Pages

Sabado, Disyembre 12, 2015

It's Christmas time, It's Jose Mari Chan's time

'Aangal ka ba kung kontrolado na niya ang sound system sa lahat ng malls?'

Ramdam niyo na ba ang Christmas season?

Ako hindi eh, sa panahon ngayon parang lagi nang may kulang at hindi na ganon kasaya di ka tulad ng mga nagdaang Pasko. Maaaring maisingit ko na naman ang dekada otsenta at nobenta, pero yun talaga ang katotohanang walang kasinungalingan. Maaaring hindi na masaya dahil hindi na kumpleto ang pamilya, alam natin na ang iba sa atin along the way may mga lumisan na at tayo'y iniwan ng ating mga mahal sa buhay. Wala naman sigurong pamilya na hindi pa namamatayan sa buong angkan nila, ano yun immortal?  bampira? Isa pang dahilan na nabawasan na ang galak tuwing Pasko  dahil napakamamahal na ng bilihin at hindi na kumpleto ang linya sa kantang "Kaysigla ng  gabi ang lahat at kaysaya, nagluto ang ate ng manok at tinola, sa bahay ni kuya ay mayroong litsunan pa..." Basta ako may ham actually Swift ham atsaka Sunshine  hindi yung green peas tohl, kung di Sunshine spaghetti, brand siya ng istapegi at karne norte na sponsor din ng Swift. At idagdag mo pa sa pagka mis tuwing Pasko ay yung mga nangangaroling, dun ko lang kasi nararamdaman na Pasko na  talaga. Ngayon kasi ang tahimik na ng gabi, hindi  kagaya nuon na maraming bata sa lansangan at may  mga dala dalang tambol, tamburine, lata ng Nido o kaya Birch Tree, habang sabay sabay na kumakanta ng awiting pamasko.

Medley: 1) sa may bahay 2) we wish you a merry christmas 3) kay sigla ng gabi 4) pasko na naman – tangina, ganito talaga ang pagkakasunud-sunod e noh?

May mga nangangaroling naman kaso mga matatanda, ayoko sila dahil mas feel ko ang Pasko kapag mga batang kakaahon pa lang sa incubator ang mga kumakanta para kasi silang mga chipmunks ang kukyut  habang yung isa nakanta habang tumutulo ang uhog! Hahahaha! Kapag matanda kasi obligado ka na mas mataas sa bente ang ibibigay  mo tapos pagdating umaga pagtsitsismisan ka na nila na ang kuripot mo. Eh kapag bata, ayos lang kahit piso lang ang iabot mo sa kanila, okay lang kahit kantahan nila ko pabalik ng "Thank you, thank you ambabarat ninyo. Thank you! Ayos lang at least hindi ka itsitsismis ng mga bata.

Isa sa pinaka hit song para sa Pasko ay yung Christmas in our Hearts ni Jose Mari Chan, aba naman naging National Anthem na ito ng mga kababayan natin kapag malapit na sumapit ang Pasko. Alam naman natin na maaga ang Pasko sa Pilipinas, Agosto pa lang marami nang mga si mpleng parol at magagarbong parol ang ibinibenta. Agosto pa lang puwede ka nang kumata ng "Kumukutikutitap" ni Ryan Cayabyab. Pero yung talagang "wenebel ay si  gels em boys sellin lantern on the streets", yan talaga ang tumatak sa ating isipan na kantang pampasko. Kapag pinagtugtog na ito sa mga radio stations noon, wow ramdam mo  na ang Kapaskuhan, unti-unti nang lumalamig at sumasaya ang paligid. Naguumapaw ang damdamin sa kagalakan at nagugumising ang pusong single at pinipilit na humabol na magkaroon ng jowa bago mag simbang gabi kung di mapapabilang ka sa grupong SMP o Samahan ng Maiitim ang Puwet.

Pero sino nga ba tohl si Jose Mari Chan?

Si Jose Mari Chan ay maituturing na isa sa mga pinakamalupit na singer noong late 80's hanggang 90's. Hindi lamang Christmas songs ang  kanyang nililikha at pinasisikat. Mayroon siyang iba't-ibang tema ng kanta, iba-ibang istilo at lahat yan award winning. Ang tamis ng unang pag-ibig na katulad na lamang ng "PLEASE BE CAREFUL WITH MY HEART". Hindi mo mapigilang kiligin at maihi sa underwear kapag nakita mo na si ultimate crush habang nagplaplay sa isipan mo ang kanta ni Jose Mari Chan na "TELL ME YOUR NAME, CAN WE JUST STOP AND TALK A WHILE" at ang classic na "BEAUTIFUL GIRL". Napaka pamoso nitong kantang ito at kung marunong lmang siguro akong magitara at biniyayaan ng boses ni Jose Mari eh malamang harana ang mangyari at hindi pangangaroling. Yung "CHRISTMAS IN OUR HEARTS", yan ang aming kinanta noong may pa-contest sa amin noong elementary, sabayang pagkanta o choir. Olats nga lang kasi may pumiyok sa bandang likod at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung sino yung classmate ko na  yun. Ang sabi sabi tinapakan daw ang paa niya nung katabi niya, siyempre mahaharot din at nasa likod pa at nasingitan din ng konting hagikhikan. Ayun sablay!

Maraming sumikat sa album niyang pang krismas at hindi lamang ang Christmas  in our Hearts, gustong  gus to ko din yung "A PERFECT CHRISTMAS", "A WISH ON A CHRISTMAS NIGHT", DO YOU HEAR WHAT I HERE?" at "THE LORDS PRAYER". Wala ka nang magagawa dahil sa mall kontrolado na niya ang buong sound system ng mga tugtugang pampasko. Bukod sa Coke (Holiday is Coming na patalastas) isa rin si Jose Mari Chan na simbulo at hudyat na malapit na ang Kapaskuhan.

Isa si pareng Jose Mari Chan sa mga lahing Pinoy na dapat nating ipagmalaki. Ang kanyang malamig at nakakamesmerize na boses na sadyang hindi nagbabago ng tekstura mula  noon hanggang ngayon ay tunay nga namang masarap pakinggan.

Kaya para ibalik ang kasiyahan at galak ngayong Christmas, kumanta na lang tayo!


"Christmas in our Hearts"



"A Perfect Christmas"



"A Wish on a Christmas Night"



"Do you hear what I here"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento