Milo vs. Ovaltine? San ka pa? Kampihan na!! |
Isang katanungan para sa gabing payapa at panay huni lang ng kuliglig ang naririnig:
Dahil mayroong bagong Mug ang inyong lingkod, tulungan niyo naman ako kung ano sa dalawa ang may karapatang unang inumin na lalapat sa mug na ito. Dalawa lang ang gusto ko mga bhe Milo ba o Ovaltine?
Pwede ring isang malamig na malamig at nag-uumapaw sa yelo na Red Horse, pero tsaka na.
Pssttt ikaw, oo ikaw na nagbabasa ngayon, huwag ka nang lumingon kung saan-saan. Oo ikaw, ikaw na naabutan ang Sunny Orange ang tinatanong ko, Milo boy ka ba o Ovaltine boy?
Magkaparehas ko natikman itong dalawang ito e. Ninamnam at tinimbang kung ano ang mas papatok sa aking panlasa. Hmmm, parehas silang m ay kakaibang sarap at parehas din mabenta sa tindahan nila Aling Meding noong ako'y nag-aaral pa sa elementarya. Akalain mo yun noh, Grade 2 pa lang marunong na akong mangilatis at tumimbang ng sarap at linamnam? Opp, easy wag dumihan ang malinis na konsensiya ng nagsusulat. Ibig ko sabihin, sa murang edad, alam ko na kung ano ang mas masarap at kung anong nababagay sa taste buds ko. Pero dahil parehas silang patok sa panlasa ang hirap sukatin kung sino nga ba sa kanila ang P.......ang pinakamasarap. Kung iyong maaalala, itong dalawa na ito ang inuming pambata na naglaban sa merkado. May kanya kanya silang pakulo kung paano nila tatabunan abg isa't-isa.
Tara at sumakay sa time space warp at magtravel tayo sa nakaraan at sabay sabay nating balikan ang tagisan ng lakas ng dalawang inumin na ito. Tignan nat in kung sino ang mananalo kung sakaling bigla silang magkaroon ng buhay at maging mga higanteng kalaban ng Bioman at sila mismo ang maglaban. Pero siyempre, gawin nating tagahatol ang Bioman dahil alam kong sila ang pinapanood mo habang nilalagok mo ang dalawang inumin na ito.
Green na pakete laban sa orange na pakete. Wow ano 'toh intrams? sportsfest? Sila yung laging may pakulo sa TV kung saan gagamitin mo ang mga nasimot na foil at pagkatapos kukuha ka ng pentel pen, kasi di naman nasulat ang ball pen sa ganitong klaseng foil e. Dito mo ngayon isusulat ang iyong pangalan, tirahan at suking tindahan. Puta, matik na yan dapat ganyan ang pagkakasabi ng host. Ay pakshet! wag kalimutan ang lagda. Ihulog sa mga drop boxes at magkaroon ng pagkakataong magwagi ng milyun milyong papremyo! Oh, ano pang inaanga-anga niyo diyan? Sali na!!
Diyos ko at naalala ko nuon sa lumang bahay sa San Andres Bukid, halos ata matabunan na ang kusina ng sachet ng Milo at Ovaltine. Kulang na lang gawin naming tanghalian at hapunan ang dalawang ito. Sabagay di ba, masarap din siya papakin sa kanin. Oh, napapangiti ka noh? Alam ko namang ginawa mo yan ee kasi batang 90's ka.
Tuwing Sabado, lagi yan dinodrawlots sa Saturday edition ng Eat Bulaga, hindi pa ginagamit ang tiyambolo noon kaya si Joey DeLeon o di kaya si Ruby Rodriguez ay tila lumalangoy isang malaking kuwadra na punong puno ng mga envelopes.
Sa mga ganitong papremyo, naka abante ang Milo tohl! Natatandaan kong nagkaroon ako ng Milo Ball dahil sa pakulong ito. Aba naman napakadali eh, ipapalet niyo lang yung isang pakete ng Milo at isandaang piso meron ka nang Milo Ball. At ayun ang kauna-unahang kong bola. I feel the spirit of being a basketball player dahil yun ang unang official basketball ng buhay ko. Kulay green at white yun. Dun ako natuto d ahil merong basketball ring sa loob ng compound nila Karlo. Yung dati kong kalaro na kakopyahan ko sa mga problem solving sa Math. Shet, naaalala ko yung unang dribol at tira ko sa ring, tangina kapos agad at tumama agad sa pader yung bola muntik pa mabutas dail may nakatusok na pako dun sa pader. Epic sana, history has been made sana unang dribol, unang tira, butas sana ang bola. Masuwerte pa rin siyempre because I'm drinking Milo everyday! Opss sorry mukang nagiging bias ata ang nagsusulat.
Speaking of Milo Ball, sino sa mga kalalakihan dito ang sumali sa Milo Best? Siyempre di ko makakalimutan yung music theme ng Milo habang nagdidribol dribol ako. Unang araw ko noon sa Milo Best at ininrol ako ng erpats ko, pero umayaw agad ako, kasi ba naman ang gagaling ng mga putanginang mga bata na yan!! Fetus pa lang ata e pinamanahan na ng bola ng basketball ang mga ito. Wala e, nasindak agad ako, siyempre maliit ka lang ikaw yung tagababa ng bola. Punyeta kakapasa pa lang sa akin hinaharass na agad ako. Ilang beses ako naagawan ng bola kaya sabi ko puta wag niyo sa akin ipasa at nakikita yung katangahan ko sa pagdidribol. Di naman ako magaling para itriple team e. Sabi ko, ayoko na at yung dibdib ko at dinadaga sa tuwing may lalapit sa akin. Sisipain ko sana kaso baka mateknikal ako at baka ipatapon sa kabilang session dun sa taekwondo at si Bea Lucero naman ang endorser. Umuwi na lang ako at nakipaglaro ng pogs habang ngumunguya ng Bazooka bubble gum.
Habang tinutuloy niyo ang kalbaryo ng pagbabasa malamang nahuhulaan niyo na kung saan ako panig. Eh ganun talaga eh. Batang Milo eh. Sana nga Milo nalang apelyido ko eh, tutal malapit na naman. Jack Milo! asteg! Pero siyempre hindi pa rin naman pahuhuli ang Ovaltine. Sino ba naman ang hindi makaka-alala sa kantang....
"O-O-Ovaltinees! O-O-Ovaltinees! You just can't get enaf! You jas can't get enaf!"
"Ovalteenies commercial - ayan ma LSS kayo' = )
Yun. Diyan olats ang Milo.
Kung sa timplahan na mismo ang paguusapan mas madali haluin ang Ovaltine kesa sa Milo. Ang Milo kasi, kahit gaano ka kabilis maghalo, siguradong meron pa ring buo-buo na matitira sa taas at kapag di ka nakapagpigil ang alam kong ginagawa mo kukutsarahin mo na yun eh at yun ang una mong papapakin bago mo inumin. Kailangan lagyan mo muna ng mainit na tubig ang Milo para matunaw yung powder sa itaas. Nakakasuya kasi yung maaligamgam na Milo. Heaven kapag todo lamig at yun ang gusto noon ng mga batang uhugin na katulad ko. Sa Ovaltine, mas madaling gawin yung todo lamig!
Sabi ang Milo, with olympic energy. Totoo nga kayang Milo ang iniinom ng mga sumasali sa Olympics?
Pero minsan ayoko na rin makipagtalo kung ano ang mas ok sa kanilang dalawa e. Basta ang mahalaga parehas silang chocolate drink. Di rin naman ako choosy nung kamusmusan ko, hanggang ngayon naman di naman ako mahirap pumili ng mga bagay bagay. Nakadepende yun kay Nanay kung ano ang pipiliin niya habang nag-gogrocery. Ang mahalaga may matimpla kaming magkapatid sa umaga o kaya sa gabi bago matulog. Mother knows best ika nga.
Kapag naman medyo ambisyoso ako sinasamahan ko ng gatas at asukal ang pagtimpla mapa Milo man or Ovaltine. Medyo wala kasing dating kapag wala ng gatas o asukal. Ang kailangan lang walang mawala kahit sa isa na yun. Kapag gatas napakalabnaw, kapag wala naman asukal, matabang naman. Kaya nga sugar makes the world go round because of its sweetness. Parang pag ibig lang yan, kailangan ang bawat paghalo ng pagmamahalan may kasamang pampatamis. #Hugot
Ito pa isa ang hindi ko makakalimutan. Taas ang kamay kung sino dito ang pagkatapos magtimpla hindi muna iinumin at ilalagay sa freezer? Siguro mga one and a half hours lang nagyeyelo na ang Milo o Ovaltine mo. Lagi ko itong ginagawa tuwing summer para hindi na ako bibili ng ice candy kila Aling Meding. Kasi chocolate flavor lang din naman ang peyborit ng mga bata ee. Eh di gagawa na lang ako ng sarili ko. Kanila cocoa powder lang yun ee, siyempre sa akin branded at mas masarap lalo na kapag dinudurog durog muna at umuusok usok pa sa lamig. Pinakamasarap ang parteng paubos na dahil duon mas nagkakalasa. Sa huli kasi yung pinakamalasa at nagtipon tipon ang tamis at frozen powder na sobrang tamis. Aww!
'2013 Milo Commercial'
Minsan nagtanong ako kay ermat kung ano ang ulam. "Nay anong ulam?" Habang naghahain na, ang sabi niya, "siguradong paborito niyo ito anak, Galunggong at Ampalaya!" "Ang sarao naman niyan 'nay teka po at punta muna po ako ng CR. Pero di alam ni ermats noon na sa banyo talaga ang punta ko. Lumabas ako ng bahay at nagpunta sa katabing bahay, kila tita. "Tita patimpla naman ako ng Maylo na halo sa kanin! Wala na kasing ulam ee!" Salbaheng uhugin ano po?!
"Great things start from small beginnings...Growing up with olympic energy! Growing up with Milo! Milo everydaaaayyy!!!"
'1986 Klasik Milo commercial'
Crush ko yun si Bea Lucero eh, lalo na naging muse ng paborito kong team sa PBA, yung Purefoods. Pinamukha talaga ng Milo na magiging athletic tayo kapag uminom tayo niyan. Kitang kita na lang sa mga disenyo nila sa pakete di ba? Merong nagtatrack and field, volleyball, basketball, high jump, hurdles at kung anu-ano pang sports. Kapag uminom ka ng Milo magiging kasing flexible mo si Bea Lucero. Haaay asan ka na kaya ngayon Miss Bea?
Maraming commercials ang Milo, sa Ovaltine naman ang datingan ang pagiging healthy and smart. Meron patalastas na grupo ng mga bata na nasa ilog at kailangan niyang mag isip kung paano sila makakatawid sa kabilang pampang. Aksidente namang di kinaya ng coconut yung tabatchoy niyang kaibigan sa pagkakaupo sa bugkos bugkos na niyog. Mabilis ang kanyang thinking at sabi niya "Coconut! (with hand gestures) that will make us float." Naglagay sila ng maraming coconut sa bag at buong gilas na tinawid ang ilog na gamit ang tila salbabidang bag ng mga niyog. Oh di ba? boom panis! Kalurkey ang idea ng Ovaltine.
'1992 Klasik Ovaltine commercial'
Meron pang isa, medyo nakakatuwa dahil merong isang bully na bata na nagtatanong sa naka orange na bata. Yung bully na bata aba nakagreen at white at sobrang obvious na Milo boy yung nambubully. Ang tanong ng batang naka green, kung totoo bang mas masarap ang Ovaltine sa hawak niyang inumin (malamang Milo). Panoorin ang buong patalastas:
'Klasik Ovaltine commercial'
Isa o dalawang beses ko lang nasubukan 'yung inulam yung Ovaltine sa kanin. Mas gusto ko pa rin talaga ng Milo e. Kapag Ovaltine ang mayroon kame, most of the time pinapapak ko lang talaga ang powder niya. Umangat ang Ovaltine nung nagkaroon sila ng kendi at tinawag nilang Ovalteenies.
Ang hatol ko, mas masarap ang Milo. Pero siyempre lab ko pa rin ang Ovaltine at si Bea.
Okay let's go back to the future kung saan mas mabili na ang milk tea at frappe frappe na yan. Ang mahal naman. Ayoko ng milk tea, ayoko ng Zagu, ayoko ng Starbucks dahil bumili ako para hindi mapagod ang panga ko sa kakanguya, bumili ako para uminom at para mapawi ang uhaw.
Solid Milo. I love Ovaltine. Bow!
Survey says:
Milet says MILO
Nadine says MILO
Cams says MILO
Henric says MILO
Camille says MILO
Kapatid says OVALTINE
Clarise says MILO
Belle says MILO
Daisy says MILO
Rui says MILO
Lordjei says MILO
Zia says MILO
Sharmaine says MILO
Aileen says MILO
Cath says MILO
Tom says MILO
Gerri says MILO
Jhoan says MILO
Jcqlyn says MILO
Misaki says MILO
Risse says MILO
Maraming salamat po sa lahat ng rumisponde sa aking katanungan. Magandang gabi sa inyong lahat! Teka umaga na pala. = )
PS: Kapatid may libre ka na lang Ovalteenies sa akin. ^^
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento