Pages

Lunes, Nobyembre 16, 2015

Superhero v2.0

'Darating na siya........'
Masyado na atang palala ng palala ang mga krimen  hindi lang sa sarili kong bansa, pati na sa buong mundo. Ito lang nakaraang araw nang sumapit ang Biyernes Peligro o Friday the 13th ay sumambulat ang mga nakakarimarim na balita sa buong globo. Pag-atake ng mga terrorista sa Pransiya na siyang pinakamalalang ganap na pangyayari sa buong historya ng Europa, Ang  paglindol sa Japan na umabot sa magnitude 7.0, suicide bombings sa Lebanon, suicide bombing killlings sa Baghdad at isang malaking hurricane sa Mexico. Ayan sige Friday the 13th post pa more sa Facebook, mukhang nagising natin ang espiritu ng kamalasan dahil masyado nating binibigyang pansin ang ganyang bagay. Kesyo, "Uuyyy Friday the 13th na naman, ingat  tayong lahat", "tol Friday the 13th ngayon, I'm scared." --mga ulol! Meron pang "Freddy is coming", sino nga Freddie Aguilar? may dalang gitara para kantahan ka ng Anak at ipanghampas sa ulo mo?  wow I'm so aFRaid Panopio naman! Pero ano yun pati si Mother Nature nakiki Friday the 13th? Nakakatakot kung ganon.

Minsan na rin akong nangarap at nagdaydreaming, minsan na rin napagtripan ang sarili na ako'y isang ekstra ordinaryong nilalang na maraming superpowers. Kailangan na nga kaya natin ng mga Super heroes sa kasalukuyang panahon? Dahil kung magkakaroon man  ng giyera laban sa mga teroristang ito, lalo lang magkakagulo sa buong mundo, dadanak ang dugo, sakit na naman sa mata ng Diyos ang mangyayari. Hindi naman matatapos ang kaguluhan sa ubusang lahing pamamaraan. Alam kong medyo komedyante ang dating ko kung  ang hinahanap ko ay mga super hero, pero tol sila lang talaga ang makakatulong para mabawasan ang kasamaan sa mundong ito. Pagbabarilin man sila ng AK 47 o sabugan man sila ng mga granada, targetin man ng mga missile at rocket sa katawan eh parang kagat lang ng langgam ang sakit na mararamdaman. 

Tears for Fears-Everybody Wants to Rule the World
"There's only 1 King, now meet your maker."

Kaya uumpisahan ko nang manawagan sa ating mga shy type na nilalang. Panahon na para i-call out ko kung sino mang nakagat ng gagamba at nagkaroon ng pambihirang liksi at lakas, yung taong kulay berde na yumuyupi ng 10 wheeler truck, yung poging may letter S sa dibdib, yung paniking maraming gadget, yung taong ipinaglihi sa lamig ng  yelo na kelan lang napabalitang shokla, yung taong may secret hiding place, magbabakal at may umiilaw sa dibdib, yung tropang mahaba pa ang kuko sa bruha na kayang bumali ng bakal dahil mala Titanium ang kuko, at yung ate natin na nakaputi na kayang pigilan ang kahit anu mang disturbing weather condition.

Kung ako ay mabibigyan ng pagkakataon na maging kaisa sa mga superheroes na ito ay pipiliin ko ang kapangyarihan na pasunurin sila sa mabubuting adhikain. Hypnotizing powers at may kakayahan silang utusan kung anong gusto ko ipagawa sa kanila. May pagka-kultong super powers pero mabisa, ayoko kasi ng makakasakit ako, okay na sa akin yung kontrolin yung kanilang masasamang gawin sa pamamagitan lamang ng pagkontak sa kanilang isipan, mala Jean Grey ng X-Men.

Kaya sa mga biniyayaan ng mutant powers kailangan niyo nang lumabas sa cover, masyado nang magulo ang mundo natin at kailangan nang supilin ang kasamaan. Yung kapag narinig ang pangalan ng super hero na yun eh kakaripas na lang ng takbo ang masasamang nilalang. Hindi na kasi uso ngayon yung kapag may matandang mukhang ermitanyo, tutulungan mo at bibigyan mo ng makakaen kahit biskwet lang ng Fita eh, ang kapalit nun ay bibigyan  ka niya ng pagkakataon na maging isang pambihirang nilalang. Sasabihin pa sayo na, "anak matagal na kitang  sinisurveillance at napakadakila  ng puso mo, kaya naman ikaw ang napili ko para maging tagapagligtas ng mundo sa mga masasamang elemento." Ikaw naman hindi mo pa alam kung ano yung gagawin mo sa ibinigay sayo, karaniwan puting bato, pero ang halay naman kung magsasa-Darna ka, kasi lalake ka tapos costume ni Darna, baka maglabasan pa yung mga bulbol mo sa suot na pambaba. Kadalasan  may mga isinisigaw na kataga, hindi naman siguro "supercalifragilisticexpialidocious  " ang isisigaw mo diba?, karaniwan one to two words lang. Puwedeng Kumander Bawang, Captain Barbel o kaya Porno King! ayos sabay naka brief ka lang katulad  nung bida sa palabas na Bora. 

Pero sa modernong panahon ang pagiging superhero ay accidental, kagaya nung nakagat ng gagamba, hanep yun may tsiks kana na maganda, nakakapag air trip ka pa sa mga buildings dahil sa super sapot sa madikit na package na kapangyarihan mo. Merong mga  nagpakagat sa gagamba kaso, sa hospital napunta, tanungin niyo muna kasi yung gagamba kung may angkin silang kapangyarihan o kaya umpisahan mo muna magpakagat sa gagambang tikling sa bahay niyo. Mas marami ang pangalan ng insekto at hayop, katulad nila Ant man, bat man, ninja tutles, porcupine pete, the fly, the mandrill at kung anu-ano pang kahayupang super hero names.

Hindi ako mawawalan ng pag-asa na balang araw matatapos ang problema ng buong mundo pagdating sa mga terrorista at mga kurakot na politiko, at masasamang elemento naniniwala ako na sasapit ang panahon na maglalabasan na ang mga nilalang na inaasahan ko na pupuksa at magbibigay liwanag muli sa mundong ito at iyan ang pinakagusto kong super hero na kahit sinong super hero ay hindi mapapantayan ang lakas at kapangyarihan......

Siya ay si HESUS ang super hero ng buhay  ko at ng buong sangkalawakan.

Darating na siya............

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento