Pages

Biyernes, Mayo 27, 2016

#RelationshipGoals

'Kailangan pa ba ng goals'


Sabihin mo nga sa aking tohl kung ano ba yang relationship goals na yan? Kasama ba yan talaga sa main goals ng buhay natin? O parang pa-cool lang na salita ng mga hipster na ang totoong ibig sabihin ay "Ideal relationship?"

Ganun? parang hindi naman cool eh.

So kapag nagsubuan lang ng kikiam, relationship goals agad agad? Nagkasabay lang sa jeep, relationship goals na?

Ang babaw naman.

Ayaw ba nila ng kasapatan na in a relationship ka na, kelangan pa ba ng goals? tsaka hashtag? Ang malaman at maramdamanang mong mahal ka ng taong mahal mo at may kasiyahang taglay kayo pareho sa kabila ng lahat ng kapakshetan sa buhay, kung tutuusin, isang napakalaking goal na. 

Hindi porke't  yung kakilala mo na relationship goals yung kanila, yun na talaga ang basehan ng tunay at pangmatagalang relasyon. Motolite lang tohl ang pangmatagalan. Isang larawan lang yan ng inuupload sa FB pero hindi ibig sabihin porket masaya ang larawan, hindi yan dinidefine na masaya sila in terms of their relationship as a whole. Puwera na lang kung may special powers ka na katulad ni Jean Grey, hawakan mo lang yung picture eh makikita mo sa isipan mo at puwede mo maramdaman yung tunay na kalagayan ng relasyon nila. Premonition ika nga. Hindi ka X-men at wala kang superpowers. Ang tanging sandata mo lang eh yung keyboard mo at mang-bash ng mga pictures sa social media. Tandaan, walang mental hospital bound na magjowa na ipaglaladlaran nila ang mga sarili at ipopost sa FB para mag self video ang kaniya kaniyang sarili nilang pagpuputang-inamohan at pagsusumbatan ng mga pagkukulang nila. Walang magkarelasyon na gagawa ng event sa FB na "magsusuntukan sila sa Ace hardware". Yung "almost perfect", yung may pagka "fairy tale" at edited version lang ng kwento ang pinapakita nila. Hindi ang buong episode. Bawal ipakita ang behind the scenes. Hindi ipinapakita ang kabuuan ng kanilang relasyon.

Hindi kinakailangang ipagkumpara ang kung anong relasyon meron kayo sa relasyong meron ang iba. Hindi lahat ng bagay na nakikita mo pwedeng mag work out sa  inyo. May mga bagay na applicable at fit sa kanila na hindi fit sa inyo. Hindi mo puwedeng ipagdiinan na gustuhin niya si Justin Bieber lalo na kung Slayer, Pantera at Mastodon ang gusto niyang trip na tugtugan. Maaaring iparinig sa kanya pero hindi para ipasamba at ipagdikdikan na si  Bieber ang pakinggan niya. Puking-ina maski sino iiwanan ka. Paano na lang kung ang gusto mong #RelationshipGoals ay yung tipong "I can show you the world", mahilig ka sa teatro eh siya sa totoong buhay puro siya rak en roll to the world sa pagdodota. Pero kung talagang mapilit ka at gusto mong makipagrelationship goals, siguraduhin mong mutual ang mga tatahakin niyong plano sa buhay. Hindi yung one sided lang, hindi yung ikaw lang ang makikinabang, hindi yung ikaw lang ang may gusto. Dahil minsan, sa halip na nakakatulong yang trip mong #RelationshipGoals, eh mas lalong nakakasira.

7 Foot Jr. - "Daisy"

Kung iisipin at iaanalisa mo ng husto, mas masarap na isipin na hindi niyo kailangan ng kahit anong #RelationshipGoals. Parang lakad lang ng tropa yan, parang yung nag aya lang yan sayo ng beach summer vacation na anong petsa na ng tag-ulan hindi pa rin matuloy-tuloy. Mauuwi lang sa sketching at drawing yang #RelationshipGoals niyo. Mas maganda yung excited kayo pareho araw-araw sa mga posibleng mangyari na walang iniintinding kahit ano. Nakakapressure  yang #RelationshipGoals na yan. Wag puro goals. Isaisip na mas mahalaga kung anong meron sa inyo ngayon na kayong dalawa lamang ang nageenjoy.

At isa pa, kung tunay ang iyong pagmamahal, kelangan pa bang isipin kung may patutunguhan o wala? Ano yan bagong goals na naman? #PatutunguhanGoals? Ang ending naman nun nagmamahal ka pa rin ng walang pag-iimbot at buong katapatan di ba? Nasa relasyon ka ngayon hindi para may marating o may maabot na kahit ano. Walang hierarchy map ang pagmamahalan, walang mataas na position na dapat nandun ka sa kaitaas-taasan. Okay na sa kanya yung maramdaman niya yung totoo mong layunin para sa kanya. Kase andiyan ka na mismo, kasama mo na yung taong gusto mong dakilain sa pagmamahal mong iaalay para sa kanya. Malaking achievement na yun tohl, maniwala ka. At the end of the day, dun pa rin tayo liligaya sa pinakasimpleng bagay na pinanghahawakan natin.

*Pero kung ipipilit mo pa rin, bago ka mag skip sa   #RelationshipGoals kembular na yan, dun ka muna (o dun muna ako) sa #PanoMagkaJowaGoals muna. Dami ko nang sinabi nagkakalimutan  na ata.*

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento