na fieldtrip na ang surroundings. Eto na, malapit na kameng bumaba ng hotel. Gusto ko sanang manguna sa pintuan ng bus at sambitin ang "kids please fall in line, walang magtatakbuhan." Nakasanayan ko na kasi gawin ang ganyang bagay nuong  ako ay nagtuturo pa. Ewan ko lang kung ano magiging reaction nila. 

Anyway, nakababa na ang lahat at diretso kame sa magarbong lobby ng hotel. Swabe ang ambience, mabango at malinis at meron pang red carpet paakyat ng hagdan. Wala kang makikitang alikabok lahat ng bagay sa paligid kumikinang, pati yung mga braces ng mga taong mayayaman na nakakasalubong namin sa daan. Kailangan finesse kumilos, nakakahiya ang mag-asal kanto ang galaw at pananalita. Hindi required mag-Ingles pero kelangan ng kaunting pasosyal. Pagdating ng tuktok ng spiral na hagdan kailangang magparehistro ng pangalan. Mula sa isang mahabang lamesa may mga nakaupong magagandang dilag at nakacostume, may mga blonde at meron namang brunette, magagara ang damit at mga naka make-up. Sa aming paglapit, ay sila pala yung mga HR namen. Binigyan kame ng food stub para sa tsitsibugin ng gabing iyon. Actually, hindi talaga ako kumaen ng tanghalian nun, para talaganng gutom dahil sigurado namang mabubusog kame sa mga pagkain na handa ng kumpanya. 

Bandang ala-sais pa magsisimula ang programa, kaya ang naging siste, tambay muna. Mayroong tambayan na parang Aquarium. Shet aquarium ulet. Pero ang aquarium na yun ay para sa mga gustong mag sigarilyo. Meron din namang malaking salamin, para mag-ayos ng sarili. Puff in, puff out. Yosi duon, yosi dito. Ganun ang nangyari sa isang oras na paghihintay. Buti nga wala pa ang tropang Vapers nuong panahon na yun, at nasa isip  ko at na-imagine ko kung sabay-sabay nila gagamitin ang smoking devices sa kwartong iyon ay baka hindi na kame makita at panay usok na lang. Pero meron kameng isang tinambayan, ang CR ng hotel. Ayos din naman kase, puwede kang matulog. Malinis, at wala kang maaamoy na mapanghi dahil auto flush ang lahat ng puwede ihian. Duon kame nagpalipas ng oras para mag-ayos ng sarili,  magpabango at magsuklay ng buhok. Actually meron pa ngang tumae eh, pero hindi ko na sasabihin kung sino. Dahil talagang nabighani daw siya sa ganda ng cubicle. Nung umebak siya, eh ayawan na. Naglabasan na kame  lahat sa CR dahil kinaen ng masamang amoy ang mahalimuyak na aroma ng paligid. 

Pagkatapos ng malagim na amoy, nagsimula nang bumukas ang isang malaking pinto. Ito yung malaking room na pagaganapan ng party. Medyo dim light. Teka ano to sinehan? Hindi ganun lang talaga, sa isang okasyon kailangan lang talagang dim light, dapat kakaunti lang ang ilaw at ang entablado lang talaga dapat ang pinupurga ng mga nagkikislapang mga bright lights. Puno ng round table, humanap na kame ng puwesto. Puwesto na gusto namen na malapit sa stage para kita ang mga magpeperform baka kasi may mga sikat na guest na artista at madaling makakapag-papirma at makapag-papicture. At para na rin siyempre makasalamuha ang mga big big bosses na galing sa Amerika at CEO. Espesyal kasi ito para sa akin, first time ko makapag Christmas Party sa isang malaking umuusbong na kumpanya. Eh duon kasi sa amin sa school, tama na yung kame kameng mga teachers lang ang mag-party at magpa raffle lang ng appliances ang Presidente ng school. Lintek lang talaga dahil sa apat na sunod na taon na Christmas Party ko eh panay two-burner gas stove ang nabubunot ko. Hassle pa sa pag-uwi kasi ang laki ng bitbitin. Pero siyempre blessing pa rin yun kaya salamat pa rin Lord! 

At nagsimula ng magsalita si big boss CEO tungkol sa mga progress na naidulot ng kumpanya, kumbaga parang isang report, parang State of the Nation at kung hanggang saan na ang inabot ng progreso natin. Kung saan patuloy na tayong nakikilala sa buong lalawigan ng Cavite at mula sa limang empleyado ngayon ay nasa 500 na at patuloy pang lumalaki ang pamilya. Isang masigabong palakpakan at tili mula sa mga babae at naglilihim na mga lalake. Kasi naman, pagka gwapo naman talaga ng aming big big boss CEO. We were all welcomed by him at isa-isang tinawag ang mga campaign. Natural-mente na  rin na kapag tinawag ang campaign niyo ay kailangan niyong humiyaw. Siyempre sino ba naman ang may pinakamalakas na hiyawan, automatic na yan Hotel Tonight. Wala pa nga yung mga kapatid namin sa UK Team nuon dahil nasa shift pa sila. At pagkatapos nun, hudyat na ng simula ng programa.

Nagkaroon ng mga palaro, sayawan, kantahan at higit sa lahat inuman. The best ang food trip na inihandog ng kumpanya. Solve na solve sa busog, swabe sa masasarap na panlasa. Para sa akin yun ang pinaka highlight ng gabi.H indi ko makayanan ang pagtayo, dahil sa kabusugan ng tiyan. Bondat na bondat at walang diet-diet. Kalokohan lang yun. Ang sarap-sarap kumaen eh. Ang malungkot lang, may shift kame sa gabing iyon kailangan bago mag alas-diyes nasa mga station na namin kame at magtrabaho. Suwerte lang talaga ng mga may rest day dahil puwede sila magpatuloy sa party at puwedeng magpaka bangenge sa magdamag sa pag-inom ng alak. Pagdating namen sa building meron din pa lang pa-catering sa mga may shift at mga di nakapunta. Konting liyad-liyad, stretching at bending, trabaho na ulet. Noong nagutom ulet, siyempre may catering pa sa baba at pwede kumaen. At ganun na nga ang nangyari walang katapusang eat-all-you-can! Ganyan dito sa amin lalo na kapag Kapaskuhan. So, sa susunod na Christmas party uli? --Sana!

'Araw ng KKK - Kapaskuhan, Kasiyahan at Kabusugan'

'HT peeps with the Big Boss!'


HT DARK DAYS

Lumaon pa nga ang mga araw, mas lalo pang naging masaya ang tahanan ng HT dahil nadagdagan pa kame ng nadagdagan. Mas lumobo ang dami dahil yung isang campaign na Krossover ay nadagdag din sa amin. Yung "kross" naging "game" over sapagkat yung account nila na-dissolve. At ang malaking family ng HT ang sumalo sa kanila. Kumbaga sa terminolohiya  ng basketball na "rebound" namin sila sa ere, ere na parang limbo na umiwas sa kanila para hindi maging "limbo" sa kawalan o floating. Ni-rebound at ini-assist at swak sa HT. Yun nga lang medyo hassle kasi puro sila lalake. Yung mga dati na kasi dito na kalalakihan ay inaasam-asam talagang may maligaw na mga anghel na kababaihan para naman daw mayroong mga inspirasyon habang  nagtratrabaho. Pero hindi yun naganap dahil ang dating Hotel Tonight naging Hotdog Tonight, malala na yung term nila na "sausage party."

Pero dahil dun, mas sumaya yung weekly Basketball work-out ng HT. Mas maraming team kaming nabubuo tuwing maglalaro sa Justinville. Pero hindi dahil "dark days" ang nakasulat diyan sa  taas eh baka sabihin niyong isiningit ko ang pangalan ni Xavier Benavidez a.k.a "Moski" or "Rajon Rondo". Wala naman talagang kinalaman si Moski sa "dark days" gusto ko lang talaga siya i-profile ng kaunti. Sa di nakakaalam at walang pakialam pero pinapaalam ko lang naman, para alam nyo rin naging student ko si Moski sa kanyang college days. Simula pa lang talaga, medyo may pagka kenkoy na siya. Pero ayos lang naman dahil nakikinig naman at nakakasagot naman sa mga exams lalo na kapag mag CCR ako. Masayahing bata, actually masaya siya anytime, anywhere and everywhere. 

The start of 2014 is really a big bang for the campaign, everything was good, everything was done pretty well and we also received a good feedback from our client. Tapos nun nadagdagan pa ng nadagdagan ang team. HT people are fun to work with, halos lahat naka Enervon, kumbaga "everyday happy". Eto na lang talagang, Shityembre nagkanda leche-leche.

And the dark days begins, ito na yung mga time na nagkaron ng mga emergency meetings na talaga nga naman ramdam ang kabog ng dibdib. Ito na yung umpisa ng unti-unting katapusan. Unang week ng September, unang meeting. We went down on the lobby and listen to our OM for the announcement. Everybody was shaking, it maybe a heart-pounding announcement. After the words he said, our hearts drown into sadness, confusion and worries kasi ayun na nga, people who are last to be hired sa campaign sila yung first na matatanggal. Then it happen. Our greatest  fear happen. Many of then who was last hired, ay hindi na pinapasok. They will take there exams and transferred to other campaigns. Some of our dear friends are there sa mga natanggal. Sa unang pagkakataon nabawasan na ang pamilya. Bawat  araw, wala na, pabawas na ng pabawas, pakonti ng pakonti ang dating masayang campaign. 


END OF  DAYS  :'<

As we watched our numbers pulled down, the second meeting was the ENDER. This is the final nail in the coffin for HT. This was the hardest to take. Ito yung feeling na para kayong mga cancer patient na meron nang mga taning ang buhay. It is final, our campaign will only last until the 17th of October, 4 days away from now habang sinusulat ko ito. Pagkatapos ng araw ng announcement, talaga nga naman nakapanlulumo ang hirap isipin na ganun pala yun may mga bagay talagang hindi pangmatagalan. Kahit pang anong tatag, meron talagang pang wakasan. So sabi talaga ng  science walang FOREVER. Ayoko naman talaga ng drama, sa part 1 pa lang sinabi  ko na yan, pero taenangyan! yung samahan dahil lang kailangan i-otomatik na ang mga  bagay bagay na ginagawa namin, ganun na lang kadaling natibag at nawasak. Wala akong galet sa mga kompyuter, robot at teknikal na mga program sa kompyuter. Pero may mga pagkakataon lang na di mo matanggap na pinalitan ka ng isang otomatik na mga machine bilang tagagawa na ng trabaho mo. Pero ganun talaga sabi nga sa isang pelikula "Rise of the Machines." Kung puwede lang tawagan si Arnold Schwarzenegger para ide-otomatik niya ang mga otomatik gagawin ko. Alam ko rin naman na trabaho ito at mas matimbang yun kesa sa pagkakaibigan. Trabaho nga naman at hindi eskuwelahan na ishushuffle yung classroom at  iba-iba na ulet ang makakasama mo. Ganun talaga and we understand it all. We will just hang on to the memories of our beloved campaign. 

"HT will always be HT." Keep that in your heart HT people. 

Kung nasaan man tayo ngayon, nasaan man yung iba, hopefully nothing will change. And we will always be family together. Those days will never be the same. Just treasure all the lovely things and put away all  the bad. Always remember HT, for some of us, this is the first campaign that gave you LIFE.
PS: AT SANA YUNG IBA WALANG MAG-AANGAS KUNG LUMAKI MAN ANG SWELDO.
MANLIBRE KAYO!

Thank you Mam Joy! Maraming salamat po!

Thank you sa mga Assistant Team Leaders:
Pher,Leds, Abie, Julie, CJ, Cla, Laiza and Rex 

Salamat sa mga HT teammates from UK and US! 
(Pasensiya na po sa wala di ko po lahat kilala)

Happy Rate shopping! Hanggang sa muli!
HT signing off......See you around.








1 komento:

  1. " AT SANA YUNG IBA WALANG MAG-AANGAS KUNG LUMAKI MAN ANG SWELDO.
    MANLIBRE KAYO! "

    - Ikaw na nagsabi nyan Kuya Jack! LIBRE! LIBRE! LIBRE! =)

    TumugonBurahin