Pages

Linggo, Hunyo 19, 2016

Haligi ng Tahanan: Remembrance of my Father

'Happy Father's Day

Maraming tawag ang ginagamit patungkol sa ama - nariyan ang tatay, itay, tatang, itang, papi, papa, papang papay, daddy, dad, dada at iba pa. Pero kahit iba't iba naman ang mga ito, ang kahulugan ng pagiging isang ama ay hindi pa rin matatawaran ng kahit anong salita. Madalas din ginagamit ang salitang "Ama" sa mga lider spiritwal, imbentot, nagpasimula ng ideya, produkto o serbisyo. Ganoon din sa mga Ama na iniuugnay sa kalinga at proteksiyon  bilang isang taong dapat mahalin at respetuhin.

Tohl umaga na ng Linggo, bago ka sana lumabas ng bahay at makipag gimikan o mag dota kasama ang mga tropa mo ay nabati mo man lang sana ang iyong tatay ng Happy Father's Day. Hindi naman ganoon kabigat ang tatlong salitang iyon para hindi mo mabigkas man lamang sa kanya. Hindi lalangawin ang bibig mo kung sakaling batiin mo siya. Minsan ang dahilan kahit gusto batiin ay nahihiya. Pero bakit ka mahihiya kasi corny? kasi malaki ka na? Bakit ka mahihiya nyeta ka eh tatay mo naman yun. Minsan kahit sabihin nating wala sa kilos ni erpat na maghanap ng lambing sa kanilang mga lalaking anak, eh dun ka nagkakamali. Naghihintay lamang sila na kayo ang kumilos at maglambing. Hindi yan bromance bro, nyeta ka uulitin ko sa'yo tatay mo siya at hindi kaornihan ang maglambing sa ating mga magulang. Magpapakita ka  ng pagmamahal kung kelang wala na sila? Eh di yakapin mo na lang yung lamig ng lapida.

Ang Father's Day ay ang araw ng paggunita sa espesiyal na lalaki sa buhay ng bawat tao - ang ama. Madalas nalilimutan ang sakrispisyo at ang papel na ginampanan nila sa paghubog ng buhay ng bawat indibidwal, kaya naman ang araw na ito ay pagkakataon upang ipakita at ipahayag  ang pagmamahal sa ama, na siyang karapat-dapat makatanggap ng ating suporta. Ang araw din anito ang pinaka-akmang pagkakataon upang makasama ang pamilya at gunitain ang ligaya at suporta na ibinigay ng mga haligi ng tahanan sa pamilya. Pero hindi lang ang mga sariling ama ang dinadakila sa araw na ito, kung hindi pati na rin ang ibang mga lalaki na tumayo bilang ama - mga pangalawang ama, tiyuhin, lolo, nakakatandang kapatid, at maging ang mga pari o pastor. Minsan daw si tito ang pumapalit  bilang iyong ama. Lol biro lang.

Black Stone Cherry - 'Things My Father Said'

Sadyang mapalad ang mga taong mayroon pang mga tatay sa kasalukuyan. Dahil two parents are better than one. Ang pagka-mis sa aking ama ay laging namumutawi sa aking isipan. Ito ay noong 2009 na isang tawag mula sa Amerika ang nagpabago sa aming buhay. Nakausap ko pa siya sa  telepono ngunit ipadinig ko na lamang daw ang aking huling mensahe para sa kanya ang sabi ng kamag anak. Dahil gulay na daw siya at ang tanging bumubuhay na lamang ay ang mga nakakabit na aparato. Nagkataon naman na ako lamang ang nasa bahay noon at ang mga kasama ko sa bahay ay nasa probinsiya namin sa Bulacan. At iyon ay isa sa mga pinakamapait na tagpo sa aking buhay. Hindi man lamang namin siya nakita dahil ang huling bilin niya ay cremation. Namatay si erpats dahil sa sakit na diabetes at nagkaroon na ng maraming kumplikasyon sa iba't-ibang vital organs niya. Siya yung walang bisyo alak o sigarilyo pero tinamaan pa rin ng sakit. Masusustansiya ang mga pagkain na kinakain niya ngunit di pa rin sapat upang di siya kapitan ng ganoong sakit. Minsan parang hindi patas kung sino pa ang malusog yun pa ang nauuna samantalang yung mga sobrang bisyo at kasing kulay na ng uling ang mga baga ay yun pa ang tumatagal ang buhay. Magbisyo na lang din kaya ko? Pero huli na kung magbibisyo ako dahil may sintomas na rin ang nagsusulat ng diabetes. Kailangang agapan hanggat wala pa sa rurok ng sakit na ito. Kaya naman ganoon na lamang  din ang disiplina sa pagkain at kailangan din ang ehersisyo dahil bukod sa sakit na yun ay may tama na rin ako sa puso sa edad na halfway na kalalampas lang sa kalendaryo. #ImDead

Pero kahit wala na siya, proud pa rin ako sa kanya kahit pa may mga bagay bagay na hindi napapagkasunduan minsan. Dito sa post na ito gusto kong ibahagi at sariwain ang mga bagay, lugar at pagkakataon na nagpapaalala sa aking tatay:

CHOCOLATES!



Naman hindi mawawala yan kay erpats at kada uwi niya mula Saudi Arabia kung saan siya nagtrabaho sa isang hospital ay lagi siyang may padala sa aming  tsokolate, sari-sari at iba't-ibang klase. Eto  yung mga panahon na feeling ko ang yaman yaman namin dahil andami naming tsokolate sa ref. Ayun punyeta kaya di malayo sa akin na may diabetes na sa ngayon. Pero siyempre  kabataan mo yun e wapakels ka sa mga ganyang sakit, eh masarap e. Dito ko rin nakuha ang lunchbox kong pula na may tatak na Kitkat. Ang yabang ko nun kasi sikat yung logo e at ako lang ang may lunchbox na ganun nung nasa prep pa lang ako.25 years si erpat sa Saudi  ang alam ko ipinanganak pa lang ako ay nagtatrabaho na siya sa ibang bansa. Kaya malimit  din kaming nagkakasama at ito siguro ang dahilan kung bakit mas naging malapit ako kay ermats. Sapagkat sa isang taon, isang buwan lang ang kanyang bakasyon.

ROBOTS at mga LARUAN





Noong araw okay na ako sa dela tang laruan na hinihila ng tali kung saan man dalhin habang naglalakad at hinihila ang kunyaring kotse-kotsehan na delata. Hindi ko inaasahang magkakaroon ako ng maraming robot na laruan. Yung robot na umiilaw ang mata at katawan , yung robot na nagsasalita at naglalakad. Walang sisidlan ang kasiyahan kasi sa TV ko lang naman nakikita ang mga yun e pero dahil may erpat ka na mapagmahal ay pinaranas niya sa iyo kung paano maging masaya ang isang bata. Hindi ko naman sinarili lang ang aking laruan sa halip ay ibinahagi at ipinalaro ko rin sa aking mga pinsan sa tuwing magbabakasyon sila sa aming bahay. The more the merrier ika nga. Ang dami kong laruang matchbox, yung tatlong penguin na bumababa at umaakyat sa hagdan pagkatapos ay mag-iislide, helikopter na lumilipad ng paikot ikot, barbie (ops hindi sa akin kay utol), riles ng tren at tren mismo ito yung bubuuin mo muna yung riles tsaka paandarin yung tren.

 RadioActive Sago Project - 'Alaala ni Batman'


DRAWINGS NA ROBOT



Hindi pa uso ang email nun eh, kaya ang siste sulatan sila ni ermats. Sa yellow pad paper pa nga nagsusulat si ermat ng mga love letter niya nun at galet na galet sa akin tuwing susulyap ako sa love letter niya. Lagi rin kameng dumadayo sa post office sa Lawton para ihulog yung sulat niya. Noong 90s uso ang brownout kaya ang past time ni ermat ay magsulat. Ang past time ko naman ay tumunganga at maghintay ng mga kapitbahay na sisigaw  na may kuryente na. Kapag sumagot na si erpat ay laging may dumadaan na kartero (mailman) sa amin at isisigaw ang apelyido para i-receive ang sulat  na natanggap. Sa sulat na iyon ay mayroon akong bahagi. Yun ay mga drowing na robot,  lam ko hindi drowings ni erpat yun kasi mukhang print. Pinadala niya yun para kulayan ko at para matuto akong magkulay dahl yung mga time na yun lampas lampasan pa ako magkulay atsaka gusto ko mejo LGBT yung kulay ng robot mala-rainbow.

TENNIS RACKET at mga TROPEYO



Ito yung sports niya at dito sa bahay ay punong puno ng tropeyo at hanggang ngayon ay nakadisplay pa rin ang mga achievements niya mula sa tennis. Gusto ko sana sundan ang yapak niya kaso tae ang naapakan ko kaya nauwi na lang ako sa badminton.

HUGO BOSS



Pabango ni erpat na lihim akong nakiki spray kapag may sariling lakad.

SINTURON




Ah hindi toh  good shit, may mga oras din naman sa sobrang tigas ang ulo at napakapasaway kaya minsan nabibiyayaan tayo ng palo ng ating mga magulang. Biyaya yan siyempre dahil kung di napalo ang bata paglaki maaring sunod sa layaw, laki sa layaw jeprox pati. Kapag nahahagupit ka kasi ng sinturon eh siyempre malalaman mo kung anong ginawa mong masama o kung saan ka nagkamali. Pinapalo  tayo para magtanda at hindi muling ulitin pa ang nagawang di mabuti. Kaya ang tanong ni erpats nun kapag di ka sumunod, "gusto mo ba ng turon?" ayoko tay umagahan pa lang mamaya pa ang meryenda.

MANILA ZOO



Kung lumaki ka sa Maynila, walang tatay ang hindi nagdala sa mga anak sa  Manila Zoo, bukod kasi noon sa mall  number one na puntahan ng pamilya ang Manila Zoo. Naaalala ko ang boat ride kung saan natuto ako mag sagwan kahit  bigat na bigat ako sa currrent ng tubig. Takot na takot ako nun dahil baka kako may buwaya sa mini ilog ng zoo. Mas lalo akong natakot dahil may ahas doon sa tubig at inilapit pa niya yung bangka doon sa ahas. 

PANGKAMOT



Hindi pa nauuuso ang pangkamot noon kaya manwal pa ang kamutan. Sabi ko nga ewan ko ba halos 90% ata ng tatay eh laging nangangati ang likod at bigla na lang magpapakamot lalo na pag galing sila sa labas. Pero alam ko naman  it's a term of a lambing lang yun sa kanilang mga anak. May time din na magpapabunot ng buhok sa kili kili pero siyempre piso isang bunot.



Alam mong maraming alaala ang lumipas na hindi mo na maibabalik. Kaya kahit wala na siya sa aming piling ay palagi pa rin siyang laman ng aming usapan. Napakaswerte rin namin dahil pinalaki niyo kame ng maayos kasama ang nanay. Kahit hindi pa gaanong magkasundo dahil sa magkakaiba ang ating hilig.

Ikaw tohl ano ang mga bagay at lugar na naaalala mo noong kasama mo si tatay?


Maligayang araw ng mga tatay sa lahat!!!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento