Pages

Sabado, Pebrero 13, 2016

Happy (V)egetable Day: The Ampalaya Monologues

'Happy Valentines Day sa mga single, tara manood na lang  tayo ng Final Destination.' 


Eh di isang araw na lang pala, Valentine's Day na pala ulit. K. Noted. Mag enjoy ang kung sinong gustong mag-enjoy.

Oh isa ka ba sa tingin mo na dadapuan ng negatibong enerhiya sa araw na ito? Ewan ko ha, hindi naman siguro ganoon ka-espesyal ang araw na ito. Hindi naman siguro ang lahat ay forte nila ang makahanap ng love life. Ang panget kaya nun, ipipilit at isisingit lang para makahabol sa itinakdang Araw ng mga Puso? Eh bakit  kapag malapit na ang November 1 walang nagpipilit humabol? Hindi bitter ang nagsusulat. Yan ay biro lamang. Para daw sa malulungkot na single ang tawag daw sa araw na ito ay S.A.D lupet din nila makaisip pati ba naman sa akronim, negatibo pa rin, Binigyan nila ito ng kahulugan bawat letra na Singles' Awareness Day. Pero sa mga walang pakialam, ang tawag dito ay Sunday or puwede rin sabihin na Church day. True enough naman. Ngayon ay Friday at bukas ay Sabado at sa susunod na bukas ay Linggo.

Aminin na natin, sabi nga ni Tony Gonzaga sa Sprite "magpakatotoo ka sister", magpakatotoo na nga tayo mga girlie at boyet, ang Valentines day ay araw ng mga nagmamahalang magkasintahan at magsing-irog. Pero lagyan natin ng tandang pananong yung nagmamahalan kasi di naman  tayo sigurado kung nagmamahalan nga ba talaga. Ito ang araw kung saan magdedate ang mag jowa, magreregaluhan sila siyempre ng bongga, magcheck in sa logo ng babaeng animoy sinasabing huwag kang maingay at may nagsesex, manonood ng sine  tapos mag-MOMOL sa loob, maglalampungan na parang mga pusa sa kalsada, maglalandian sa park (mostly Luneta Park). Huwag na tayong maging magalang  at sensitive at sabihing ang araw na ito ay "para sa lahat". Hindi namin kailangan ng "sugar coatings" at mga "polite" statements.  Kung para sa lahat yan, sige isama niyo  kameng lahat dun sa babaeng may logo na nangungusap na huwag mag-ingay. Simple lang naman, Valentines day is for lovers. Pero kung single ka wala na tayong magagawa diyan, ang tanging puwede mo na lang gawin ay magluto ng may kinalaman sa ampalaya. At kung gusto mo talagang maging villain sa araw na ito at imbis na tirikan mo ng kandila ang pugot na ulo ni San Valentino ay puwede natin yan gawaan ng paraan. Kaya dito sa Ubas na may Cyanide narito ang ilang mga tips on how to be a better  bitter ngayong darating na Valentines day. 

                                            Calla Lily feat Maychelle Baay- "Bitter song"


*Kung meron kang friend na single din, yayain mo siya sa tahimik na lugar. Pinaka the best na siguro ang sementeryo at wala nang mas tatahimik pa dun. Pumikit kayong dalawa hawakan ang kanyang kamay at sabay bigkasin: "Hindi  tayo malulungkot friend, hindi tayo malulungkot, maraming nagmamahal sa atin kahit wala tayong jowa." Ulit ulitin hanggang magsawa. Huwag hayaang tumulo ang luha. 

*Maghanap ng itim na karatula at maghanap ng panulat na pula at ilagay ang mensaheng: "Walang forever". Magsuot ng nakakatakot na maskara at maglibot sa mall hawak ang karatulang itim.

*Ireport, iblock, at iunfriend ang kahit sinong magpopost ng tsokalate, rosas, holding hands, picture o video na galawan ay breezy o kahit na anong may kaugnayan sa Valentines day.

*Sa mga parke at malls, kapag nakakita ng dalawang ng magkasintahang nakasuot ng couple shirt, lumapit at sa harap nila dahan dahang mag slow clap habang sinasambit ang mga katagang: "Balang-araw gagawin niyo rin namang basahan yan. Maghihiwalay din kayo." Kailangan tirik ang mata epeks at habang sinasambit ito ay parang nagdedeklara ng isang propesiya. Pagkatapos masambit bigyan sila ng isang makapanindig balahibo na sinister laughs.

*Idaan na lang sa kain. Kumain ng kumain at irehistro sa isipan na kahit single ka busog ka naman. 

*Iwasan magdownload ng romantic movies. O kaya manood ng sine na may kinalaman sa kalandian   tuwing Valentines. Humanap ng mas may thrill na pelikula, yung tipong tatakbo ang adrenaline rush sa katawan. Puwedeng manood ng Final Destination sa Valentines simulan mo from the beginning hanggang  Final Destination 5. 

*Itatak sa isipan na mahal ang bulaklak at least safe ang bulsa mo at exempted ka sa pagbili. 

*Kumaen ng maraming tsokolate, ipost-sa Facebook at Instagram at lagyan ng caption: "Let's eat chocolates  for no reason at all." Solo mo na, busog ka pa.

Tohl, tandaan ang pagiging single ay hindi kapansanan o kamalasan sa buhay, sumpa o malubhang sakit. Ang pag-ibig ay may sariling oras ng pag-landing parang sweldo lang yan. Pero hindi siya lumanding sa oras na inaasahan mo. Ang wagas na pag ibig ay may sariling time frame na sinusunod at nilililok ng tadhana para sa'yo at sayo lamang. Kaya't wag magmadali at wag maging suicidal, wag magpahulog sa simpleng atraksiyon, huwag ga wing rush hour ang pagkahulog sa kung kanino mo gustong  ilaan ang puso mo na  hindi naman para sayo talaga. Kung darating sa'yo yan antay lang ng timing tohl, uukol at bubukol naman yan kung siya ba talaga ay nakatadhana para sayo. Isipin mo na lang na isa itong masterpiece na pinatatag ng panahon at kung darating na ang panahon na iyon at itinakda na ng tadhana walang kung sino man ang makakapigil nito. At nasa inyo na ang pagkakataon na iyon kung paano niyo pangangalagaan at proprotektahan ang pag-ibig na wagas na itinakda ng Maykapal. 
               

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento