Pages

Sabado, Nobyembre 29, 2014

Peace Sign

'Peace tayo ah, o Japan-Japan muna.'
Halos kaytagal ko ring pinag-isipan kung peace sign nga ba ang ibig sabihin ng two-fingers na ito. Kasi ang unang pumapasok sa isip ko sa simbolong ito ay "Marcos, marcos pa rin!". Pero hindi rin e, marahil hindi pa kilala ng mga pasit na ito si Marcos. Baka si Governor Vi pwede pa. Subalit puwede rin victory sign 'to di ba? Pero victory sign o ano man talaga, o siya, tatanggapin ko na lang na ito bilang peace sign. Makabuluhang isipin na maging ang mga batang ito ay umaasa ng kapayapaan. Lahat tayo umaasa niyan lalo na ngayong magpapasko, Anong wish mo sa susunod na taon? "World peace po". Common na sagot kapag tinanong ka ng ganun, tila parang "diet" lang din. Pangako ko magda-diet na ko sa susunod na taon. Diba? ang kapayapaan ay parang pagda-diet lang din ng mga tao na hindi natutupad. Tama? Nung kabataan ko hindi ko talaga nakahiligan ang ganitong pagpapacute. Kasi ngayon yung peace sign na yan kapag may kumuha sa iyo ng litrato puwede ka mag peace sign pero hindi talaga yun ang kahulugan ang tawag naman nila dun ay "Japan,Japan" ewan ko tangina sa pagbanat at pag extend mo ng dalawang daliri mo na hintuturo at hinlalato ang dami na palang meaning. Kapag yung hinlalato lang ang natira ay puta ibig sabihin nun naghahamon ka ng isang away! FU ka rin! .l.

Hanggang ngayon hilig ko pa rin ang mang-demonyo. Pero siyempre hindi naman ganun ka-garapal. Subtle lang. Ang kademonyohan lang na ginagawa sa kama, isipan at nararapat lang na huwag ito pakinggan. 

Kung peace sign lang rin ang pag-uusapan, aba'y siguro ang mga batang ito ang higit na mangangailangan..

Ang mga batang palaging binubully sa eskuwelahan. Noon nabubully rin ako sa school, pero sa kalaunan natuto rin akong umalma. Kaya kapag may nakita aong kinakawawa, sinusulsulan ko agad yan na rumesbak, kung hindi man sa pisikal na paraan. Daanin na lang sa denggoyan.

Pero ang isang ito ngayon pa lang kinaiingitan ko na....

....mukhang magiging masaya ang kinabukasan e. Bata pa lang maharot na. Marami itong mabibigyan ng kapayapaan at kaginhawaan he he.

Ikaw, saan ka dito? kung wala ka sa piktyur, malamang ikaw ang may hawak ng kamera. Hep!  di kaya ikaw yung naka peace sign sa likod ng ulo sa harapan mo. \ /


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento