Pages

Biyernes, Marso 25, 2016

Juan's Superstitious Beliefs tuwing Kwaresma

'Di kumpleto ang Holy Week sa Pilipinas kung walang tirik na tirik na Araw.'


Ang susunod mong mababasa ay hango sa tunay na life story ni Juan sa kanyang bansang Pilipinas.

Aaminin ko na noong panahon na ako'y uhugin pa at walang kamuwang-muwang sa mundo ay ayaw na ayaw ko sumasapit ang Mahal na Araw. Hindi naman sa anti-Kristo ako ha, marahil wala pa sa diwa ko ang kahulugan noon ng Kwaresma. Sorry Lord! Paano ba naman parang Martial Law kasi ang batas ng aming mga magulang noon at sobrang napakarami ng bawal, grabe ang sikat ng araw, magkakabungang-araw ka at kamot ka ng kamot sa likod kaya naman lagi rin naka-antabay ang Liwayway Gawgaw ni Nanay. Wala ka talagang magawa, as in! Patibayan ng sikmura sa pagka inip, buryong at aburido sa init, tagaktak ang pawis at bawal ang magsaya o bumungisngis man lang. Pwede naman manood ng TV pero walang mapanood, kung meron man marathon 'yun yung The Ten Commandments, Jesus of Nazareth, Benhur at kung anu-ano pang palabas na may kinalaman sa Holy Week. Kung meron naman cartoons yun na yung Flying House.

Kung mapagkasunduan man ng pamilya na mag-rent ng VHS  tape eh panigurado yun ding parehas na resulta na nabanggit na pelikula sa taas.

Tahimik din ang aming telepono, yung kulay itim na klasik na telepono yung di-ikot pa ang numero sa pag-dial. Wala din kasing matatawagan sa mga panahong yun, walang makatelebabad mapawi man lang ang buryong dahil lahat ng kaibigan mo ay nasa probinsiya at nagbabakasyon. Kung radyo naman wala ring choice, dahil puro bible explorations, preachers at mga audio version ng mga pelikulang unang nabanggit, kumbaga ay teledrama sa radyo. Walang music, kung meron ang mga tugtugan ay pang mga nineteen kopong kopong. Wala kang ingay na maririnig kundi ang alingawngaw ng megaphone ng mga lolang nagpapasyon. Wala ang mga sunog-baga sa kanto kahit pa pagkakataon nilang magpiyesta sa inuman ay respeto pa rin ang inaalay noon sa tuwing Semana Santa.



Gary Valenciano - 'Gaya ng Dati'
(Isa sa mga kanta na lagi mong maririnig sa radyo kapag Mahal na Araw)

Lumabas ka man para mamasyal o magpalamig, sarado lahat ng mall, parang ghost town sa kalsada, parang may epidemya sa karsada napakadalang ng tao, walang trapik.

Pero kung iispin mo nakakamis din pala yung mga galawang old school. Ngayon kasi andami nang mapaglilibangan ng tao. Nariyan ang cellphone, tablet, oo internet at computer ang may sala. Andali mo na nang matagpuan ang tropa dahil may tinatawag nang GPS at Google Map. May mga instant drama na rin sa TV, swerte na kung may cable ang ilan, open na rin ang mga istasyon ng radyo at kahit mga tugtugang Justin Bieber pwede mo mapakinggan hindi mo siya mamimiss ng 3 days. Pwede na magdownload ng MP3 a t mga downloaded movies. Basag na basag ang tanikala at pagkagapos sa boredom. Ang  ilang mall ay nagbubukas tuwing tanghali, halfday kung tawagin.

Na-realized ko mas boring pala ngayon kumpara noon. Andun ang sakripisyo  talaga ng tao noon, pagpipigil at pagtitika. May challenge ika nga. Pagkadaming bawal in 3 days, kulang na lang ang bawal huminga. Ngayon? wala easy easy na lang sa harap ng computer naka de-kwatro pa ang iba.

Bawal ang kumaing peyborit kong karne. Naaalala ko kapag Mahal na Araw hindi talaga namamalengke si ermats kung ano lang yung stock sa ref na green leafy vegetable eh yun lang ang menu for 3 days. Kaya naman nakakapagdiet ako nun ng tatlong araw at magnanakaw ng sandali tuwing hapon para pumapak ng tsitsirya at softdrinks sa  tindahan nila Aling Meding. Pero kung merong pansit at sopas sa mga kalaro ko dun ako nakikitsibog.

Eh ngayon, hindi na nagagalet ang mga Nanay n iyo kung magbukas man kayo ng corned beef o magprito man kayo ng hotdog di ba? Malaya rin kayong nakakapakinig ng "shine bright like a diamond" ni Rihanna o kaya "love yourself" ni Bieber. Di na siya nabibwiset kung manood man kayo ng nakakatakot kagaya ng Insidious(1-3) o Saw (1-7 marathon). Wala na, iba na  talaga ang panahon.

Noon bawal maligo after 3 PM ng Biyernes Santo, sabi ng matatanda dugo na daw kasi ni Kristo ang pampapaligo mo. Tapos ang lahat magiging instant diabetic, kasi bawal daw ang masugatan at hindi na daw kasi iyon gagaling forever kahit gamutin mo pa ng Merthiolate, Betadine at Agua Oxinada. Pero ung mga iba nating kababayan nasa beach, siguro umahon na lang sila sa tubig a fter 3 PM, di na naman siguro masama yun wag ka lang mabasa at para huwag magalit ang matatanda.

Bawal daw ang bumiyahe, pero naman bakit karamihan sa ating mga kababayan ngayon ay mga nasa out-of-town? Sabi kasi ng mga lovable oldies nating mga mahal sa buhay ay mas prone sa aksidente kapag Holy Week dahil nga sa pagkamatay ni  Hesus at walang magliligtas.

Bawal humahalakhak, bumungisngis, tumawa, pati ba ngumiti? All in all bawal ang magsaya, siguro ang pag-ngiti depende sa sitwasyon. Ang pagsasayang tinutukoy dito ay yung tipong gabi-gabi kang nasa Valkyrie bar kasama ang barkada, yung nagsu-swimming ka dahil ang rason mo ay bakasyon at summer naman, yung tipong 24/7 ka sa computer shop para malaro ng punyetang dota. Hindi masama ang pagsasaya, pero kung magsasaya ka huwag naman sa panahon na binabalikan nat in ang pagkamatay ng Diyos sa krusipiyo dahil sa pagtubos ng mga kasalanan natin, tapos eh magsasaya ka? Tang ina naman tohl, wag ganun. Parang sex lang yan, uunahin ang sarap kaysa sakripisyo. Kame nung kabataan namin, m ahuli kaming naghaharutan ng mga lolo at lola namin ay agad na paluluhurin kame sa munggo at magdasal sa ipinagkasala namin na iyun. Samantalang ngayon? wala na....wala nang respeto ang ilang mga kabataan at mahirap na sila kastiguhin.

Sinabi ko na kanina na bawal maligo pagkatapos ng alas tres ng hapon, sabi ng matatanda magiging dugo daw ang tubig. Kaya kapag katatapos mo lang magsabon at magshampoo at alas tres na, wag ka na munang magbanlaw at hayaan mo muna ang mga bula sa katawan moo. Ok lang yan Tender Care naman ang sabon mo at "clinically  proven to mild, keeping the baby's skin healthy and r esistant to allergies and other skin irritations" naman daw yan.



Bawal magkasugat, sino nga ba naman ang gustong magkasugat? Pero ayon ulit sa ma tatanda, bawal maglaro ang mga bata lalo na ng takbuhan  at baka madapa, magkasugat. Di daw yun gagaling agad kasi deads si Jesus sa panahon ng Holy Week. Pero ang totoo siguro sarado lang yung tindahan na malapit at walang pagbibilhan ng betadine at bulak.






Wag magpapatugtog ng malakas at mag-party. Oo kaya sorry ka na lang kung mapapatapat sa araw ng birthday mo ang Maundy Thursday at Good Friday. Ang kailangan mo gawin ay magnilay at magsisi sa mga kasalanan mong nagawa.  No choice ka kahit birthday mo pa. Umatend ka na lang muna ng mga pabasa at dun ka magpakain.


Huwag gawing sightseeing  at selfieng ang pagbibisita Iglesia. Kung sasama ka para magVisita Iglesia at ang gagawin mo lang ay magsight seeing, mag-boy hunting at magselfie selfie inamoka ay huwag mo na balaking gawin. Leche! isang post mo pa sa krus ipapako na kita ng pakong may kalawang. Bakit kaya may mga taong sumasama para lang may maipost sa Facebook na nasa ibang lugar sila? Bato-bato sa heavens ang ma-hit wag magalit. Ugali na nating mga Pinoy yan lalo na nung nauso ang Facebook. Kanya-kanyang post, kanya-kanyang pasiklaban. Pake ba namin? Ang tanong makabuluhan ba ang pagpunta mo sa mga simbahan at nangilin ka ba ng tunay? Kahit isa o dalawang simbahan lang napuntahan mo basta't nagngilay ka ng maayos.




Never na gawing katatawanan ang Pabasa. Kahit boring at nakaka-antok ang Pabasa, hindi gusto ng Simbahan na gawin itong katatawanan. Huwag mo ibahin ang tono na katulad ni Martin Nievera na inawit ang pambansang awit sa laban ni Pacquiao. Ibig kong sabihin wag mo gawing rap ang Pabasa at wag din temang death metal na may pag-growl. Ang ibang kabataan kasi ganyan ang ginagawa. 




Tandaan ang Holy Week ay hindi isang biro na lalaruin lang natin, ito ay seryosong ganap na kailangan nating pagtuunan ng pansin. Mangilin, magsisi sa mga kasalanan at tuluyang magbago!




Huwebes, Marso 24, 2016

Ang Semana Santa sa Bayan ni Juan

'Panalangin at Pagbabago'


Unang araw ng Semana Santa. Linggo ng Palaspas 2016. Araw ng pananampalataya.

Tohl, we all have faith, everyone is religious but some are righteous. Hindi ako judge para hatulan ang kapwa sa kanilang mga gawain tuwing magmamahal na araw. Pero naman tohl, ang tanong ko lang bakit sa tuwing may  mga okasyon lang natin nabibigyan ng pokus ang isang bagay. Bakit tuwing Pasko, doon lamang tayo nagbibigayan, mamimigay ng mga pagkain sa pulubi, doon lang sa season na iyon mararamdaman ng puso mo ang diwa ng pagbibigayan ng pagkain o mga pinaglumaang damit sa kapwa. Bakit kapag Araw ng mga Puso, doon lang ibinubuhos ang atensiyon sa mga mahal sa buhay? Bakit sa araw lang na  ito kailangang magsulputan ang mga rosas. Ibig ba sabihin, na sa tuwing Pebrero na ngayon namumulaklak ang mga bulaklak? Ito na ba ang bagong buwan ng pag-ani natin ng mga bulaklak na ibinibigay natin sa ating mga kasintahan o sa ating mga Nanay at Tatay? Tuwing Enero, ah ito naman daw ang panahon na kailangan ng pagbabago sa buhay. Ito yung tinatawag na New Years Resolution kung saan kailangan mong baguhin ang mga kupal things na ginawa mo sa kapwa mo noong isang buong taon. Para naman sa mga balyena at butanding, kailangan daw sa unang buwan ng taon dapat ay maging fit na ang kanilang pangangatawan. So ganun na lang ba tayo? Nakasang-ayon lang ang ating mga dapat baguhin sa ating mga sarili tuwing may mga espesyal na okasyon at Holiday?

Bassilyo - 'Lord Patawad'

"The smile on our faces behind the dirty truth". Yes, totoo aminin mo man o hindi ito ang panahon kung kailan biglang nagpapakatino ang karamihan. Huwag na tayong magkaila, sabi ko nga hindi ako judge pero wag na tayong magpakatanga dahil nakikita naman natin ang katotohanan. Pagkatapos ng isang linggong ito panigurado puro pangkukupal na naman ang ating gagawin sa ating mga kapwa. Lahat ng sakripisyo at kabutihan na pambayad utang sana sa kalangitan eh bigla nalang lahat yan maglalaho. Back to basic na naman tayo. 

Ito rin ang panahon kung saan tahimik ang mga radyo. Walang tugtugang maingay sa himpapawid ang maririnig mo lamang ay mga love songs from 60's to 90's halo halo at non stop yan, kasi pati ang mga DJ ay nasa mga bakasyunan at ang mga patalastas sa radyo ay karamihan  mga bible quotes. Sa TV naman ganun din ang siste, kaya wag kang mag-inarte kung hindi mo muna mapapanood pansamantala yung mga hinayupak na teleserye sa gabi na wala namang kabutihang aral na ma ituturo sa mga kabataan at panay kalandian lamang. Kesyo mga pag-ibig na walang hanggan, may bulol pa kunyari tapos iibig sa isang foreigner at sasagutin naman ng matamis na oo ng huli. Niloloko lang kayo niyan dahil alam niyo rin naman ang magiging ending. So ang tanging purpose lang ng panonood ay para kiligin. Ang ibang istasyon sa TV ay naghahanda rin naman ng isang drama special kung saan ang pagsisisi sa kasalanan ang pinaka paksa ng programa. Mas okay na ko sa mga ga nitong palabas dahil namumulat ang ating mga sarili sa m ga bagay bagay na hindi dapat nagagawa ng mga tao. May mga istasyon naman na wala talagang palabas at ang tanging makikita mo lang eh yung klasik na standby na iba't-iba ang kulay. 

Sa labas naman ng bahay at sa mga kalye, sarado ang mga malls. Dahil kailangan din naman magpahinga ng mga saleslady na sinusungitan mo kung minsan ay mabagal sila kumilos. Aba dapat rin naman sigurong magpahinga ang pera ni Henry Sy (SM). Walang mga estudyante at empleyado sa lansangan. Pero wag kame, oo wag kameng mga call center peeps, kahit pa siguro unahin ang pagguho ng mundo sa Pilipinas eh may pasok pa rin kame. Kahit ano pa sigurong trahedya basta may Internet at hindi pa nasisira ang upuan mo sa station mo ay dapat lagi ka pa  rin present sa harap ng mga kliyente. Putangnang mga call center yan mga hudyo e. Pero sa panahon ngayon  iba na talaga. Dati, saradong sarado ang lahat ng lugar, maliban na lamang sa mga simbahan at piling kainan. Pili rin ang mga bumabyaheng sasakyan kahit mga pampublikong sasakyan wala. Pero ngayon kailangan na bumiyahe ng isang jeepney driver at kailangang samantalahin ang luwag ng kalye at ang mangilan ngilan na mga mananakay ng jeep. Ito ang pagkakataong kumayod ng doble, depende na lang kung nandiyan pa rin ang mga buwaya sa kalye.

Pero toohl, wag ka   hindi porket Semana Santa ay hindi na trapik. Matrapik pa rin sa ilang lugar lalo na kung nag trip na naman ang Maynilad maghukay sa gitna ng kalsada. Dun ka matatrapik at sa mga road reblocking na yan. At kung maitatanong mo kung may mga balita sa TV noon, wag ka na umasa pa; dahil 'di ibig sabihin na hindi natutulog ang balita ay hindi na rin natutulog ang mga tagapagbalita. Siyempre, pahi-pahinga nga rin pag may time, ano? 24/7 na nga sila kung makapagtrabaho para lang may mapanood, mapakinggan at may mabasa ka eh. Di robot sila Mike Enriquez, siguro yung tinig at dating niya lang mag report.

Dito rin magsusulputan ang mga palabas na katulad ng "7 Last Words," at  iba pang mga relihiyosong palabas sa TV na hindi mo makikitang ipinapalabas sa normal na araw kahit sa Araw ng Linggo. Ganyan tayo ka-ipokrito di ba? Magpapakabanal kung kelan lang natin gusto at kung kelan lang tayo may hihilingin sa kanya. Ito ang panahon na biglang mag-iiba ang tema ng entertainment para sa'yo. Oo hindi ito ang pag-aaliw na panay ang kasiyahan. Pero ito ang mga araw na tinuturing nila na inspiring, kasi oo nga naman para magbagong buhay ka naman at walang masama dun. Ang kailangan lang ay ang katotohanan ng pagbabago. Minsan kailangan din natin ng tinatawag na 'food for the soul'. Kaya tohl, ngayong panahon ng Kwaresma ay  tayong lahat ay mangilin, tigilan na muna ang katarantaduhan, iwasan ang karne (lalo na yung masarap pisil-pisilin), humito muna sa pamumulitika at higit sa lahat tayoy taimtim na magdasal para sa ating mga personal na mga panalangin, pamilya at sa kapayapaan ng buong sangkatauhan. 

Biyernes, Marso 11, 2016

Summer Destinations: The Kalanggaman Island, Palompon, Leyte



'The Kalanggaman Island, Palompon, Leyte'


Kamakailan lang sa radyo ay nakapakinig ako ng interview sa isang tauhan ng PAG-ASA DOST, itinatanong sa kanya kung opisyal na summer na nga ba? Dahil na  rin ramdam na natin na tumatalim na ang sun rays sa ating mga balat at sobrang alinsangan na ng panahon natin sa kasalukuyan. Noon naman kahit mainit na nung Pebrero e  hindi pa naman umaabot ang pawis sa yagbols ko habang naglalakad sa katanghaliang tapat para pumasok sa  trabaho. Eh sa ngayon kahit yung sa  ka singit-singitan natin ay naglalagkit na  rin at nagpapawis na. (Pasensiya na sa nagmemeryenda) Pero totoo naman e, aminin na natin alas otso pa lang ng umaga ay tirik na tirik na ang Haring Araw at tila ilang milya lang ang layo sa Earth. At bigla namang maglalabasan ang mga henyo, at sasabihin na naman kasi butas na yung ozone layer natin. Puta naman tohl, taon taon niyo naman sinasabi yan, hanggang ilang dipa pa ba ang kailangan mabutas para masunog na tayong lahat? Ang alam ko isa ako sa mga dapat sisihin kung bakit unti unting nabubutas ang ozone layer, dahil ata gumagamit ako ng Spraynet noon nuong elementary. Hahahaha! Ayon sa matatalino (kuno na may pagkstsismoso) kapag nag spray ka daw nuon kemikal na yun e, dumidiretso sa space at isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng peepholes ang ozone layer. Shet buti na lang tinigil ko na. Eh yung mga nagkakatol kaya kasi maraming lamok? atsaka ung mga modern kapre na nagvavape, isa din kaya sila sa mga mokong na dapat sisihin? Eh yung mga tambutso ng sasakyan, ano wala silang kasalanan?



So sabi ng taga PAG-ASA  hindi pa daw nila idinideklara na opisyal na Summer na? eh kelan? So  ibig sabihin mas dodoble pa ang lagkit na nararamdaman natin dahil mas iinit pa ang panahon? Kulang nalang si gurong tuhugin ako ng kahoy at lagyan ng mansanas sa bibig dahil ramdam ko na parang piniprito na ang buong katawan ko. Baka nga kulang lang tayo sa ligo. Oo, kaya hindi presko ang pakiramdam dahil nga baka hindi tayo nagbabad kahit panandalian lang sa loob ng ating mga palikuran. Pero kahit na, paglabas pa lang ng banyo unti-unti nang tatagaktak ang pawis mo. Kaunting galaw lamang nagbubutil butil na ang pawis sa noo. Kaya nga para sa akin talaga panahon na ng tag-init. Summer na!

Summer na tohl!

Ang Summer ang isa sa pinakamasayang panahon sa Pilipinas. Kung saan uso na naman ang maglakbay sa mga beaches, magtampisaw sa tubig, humiga sa white sands at aasang may chick na seksi na magpapalagay ng lotion sa kanilang mga likod. Orayt! ito ang isa sa pinakakilig tuwing summer. Kaya kahit hindi ako naglolotion, lagi akong may baon na lotion. Minsan lang sumablay kasi Off-lotion ang nadala ko. Pero puwede na rin wag mo na lang ipakita ang lalagyan kay girlie.

Itong taon na ito ipinangako ko sa sarili ko na magtatampisaw ako sa kaligayahan este sa tubig. Kahit na anong anyo ng tubig siguro, huwag lang tubig kanal. Ilog, dagat, batis,sapa basta tubig na gawa ng nature okay na ako dun. Wag lang tubig-ulan at wag mo rin ibibigay sa akin ang Nature's Spring Mineral water dahil sa'yo ko yan mismo ibubuhos. Sawa na ko magbabad sa bath tub tuwing summer. Gusto ko naman ibahin ang dati nang gawi pero isasama ko pa rin si rubber ducky kung saan man mapadpad sa aking summer destinations.

Kaya't dito sa Ubas na may Cyanide ay susuyurin natin ang kagandahan ng Pilipinas. Mga lugar sa bansa na hindi pa gaanong nararating ng karamihan. Unang destinasyon, parteng Visayas.

Biyahe tayo papuntang Palompon, Leyte. The Kalanggaman Island. Kung ikaw yung tipong beach lover, hindi mo maikakaila ang  kagandahan ng paraiso ng isla na ito. Ika nga torn between two seas at ang isla niya ay nasa gitna ng dalawang dagat. Kung saan kulay labanos ang buhangin, puting-puti at napaliligiran ng napakalinaw na tubig. Isa na ang Leyte sa may pinakamagagandang beach sa Pilipinas at hindi pa overpopulated marahil ay kaunti pa lang sa mga kababayan natin ang nakakatuklas sa isla na ito. Hindi katulad ng Boracay na masyado nang maraming tao at hindi na nga rin siguro ganoon kaganda ang lugar at mga tanawin nito.

Chainsmokers - Roses (More beautiful view in Kalanggaman Island)

Halina't silipin ang kagandahan ng islang ito mula sa pagsasaliksik. Ano nga ba ang mga dapat mong malaman sa Kalanggaman Island? Ito ay paglalahad ng mga taong naka experience na sa isla.

*The Island has its wild side.















You might not expect it but Kalanggaman as of now still has an undeveloped side where the ecosystem of the birds is still kept intact. In my morning walk towards that side, I see some species of flightless birds that rummage for food in the ground and sprints quickly towards the meadow. I thought they were quails but they don't look like one and so I asked some friends in Palompon but they were unaware of its existence. Occasionally I see some herons as well resting in the branches of some trees. It is a short 20 - 30 minutes walk to reach the hidden beauty on the other side.

-Marahil sa ibang parte ng isla ay hindi pa naipapatag ng mabuti ay mayroon pa ring mga species ng   ibon na naninirahan sa islang ito. Kayganda nga sigurong pagmasdan ng mga ibon sa isla nanginginain ng mga maliliit na prutas na nalalaglag sa mga puno. Tunay ngang paraiso kung iyong naipipinta sa isipan.

*The hidden patch of heaven.
















The picture we see of Kalanggaman Island may have that picturesque powdery white sand but up close it is mostly corals and sea shells that can be a little rough barefoot. Don't fret though because there is that side of the island who manage to capture that perfect white sand quality that Boracay and Bantayan Island are famous for. It is on the left part of the island where you can reach after going through that wild side stroll. I wasn't able to explore this side on my first time here and I was super ecstatic to discover this beautiful spot.

-May parte ang isla na mas maputi ang buhangin kaysa sa Boracay at Bantayan Island. I'm always dreaming of a white sand beach, kasi halos karamihan sa napupuntahan ko e, kulay abo ang kulay ng buhangin. Hindi kaya yun yung buhangin na isinasama sa semento para mabuo ang hollow blocks. Lol!

*An unexpected sanctuary for your faith.
















They have a small chapel here if you are the type who allow a time in your day to have a good conversation with the Lord. For Christian groups who comes to the island, this is a perfect spot for a much-needed fellowship because it is far enough from the crowd and offers solitude. You can pass through this spot when you go to the left side of the island.

-Siguro it's a perfect place for silence kung saan puwede kang  manalangin ng taimtim, kung saan hangin at ugong lang ng alon at paghampas ng tubig sa batuhan ang maririnig mo. Walang ingay at eksakrong lugar para mag-alay ng panalangin.

*Kalanggaman Island is a pink island, sometimes.
















There is actually a phenomenon called the pink beach. I've visited quite a few of them in the Philippines. There's one in an island in Sorsogon, Zamboanga, Davao etc. This happens when there is a large concentration of precious coral ( corallium rubrum ) commonly known as red coral growing near the beach. This coral is very durable and can leave pink skeletons behind which when mixed with a white sand can result in a distinct pink color. Now I've learned by talking to a local in the tourism office while waiting for my boat that Kalanggaman Island can turn pink in a specific time of the year. They said it is usually around the rainy season and I have no idea how to make sense out of that story because other pink beaches are pink all year round. I did a little investigation and I really did see small traces of red corals in the sea bottom but not enough to turn the beach pink.
















-I believe that there is a lake in Australia which is actually pink in color. Kung makikita mo ito sa view sa himpapawid ay para siyang nilutong gulaman ni ermat na nasa liyanera. Nagiging pink ang kulay dahil sa isang bacteria na kung tawagin ay "Halobacteria Cutirubrum". Ang pangalan ng lawa na ito ay Lake Hillier.

*The sandbar is not what you think it is.



















I know what's going on in your mind right now. How lovely it is to stroll through that spotless sandbar barefoot. Think again! Up close the sandbar is not made of powdery white sand but is actually mostly shells and skeletons of dead corals as what all sandbars are. It is best to wear slippers when you are exploring the sandbar but if you insist on walking barefoot try the sands near the water because is soften by the sea. You'll thank me later when you are there and an umbrella will do wonder as well.

-Ang buhangin ay hindi purong buhangin, marahil dala ng alon, ang mga koral ay inaanod sa dalampasigan at ito'y lumalambot at tuluyang nadudurog. Kaya't mainam pa  rin na mag-tsinelas gamit ang iyong Beach walk sandals o kaya ang mas matitibay pa sa Crocs na Spartan at Rambo. 

*Some magical moments happen after sundown.















We are so used to seeing that pristine white Kalanggaman in the photos during the daytime that I get this idea that it gets boring at night. Boy! I was so wrong. I used to say why bother staying overnight on an island without electricity, fresh water, and soft comfy bed.

The wonder started with a mystical sunset. As the sun slowly rests down in the palm trees I was filled with so much emotions of its unrivaled beauty as its light turned the water to crimson red. Eternal peace filled my senses as I watch it slowly disappear in the horizon. The nautical sunset has broken that solitary time with a live show of colors in the sky.

What caught my attention is the eerie glow I noticed in the water and when I found the courage to approach the glowing thing it moves away. So I never really got the chance to identify what it is but most likely it's probably a school of fish. What fascinates me the most is when I was enjoying my bath I noticed some pixie dust kind of glow appears when I muddle the water. It probably some glowing plankton in the dark but nevertheless it was magical and reminded me of the picture I once saw on the web.
















-Mas masarap nga sigurong mag stroll sa gabi. Masdan ang paglubog ng araw bago talupan ng dilim ang buong isla. Masasabing isa na nga sa isang pinaka romantikong tanawin para sa magsing-irog ang pagmasdan ang paglubog ng araw at mag antay naman ng pagsilip ng mga bituin sa gabi. Hindi mo kailangan magpakasarap sa malambot na higaan dahil mas makabuluhan ang humiga sa buhanginan at damhin ang malamyos na hangin na galing sa karagatan at tanawin ang milyun milyong kumukutitap na bituin sa kalangitan o ang tinatawag na celestial view at star gazing. 

'A night in Kalanggaman Island'


*Different activities the island has to offer


































-Scuba diving
-Snorkeling
-Stand up paddle
-Kayak

*The tempting crystal clear water that is hard to resist.
















Undoubtedly, my favorite quality of Kalanggaman Island is its crystal clear water and diverse marine life. I literally see a group of fish near the shore and occasionally some huge ones jumping out in the water when I did a morning stroll. When I finally decided to take a dip in the morning I never want to come out of the water. I was wiggling with happiness because of how soft the sand is and literally see my feet of its clarity. It played a trick in my mind when I thought I see a snake in the bottom when it is just actually just a stick. It is THAT CLEAR that you can see anything in the bottom and you will be swimming with a lot of fish because the fishes in that island, for some unknown reason, are not reluctant to approach people.

*The ideal time to get a picture perfect of the flawless beauty of the island.


















The beauty of the island can be quite stubborn to capture. It is not always that beautiful in your photo any time of the day and even during noon time the color of the sand turns to ivory. What is the best time you'd ask? Well... I discovered it is best to stroll in the sandbar and have that photo shoot you've been planning around 8 in the morning until around 10 because the sun still not that harsh for you and your photo.

A few minutes after the nautical sunset gives you a picturesque moment as well with the white sand and the beautiful horizon. The time would be somewhere around 5:30 pm to 6:00 pm.

How to go to Kalanggaman Island?

First you need to go to Palompon, Leyte. You can go to Palompon, Leyte viaTacloban Airport or Cebu Airport (a.k.a. Mactan International Airport).


*How to get to Kalanggaman from Tacloban Airport, ride a van going to Palompon. The trip takes about 4 hours.

*How to get to Kalanggaman from Cebu Airport, ride a taxi to go to Pier 3. In pier 3, you can either ride a SuperCat (fast boat) going to Ormoc or a ship en route to Palompon. Supercat fare usually costs around P600 while ship ticket costs around P495. If you chose SuperCat, it takes about 2 hours to reach Ormoc, then you need to ride a van going to Palompon which can cost you another P150. Ship from Cebu will take 4 hours to reach Palompon.

Via Land trip:

Once you’re in Palompon, go to Palompon Liberty Park and pay the necessary fees for the Kalanggaman EcoTour. You can ride a bike called Potpot to go to Liberty Park. It only costs P3 per person. The boat ride from this point to Kalanggaman Island takes about an hour for regular boats and 35 minutes for speed boats.

Book your trip and make reservations early for the EcoTour which includes a trip for the Sanctuary island (with lighthouse) and Kalanggaman island. Only limited people per day are allowed in the island so there are bookings required.

It’s safe to start your boat trip as early as 6 am because the ocean is calm.Dolphins are also visible during this hour.

Kaya tohl, kung ako sa'yo ahon na sa bath tub, now is the time to pursue your unforgettable summer vacation with your love ones. Magpa-booking na,  hindi yung booking na nasa isip mo ha. Alam ko tohl, isa sa atin ay matagal tagal na ring hindi nakakatapak sa puting buhangin. Oras na, oras na para makipag volleyball sa mga beach volleybelles sa isla ng nakayapak at pag nauhaw a y may fresh buko na may straw para mapawi ang uhaw. Na miss ko na ring magpanggap na nalulunod at ililigtas ako ng katulad ng isang David Hasselhoff o kaya Pamela Anderson. At muling naglalaro sa isipan ko ang kanta ng Baywatch: "Some people stand in the darkness afraid to step into the light...."

Tara na mga tohl, biyahe na sa paraiso ng Palompon,Leyte ang KALANGGAMAN ISLAND!


               

Huwebes, Marso 3, 2016

The Saradong Tindahan Fever

'Naglipana sila tuwing Linggo, kung saan sarado ang mga tindahan.'





Maligayang pagbabalik sa akin at tila natagalan bago nasundan ang aking huling post sa nakaraang buwan ng Pebrero. Ewan ko ba at eto na nga ata ang pinaka ayaw kong Pebrero sa balat ng buhay ko. Hindi dahil nag eemo-emo ako dahil lagi naman natin kinakabit ang pagiging single kapag buwan ng mga puso. Wala akong pakealam sa ganun at hindi iyon ang naranasan ko netong nakaraang buwan. Sadyang napakamisteryo ng Pebrerong ito para sa akin, pero buti na lang Marso na. Kaya minsan naniniwala na ako dun sa mga nagpopost sa Facebook ng mga "Please be good to me (month)" mga ganyan. Kailangan ko nga bang sabihan ang taon na magpakabuti sa akin? Parang kalokohan din naman kasi, hindi naman kasi ang buong araw ng buwan na iyon ang magpapaikot sa buhay mo. Nasa iyo pa rin naman ang manibela kung saan mo dadalhin ang sarili mo di ba? Pero kambyo muna hindi buwan ng Pebrero ang pag uusapan natin dito. Ngunit isa ring misteryo, ang hirap iixplain at bigyan ng karampatang kahulugan. Sa tingin mo ba tohl, Instagram worthy ang magpapicture sa harap ng nakasaradong tindahan? Himayin nga natin.


*Baka naman sa saradong tindahan may forever?

Aba hindi natin alam, baka nga merong good urban legend sa mga galawang ito. Baka sa lugar na ito darating o matatagpuan ang tunay na pagmamahal. Baka nga "sweet spot" ang area at madaling mapansin kung sino man ang dadaan. Pwede rin na sa saradong tindahan ang tapuan ng magsing-irog, at meron din siguro na sa lugar na ito nagbabayaran ng utang o di kaya perfect palce din para mag abutan ng mga paraphernalia na droga at pera. Sabagay napakadali nga namang tuntunin kung dito kayo magkikita ng inaantay mo. 

"Nasan ka na?"  

"Tohl andito na ako sa kanto namin, sa tapat ng saradong tindahan. Ito lang saradong tindahan dito. At pagdating mo piktyuran mo ko."


*May rally ang mga empleyado

Baka dating mini palengke ito, tindahan ng mga botsang karne o dating kabaret. Nagwelga ang mga e mpleyado kasi di sila nabayaran sa huling sweldo nila at bumabalik balik kung sakaling naroon pa ang may-ari. Baka pinaglalaban lang nila yung karapatan nila kaya dinaraan nila ito sa pagpipiktyur sa tapat at lalagyan ng mapanirang caption sa Facebook.

*Uniqueness

Siguro  nga nakakasawa na yung mga mala-palabok at maraming disenyong background. Gusto lang siguro ng tao na medyo kakaibang taste sa background nila at higit sa lahat hindi mahirap hanapin. Pero wag mo naman utusan na magsara muna ang tindahan sa inyo makapagpicture ka lang. Shout out nga pala sa pinagtatrabahuhan ko eto ang "in" at hindi yung mga disenyong mapalamuti. Gawan natin ng wall art ang katulad sa saradong tindahan. Hahahaha! 

*Perfect lighting

Di mo na ata kailangan mag-edit kapag nagpapiktyur ka sa harap ng saradong tindahan e. Basta merong araw at may kagandahan ng kaunti ang kamera mo e maganda na ang kuha at maayos na ang blend ng lighting. Hindi mo na kailangan umangulo para makakuha ng maayos na liwanag. Iba talaga ang dulot ng  saradong tindahan eh ano po.

*High fashion magazines

Wala kang karapatan pagtawanan sila kung malalaman mong matagal na palang ginagamit ng mga high fashion magazines ang mga saradong tindahan bilang back drop ng mga nagagandahan at nagagwapuhang models. San ka pa di ba, halos ilang beses na ito naging background ng magazines sa iba't ibang sulok ng bansa katulad na lang ng London, Paris at New York. Sa Linggo nga ma-try at makapaghanap ng saradong tindahan malapit sa amin at makapagpa picture. Nakakapagdulot pala ito ng high fashion feeelssss.

*Baka kasi uso?

Maaari. Wala na lang sigurong basagan ng trip. Trip nila yan e, hindi naman siguro nila tayo sinasaktan kung halimbawang magpapiktyur man sila sa saradong tindahan. Kaya hayaan na lang natin sila, ito ay napapagusapan lang naman at alam naman ng lahat ng wala naman masama. Nakakagulat lamang dahil dumadami na sila, pero ang bawat isa siguro ay may kanya-kanyang dahilan. 

Kaya iiwan ko sa inyo ang tanong ngayon gabi, Ano ang nasa dako pa roon, at bakit lumalaganap ang pagpapapiktyur sa harap ng saradong tindahan. Kayo na po ang sumagot.

Magandang gabi!