Pages

Biyernes, Marso 25, 2016

Juan's Superstitious Beliefs tuwing Kwaresma

'Di kumpleto ang Holy Week sa Pilipinas kung walang tirik na tirik na Araw.'


Ang susunod mong mababasa ay hango sa tunay na life story ni Juan sa kanyang bansang Pilipinas.

Aaminin ko na noong panahon na ako'y uhugin pa at walang kamuwang-muwang sa mundo ay ayaw na ayaw ko sumasapit ang Mahal na Araw. Hindi naman sa anti-Kristo ako ha, marahil wala pa sa diwa ko ang kahulugan noon ng Kwaresma. Sorry Lord! Paano ba naman parang Martial Law kasi ang batas ng aming mga magulang noon at sobrang napakarami ng bawal, grabe ang sikat ng araw, magkakabungang-araw ka at kamot ka ng kamot sa likod kaya naman lagi rin naka-antabay ang Liwayway Gawgaw ni Nanay. Wala ka talagang magawa, as in! Patibayan ng sikmura sa pagka inip, buryong at aburido sa init, tagaktak ang pawis at bawal ang magsaya o bumungisngis man lang. Pwede naman manood ng TV pero walang mapanood, kung meron man marathon 'yun yung The Ten Commandments, Jesus of Nazareth, Benhur at kung anu-ano pang palabas na may kinalaman sa Holy Week. Kung meron naman cartoons yun na yung Flying House.

Kung mapagkasunduan man ng pamilya na mag-rent ng VHS  tape eh panigurado yun ding parehas na resulta na nabanggit na pelikula sa taas.

Tahimik din ang aming telepono, yung kulay itim na klasik na telepono yung di-ikot pa ang numero sa pag-dial. Wala din kasing matatawagan sa mga panahong yun, walang makatelebabad mapawi man lang ang buryong dahil lahat ng kaibigan mo ay nasa probinsiya at nagbabakasyon. Kung radyo naman wala ring choice, dahil puro bible explorations, preachers at mga audio version ng mga pelikulang unang nabanggit, kumbaga ay teledrama sa radyo. Walang music, kung meron ang mga tugtugan ay pang mga nineteen kopong kopong. Wala kang ingay na maririnig kundi ang alingawngaw ng megaphone ng mga lolang nagpapasyon. Wala ang mga sunog-baga sa kanto kahit pa pagkakataon nilang magpiyesta sa inuman ay respeto pa rin ang inaalay noon sa tuwing Semana Santa.



Gary Valenciano - 'Gaya ng Dati'
(Isa sa mga kanta na lagi mong maririnig sa radyo kapag Mahal na Araw)

Lumabas ka man para mamasyal o magpalamig, sarado lahat ng mall, parang ghost town sa kalsada, parang may epidemya sa karsada napakadalang ng tao, walang trapik.

Pero kung iispin mo nakakamis din pala yung mga galawang old school. Ngayon kasi andami nang mapaglilibangan ng tao. Nariyan ang cellphone, tablet, oo internet at computer ang may sala. Andali mo na nang matagpuan ang tropa dahil may tinatawag nang GPS at Google Map. May mga instant drama na rin sa TV, swerte na kung may cable ang ilan, open na rin ang mga istasyon ng radyo at kahit mga tugtugang Justin Bieber pwede mo mapakinggan hindi mo siya mamimiss ng 3 days. Pwede na magdownload ng MP3 a t mga downloaded movies. Basag na basag ang tanikala at pagkagapos sa boredom. Ang  ilang mall ay nagbubukas tuwing tanghali, halfday kung tawagin.

Na-realized ko mas boring pala ngayon kumpara noon. Andun ang sakripisyo  talaga ng tao noon, pagpipigil at pagtitika. May challenge ika nga. Pagkadaming bawal in 3 days, kulang na lang ang bawal huminga. Ngayon? wala easy easy na lang sa harap ng computer naka de-kwatro pa ang iba.

Bawal ang kumaing peyborit kong karne. Naaalala ko kapag Mahal na Araw hindi talaga namamalengke si ermats kung ano lang yung stock sa ref na green leafy vegetable eh yun lang ang menu for 3 days. Kaya naman nakakapagdiet ako nun ng tatlong araw at magnanakaw ng sandali tuwing hapon para pumapak ng tsitsirya at softdrinks sa  tindahan nila Aling Meding. Pero kung merong pansit at sopas sa mga kalaro ko dun ako nakikitsibog.

Eh ngayon, hindi na nagagalet ang mga Nanay n iyo kung magbukas man kayo ng corned beef o magprito man kayo ng hotdog di ba? Malaya rin kayong nakakapakinig ng "shine bright like a diamond" ni Rihanna o kaya "love yourself" ni Bieber. Di na siya nabibwiset kung manood man kayo ng nakakatakot kagaya ng Insidious(1-3) o Saw (1-7 marathon). Wala na, iba na  talaga ang panahon.

Noon bawal maligo after 3 PM ng Biyernes Santo, sabi ng matatanda dugo na daw kasi ni Kristo ang pampapaligo mo. Tapos ang lahat magiging instant diabetic, kasi bawal daw ang masugatan at hindi na daw kasi iyon gagaling forever kahit gamutin mo pa ng Merthiolate, Betadine at Agua Oxinada. Pero ung mga iba nating kababayan nasa beach, siguro umahon na lang sila sa tubig a fter 3 PM, di na naman siguro masama yun wag ka lang mabasa at para huwag magalit ang matatanda.

Bawal daw ang bumiyahe, pero naman bakit karamihan sa ating mga kababayan ngayon ay mga nasa out-of-town? Sabi kasi ng mga lovable oldies nating mga mahal sa buhay ay mas prone sa aksidente kapag Holy Week dahil nga sa pagkamatay ni  Hesus at walang magliligtas.

Bawal humahalakhak, bumungisngis, tumawa, pati ba ngumiti? All in all bawal ang magsaya, siguro ang pag-ngiti depende sa sitwasyon. Ang pagsasayang tinutukoy dito ay yung tipong gabi-gabi kang nasa Valkyrie bar kasama ang barkada, yung nagsu-swimming ka dahil ang rason mo ay bakasyon at summer naman, yung tipong 24/7 ka sa computer shop para malaro ng punyetang dota. Hindi masama ang pagsasaya, pero kung magsasaya ka huwag naman sa panahon na binabalikan nat in ang pagkamatay ng Diyos sa krusipiyo dahil sa pagtubos ng mga kasalanan natin, tapos eh magsasaya ka? Tang ina naman tohl, wag ganun. Parang sex lang yan, uunahin ang sarap kaysa sakripisyo. Kame nung kabataan namin, m ahuli kaming naghaharutan ng mga lolo at lola namin ay agad na paluluhurin kame sa munggo at magdasal sa ipinagkasala namin na iyun. Samantalang ngayon? wala na....wala nang respeto ang ilang mga kabataan at mahirap na sila kastiguhin.

Sinabi ko na kanina na bawal maligo pagkatapos ng alas tres ng hapon, sabi ng matatanda magiging dugo daw ang tubig. Kaya kapag katatapos mo lang magsabon at magshampoo at alas tres na, wag ka na munang magbanlaw at hayaan mo muna ang mga bula sa katawan moo. Ok lang yan Tender Care naman ang sabon mo at "clinically  proven to mild, keeping the baby's skin healthy and r esistant to allergies and other skin irritations" naman daw yan.



Bawal magkasugat, sino nga ba naman ang gustong magkasugat? Pero ayon ulit sa ma tatanda, bawal maglaro ang mga bata lalo na ng takbuhan  at baka madapa, magkasugat. Di daw yun gagaling agad kasi deads si Jesus sa panahon ng Holy Week. Pero ang totoo siguro sarado lang yung tindahan na malapit at walang pagbibilhan ng betadine at bulak.






Wag magpapatugtog ng malakas at mag-party. Oo kaya sorry ka na lang kung mapapatapat sa araw ng birthday mo ang Maundy Thursday at Good Friday. Ang kailangan mo gawin ay magnilay at magsisi sa mga kasalanan mong nagawa.  No choice ka kahit birthday mo pa. Umatend ka na lang muna ng mga pabasa at dun ka magpakain.


Huwag gawing sightseeing  at selfieng ang pagbibisita Iglesia. Kung sasama ka para magVisita Iglesia at ang gagawin mo lang ay magsight seeing, mag-boy hunting at magselfie selfie inamoka ay huwag mo na balaking gawin. Leche! isang post mo pa sa krus ipapako na kita ng pakong may kalawang. Bakit kaya may mga taong sumasama para lang may maipost sa Facebook na nasa ibang lugar sila? Bato-bato sa heavens ang ma-hit wag magalit. Ugali na nating mga Pinoy yan lalo na nung nauso ang Facebook. Kanya-kanyang post, kanya-kanyang pasiklaban. Pake ba namin? Ang tanong makabuluhan ba ang pagpunta mo sa mga simbahan at nangilin ka ba ng tunay? Kahit isa o dalawang simbahan lang napuntahan mo basta't nagngilay ka ng maayos.




Never na gawing katatawanan ang Pabasa. Kahit boring at nakaka-antok ang Pabasa, hindi gusto ng Simbahan na gawin itong katatawanan. Huwag mo ibahin ang tono na katulad ni Martin Nievera na inawit ang pambansang awit sa laban ni Pacquiao. Ibig kong sabihin wag mo gawing rap ang Pabasa at wag din temang death metal na may pag-growl. Ang ibang kabataan kasi ganyan ang ginagawa. 




Tandaan ang Holy Week ay hindi isang biro na lalaruin lang natin, ito ay seryosong ganap na kailangan nating pagtuunan ng pansin. Mangilin, magsisi sa mga kasalanan at tuluyang magbago!




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento