Pages

Huwebes, Abril 23, 2015

Your Childhood Memories: BATIBOT

'Maraming Salamat sa Batibot'
Nanuot na naman sa akin ang katamaran at medyo may katagalan na ang aking huling post. Nawala sa  hulog at hindi nakapag isip sa  loob ng dalawampung araw. Ano na nga bang ginawa ng inyong lingkod sa mga araw na ito. Sinapian ako  ni Juan at kinontrol niya ang aking pagiisip at katawan kaya heto lumobo na naman at nadagdagan ang timbang. Ang pagkatamad ay siguradong may kaakibat na dagdag bilbil sa katawan. O sadyang apektado lang din ako ng panahon kaya't hindi ako makapagsulat, hindi ko rin naman namamalayan na lagi na lamang akong nakaupo sa aking spare time at kumakaen ng tsitsirya habang nanonood ng tagalized cartoons na Spongebob o di kaya ay Crayon Shin-Chan. Ayoko ng ganito, hindi ako ang ganito. Ayaw kong mawala na naman ang aking pagka-akit sa pagsusulat. Kaya't isasantabi ko na muli ang mga dapat na i-clear sa dadaanan ng aking lapis at pambura. Kaya't heto na punuin na ulet ng gas ang mga gears sa aking utak at simulan nang paandarin ang electrodes na matagal nang naistak sa sulok-sulukan ng aking m ga ugat.

Dito sa Ubas na may Cyanide, marahil ay nasanay na kayo sa mga lumang bagay, pagkain, kaganapan at panahon na istilo ng aking pagkumpas ng lapis, Hindi ako magsasawang ibalik ang nakaraan sa pamamagitan ng paglilok sa isipan, mga pangyayari at ekspiryensiya sa mga kaganapan sa lumipas na panahon. At kelan lamang habang nagchachannel surf ako sa aming cable TV na hanggang ngayon ay hindi pa nababayaran, napatigil ako at napangiti dito sa ipinalalabas ng Jeepney Channel. Umaga nuon a t saktong katatapos ko lang mag-almusal ng pandesal, itlog, keso at hotdog. At siyempre may kasamang kape at taho. Sabi ko shet, ayos pala ang mga ipinalalabas dito bakit ba ngayon ko lang ito nakita. Umalingawngaw sa tenga ko ang themesong ng palabas, nais ko itong sabayan ngunit pinipigilan ako ng aking dila, paurong-sulong dahil nakamasid si ermats at baka pagtawanan ang anak  niyang nasa   trentay anyos na at kinakanta ang ganitong uri. Pero bakit ako mahihiya aba'y kasabay ko ito sa paglaki at sila rin ang mga unang digital teachers ko sa TV. Sa palabas na ito masaya, at ang kung lahat ng pag-aaral mula sa elementarya at hayskul ay sa ganitong pamamaraan walang maboboring, walang naka-nganga sa guro, walang magcacutting classes at walang aantukin sa silid-aralan. Alam mo na ba ang tinutukoy ko mga ate at kuya? At kung hindi pa bibigyan pa kita ng maraming clue!

Isang malaking puno sa gitna ng studio. Hindi ko alam kung anong  puno ito pero malaki siya, actually parang inilagay sa isang paso at duon nakalagay ang punong ito. Ni-kahit kelan ay hindi ko man lang nakitang nalanta ang dahon ng punong ito, pagpapatunay na may kasiyahan ang programa.

May mga puppets, mga bata at kuya at ateng nagtuturo ng  aral. Channel 9. O ano 'yan ha. Ano  ano ano? Di mo pa rin alam? Hiyang-hiya naman ako sayo hindi mo naabutan?

Batibot opening theme song

Batibot

SONG 

pagmulat ng mata, 
langit nakatawa 
sa batibot, 
sa batibot 
tayo nang magpunta 
tuklasin 

sa batibot 
ang tuwa, ang saya 

doon sa batibot 
tayo na, tayo na 
mga bata sa batibot 
maliksi, 

masigla. (2x) 

dali, sundan natin 
ang ngiti ng araw 
doon sa batibot (2x) 

tayo nang magpunta 


tuklasin sa batibot 
ang tuwa, ang saya 

doon sa batibot 
tayo na, tayo na 
mga bata sa 

batibot 
maliksi, masigla. (2x) 

'Ate Sienna Olasco'
Kausap ni Ate Sienna ang mga bata. Tila hindi nila mabilang ang mga saging na nabili nila sa tindahan ni Kiko Matsing.

"Ganito lamang ang pagbilang mga bata. Isa, dalawa, tatlo, apat! Apat na saging!"

"Mga bata ngayon naman ay idescribe niyo ang saging sa isang salita at samahan rin ng pagbibilang!"

"Sige po Ate Sienna!" ang tugon ng mga batang natutuwa sa kanilang ate.

"Isa, dalawa, tatlo, apat! Apat na matatabang saging!" "Yeheyyyy!"

"Ang gagaling niyo na palang magbilang mga bata!"

Sa kabilang kanto, 'di kalayuan sa tindahan, nakatayo ang isang bata at tila may hinahanap. Lumapit si Kuya Ching at winika:

"Magandang umaga Juan! Maaari bang malaman kung ano ang hinahanap mo?"

"Nawawala po kasi ang pitong pirasong holen ko. Hindi ko sinadyang mahulog ang aking garapon at nagsigulong ang mga ito sa daan".

"Sige tutulunga kita". 
'Kuya Ching'

(Maya-maya) "Juan, narito ang mga holen mo. Halina at bilangin natin. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito! Pitong holen!"

"Maraming salamat Kuya Ching! Ang galing mo po talagang magbilang!"

Aaminin ko sa inyo na minsan ko nang ginawang excuse ang panonood ng Batibot para hindi ako pumasok sa iskul. Eh bakit hindi? eh tinuturuan din naman tayong magbilang at magbasa nito eh. Mula sa pag-awit ng Abakada hanggang sa pagkuha ng moral lesson mula sa iba't-ibang kuwento, ang programang ito ay tila isang hiwalay na asignatura na kung saan ay maihahambing natin sa General Information.

Sino ba sa atin ang hindi nanonood ng Batibot noon? Lahat naman siguro ng batang kalye ay nakainteres manood nito di ba? Dahil noon wala pang ibang pagkakaabalahan kung hindi ka nanonood ng telebisyon ay nanduon ka sa kalye at nagpapakataong grasa sa tindi ng sikat ng araw habang naglalaro kayo ng siyato o step  no/step yes sa kalye. Yan lamang naman ang dalawang aktibidad ng simpleng bata noon. Hind na katulad ngayon sira na ang simpleng kaisipan at lamon na lamon na sila ng sistema ng modernong panahon.

'Ikaw sinubukan mo rin bang  gayahin ang boses ni Kiko Matsing?'
At some point sinubukan ko ring gayahin ang boses ni Kiko Matsing  at na-realize kong mahirap pala kase nakakagasgas ng lalamunan eh. pang best-actor ang acting ni Kuya Bodjie dahil parang nilikha siya para magpasaya ng mga bata. Kuya Bodjieeeeeee!  idol kang talaga! At nariyan si Manang Bola na hindi mahihiwalay sa kanyang bolang kristal diba? "Perlas na bilog wag patulog-tulog, sabihin sa akin agad ang sagot Ba-be-bi-bobu!" O ano napapangiti ka ba?

'Kuya Bodjieeeeeeee'
Hindi mo rin maaalis sa isipan mo si Kapitan Basa, ang idolo ko sa pagbabaybay ng mga salita. Si Kelly kamay na master din ng pagbibilang sa pamamagitan ng kanyang kulay violet na daliri, ang ate ng  mga ate na ang twins na sina Ning-ning  at Ging-ging. At sino ba naman batang grasa ang hindi makakalimot kay Pong Pagong na ka-tag team ni Kiko Matsing. Kung meron akong gustong pagkuwentuhang bagay sabi nila ikwento mo sa pagong. Oo hindi ako magkakamaling ikwento sa aking idolo noong aking kabataan si Pong, mabait at matulungin at papakinggan ka at tutulungan ka sa iyong problema sa pag-aaral.

Salamat sa Batibot dahil ipinadama sa atin ang kahalagahan ng pagtatanim. Salamat uli sa Batibot dahil ipinakilala sa atin ang iba'-ibang mga kapitbahay na laging handang tumulong sa inyo. Salamat sa Batibot at natutunan kong kumaen ng tinapang bangus. Salamat sa Batibot dahil natuto akong mag organisa ng aking mga gamit at pagsama-samahin ang pare-pareho at ang magkakatulad ay aking na igrupo. At lalong salamat sa Batibot dahil natuto akong bumati ng may tono.

At inapply ko ito sa aking titser noong Grade 2. "Magandang umaga Ginang Valdez! Ikinalulugod po kitang makilala ngayon!"

"Mali iho, kilala mo na ko kahit nung Kinder ka pa".

"Ay!" 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento