Pages

Sabado, Abril 30, 2016

Maikling Kwento: Happy Labor Day!



'Maligayang araw ng paggawa, or  should I say nagawa na (baby)'


Mayo 1, 2016. Magiging  tatay na si Jeff. Nasa harap sila ng hapagkainan ng sabihan siya ng kanyang asawang si Clarisse na humihilab na ang kanyang tiyan at pakiramdam na manganganak na ata. Dali daling kinuha ng lalaki ang bag na may lamang lampin, bulak, pulbos, alkohol at gasa at iba pa. Ito ang bilin ng kaniyang biyenan, ihanda ang gagamitin ng kanyang asawa at ilagay malapit sa pintuan.



Dumiretso siya sa garahe. Dala-dala ang bag, pinaharurot  ang sasakyan. Tinawagan niya ang kanyang biyenan at  nagsabing manganganak na nga ang kaniyang asawa. Sumunod na  tinawagan niya ang kaniyang Nanay. Ibinalita na rin dito. Tumawag siya sa opisina at nagpaalam   siyang di siya makakapasok kahit pa  double pay sapagkat Laboy Day sa araw na iyon. Siya ang harurot   ng kaniyang sasakyan. Umiwas din siya sa main road. Alam niyang baka daanan ito ng mga raliyista. Maya-maya, may nakita siya sa kan yang rear-view mirror na may isang tricycle na humaharurot. Busina ng busina at animo'y gustong mauna. Panay ang hazard ang ilaw. Alam niyang gusto nitong mag-overtake. Alam niyang emergency rin ito. Sa loob-loob niya parehas lang sila. Sige siya sa patakbo at hindi niya ito inintindi.

Pagdating sa ospital, tarantang tinakbo niya ang guwardiya, humingi siya ng tulong at manganganak na ang kanyang asawa. Hangos naman ang kilos ng mga susundo at may dalang stretcher. Kinabahan siya. Pagtingin niya sa backseat wala ang kaniyang asawa. Nasaan ang kaniyang asawa?
Saka dumating ang tricycle. Kumakaway at nagmumurang bumaba ang kaniyang asawa habang hawak hawak ang tiyan.

Huwebes, Abril 28, 2016

Pulpolitika at Social Media:Pinoy Double Standards

'Funny isn't it?'
Hindi nga kaya dobleng huwaran tayo sa mga bagay-bagay? Hindi mo napapansin pero dito magaling ang mga Pinoy, lalo na pagdating sa social media. Kung gusto ko mag upgrade ng pizza gusto ko palaging may double cheese, double bacon at pepperoni pero ayokong magkadouble-chin. Hindi ako yung tipong kumakain ng gulay sa burger pero ang gusto ko habang kinakagat ko ang burger ay may  coleslaw. Di ako kumakaen ng patatas sa adobo pero gusto ko ng hashbrown. Double standard di ba?

Alam mo tohl, ayaw ng pinoy ang ugaling may pagkadouble-standard pero di natin namamalayan na mismong ikaw na nagbabasa nito ay may pagkadobleng huwaran. Sa makatuwid, pamatay na pamantayan. Eto makinig ka:

*Mabilis tayong ma-offend sa "rape-joke" pero ang mokong makakita lang ng Hokage post sa Facebook mas mabilis pa sa alas kwatro ishare sa timeline. Wag kame iba na lang! Eh kung iisipin mo hindi ba't pagtatake advantage din yan sa mga kababaihan? Pero ang gunggong magdadahilan pa na magkaiba naman daw yun. Gunggong!

*Galit na galit ka sa mga post ng Rappler at Philippine Daily Inquirer page dahil sabi mo biased, pero kapag Mocha Uson blogpost, napaka credible? Twerk pa more!

*Kamakailan lang may post sa social media na isang lalaking Math teacher, pogi, hayup sa abs at makalaglag So-en. Pero asahan mo yan kapag babaeng nagpakita ng cleavage ang nag post. Ang ikokomento, "Bitch, malandi!, pokpok!" Bakit ba eh siya kaya ang joga ng buhay naming mga lalaki! #jogangbuhaymo

*"Freedom of speech" ko yan at yan ang sinasabi mo kapag nagpahayag ka ng komento mo pero may sumuway sayo. Pero kapag opinyon ng iba, ang sasabihin mo, "mga nagmamarunong, nagmamatalino." Mga feeling political analyst, mga feeling sports analyst lalo na kapag may laban si Pacquiao.

*Pumuputok ang butse mo kapag nababastos ang napipisil mong presidente. Pero kung kapag ang presidente niyo naman ang nambastos, "Nobody's perfect". "Tototoong tao lang siya kaya ganun". So ano kame, puppet?

*Ahhh hindi ka homophobic pero ang depinisyon mo ng duwag at lampa ay, "BAKLA!!" Galing!

*Nagagalet ka kapag may lumalait sa mga matataba at panlabas na kaanyuan. Pero naman tawang-tawa ka kapag nilalait  yung hindi tuwid na legs ni Kathryn. At siyempre tuwang tuwan ka rin dun sa nagsisign language sa gilid ng TV mo tuwing may Presidential debate dahil ginawaan siya ng musicaly ng mapanghusgang kamangmangan ng social media.

*Natatandaan mo ba nang tinuligsa si Manny Pacquiao dahil sa same sex marriage issue? Ang sabi mo, "Ikinahihiya kita Manny!", "Ikaw ang mas masahol pa sa hayup!". Pero siyempre nanalo si Manny kay Bradley eto ka ngayon: "Congrats Manny! Proud kami sa'yo" Ulol wa g kame sabi!

*Nakasanayan na natin magsalita ng "Habang may buhay may pag-asa". Pero ayaw mong iboto yung mas malinaw naman na deserving at mas kwalipikado maging lider ng bansa tungo sa totoong pagbabago. Ang dahilan mo "baka mamatay lang yan ng maaga." Punyeta, bakit yung iba ba imortal?!

Wag sana natin basta iasa na lang ang pagbabago sa susunod na magiging Pangulo ng bansa. Mang-mang ka man ng social media o hindi, nasa Pilipinas ka man o nasa Bangladesh, bawat isa sa atin ay may kanya kanyang responsibilidad sa bansang ito dahil nasa Pilipinas ka at Pilipino na tayo. Pa change change is coming pa  tayo di ba? Bakit di natin simulan sa sarili natin? Dapat matagal nang sinimulan hindi porke't may bagong halalan at may uupong bagong administrasyon eto ka na naman si tagahanap ng pagbabago. Forever kang maghahanap ng pagbabago kung nakanganga ka lang sa ilalim ng puno habang inaantay bumagsak ang bunga ng alatiris sa bibig mo. Nakakatawa lang dahil ang laki ng hinihingi nating resulta pero kahit gatiting na partisipasyon wala ka namang naiaambag. Puro lang tayo post sa social media pero wala  namang gawa. Puro ka unfriend ng kaibigan mo dahil hindi nila trip si #OnlyBinay na sinusuportahan mo. Ok na tayo dun sa "atleast naipahayag ko ang opinyon ko", "Atleast nagbabayad ako ng tax."

Korni nga sabihin yang salitang pagbabago pero ang sabi ko nga simulan natin sa ating mga sarili. Asahan mong makakamtam din natin yang pagbabago na ilang siglo na nating hinahangad, hindi man ngayon bukas o sa makalawa o sa susunod pang anim na taon, pero alam nating meron dahil may ginagawa tayo at responsable tayo. Kaya simula ngayon hanggang  Mayo 9, pag isipan ang iuupo, pagnilay-nilayan sana ng bawat pamilyang Pilipino kung sino talaga ang karapat-dapat na ihalal hindi lang dahil sa matatamis na pangako kung di sa kakayahan talagang gawin ang bawat salitang binibitawan.

Biyernes, Abril 22, 2016

Junior Holdaper

'Na-holdap ka na ba ng...............


Sa isang lugar sa may Balut,Tondo ay may isang jeep na isang ubo ng tambutso na lang at magkakalasan na ang mga makina. Mabagal ang oras at kakarag karag ang jeep na kanyang sinasakyan. Sinilip niya ang oras sa ilalim ng kanyang  itim na leather  jacket, 2:15 A.M. Parang di lang ang drayber ang inaantok at lahat ata ng nakasakay sa jeep na  iyon ay antok na antok na dahil ang lahat ay galing sa trabaho at ang iba marahil ay galing sa mga gimik. Desidido na siya sa maitim niyang balak. Buo na ang loob niya na hoholdapin na niya ang mga pasahero sa  jeep na kanyang sinasakyan. Junior holdaper, o rookie pa lamang si ya sa  ganitong gawain. Ayaw niya sana, ngunit tadhana ata ang nagtulak sa kanya upang gawin niya ang bagay na ito.



Tumatakbo ang isip niya, mga tatlo o hanggang limang jeep lang siguro, maipapagamot na niya ang kanyang sarili. Matagal na rin siyang naghihintay na may tumulong sa kanya. Kung bata pa sana siya ay baka may maawa pa sa kanya, ngunit ngayong may edad na siya, sa halip na kaawaan siya ang sukli ng bawat makakakita sa kanya ay pagtatawanan, panlalait at panloloko. At sa pag-iisip na yun dun siya nakumbinsi na gagawin na niya talaga, wala ng urungan. Bahala na si Batman!

Marami-rami ang sakay, anim na babae. Dalawang lalaki. Tatlong bata. Apat na matanda. Inaantok na ang mga bata. Papikit-pikit na ang mga mata nila. Habang nagkukuwentuhan naman ang mga babae ang tatlo ay naka uniporme ng pang-nurse, ang dalawa naman ay naka-sibilyan at ang isa ay dalaga. May dalawang lalaki nga pero buto't balat naman ang mga pangangatawan. Mukhang di papalag, mukhang di lalaban. Ang isa mukha pang paminta. Ang apat na matanda naman ay mga senior citizen.

Inihanda na niya ang baril na natatago sa kanyang nakapal na leather jacket na nakasukbit sa maong na pantalon. Sa ilalim ng pusod na natatakpan rin ng kanyang itim na tshirt na may logo na "Punks Not Dead".

Walang anu-ano'y...............

"WANAN TITITAW, HOLNAP ITOH!!!" Preno ang dayber. Huminto ang jeep. Napatingin ang lahat ng taong nakasakay sa jeep sa kanya. Pinagmasdan siya. Sabay-sabay na nagtawanan ang mga pasahero.

Mabilis siyang bumaba. Tumakbo siya ng tumakbo ng tumakbo, papalayo sa jeep na ito habang lumuluha. 

Huwebes, Abril 21, 2016

Maikling Kwento: Tang! Galing -ina mo!

'Juice ko 'day'

Sa isang mainit na katanghalian ay naglalaro ang mga batang sina Mik-Mik, Jepoy, Tinay at Kokoy sa tabi ng bukirin at malapit sa highway. Di nila alintana ang init at masayang naglalaro ng dampa ang apat. Nauhaw si Tinay at umuwi muna ng kanilang bahay upang uminom ng tubig. Pagkaraan ng ilang minuto bumalik ang bata sa kaniyang  mga kalaro dala ang isang pitsel ng tubig.

"Tubig lang?" wika  ng isang bata habang iaaabot ni Tinay ang pitsel kila Mik-Mik. Kinalabit ni Jepoy ang mga barkada sabay nguso sa  papalapit na truck. Huminto ang truck sa kanilang lugar at sinalubong nila ang truck na nagdedeliver ng tubig sa kanilang barangay. 

Agad nilang pinanhik ang truck ng tubig. Isinalin ang  mga juice na dala nila. Sumakay na ulit ang driver ng truck na  bumili lang pala ng softdrinks sa tindahan at dumiretso na sa main line ng tangke ng buong barangay. Isinalin dito ang lahat ng tubig na karga ng truck para ideliver ito sa buong kabahayan ng barangay.

Sabay balik sa bahay nila Tinay ang tatlong bata at ilang minuto lang, binuksan ni Tinay ang kanilang gripo, juice ang tumulo. Strawberry flavor. Napasigaw si Kokoy sa mangha "Shet strawberry! at  isinalin ang baso sa gripong dumadaloy ang strawberry flavor. Nag-apir silang magkakaibigan.

Biglang may sumigaw. Galing sa banyo ang tinig. Lumabas ang nanay ni Tinay. Hawak-hawak ang nakatapis na tuwalya sa dibdib at tila takot sa kanyang nasaksihan.

"Nay, bakit po?" ang tanong ng  batang babae sa  kanyang ina.

"Maghuhugas sana ako pagkatapos kong dumumi, kulay pula ang tubig, pag-flush ko, kulay pula rin ang lumabas na tubig.  Inamoy ko. PUTANG INA, juice!"

"Eh, nay bakit po chocolate ang nasa palad niyo?"


-THE END

Huwebes, Abril 14, 2016

Tampisaw: Signs na Summer na sa Pilipinas

#Summer2016


Aminin na natin intense na init na talaga itong nararanasan nating   init ng panahon netong mga nakaraang araw di ba? Opisyal na nga sigurong Summer season na sa Pinas. Kaya naman bigla ko lang naisipan na magsulat ng ilang nakakatuwang senyales at magpapakatototoong summer na nga sa bayan ni Juan. Let's go, sago!

*Pampalamig! tama nariyan na sila ang mga tropa ni Iceman, unti unti na sila magsusulputan sa palengke, sa tindahan at maski yung kapitbahay mo na business minded eh magtitinda na nito. Lilitaw na ang mga halo-halo, fruit shakes, ice cramble, ice candy, sago't-gulaman at iba pang pagkain at inumin na pampalamig sa bawat sulok ng barangay.

*Nagiging instant heater ang tubig na dumadaloy sa ating gripo lalo na kung matagal itong  hindi nabuksan.

*Alas siyete o alas otso pa lang tuwing Sabado at Linggo ay maagang magtitipon tipon ang mga tsismosa  mong kapitbahay sa kalsada kaya ingat ka pag dadaan ka. Magsa invisible muna. Nasa labas na yang mga yan dahil sa sobrang init na sa loob ng bahay  kahit masyado pang maaga. Kaya maaga ka  rin nila pagtsitsismisan.

*Pagkatapos ng pagpasok sa eskuwelahan ng mga estudyante, asahan mo sa barangay niyo mga ikalawang linggo ng Marso maglalabasan na sila....oo maglalabasan na amg mga solicitors, mga nanonolicit para sa liga ng basketball para sa kanilang uniporme at kota ng barangay para sa liga.

*Magiging Divisoria at Baclaran na ang mga malls dahil dadagsa na ang mga  tao para lang magpalamig. Wala silang pakealam dun sa mga nagtitinda ng credit card sa bukana ng mall at pipilitin kang kausapin para  sa  inaalok nilang credit card. 

Jason Mraz - Summer Breeze

*Marami ka nang makikitang mga nagtitinda ng pakwan, melon, singkamas at mangga at iba pang summer fruits sa paligid. 

*Kinakarir na ng bawat isa ang pagpapaputi ng kanilang mga kili-kili bilang paghahanda para sa kanilang mga outing. Ang maitim ang kili-kili tanggal sa circle of friends.

*Tuloy ang daloy ng pagluha ng kili-kili mo bawat minuto.

*Maglalabasan na sa Internet ang mga resort's ads offering reasonable prices at discounts. Magpaplano na ang barkada kaso kahit June na  ay panay plano pa rin hanggang abutin na ng tag-ulan.

*Mauuuso ang  brownout sa iba't-ibang lugar at sasabihin ng Meralco na kinakapos na sa supply ng kuryente at para mas intense ang summer heat kahit hangin ng pupugak pugak na electric fan niyo ay mawawala pa. Kaya duon nauso ang salitang  beat the heat kasi may extra challenge dahil walang kuryente.

*Halos karamihan ng nakakasalubong mo sa daan ay naka sun glasses. Puwedeng  pamprotekta sa araw at pwede  rin kapag tinanggal ay kamag-anak pala ni Cyclops ng Xmen  kasi may sore eyes.

*Sa mga kagubatan, lalaganap ang mga forest fires.

*Makakakita ka ng mga kabataang lalaki na naka palda dahil sa panahong ito uso na naman ang "Operation Tuli". Matutuli ang mga beking bata pero sa kahuli-hulihan ay  beki pa ring tunay.

*Yung kapitbahay mo unti-unti nang umiiksi ang tela ng shorts na sinusuot ito yung tinatawag na pekpek shorts.

*Malalaman mong summer na sa Pilipinas lalo na kung nagkakaubusan na ng yelo at ice tubig sa mga tindahan. 

*May mga special promo na ang maliliit na convenient stores, food chains at restaurants  para sa kanilang mga "summer coolers".

*In na in ang mga pigsa, sore eyes, sunburns at bungang-araw.

*Kapag ang mga lalaki ay nagpipiyesta sa Facebook at Instagram ng mga babaeng nagpapapicture at nagpopost  ng 20% face at 80% cleavage *evil grin*

*Summer na sa Pilipinas kung yung mga friends mo sa Facebook ay nagpopost na ng status na sila'y naiinitan at  may kasamang mura pa. "PuT@$%&!! ang init".

*Kapag kabi-kabila na ang tunog ng sirena ng bumbero summer na summer na sa Pilipinas dahil talamak ang sunog. Kaya mag-ingat huwag na maglagay ng kandila sa keyk ng m ay birthday. Kantahan na lang siya minus the candles.

*Kapag may magpapamilyang  pila -pila ang upo sa balkonahe at nagkukutohan. (fine time nila yun kaya walang basagan ng trip).

*Magkakaron ng instant pool sa garahe para kila nene, totoy at brownie.

*Marami na ang nagseselfie ng naka trunks, bikini at two piece sa FB kahit may mga kamot.

Ikaw tohl, ready na ba for summer ang yellow polka dot bikini mo? Tara na't magtampisaw!                 


#Summer2016



Sabado, Abril 2, 2016

Jack of Hearts: #LabanPuso




Kung ang akala mo ito ay tungkol sa basketball, FIBA World Cup o Gilas Pilipinas ay nagkakamali ka. Inuunahan na kita para hindi ka madismaya. Ang pusong tinutukoy dito ay ang puso ng nagsusulat, ang puso ng may akda ng mga letrang ito. Pero bakit nga ba kailangang ipaglaban ang pusong ito at ano ang ipinaglalaban ng puso kong ito? Sabi nga ng idol mong si Donna Cruz noong dekada nobenta sa isang kanta, kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kungdi sundin ito. Tama siya, hangga't ang puso  mo ay may interaksiyon pa sa iyong katawan ay kailangan mong sundin kung ano ang ninanais nito, lalong lalo na kung ang tinitibok nito ay tungkol sa pag ibig. Wala akong pag ibig, at minsang nasabi ko na rin na wala akong romantic DNA sa katawan. Pero ung DNA na magkakaroon ako ng crush at paghanga sa ibang babae, milyun milyon meron ako niyan. Tila ata hanggang duon lang ang secretion ng ganitong type ng DNA sa katawan ko. Pero paano kung isang araw ay hindi na naulinigan ang tibok ng pusong ito? Paano kung tumibok man pero hindi na normal at wala nang kapasidad ang puso na daluyan ng dugo at hangin para huminga sa kahang ito? Ayokong maging madrama, wala sa salinlahi  ko ang maging maramdamin ang iba ay nanonood lamang ng mga telenobela pero hanggang duon lang ang pag-agos ng mga luha nila. Naniniwala naman ako at ng aking panulat ay hindi basta basta mababakli sa isang pagsubok na ibinigay ng lumikha. Marami pa tayong paguusapan at patsitsismisan sa blogosperyong ito.

Naisip ko na ang pagkain nga ang magpapalakas at magpapalusog sa isang tao, ngunit ang pagkain din pala minsan ang ikakamatay ng isang tao. Nasusuklam sa sarili dahil ngayon ay pinagtatawanan ako ng mga french fries na kinain ko, umaalingawngaw ang halakhak ng kolesterol ng mga bacon, sisig, chicharon, taba, karne ng baboy, baka at ng iba pang mga pagkain na nililok sa mantika. Ang panaginip na malunod sa softdrinks, iced tea at kung anu-ano pa ng inumin na mataas ang volume ng asukal. Ang lahat ng yan ay pawang masasarap na pagkain ngunit ngayon ay bangungot para sa akin. Nagtagumpay sila at sama sama nilang inangkin ang puso ko, ngunit napakahirap magpupumiglas dahil nasasakal ang puso ko at tuluyang nahihirapan sa pagdaloy ng hanging para huminga. Tila hostage ako sa araw araw, susundin ko ang mga payo  niyo ngunit wala lang trayduran ng puso.

Ilan sa mga unforgettable moments ko ay ang mag push up ng pagkaraming beses na naka-angat ang paa, umakyat bumaba ng hagdan nang mahigit isang oras at ang mag jogging ng mabilis palayo sa tumatahol na aso para lamang lumiit ang halimaw na tiyan na ito. Para pa lang hihimatayin ka na aatakihin sa puso ang pakiramdam.

Pero dati  naman talaga, nung panahon ng Kolehiyo  hindi ganito sanay akong tumakbo at maganda ang aking pangangatawan, natigil lang talaga ang mga dating gawi sa umaga at mga ehersisyo simula ng magka-trabaho mula duon nagpa-alipin na sa mga kolesterol at softdrinks.

Ngayon di rin talagang naiwasang malungkot dahil biglang nagbago ang dating gawi. Natigil ang pagbibisikleta dahil kaunting padyak pa lamang ay kinakapos na sa hininga. Namimis ko na si Blue Blink  at paniguradong mis na rin ako ni Blue blink dahil unti unti na siyang nangangalawang. Di rin maiwasan ang pagka mis sa mga aso at pusang gala sa madaling araw na  binibigyan namin ng dalang Adobong pagkain. Naglaho na rin paunti unti ang paglalaro ng basketball at ang dapat na laro ko na lang daw eh iyong naka upo na lang, ano chess? sudoku? magsagot ng crossword puzzle sa Remate? mag connect the dots sa entertainment page ng Manila Bulletin? o magdampa kasama ang mga batang hamog dito sa lugar namin? :'(  Napalungkot na ata ng buhay kong ito. Ganito pala yung sinasabi nilang "my life change in a blink of an eye." 

Ang hirap tanggapin na ikaw yung breadwinner ng diabetes at sakit sa puso sa pamilya niyo eh noh. Ang hirap ng ganitong lahi yung akala mo malusog ka dahil di mo naman talaga expected yung ganitong sakit eh, pero dahil mana mana lang ikaw daw yung magpapasa  nun. So eto, carrying the torch left by my Father. Hirap din maging lalake dahil prone ka sa mga ganitong sakit. Mas matindi pa nga ata ako sa isang drug addict dahil 5 gamot na matataas ang dosage ang tinitira ko sa araw-araw. Sana pag nanalo na si Duterte eh magaling na ako at baka pagkamalan niyang adik ako sa gamot na tinitake ko sa araw-araw. Pero wala ka nang magagawa kailangan na lang sundin si Doktora (background song "How to Save a Life") kailangang wag matempt sa mga kinakain ko before kahit pa naglalaway na ko sa isang patak ng softdrinks na ito. Ang wika niya, "wala kang ibang iinumin kung di tubig, bawal ang karne ng baka at baboy at kahit anong mamantikang pagkain, may diabetes ka na at ang tanging lunas na lamang ay pababain ang sugar mo at totoo ring may bara ka sa puso kaya ka nahihirapan at kinakapos ng paghinga." Para talaga akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga nabanggit ni doktora. At ngayon limitado  na ang galawang hokage ko, bawal mapagod. Dahil para na ako ngayong bomba, a ticking timebomb di alam kung kelan sasabog. I have a body of a 35 years old but my heart is functioning like 70 years old. Alam kong hindi ito God's will  dahil ako mismo ang nagpabaya sa sarili ko. Wala ka  ngang yosi at alak, pero pabaya ka naman sa katawan ay halos quits lang din ng nagyoyosi at umiinom ng alak. Oo ako na nga siguro ang Ubas, ang nagsusulat ang ubas, ang ubas na sa panlabas ay akala mo ay walang  problema sa katawan, ang ubas na healthy, ang ubas na walang bisyo ngunit........... ako rin pala ang ubas na may cyanide sa katawang ito.