Pages

Sabado, Pebrero 13, 2016

Happy (V)egetable Day: The Ampalaya Monologues

'Happy Valentines Day sa mga single, tara manood na lang  tayo ng Final Destination.' 


Eh di isang araw na lang pala, Valentine's Day na pala ulit. K. Noted. Mag enjoy ang kung sinong gustong mag-enjoy.

Oh isa ka ba sa tingin mo na dadapuan ng negatibong enerhiya sa araw na ito? Ewan ko ha, hindi naman siguro ganoon ka-espesyal ang araw na ito. Hindi naman siguro ang lahat ay forte nila ang makahanap ng love life. Ang panget kaya nun, ipipilit at isisingit lang para makahabol sa itinakdang Araw ng mga Puso? Eh bakit  kapag malapit na ang November 1 walang nagpipilit humabol? Hindi bitter ang nagsusulat. Yan ay biro lamang. Para daw sa malulungkot na single ang tawag daw sa araw na ito ay S.A.D lupet din nila makaisip pati ba naman sa akronim, negatibo pa rin, Binigyan nila ito ng kahulugan bawat letra na Singles' Awareness Day. Pero sa mga walang pakialam, ang tawag dito ay Sunday or puwede rin sabihin na Church day. True enough naman. Ngayon ay Friday at bukas ay Sabado at sa susunod na bukas ay Linggo.

Aminin na natin, sabi nga ni Tony Gonzaga sa Sprite "magpakatotoo ka sister", magpakatotoo na nga tayo mga girlie at boyet, ang Valentines day ay araw ng mga nagmamahalang magkasintahan at magsing-irog. Pero lagyan natin ng tandang pananong yung nagmamahalan kasi di naman  tayo sigurado kung nagmamahalan nga ba talaga. Ito ang araw kung saan magdedate ang mag jowa, magreregaluhan sila siyempre ng bongga, magcheck in sa logo ng babaeng animoy sinasabing huwag kang maingay at may nagsesex, manonood ng sine  tapos mag-MOMOL sa loob, maglalampungan na parang mga pusa sa kalsada, maglalandian sa park (mostly Luneta Park). Huwag na tayong maging magalang  at sensitive at sabihing ang araw na ito ay "para sa lahat". Hindi namin kailangan ng "sugar coatings" at mga "polite" statements.  Kung para sa lahat yan, sige isama niyo  kameng lahat dun sa babaeng may logo na nangungusap na huwag mag-ingay. Simple lang naman, Valentines day is for lovers. Pero kung single ka wala na tayong magagawa diyan, ang tanging puwede mo na lang gawin ay magluto ng may kinalaman sa ampalaya. At kung gusto mo talagang maging villain sa araw na ito at imbis na tirikan mo ng kandila ang pugot na ulo ni San Valentino ay puwede natin yan gawaan ng paraan. Kaya dito sa Ubas na may Cyanide narito ang ilang mga tips on how to be a better  bitter ngayong darating na Valentines day. 

                                            Calla Lily feat Maychelle Baay- "Bitter song"


*Kung meron kang friend na single din, yayain mo siya sa tahimik na lugar. Pinaka the best na siguro ang sementeryo at wala nang mas tatahimik pa dun. Pumikit kayong dalawa hawakan ang kanyang kamay at sabay bigkasin: "Hindi  tayo malulungkot friend, hindi tayo malulungkot, maraming nagmamahal sa atin kahit wala tayong jowa." Ulit ulitin hanggang magsawa. Huwag hayaang tumulo ang luha. 

*Maghanap ng itim na karatula at maghanap ng panulat na pula at ilagay ang mensaheng: "Walang forever". Magsuot ng nakakatakot na maskara at maglibot sa mall hawak ang karatulang itim.

*Ireport, iblock, at iunfriend ang kahit sinong magpopost ng tsokalate, rosas, holding hands, picture o video na galawan ay breezy o kahit na anong may kaugnayan sa Valentines day.

*Sa mga parke at malls, kapag nakakita ng dalawang ng magkasintahang nakasuot ng couple shirt, lumapit at sa harap nila dahan dahang mag slow clap habang sinasambit ang mga katagang: "Balang-araw gagawin niyo rin namang basahan yan. Maghihiwalay din kayo." Kailangan tirik ang mata epeks at habang sinasambit ito ay parang nagdedeklara ng isang propesiya. Pagkatapos masambit bigyan sila ng isang makapanindig balahibo na sinister laughs.

*Idaan na lang sa kain. Kumain ng kumain at irehistro sa isipan na kahit single ka busog ka naman. 

*Iwasan magdownload ng romantic movies. O kaya manood ng sine na may kinalaman sa kalandian   tuwing Valentines. Humanap ng mas may thrill na pelikula, yung tipong tatakbo ang adrenaline rush sa katawan. Puwedeng manood ng Final Destination sa Valentines simulan mo from the beginning hanggang  Final Destination 5. 

*Itatak sa isipan na mahal ang bulaklak at least safe ang bulsa mo at exempted ka sa pagbili. 

*Kumaen ng maraming tsokolate, ipost-sa Facebook at Instagram at lagyan ng caption: "Let's eat chocolates  for no reason at all." Solo mo na, busog ka pa.

Tohl, tandaan ang pagiging single ay hindi kapansanan o kamalasan sa buhay, sumpa o malubhang sakit. Ang pag-ibig ay may sariling oras ng pag-landing parang sweldo lang yan. Pero hindi siya lumanding sa oras na inaasahan mo. Ang wagas na pag ibig ay may sariling time frame na sinusunod at nilililok ng tadhana para sa'yo at sayo lamang. Kaya't wag magmadali at wag maging suicidal, wag magpahulog sa simpleng atraksiyon, huwag ga wing rush hour ang pagkahulog sa kung kanino mo gustong  ilaan ang puso mo na  hindi naman para sayo talaga. Kung darating sa'yo yan antay lang ng timing tohl, uukol at bubukol naman yan kung siya ba talaga ay nakatadhana para sayo. Isipin mo na lang na isa itong masterpiece na pinatatag ng panahon at kung darating na ang panahon na iyon at itinakda na ng tadhana walang kung sino man ang makakapigil nito. At nasa inyo na ang pagkakataon na iyon kung paano niyo pangangalagaan at proprotektahan ang pag-ibig na wagas na itinakda ng Maykapal. 
               

Sabado, Pebrero 6, 2016

Nine Lives Love and the Happy Meowmories

'As your pet gets older,  triple your love to them.'

"Time spent with CATS is never wasted."

Oh where, oh where, can my baby be?
The Lord took her away from me.
She's gone to heaven so I've got to be good,
So I can see my baby when I leave this world.


Eto.. ito na nga siguro yung mga panahon na natatabunan ako ng takot at pangamba. Ako kasi yung tipo ng tao na hindi makaalis-alis ng bahay kung alam kong merong hindi tama na nangyayari sa loob ng bahay. Ayoko ng may aalalahanin, iisip-isipin at magiiwan ng tanong sa isipan at  puso kapag mawawala ako sa piling ng aking mga kasamahan sa loob ng tahanan. Kasama na dito ang pag-aalala sa itinuring na naming pamilya...ito ay ang aming mga alagang hayop. Dito ako nababakla, dito nababading, dito ako natatakot sa tuwing mayroong matamlay na nilalang sa apat na kanto ng bahay na ito. Natutunan kong hindi lamang pala pagmahahal, pag-aalaga, sapat na pagkain ang kailangan kung gusto mong  mag-alaga ng hayop. Sa loob ng pagmamahal na yun ay kailangan mo rin ng sapat na medikasyon para sa kanila. Sa totoo lang ang una kong piniling kurso sa kolehiyo ay ang pagiging beterinaryo. Pero agad na pinunlaan ng batikos ang gusto ko maging, kesyo wala naman daw  talagang kita duon, walang pangarap na bubuo at hindi ka yayaman. Pero sa isip isip ko, hindi ko naman kailangan magpakayaman at ang tanging hangad ko lang naman sa buhay na ito ay makatulong sa mga nilalang na unang ginawa ng Diyos at pinabayaan at brutal na unti unting pinapatay ng mga tao. Masakit lang isipin na parang puppet na lang managasa ang iba nating kababayan sa kalye. Kahit puwede naman nilang pigilin ang bilis ng pagtakbo ng sasakyan nila ay tuluyan pa rin at walang awang sasagasaan ang kawawang nilalang sa daan. Tanong ko sa inyo? Alam ba nila yun na masakit? Alam ba nila na magkakalasug-lasog ang  mga katawan nila kung hindi kayo naiwasan? Minsan wala na rin tayong puso at wala na talaga. Merong ibang amo na mag-aalaga lang dahil gusto ng anak nila, kyut at maliit na tuta at masaya ang bata at kapag nagsawa na ang anak nila dahil malaki na ang aso at hindi na nakakapagbigay ng kasiyahan ay bigla na lang ididispatcha, ang malupit  niyan kadalasan sa highway pa iiwan, kung saan maraming siraulong driver na nagkalat, thrill seeker at malalakas magtrip. Ganito yung mga amo na dapat ay sinusunog din ang kaluluwa sa impiyerno. Pakiusap wag na lang po tayong mag-alaga kung ganito lamang ang inyong gagawin. Sana tayo mismong mga magulang ang magturo sa at ing mga anak na mali ang ganoong gawin at hindi  tama paglaruan ang hayop na katulad ng kuting na ishushoot mo sa imburnal, dadamputin ang hayop at ibabato bato. Putangina! nasan ang ginintuang aral na tinuturo niyo sa mga anak niyo? Dapat mga bata pa lang ay tinuturuan na natin sila bigyan ng importansiya ang bawat nilalang na gawa ng Diyos buhay man o hindi, hayop man, mga puno man o halaman. Turuan natin sila na bawat buhay ay mahalaga.

Dumating na naman sa akin  yung kalungkutan na nawalan ka ng kapamilya. Siyam na buhay ngunit di sapat para makapiling mo ang mga alaga mo ng pangmatagalan. Labinglimang taon! Labinglimang taon na pagtawag sa pangalan mo, labinglimang taon na paghagod ko sa ulo at pisngi mo, labinglimang taon na paghahasa ng matutulis mo ng kuko sa punong kahoy pagkatapos  mong makapananghalian ng paborito mong bangus. Ngunit sa labinglimang taon na yan, simula sa araw na ito ang lahat ng yan ay unti-unting maglalaho. Alingawngaw ng pag-meow  mo sa umaga para gisingin ang aming mga sarili, minsan ay sa bintana ka pa ng kwarto dadaan at mararamdaman ka na lang ng aking kapatid na katabi na niya sa  kama.

Taong 2001, ikaw ang pinakamataray na kuting. Parang teleserye rin ang naging buhay nila. May kapatid siya na Pikit ang pangalan at siya naman ay si Dilat. Magkagalet ang dalawang pusang ito at minsan di mo talaga mapigilan ang cat fight. Nauwi na lang lahat at umabot sa sitwasyon na hindi na nakapasok ng bahay ang isa. Sabihin nating siya ang naging alpha cat ng bahay at yung isang pusang kapatid niya naging stray cat ng subdivision. Pero buhay pa yung isa at malusog,  bumabalik balik para makikain. 

Nangyari na  rin na itinapon kita sa bukid at natatandaan kong umuulan ulan pa noon dahil nilantakan mo yung isang love bird na alaga ko rin. Sa galet ko sa'yo ay naihagis kita sa likod ng bahay pero naawa pa rin ako sa'yo dahil nangangatog ka sa lamig sa labas at bumalik ka pa rin sa amin. Nagkaroon ka ng maraming barakong pusang boyfriend at lagi kang umuuwing buntis kaya naman may mga naiwan ka ring mga anak na bumabalik balik din sa bahay para kumain. May pagkakataong hindi kami makatulog sa ingay niyo sa bubungan at tila naguusap kayo ng pusang barako sa bubungan at natatandaan ko ang mga tonong "nyaaaawwww" (now) "not nyaaaaawwww" (not now) hanggang sa nagpagulong gulong pa kayo sa bubungan at naglandian. Sweet din ng mga pusang ito.  Under the pale moon light pa kayo  nag-aanuhan. 

Ngunit itong mga nakaraang araw, antagal mong nawala. Baka kako nagtanan na siya. Hindi ka bumabalik sa oras ng kainan, hanggang isang araw lulugo lugo ka na lang at ayaw mo na kumaen. Siya din kasi yung reyna ng chichiria, malakas kumaen ng junk foods ang pusang ito. Hanggang sa mga sandaling ito  hindi ko talaga alam kung anong nangyari sa  kanya sa labasan. At kanina habang ako'y papaalis sa trabaho ay hindi ko napigilang lumuha dahil alam kong lumalaban ka. Pinilit mong maglakad ngunit hindi mo na talaga kaya. Hiniga na lang niya ang katawan niya malapit sa pinto. Ayun ang huling paghaplos ko sa ulo niya at binulungan kita na kung di mo na kaya ay magpahinga ka na. At yun ang sinasabing kong bigat ng pakiramdam na ayaw ko nang maulit ulit pa sa tuwing aalis ako ng bahay na ito. Gusto ko lahat kayo ay masigla, masaya dahil ang isip ko rin ang nangangamba.  At pag-uwi ko ngayon, pagbukas ng pinto sa akin ay binalot ka na ni ermats sa isang tela. 

Wala ka na pala :(






Biyernes, Pebrero 5, 2016

Workaholicology 101

'Walang tulugan o walang matulugan'


Aba sa hirap maghanap ng trabaho ngayon e, magiinarte ka pa ba? Kung maayos naman ang patakaran at boss sa iyong pinapasukan e  huwag na munang maging choosy. Mahirap mawalan ng pagkakakitaan sa season na ito at marami na namang bagong graduate sa kolehiyo. Ika nga e mahirap makipagsabayan sa mga iyan dahil masakit man tanggapin sila ang mas binibigyang halaga ng mga kumpanya. Iba ang pagsusuri sa pagiging choosy, puwedeng mag research muna sa trabahong gustong applayan. Mahirap na. Sa panahon ngayon marami ang may matatamis na salita, papangakuan ka na kesyo ganito ganyan, mga ilang buwan lang manager ka na daw at hahawak ka na ng tao. Yun pala, kaya ka hahawak ng tao ee dahil hawak mo sila sa field. At doon mamimigay kayo ng flyers ng isang motel sa tabi ng creek na mabantot pa sa paa ng taong may halitosis. Teka nga humihinga ba ang paa niyan? 

Sa trabaho  mahirap din yung oo ka lang ng oo kung anong ibibigay sa iyo na dapat  mong gawin. Baka pag tinanong ka kung okay ka lang sa field ilagay eh hindi ka na magtatanong at sasang-ayon ka na lang na "yes ma'm okay po sa akin". Yun pala ipapadala ka na sa Mindanao para sumanib sa MILF, o di kaya messenger ka, at ipapadala pala sayo at idedeliver mo ay mga droga. Tohl mahirap   yung mga trabahong madaling makapasok, dahil baka pag ayaw mo pa  hirapan din ang paglabas.

Pagkatapos ng pagsusuri sa trabahong gustong pasukan, ang dapat na sunod na gawin ay timbangin ang sarili kung karapat-dapat ka ba sa aaplayan mo, isipin mo rin baka mag-aksaya ka lang ng pamasahe dahil wala naman sa linya mo at skills mo ang pupuntahan mong applayan. Kung call center yan, siyempre kailangan mo magbaon ng Ingles at hindi lang "yes or  no or maybe". Kung titser, ihanda ang mga natutunang strategy sa pagtuturo kung paano magiging lively ang pagdedemo mo sa harapan ng mga estudyanteng matitigas pa sa alloy ang ulo. Magprepare din lalo na kung kapwa guro na nagtitinda ng longganisa, polvoron at yema ang manonood ng demo mo. Bumili ka agad kapag inalok ka nila pagkatapos mo magdemo. Mahirap hindian yang mga ganyan. Base yan sa true to life story ko. Dahil mas malagkit pa sa taeng pururot ang pagtatampururot ng mga ganitong titser. Kung gusto maging office boy/girl, eh syempre dapat multi-tasking ang level mo. Una na diyan ang pagsagot sa telepono. Dapat may manners at hindi "Sino toh" ang tanong kung halimbawang mag-ring ang telepono. Mahusay ka rin dapat sa typing hindi typewriter ha. Kailangan bihasa ka na sa computer especially sa mga katulad ng Microsoft Word, Excel etcetera. Dapat maalam kung paano mag operate ng mga office machine kagaya ng printer, lalong lalo na kung saan isusuksok ang papel. Mahirap kainin ng buong buo ng mga machines na ito. Hindi ka pa naman si Arnold Szchwarzenneger sa "The Rise of the Machines" para malabanan mo sila. Kaya wag aanga-anga hindi ito oras ng pagbabasa ng manual ng printer dahil sa trabaho bawat tik tok ng orasan mahalaga.



At kung may trabaho ka na at  sobrang stress ka sa araw araw dito sa Ubas na may Cyanide ay bibigyan namen kayo ng trip este tips and tricks para matanggal ang inyong pisikal na pagod  habang workaholic (kuno) ka pa rin.  

*Sa opisina at kung may sariling desk at kung ginugugol mo lang naman sa walong oras ay tumambay sa desk mo. Magpanggap na may iniisip na malalim, tumingin sa kisame kung kinakailangan, subo ang ballpen at gawing props ang pagkakunot ng noo at kilay.  Ngayon iisipin nila na your mind is working, thinking of a plan that will boost the company's existence sa Earth. Pagkakagat ng ballpen, hawakan naman ngayon ng daliri, ipitin ng hintuturo at hinalalato ang gitnang parte ng ballpen at patamain ang magkabilang dulo sa desk na parang nagsi-seesaw. Magbuntong hininga kung kinakailangan, kunyari hindi mo maarok ung iniisip mong ideas. Kahit na ang totoong nasa isip mo lang naman e yung cover ng FHM ngayon na si Dawn Chang.

*Kung sekretarya naman, ugaliin ang pagbibitbit ng folder. Dito nila maiintindihan kung gaano ka kabusy sa paglalakad sa mga floor, elevators kahit na ang trip mo lang naman ay magpa-cute sa guard na copycat ang bigote ni Marcelo Del Pilar.

*Kung may planner ka n g Starbucks, ugaliing magsulat ng magsulat kahit wala naman talaga. Magdrawing ng mga facts and figures ng mga cheeseburgers, sausages at ham. Kapag wala na talaga maisip puwede ka  rin mag FLAMES, ipunin lahat ang mga pangalan ng magagandang chiq sa trabaho at simulan kung saang letra ng tadhana mapupunta ang kagaguhan mo. Sa pagkurit ng parehas na letra gumamit ng ruler o kaya protractor para kunyari may pinaplano kang interior design ng isang building. At wag kalimutan na graphing paper ang gagamitin para pasok sa banga ang props.

*Dapat laging nakamagnet ang mouse at  keyboard sa iyong mga palad at daliri. Para kung halimbawang may surprise visit ang pinaka boss ng kumpanya,  dutdutan na ang laban sa mouse at giyerahin na ang lahat ng keys sa keyboard sa pagtatype. Kahit na nagyu-Youtube ka lang naman ng mga teleserye ng Daisy Siyete. Teka nga pala, kung manonood sa Youtube siguraduhing mabilis ang PC na ginagamit, mahirap  na baka biglang maghung sa fullscreen ng pagkakapanood siguradong matetense ka at mahihirapan kang yumuko dahil hindi mo kaya natutupi ang tiyan mo para pindutin ang restart ng CPU. Maging alerto kung paano ang tunog ng engine ng kotse ni boss.

*Gawing World War 3 ang gamit sa desk, dapat full of chaos ang mga gamit para kunyari busy. Kahit ang ginagawa mo lang naman ay nagpepedicure at nagcucutix. 

*Sa tuwing darating sa opisina kailangan tumatakbo paakyat ng hagdan o di kaya elevator. Dapat in a rush ang entry mo sa sliding door para kunware may state of emergency na kelangan magawa agad.

*Kung pinagbabawal ang social media, dumikit na lang sa pader. Ikwento na lang pader kung paano ka-brutal at kalungkot ang  buhay pag-ibig mo. Kausapin ang mga thumbtacks at pushpins at manghingi ng sign kung kailangan pa bang umibig muli.

*Dalhin ang tanghalian sa sariling mong desk, buksan ang lunchbox at sa desk na mismo lumapang. Pumindot pindot ng paunti unti sa keyboard para kunyari hindi makapagfocus sa pagkain ng lunch kahit  na ang  totoong sinisingit sa pagtatanghalian ay ang pag order lamang ng brief sa Lazada. Sa gayon iisipin nilang sobrang busy mo at di ka na makatayo para kumain sa pantry. At isa pang katotohan ay nahihiya ka lang umorder doon kaya nagdala ka ng sarili mong kaldero ng kanin.

*Kung nagagawang umihi sa trabaho, aba bakit hindi mag upgrade? Ireserved ang pagtae ang gawin sa trabaho at least binabayaran ang oras mo at ang mahalaga bayad din ang pagtae mo wala nga lang sa payslip.

*Kapag  malapit na mag alas singko ang last duty mo eh kapa-kapain ang mga kulangot na  ipinahid mo sa ilalim ng desk mo, bilangin kung ilan ang naipahid sa araw na ito at ilista sa planner. Pag-isipan kung ano ang significance ng bawat isa sa buhay. At sa ganung paraan ay baka mahanap mo na ang sarili mo.

At pagkatapos nun....

Dapat in a rush pa rin ang pagkilos at huwag hayaang may mauna sa  iyo sa pila ng Biometrics. Kung kinakailangan hawiin sila ay gawin. Huwag papakitang lowbat ka na pagdating ng alas-singko. Ipakita mong naka Enervon ang galawan mo, sabi nga  ng Enervon "more energy, mas happy". Oo paanong di ka mawawalan ng energy wala ka naman talaga ginawa maghapon. Hahahaha!