Pages

Sabado, Abril 30, 2016

Maikling Kwento: Happy Labor Day!



'Maligayang araw ng paggawa, or  should I say nagawa na (baby)'


Mayo 1, 2016. Magiging  tatay na si Jeff. Nasa harap sila ng hapagkainan ng sabihan siya ng kanyang asawang si Clarisse na humihilab na ang kanyang tiyan at pakiramdam na manganganak na ata. Dali daling kinuha ng lalaki ang bag na may lamang lampin, bulak, pulbos, alkohol at gasa at iba pa. Ito ang bilin ng kaniyang biyenan, ihanda ang gagamitin ng kanyang asawa at ilagay malapit sa pintuan.



Dumiretso siya sa garahe. Dala-dala ang bag, pinaharurot  ang sasakyan. Tinawagan niya ang kanyang biyenan at  nagsabing manganganak na nga ang kaniyang asawa. Sumunod na  tinawagan niya ang kaniyang Nanay. Ibinalita na rin dito. Tumawag siya sa opisina at nagpaalam   siyang di siya makakapasok kahit pa  double pay sapagkat Laboy Day sa araw na iyon. Siya ang harurot   ng kaniyang sasakyan. Umiwas din siya sa main road. Alam niyang baka daanan ito ng mga raliyista. Maya-maya, may nakita siya sa kan yang rear-view mirror na may isang tricycle na humaharurot. Busina ng busina at animo'y gustong mauna. Panay ang hazard ang ilaw. Alam niyang gusto nitong mag-overtake. Alam niyang emergency rin ito. Sa loob-loob niya parehas lang sila. Sige siya sa patakbo at hindi niya ito inintindi.

Pagdating sa ospital, tarantang tinakbo niya ang guwardiya, humingi siya ng tulong at manganganak na ang kanyang asawa. Hangos naman ang kilos ng mga susundo at may dalang stretcher. Kinabahan siya. Pagtingin niya sa backseat wala ang kaniyang asawa. Nasaan ang kaniyang asawa?
Saka dumating ang tricycle. Kumakaway at nagmumurang bumaba ang kaniyang asawa habang hawak hawak ang tiyan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento