Pages

Huwebes, Enero 28, 2016

Starbucks: Konyotic Guide for Pasosyal Humans

'Peace tayo Starbucks, model ko lang si Minnie, nyehehehe!'


Hindi ko sisipsipin ha, medyo kakagatin ko lang ng kaunti itong mga salitang ito "Porke ba naka-Starbucks ka, mayaman ka na?"

Hindi naman kasi porket maganda ang pangalan ng brand at bumili ka ng produkto dun eh mayaman ka na. Issue na ito sa karamihan. Sabi nga "if you can't pronounce it, you can't afford it." Eh puta naman bakit naman yung bagong masarap ng produkto sa Mini-Stop eh nababanggit ko hindi naman ako mayaman tohl pero kaya kong banggitin yung tinatawag nilang "Chicken Schnitzel" sa murang halaga na singkwenta pesos. Oh si Pacquiao ba nababanggit niya lahat ng maayos at tama ang mga mamahaling restaurant na pinupuntahan niya? Ang kaibahan lang namin, siya mayaman ako simpleng mamamayan lang. Lahat ba ng brands na may teknikal na pangalan eh nasasabi niya   ng maayos? At una sa lahat hindi naman lahat ng bagong restaurant o pangalan ng brand  ng sapatos o damit kaya ibigkas ng dila natin ng saktong pronuncitaion.

Example nalang yung Dolce and  Gabbana, yung Gabbana mapopronounce mo pa ng tama ee. Kung bago sa pakinig mo anong unang bigkas  mo sa Dolce? Hindi ba't "Dolse" tapos magugulat ka kung sasabihin ko sa iyo na "Dolche" ang basa diyan. Di ka maniniwala sa akin kasi walang letter "H". Silent C kasi  yan tohl. Tapos mumurahin mo ko at sasabihin mong ang dami kong alam. Leche!

Oh ayan tandaan,  hindi lahat ng mayaman, magaling mag English. Oh sige sabihin mo nga  Marithe Francois Girbaud!!

Pero ang tanong porke ba naka Starbucks ka yayamanin ka na? Sino bang nilalang ang nagsabi na lahat ng umiinom ng 100 plus na kape eh magarbo na ang buhay? Issue din sa karamihan na ang mga may picture na may hawak na Starbucks na baso at  may nakasulat na pangalan. Pero kung susumahin mo anong masama? may nilabag ba silang batas sa konstitusyon ng Pilipinas? baka naman sa Treaty of Paris? Naiinis? Natatawang may halong pagka-asar? Eh ano naman? Pera naman nila yung pinangbili nila di ba?

Tandaan: lahat ng earthlings sa mundong ito mayaman man o mahirap may backbones o wala may karapatang hangarin o gustuhin lahat ng nakikita niya sa mundo. May karapatan siyang tikman ang mga pagkain o inumin na hindi niya pa natitikman. Lahat tayo may karapatang mangarap at abutin ang lahat ng gusto niya nasain  o pangarapin habang nabubuhay pa siya.

Yan eh  diyan tayo magaling ang manghusga ng kapwa. Nagkape lang yung tao eh nahusgahan na mayabang na?  Yan ang  hirap sa atin tohl, wala naman tayong alam, mahilig tayong makialam. Malay mo yung isang tao diyan na tinatawanan mo, dalawang linggong nagtipid para lamang makapagkape sa Starbucks na araw-araw mong iniinom. Yung isang padre de familia na sampung buwan sa ibang bansa  na walang binili sa sarili niya pa ra mapakaen ang kanyang pamilya sa isang magarbong restaurant.

Hindi mo alam yun tohl, kasi ang alam lang natin manglait at manghusga ng kapwa.

Kaya wake up. Ang buhay ay parang gulong. Biyahe ng biyahe, paiikot-ikot. Ngayon nakakapag S tarbucks ka, baka sa susuno d na araw naka-ordinaryong kape ka na lang. Buwenas na kung may creamer pa.

Hindi lahat ng umiinom ng Starbucks, sosyal na pagkain at inumin ay Social Climber na. Kaya mas mabuti pang itali na lang ang makakating dila at irespeto na lang natin sila.

Kaya dito sa Ubas na may Cyanide tuturuan namin kayo kung paano ang galawan sa loob ng masarap na kapehang ito. Advise para hindi mag-aanga anga kung first time mo makapagkape sa Starbucks...


Radio Active Sago Project - "Kape"

*Oo, sabihin nating may bago kang Go Pro Camera at excited ka sa  unang pag order. Pero wag mo na naman i-GO PRO tohl  hindi extreme adventure ang pagkakape.

*Maging natural kung paano ka magsalita sa labas, ganun din dapat sa loob. Hindi bagong dimensiyon ang Starbucks pa ra makapag Ingles ka ng wala sa hulog. Hindi ka human-Grammarly app para itama mismo ang Ingles mo. Nakakahiya. Mag-Tagalog at bigkasin ng tama ang Frapuccino at hindi Frapuscino. Wag na isama ang "Puccino ", FRAP na lang para safe.

*Kapag sinabi ng barista na "Venti", wag na wag magrereply ng "Naku sobra naman! Isa lang pu ang oorderin ko hindi bente." Umoo na lang para safe.

*Kung di na kaya tiisin ang gutom, wag na wag tatanungin ang barista kung may tinda silang siopao. Piliin na lang ang croissant, pinakamura na yan. Kung hindi alam banggitin, ituro na lang. Wag nguso ang ipanturo dahil pang-asal kalye yan. Mas light ang daliri panturo pag oorder ng pagkain.

*Kung may mga kasama at makikipag tsikahan sa kaibigan. Siguro tantyahin ang higop, mga dalawang higop lang per 15 minutes. Yan ay para hindi agad maubos. Kung uhaw-uhaw bili ng mineral water para parang may chaser ka o alternative na pang-inom. Siguraduhing ding maraming topic na paguusapan.

*Kung may balak bitbitin palabas ang Java Chip Light frap mo kahit isang higop na lang naman. Balutan ng tissue para hindi halatang wala ng laman. Okay lang alam pa rin nilang Starbucks yan kasi berde ang kulay ng straw mo.

*Kung ikaw yung tipong free FB lang kadalasan at ang tanging dahilan mo lang sa pagpasok ng Starbucks ay para sa free wifi, tohl mahiya ka naman. Order order din kahit donut lang. Tagalan ang pagkain ng donut at gayahin si pabebe girl sa pagbukas at pagkagat ng kanyang mamon. Hanggat matagal maubos mas matagal kang makakapag-wifi.

*Bulungan lang ang moves sa paghingi ng sticker para sa planner. Wag na wag magmamakaawa dahil isang malaking kadukhaan yan. Kung di ka talaga binigyan, iblog mo at sabihing may daga sa kape nila.

*Alam ko namang magseselfie ka sa nabili mong kape. Kapag magseselfie mas maiging wag masyado iharap ang logo para mas sosyal. Understood na yun ng mga likers at FB, Instagram friends mo dahil green ang straw.

*Gawing sosyal ang pangalan para maganda pakinggan kapag tinawag na ng barista, "TEAVANA OPRAH CINNAMON CHAI CREME FRAPUCCINO for PEKTO!" Kunyari di mo narinig para tawagin ka ulet na may sir sa unahan. "Sir, Sir Pekto here's your frap!"





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento