Pages

Sabado, Mayo 21, 2016

Air Tsinelas: Kalye Basketball Hoops Pinoy Style

'More fun in  the Philippines: Pinoy Streetball'

"Tae, tae, tae", yan ang sigaw namin habang nagdidribol siya ng bola ng basketball, lamang ang Barangay Itaas Purok Singko ng isa 71-70 at 4 seconds na lamang ang nalalabi sa oras. Sumalaksak si tae sa loob  ng depensa ng kalaban at nakapagpasabit ng isa. Foul ang dipensa. Penalty at wala nang natira sa oras. At dahil ubos na ang oras ay siya na lamang ang nasa free throw line. Naka pokus sa kanya ang lahat ng atensiyon ng mga nanonood. Magaling si tae at star player siya sa dating pinaglalaruan ko sa Multinational Gillage (gilid ng village). Pero kahit magaling si tae masusubok ang kanyang lakas ng loob kung tatalunin ba siya ng kanyang kaba o kung sa dalawang tirang yun ay mapapachampion niya ang Barangay Ibaba Purok Siyete. Sa may kabilang panig ay may nagchecheer, "i-shooootttttt mo taeeeee! tae! tae! tae!".  Alam ng lahat kung panalo o overtime o  pagkatalo ng Barangay  Ibaba mapapagdesisyunan ang katapusan ng laban. Binigay ng reperi ang unang bola para sa freethrow. Hiyawan at sigawan sobrang ingay na ng court. Pinaikot ni tae sa kanyang kamay ang bola, nagdribol,  nagdribol, nagdribol ng apat na beses. Inhale at exhale nagconcentrate sa ring, iniangat ang kanyang shooting hand at.........sablay!  Tumama ang bola sa likod ng bakal ng ring at sa lakas ng pagkatama ay tumalbog ang bola papalayo sa ring at sa kasamaang palad tumalbog ang bola sa damuhan. Oo sa damuhan. May pumulot.....sumigaw siya dahil di niya namalayan na...."PUTANGINAAAA may tae yung bola refffff." Lalong nagsigawan at naghalakhakan ang mga miron. Napuno ng katatawanan ang huling sandali ng basketball. May nagmagandang loob naman at  hinugasan ang bola sa poso. Pinunasan at medyo tumagal ng kaunti dahil pinatuyo pa ang bola. Nang matuyo ang bola pumito na ang reperi at hudyat ng pangalawang free throw ni tae. Pinaikot muli ang bola sa kanyang kamay bilang style ng kanyang pag free throw. Uminhale, umexhale. Ininstrongka ang ring at nagconcentrate. May mga sumigaw na taga Barangay Itaas  "Wala yan, walaaaaaa kontrapelo ang tae sa tae booooooo Hahahahaha!" Sabay bitaw ni tae ng bola. Diretso ang bola sa ring (slow motion) animo'y parang isang pelikulang Pilipino katulad ng "Last Two Minutes". Papasok na sana ang bola  ngunit biglang kumalog ito pagdampi sa bunganga ng ring. Tanggap ng taga Barangay Ibaba na lalaban sila ng patayan maishoot lang ni tae para mag-overtime. Sa pagkalog ay naiwan ng bahagya ang bola sa bibig ng  ring hindi malaman kung mahuhulog papasok o palabas ang bola. Sa kasawiang palad hindi hinigop ng ring ang bola. Olats ang mga taga Barangay Ibaba. Dahil ba sa tae? o dahil kay tae?


Coz ang aming tsinelas hindi nadudulas! Legitz Misfitz - 'Air Tsinelas'


Lesson learned. Malas talaga ang tae.

Ganyan talaga sa isang basketball game maraming drama at naguumapaw ang emosyon. Matalo na ng tambakan huwag lang matalo ng isang puntos. Yan ang isa sa mga karaniwang settings sa isang liga ng basketball. Diyan makikita kung sino talaga ang magaling at kung sino talaga ang may daga sa dibdib at nagmamagaling. Siya si tae ang tropa ko na mahusay maglaro ng basketball. Nabansagan  lang sa mabahong codename na iyon dahil sa di malamang dahilan sa tuwing maglalaro kame ng limahan sa basketball ay laging na lang naiinterrupt ang laro dahil naeebak ang kumag in the middle of  the game. Ewan ko ba kung may scientific explanation o sadyang oras ng pagtae niya yung oras ng laro namin.

Tumira ako noon sa Paranaque at ang madalas na pinagkakalibangan doon ay tatlong B, bingo, bilyar at basketball +  E pa pala Ending ng numero ng score sa basketball. Hindi lahat ng nakatira sa Barangay Itaas ay mayroong telebisyon kaya kung araw ng Biyernes at Linggo na araw din ng telecast ng PBA ay makikitang nagkukumpulan ang mga kabataan at matatanda sa isang tindahan na ang mga manonood ay mga panatiko ni Jawo, Patrimonio, Guidaben  at iba pang manlalaro.

Kung hindi nanonood ng PBA at NBA. Asahan mo na naglalaro naman ng basketball. Nakahiligan ko rin ang larong ito. Makikita mo ko araw araw sa half court. Dito 3 on 3 ang labanan at kadalasan may pustahan. Minsan pera-pera o kaya isang bote ng Pop Cola. Ewan ko ba tapos Coke o di kaya Pepsi, Mountain Dew naman ang binibili nila. Nakasanayan na lang sigurong "Pop" dahil madali kasi sabihin, madali din naman bigkasin ang Coke pero ewan ko ba tradisyon na ang salitang "Pop" kung softdrinks ang pustahan. Kapag walang walang pera ang magkabilang panig ay mapagkakasunduan at mauuwi na lang ang pustahan sa "Ice-tubig". Pag wala  pa rin pang ice tubig sa papawis na lamang mauuwi ang laro. Noon ang setting ng court sa amin nang hindi pa ito nasesementuhan ay  parang disyerto sa sobrang alikabok ng buhangin. Kada takbuhan at pagfootwork ng mga paa ay natatakpan na mismo ang mga naglalaro ng makapal na alikabok. Ang half court ay napapaligiran ng mga damuhan kaya minsan kapag napupuno na ang damo at tumatayog na ay pinuputol muna ng mga manlalaro ito. Dito naman sa atin sa Pilipinas walang kiyeme ang mga manlalaro basta may ring, bola at players set na yan at ready for action na for hoops.

COURT SETTINGS

'Flood Ballers'
Gumanda rin ang aming pinaglalaruan na half court dahil sinimento na ito. Hindi na siya seasonal basketball court. Dahil kapag June hanggang December ay March na ulet makakapaglaro ang mga basketbolista. Bakit? Dahil binabaha ang court sa tuwing tag-ulan at nagmimistulang bump boat ng mga batang nakasakay sa kani-kanilang batya. Sa bagong court mas maraming nang dumadayo. Ang ibig sabihin ng "dayo" sa basketball ay mga manlalarong bumibisita upang makipagpustahan at makipagtungali sa mga mainstay player ng barangay. Kadalasan maraming miron ang nanonood sa tuwing may dayo. Minsan masaya  kapag ganito at meron din namang ilang bayolente kapag mainit ang laban  at malaki ang pustahan. Kapag ganyan ayokong manood dahil paniguradong may magsasapakan at maghahabulan ng saksakan. Kung meron nga lang Facebook na noon ay gagawa ako ng event "Basagan ng Muka sa Barangay Ilalim" o di kaya "Rambulang Hardcore sa Hardcourt". Naging maaliwalas ang court noong napinturan ang mga common basketball lines at sa wakas nagkaroon ng basketball logo ang barangay namin. Napagkasunduan ng mga kabataan na ang logo na ilalagay sa court ay logo ng Toronto Raptors, eh putangna  ewan ko ba't naging mukang butiki yung inaasahan ng kramihan na dinosaur dapat. Mali pa ang kulay imbis na pula ang katawan eh naging kulay violet. Kakapanood kasi kay Barney nung gumuhit. Leche!

'Riles ballers'
Sa isang tipikal na basketball court nariyan ang mga grupo ng manlalaro,miron,mga batang naglalaro sa playground, mga kababaihang nagkukuwentuhan sa semento o wooden bench, may tindahan sa gilid ng court na laging nakhanda ang ice-tubig, sofdrinks, ice candy, samalamig at kung anu-ano pang pampalamig at pamatid uhaw para sa mga players. Meron ding mga inuming alkohol kapag bote ang nilaro ng mga ito. Mayroon ding ihaw-ihaw nariyan ang barbeque, betamax, tenga ng daga, paa ng manok, hotdog. Sa di kalayuan naman ay nariyan ang kariton ni manong ng tusuk tusok katulad ng fishball, squidball, at chicken balls. Kaya naman kahit maglaro ka at mapagod ay hindi ka magugutom dahil maraming pagkain at inumin sa paligid.

Ang laro na nasa gitna ng kalsada ay normal na sa ating mga Pinoy ngunit maituturing na kakatwa sa mga banyaga. Ang mga sasakyan ay nakikiraan at bola  ng basketball ang simbolo ng kaharian. Ang manonood ay may opinyon sa nangyayari sa laro ang iba ay nagiging instant basketball analyst na miron, bawat galaw ng player ay sinusundan at may kasamang hiyaw ang bawat shoot sa  ring. Bawal ang pikon dahil siguradong panunuya ang aabutin. Bawat player ay may A.K.A iisang word lang. Iba-iba, sari-sari may tae, komang, daga, wanbol, manu, jograd at kung anu  ano pang  out of this world na pangalan.

Hindi rin kailangan ang mamahaling sneakers. Kakantyawan ka kung keron ka nito sa isang street basketball. Alamat kung maituturing pag lagi kang nakaka-shoot even though you're barefoot. At dahil ang mga Pinoy ay henyo pagdating sa mga pangalan sa likod ng jersey, mula sa paglalagay ng H (Jhograd, Jhimmy, etc) at mga kakaibang pangalan (Sniper, Robocock atbp) pati pangalan sa mga koponan sa mga liga sa barangay ay hindi papahuli diyan.

Ang court ay pinagdarausan din ng beauty pageant (minsan mga bakla) at singing contest tuwing piyesta.


Gnash - 'Basketbolista' (LA 105.9 Back Traxx)

PLAYERS

Pinaka popular talagang sports sa mga Pinoy ang basketball. At kung iyong mapapansin kada sulok ng baranggay ay may nakalaang espasyo para sa mga nag lalaro ng tong-its este basketball. Kung sa isang paaralan may iba't-ibang uri ng estudyante gayun din naman sa larangan ng paglalaro ng basketball. Eto ang ginawa  kong listahan para makategorya ang mga manlalaro. Nasaan ka dito?

*THE ENERGETIC NEWBIE

Sila yung mga karaniwang bagong lipat sa isang baranggay. Mahiyain at tahimik, pero magagaling. Ito yung mga tipo na gusto kong kakampi. I also calle this type Sakuragi's style. Ito yung malalakas maglaro at intense at masipag sa laro. They can easily adjust on the type of the game of his teammates. Sila yung tipong magpapakita ng depensa in terms of rebounding and shot blocking. Kung baga kayod-marino at hindi nagbabuwakaw panay depensa lang at panay power moves sa loob ng shaded area.

*BALL HOGGER

Isa sa pinaka-karaniwang nakakabuwisit na uri ng player since naimbento ang basketball. Walang ginawa ito kundi tira, tira, tira. Kahit siguro sa isang fastbreak at nauuna ka na di ka nito papasahan  at siya pa rin ang titira. Madalang mamasa pero mahina naman dumipensa. They have skills but the problem is their attitude. Isa mga kinaiinisan maging kakampi ang mga Ball Hogger.

*ACE PLAYER

One of the coolest teammates. Sila yung may pinakamaraming skills and maganda ang attitude. May disiplina sa laro at go to guy ng isang team kapag kailangang pumuntos. Sila yung mostly na pinagkakatiwalaan ng coach kapag gagawa ng play sa isang huddle. They occassionally trash talk and let their game do the talking.

*MR. SPORTSMAN

Maituturing na sakristan sa isang basketball game. My favorite type of player to play with. Sila yung magsasabing kahit tambak na kayo sasabihin niyang, "Kaya pa yan, mahaba pa ang oras tiwala lang", "Okay lang yun pre, makukuha mo rin yung shooting touch mo". Madalas nagbibigay ng fighting spirit sa team. At kapag natalo naman kayo, siya yung nangunguna sa pagsalubong sa kabilang team para magcongratulate. Asahan mo lahat yan kakamayan niya.

*THE CHEATER

Sa larong limahan sa kalye alam nating tayo-tayo rin ang tumatawag ng foul sa kalaban. They will call a foul kahit non-sense at minsan umaakting na lang na nasaktan. Ayaw ko ng ganitong kalaban sa basketball. Hindi ka mananalo sa mga ganitong player at sa mga ganitong player naguumpisa  ang init ng ulo ng lahat ng players. Gagawin nila ang lahat manalo lang, player na reperi pa. Pakshet  ibibigay mo na lang talaga yung pusta kasi ayaw magpatalo.

*ANTI-CHEATER

Siyempre kung may cheater merong anti-cheater. Sila yung kontra. Palakasan ng sigawan yan kung sino mas malakas na sigaw  yun ang correct na tawag. Pero minsan sa cheater at anti cheater nagsisimula ang Royal Rumble sa street basketball. Sapakan na tohl!

*THE CLOWN

This player is totally the funniest to play with. Yung tipong 5% lang talaga ang kaalaman sa larng basketball at nakakalaro lang kapag kulang sa lima ang player para makumpleto lang at matuloy ang whole court game. Tampulan ng katatawanan kapag hindi niya na alam ang gagawin sa bola kapag nadepensahan na siya. Funny weird dribble and a circus shot yan ang mga ginagawa niya sa court. Pero trust me sila yung pinakamasayang kasama.

*BULLSHIT BULLY

Ito yung mga nagpapanggap lang na marunong maglaro ng basketball. Madalas tambay na ng court lalo na kapag covered ang court  niyo. Mga tatuan, laging nakahubad baro, mabantot at basag ulo. Ang hanap lang talaga nitong mga ito ay away at rambol. Wala talaga silang pakealam kung manalo o matalo ang mga kakampi niya. Matapang lang siya dahil nandoon siya sa kaniyang teritoryo. Ito ang pinaka-ayaw ko. Nakakaburaot ang mga ganito, bakit hindi na lang sila magboksing?

*TRASH TALKER

The most annoying player you may encounter in a street basketball game. Sila yung mga tipong ipapamuka sa'yo na magaling ako, mahusay ako. Walang ginawa kung di mag trash talk kapag nakakashoot siya. Minsan nakakakuha din ng rambol ang mga ganitong player. Dahil yung iba sa muka ka pa minsan sisigawan ng pa trash talk. Sisirain niya ang laro mo at mawawalan ka ng full concentration sa game. To beat this guy iwasan mong mapikon sa kanya di ba Calvin Abueva? 

*VETERAN ALA-JAWORSKI GUY 

Pagtapos ng laro masakit na katawan niyo olats pa kayo. This types usually one of the dirtiest player of the game. Sila yung mga not very senior age guys na makakalaro mo. Mga dads usually and yung iba dadbods kumpletos rekados ang bigote at yung tipong hindi ka makakatawag ng foul dahil natatakot ka. Yung pag rebound ay naka-alma ang mga siko. Subukan mo sumundot ng mawasiwas ang muka mo ng siko nila. Trip din ng mga ito na manghawak ng short o kaya sando. They are bit    annoying to be an apponent because of the fact that they're skilled and tricky.

*THE PLC's (Player, Coach & Referee)

Ayaw ko kakampi ang mga type of player na ganito. Teammate mo siya pero sisirain niya diskarte mo sa paglalaro. Madaldal, they think the'ye really good in basketball. Minsan tuturuan ka pa. Magaling manisi kapag nagka error ka sa game. Pero kapag siya naman ang nagka error ayos lang. They shouting orders, make plays, demand the ball a lot  and always blame his teammates.

*MR. SMILING FACE

Basta lagi siyang nakangiti ewan ko ba kung for the love of the game or sadyang may mental problem lang ang ganitong type. Ewan ko kung may ganitong type sa inyong mga barangay hardcourt. Basta di mo siya mawari, hindi naman siguro siya nag-uunderestimate ng kalaban basta sa tuwing makikita mo siya di niya maialis ang smiling face sa kanyang muka. Trust me may mga ganito. 

*BENCH WARMERS

Di talaga mawawala ang mga ganito. Ang sabi nila yung mga nagbubutas ng bangko at naghihintay lang maipasok sa basketball game in a two options: (a) kung tinambakan niyo na ang kalaban niyo ng  bente at two minutes na lang ang natitira sa oras or, (b) tinambakan na kayo ng bente at kaunting oras na lang ang natitira sa oras, (c) kapag na injury ang star player o foul trouble na ang kakampi.

*MR.JERSEY BOY

Adik lang sa jersey at nangongolekta lang ng jerseys. Sa unang  game lang maglalaro at hindi mo na makikita pang muli sa mga susunod na games. Karaniwang mga dota boys at video game na ang lalaruin kapag nakuha na ang jersey.

*KOLORETE KINGS

Ahh eto naman yung kumpletos koloretes sa katawan. Nariyan ang kanyang arm sleeves, knee pads, headbands, wristbands at mga tattoos sa katawan Kung baga panay porma lang at wala naman talagang alam sa basketball. Yung mga ganito maaangas lang, pero kung makikita mo sa porma niya, shet parang ang galing galing. Tohl, hindi fashion show ang basketball paalala lang. 


Oh tohl, sa aking mga nabanggit saan ka diyan nabibilang?

Tayong mga Pinoy ang may pinakamalaking puso pagdating sa larong Basketball parang nakakabit na ito sa pang-araw araw nating buhay lalo na sa mga kalalakihan. Mas natetest ang pagmamahal natin sa larong iti lalo na kapag may mga Internation competition na sasalihan ang ating bansa. All of the 7,100 islands asahan mo yan ang cheering squad ng bayan ko. If we can channel our obsession to basketball to become productive citizens and be vigilant of  inconsistencies in our government then we can truly be a great country. 

Sabi nga ni manong na nakasuot ng Barangay Ginebra San Miguel jersey: "Parang kadugtong na ng buhay ko ang basketball. Kahit walong taon na silang kangkong umaasa pa rin ako hanggang sa huling hininga ng buhay ko makakamtan din nila ang kampeonato."


PS: If you're gonna play the game, you gotta have the love"



   





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento