Pages

Miyerkules, Hunyo 3, 2015

Barrio Fiesta

'Sino ba naman ang ayaw pumunta sa isang Pistahan.'
Noong nakaraang post ay namaalam na ko kay Summer, pero siya ayaw pang bumitaw pilit pa ring kumakapit ang kanyang init sa aking katawan, at ramdam ko pa rin ang lagkit na kumakapit sa aking kasingit-singitan. Hindi ko mawari kung kelan siya lilisan at kailan niya ako tatantanan.

Pero alam ko rin naman na hindi na rin magtatagal si Summer at pagkalipas pa ng mga ilang araw ang magpapa-wet naman ng aking katawan ay sina Jolina, Ising, Lukring, Urduja, Chedeng, Ruby, Maring at ang pinakamatindi magpa-wet na may kasamang rumaragasang blow (hangin) ay yung mga katulad ni Yolanda. Pero kahit pa gaano yan kalakas na mga bagyo ay walang makakatigil, makakahadlang sa pinakasentro ng ating usapin ngayong tanghali ng Miyerkules. 

Pagkatapos ng Mayo, at pagpasok ng Hunyo ito ang isa sa mga pinakakaabangan kong mga aktibidades sa buhay. Uupo lang naman ako dito at magaantay ng mga papel, mga papel ng paanyaya, o di kaya ay mga paanyayang berbal ng aking mga kaibigan, friends of friends at mga public friends na hindi gaanong kakilala (parang Facebook lang).

Musika muna tol, inawit  ni Sylvia La Torre <3

Sino ba naman ang may ayaw pumunta sa isang pistahan/. Sino ba ang ayaw malangisan ang mga bibig ng taba  ng baboy? Sino ang may sabing naghihirap ang ating bansa? Sino?!?

Kahit hindi buwan ng Mayo marami pa ring pista sa ating bayan. Wala man  tayong pera mangungutang at mangungutang talaga tayo mairaos lang ang pista. Pasalamatan na tin ang mga Kastila. Kung hindi nila dito dinala ang Kristiyanismo malamang boring ang ating mga araw.

At kamakailan lamang nahila na naman ako sa isang malayo at liblib na pistahan. Tuwang tuwa na naman ako pero hindi nagpapahalata. May ilang dahilan kasi ako kung bakit gusto ko ang mga pistahan:

1. MARAMING PAGKAIN.

Siguraduhing gutom bago pumunta sa isang pistahan.
Kaya nga pista ang tawag diba. Ang daming masasarap na pagkain. At ang sarap ding tingnan ang mga kaharap mong nangingintaban ang mga bibig at di magkandaugaga sa mga kinakain.

2. WALANG UPUAN.

Sa sobrang dami ng taong gustong makalibre din ng kain e mahihirapan ka talagang maka-puwesto. Yun nga ang gusto ko e. Kapag nakatayo ka kumain, mas mabilis ka matutunawan. At kapag mabilis ka matunawan, apter payb minutes e pwede ka na uli kumain. O lumipat sa kabilang bahay.

3. ESPESYAL ANG TRATO SA'YO.

Hindi mo na kailangan sumayaw kasama ang Abstract dancers na merong lifting para lang mapansin. Kahit hindi mo kilala ang may-ari ng bahay e parang magkababata lang kayo na minsang naglaro sa mga pilapil ng palayan dahil nasa pintuan ka pa lang e bibigyan ka na ng plato. Kulang na lang lagyan ka ng place mat at bib sa leeg. At para mas masaya ang kainan eh may mga nagigitara pang naghahabaan ang bigote, parang lumang Katipunero/Mexicano ang OOTD at kakantahan kayo ng mga kantang pang Trio Los Panchos. Mga tropa ata ito ni Dora the Explorer e.

4. At eto talaga ang nagpapasaya at nagpapataba ng aking puso kaya't balik ng balik ang aking mga paa sa pistahan....


"Bago umuwi meron kang goodie bag----
este binalot na pala he he. Yun lang.
kaya....Maraming salamat Espanya!"

Wala akong tinatanggihang imbitasyon sa mga pista. Sabi nga ng aking Super Nanay wala daw akong absent sa mga pistahan a. Parang may listahan daw ako ng mga pista ng mga Santo sa buong Pilipinas.

Sabi ko, oo. Napa-nganga na lang ang aking Ina.

Eto ang listahan ko....(sabay dukot ng tinuping papel sa bulsa)

• January 21: Saint Agnes,
• January 22: Saint Vincent,
• January 24: Saint Francis de Sales,
• January 25: The Conversion of Saint Paul,
• January 26: Saints Timothy and Titus,
• January 27: Saint Angela Merici,
• January 28: Saint Thomas Aquinas,
• January 31: Saint John Bosco,
• February 2: Presentation of the Lord - t
• February 3: Saint Blase, bishop and martyr, or Saint Ansgar,
• February 5: Saint Agatha,
• February 6: Saints Paul Miki
• February 8: Saint Jerome Emiliani or Saint Josephine Bakhita,
• February 11: Our Lady of Lourdes -
• February 14: Saints Cyril, monk, and Methodius,
• February 21: Saint Peter Damian, Memorial
• February 22: Chair of Saint Peter,
• February 23: Saint Polycarp,
• March 4: Saint Casimir
• March 7: Saints Perpetua and Felicity,
• March 8: Saint John of God,
• March 9: Saint Frances of Rome,
• March 17: Saint Patrick,
• March 18: Saint Cyril of Jerusalem,
• March 19: Saint Joseph
• March 23: Saint Turibius of Mogrovejo,
• March 25: Annunciation of the Lord -
• April 2: Saint Francis of Paola,
• April 4: Saint Isidore,
• April 5: Saint Vincent Ferrer,
• April 7: Saint John Baptist de la Salle,
• April 11: Saint Stanislaus,
• April 13: Saint Martin I,
• April 21: Saint Anselm of Canterbury,
• April 23: Saint George, Saint Adalbert, April 24: Saint Fidelis of Sigmaringen,
• April 25: Saint Mark the Evangelist -
• April 28: Saint Peter Chanel, Saint Louis Marie de MontfortApril 29: Saint Catherine of Siena, April 30: Saint Pius V,
• May 1: Saint Joseph
• May 2: Saint Athanasius,
• May 3: Saints Philip and James,
• May 12: Saints Nereus and Achilleus, martyrs or Saint Pancras,
• May 13: Our Lady of Fatima
• May 14: Saint Matthias the Apostle
• May 18: Saint John I,
• May 20: Saint Bernardine of Siena,
• May 21: Saint Christopher Magallanes
• May 22: Saint Rita of Cascia
• May 25: Saint Bede the Venerable,; or Saint Gregory VII, pope or Saint Mary Magdalene de Pazzi
• May 26: Saint Philip Neri,
• May 27: Saint Augustine (Austin) of Canterbury,
• May 31: Visitation of the Blessed Virgin Mary -
• June 1: Saint Justin Martyr June 2: Saints Marcellinus and Peter,
• June 3: Saints Charles Lwanga
• June 5: Saint Boniface,
• June 6: Saint Norbert,
• June 9: Saint Ephrem,
• June 11: Saint Barnabas the Apostle
• June 13: Saint Anthony of Padua,
• June 19: Saint Romuald,
• June 21: Saint Aloysius Gonzaga,
• June 22: Saint Paulinus of Nola, bishop or Saints John Fisher and Thomas More,
• June 24: Birth of Saint John the Baptist -
• June 27: Saint Cyril of Alexandria,
• June 28: Saint Irenaeus,
• June 29: Saints Peter and Paul,
• June 30: First Martyrs of the Church of Rome
• July 3: Saint Thomas the Apostle –
• July 6: Saint Maria Goretti,
• July 11: Saint Benedict,
• July 13: Saint Henry -
• July 14: Saint Camillus de Lellis,
• July 15: Saint Bonaventure,
• July 16: Our Lady of Mount Carmel –
• July 20: Saint Apollinaris -
• July 21: Saint Lawrence of Brindisi,
• July 22: Saint Mary Magdalene -
• July 23: Saint Birgitta,
• July 25: Saint James,
• July 26: Saints Joachim and Anne -
• July 29: Saint Martha -
• July 30: Saint Peter Chrysologus,
• July 31: Saint Ignatius of Loyola,
• August 1: Saint Alphonsus Maria de Liguori,
• August 2: Saint Eusebius of Vercelli, , Saint Peter Julian Eymard,
• August 4: Saint Jean Vianney (the Curé of Ars),
• August 5: Dedication of the Basilica di Santa Maria Maggiore –
• August 6: Transfiguration of the Lord
• August 7: Saint Sixtus II, s, or Saint Cajetan, August 8: Saint Dominic,
• August 9: Saint Teresa Benedicta of the Cross (Edith Stein),
• August 10: Saint Lawrence,
• August 11: Saint Clare,
• August 12: Saint Jane Frances de Chantal,
• August 13: Saints Pontian, pope, and Hippolytus,
• August 14: Saint Maximilian Mary Kolbe,
• August 15: Assumption of the Blessed Virgin Mary -
• August 16: Saint Stephen of Hungary -
• August 19: Saint John Eudes,
• August 20: Saint Bernard of Clairvaux,
• August 22: Queenship of Blessed Virgin Mary -
• August 23: Saint Rose of Lima,
• August 24: Saint Bartholomew the Apostle -
• August 25: Saint Louis or Saint Joseph of Calasanz,
• August 27: Saint Monica -
• August 28: Saint Augustine of Hippo,
• September 3: Saint Gregory the Great,
• September 8: Birth of the Blessed Virgin Mary -
• September 9: Saint Peter Claver,
• September 12: Holy Name of the Blessed Virgin Mary -
• September 13: Saint John Chrysostom,
• September 14: Triumph of the Holy Cross -
• September 16: Saints Cornelius, pope, and Cyprian,
• September 17: Saint Robert Bellarmine,
• September 19: Saint Januarius,
• September 20: Saint Andrew Kim Taegon, priest, and Paul Chong Hasang and companions,
• September 21: Saint Matthew the Evangelist,
• September 23: Saint Pio of Pietrelcina (Padre Pio),
• September 26: Saints Cosmas and Damian,
• September 27: Saint Vincent de Paul,
• September 28: Saint Wenceslaus, martyr or Saints Lawrence Ruiz
• September 29: Saints Michael, Gabriel and Raphael, Archangels -
• October 4: Saint Francis of Assisi -
• October 7: Our Lady of the Rosary -
• October 9: Saint Denis or Saint John Leonardi,
• October 15: Saint Teresa of Jesus,
• October 16: Saint Hedwig, religious or Saint Margaret Mary Alacoque,
• October 18: Saint Luke the Evangelist -
• October 19: Saints Jean de Brébeuf, Isaac Jogues, companions, Saint Paul of the Cross,
• October 23: Saint John of Capistrano,
• October 24: Saint Anthony Mary Claret,
• October 28: Saint Simon and Saint Jude,
• November 3: Saint Martin de Porres,
• November 4: Saint Charles Borromeo,
• November 9: Dedication of the Lateran basilica
• November 10: Saint Leo the Great,
• November 11: Saint Martin of Tours,
• November 12: Saint Josaphat,
• November 15: Saint Albert the Great,
• November 16: Saint Margaret of Scotland or Saint Gertrude the Great,
• November 21: Presentation of the Blessed Virgin Mary - November 22: Saint Cecilia
• November 23: Saint Clement I, Saint Columban,
• November 24: Saint Andre Dung Lac
• November 25: Saint Catherine of Alexandria - November 26:
• November 30: Saint Andrew
• December 3: Saint Francis Xavier,
• December 4: Saint John Damascene,
• December 6: Saint Nicholas,
• December 7: Saint Ambrose,
• December 8: Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary -
• December 9: Saint Juan Diego -
• December 11: Saint Damasus I,
• December 12: Our Lady of Guadalupe -
• December 13: Saint Lucy
• December 14: Saint John of the Cross,
• December 21: Saint Peter Canisius,
• December 23: Saint John of Kanty,
• December 25: Nativity of the Lord -
• December 26: Saint Stephen,
• December 27: Saint John the Apostle
• December 28: Holy Innocents,
• December 29: Saint Thomas Becket,
• December 31: Saint Sylvester I,

Sasama ka ba? Tara...umpisahan natin sa San Andres Bukid sa aking hometown at ang patron naming si San Antonio De Padua....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento