Pages

Miyerkules, Agosto 3, 2016

F.L.A.M.E.S v2.0

'FLAMES o APOY?'


Pssttt.....nakapaglaro ka ba nito noon? Papel, lapis, kaunting math, kilig, excitement at crush ito ang mga bagay na kailangan mo para masiyahan kayong laruin ito.

Grade 3 ako noong natutunan kong larong ito kung saan may mga kabataang nagkukumpulan sa isang silya at animo'y may isang kupidong tagasulat sa papel kung sino ang maaaring magkatuluyan. Naubos talaga yung 1 half crosswise sheet of paper ko kakahingi ng mga damuho kong classmate para lang magsulat ng F.L.A.M.E.S. Sabi ko nga ngayon sa isang status ko sa peysbuk "when I was a kid I used to think anything is possible", akala ko rin kasi totoo yun na puwedeng hatulan ng isang lapis at papel ang kung sinong magkakatuluyan. Sabi ko sayang, "marriage" na sana kame ni ultimate kras dahil sa 'M' napatapat ang huling pagbilang ng parehong letra. Sa larong ito kasi malalaman mo daw kung sino ang destiny mo, sa larong ito malalaman ang mga feels niyo sa isa't-isa. 

Sa mga modernong kabataan ngayon na walang ginawa kung di ubusin ang oras nila sa pangbabash sa social media. Ganito ang larong yan...

Iku-combine mo yung pangalan  niyo ni crush tapos bibilangin mo yung total ng letters tapos itutugma mo sa mga letter ng FLAMES at kung san tumapat..yun yung sagot. Ang kada letra ay may karampatang "kahulugan" na magtatalaga ng tadhana ng mga puso niyo ng crush mo. May classmate ako nuon na hindi pumasok ng tatlong araw dahil  napatapat sa letter A yung tadhana nila ng kras   niya. Kasi ang ibig sabihin ng A ay angry. Puta halos mangiyak-ngiyak ee, sabay kutya pa ng iba kong siraulong klasmeyt. Pero yung iba naman, talaga nga naman napapaikot ng nakapikit sa pinaghalong saya at kilig na parang may naglalaglagang flowers and petals kapag "compatible" ang naging resulta ng tally. Eh walangya, yung iba naman pag hindi maganda ang resulta ipipilit at isasama pa yung middle name nila. Eto yung tinutukoy ko na FLAMES nung  tayo ay mga musmos pa.

Reo Speedwagon - "In My Dreams"

Ngayon punta na tayo duon sa pinaka paksa ng post na ito. Ikaw, NAKI-paglaro ka na ba ng FLAMES v2.0?

Ito ang bersyon na hindi kailangan ng lapis at papel. Ang larong ito ay mainit at naglalagablab, mapangahas at masasabing masarap ang bawal. Baka pag si Maria Clara ang naglaro nito ay baka tumalon siya sa tulay o kaya magbigti siya ng di oras.

Ang maglaro ng apoy...at yan ang katotohanan, di ko alam kung kailan nagsimulang matutong magtake advantage ang kabataan sa kapwa nila kabataan. Hindi kaya masyado na tayong napapariwara sa harap ng interwebs at nanonood ng mga Peter in the Norths at mga Fake Kalesa? 

Ang mga lalake aminin na natin ngayong araw masyado na tayong nagiging agresibo, hindi kaya sa mga kinakain natin na matcha flavors at nababaon na ang mga utak natin sa berdeng kulay na ito? Puro na lang kasi tayo "machismo", "kaastigan". Gasgas na nga siguro ang kasabihang "ang tunay na lalake ay marunong maghintay" ng alin? o baka naman "ang tunay na lalake basta may alak may balak?" Pero sa panahon ngayon sa tingin ko hindi mo na magagawa yan dahil takot kang ma-cardboard. Sana sa mga kompanya ng serbesa ay hindi lang "drink moderately" ang gawin nilang advertisement sa mga alak na ibinebenta nila sa publiko. Sana'y lagyan rin ng mga konting babala na kapag may binalak silang masama sa kainumang babae ay ma-carcardboard justice sila at lagyan na rin ng mga pictures ng mga biktima ng vigilantes para habang iniinom nila iyon ay hindi nila makakalimutan ang maaaring sapitin. 

Tohl, lahat ng babaeng Pilipina ay magaganda sa kanya kanyang katangian. Mataba, mapayat na mga babe-bi (maisingit lang). Masyadong espesyal pa sa halo-halo ang mga Pinay na kailangan bigyang galang sa habambuhay. Pero minsan mismong siya na ang nagiging dahilan para mawalan ng paggalang ang ibang tao sa kanya. Ngunit hindi naman natin nilalahat ang ating mga magagandang dilag. Sila lang yung mga nangangalog ng joga-joga online, sila lang yung mga hanggang bituka na yung slit sa damit. Pero sa panahon ngayon karespe-respeto man ang damit mo o hindi marami pa rin talagang naglipanang manyakol. 

Ang paglalaro ng FLAMES ay isang larong pambata na katuwaan lamang gamit ang letra   ng pangalan mo at ng iniirog mo. Pero ang apoy ay isang seryosong bagay na may kaakibat na responsibilidad, tohl ang apoy ay nakakapaso, masakit at nagiiwan ng peklat pagkatapos ng sugat. At ang peklat na ito ay dadalhin mo habambuhay kung ang taong nakalaro mo sa FLAMES ay yung taong nilaro ka lang talaga at balak pang maglaro muli, ngunit sa ibang kapareha naman. Tang-inang flames yan sinong bang nag-imbento niyan at ng ma-cardboard  at ma-paking tape!

Mas masarap pa  rin maglaro ng FLAMES kaysa sa APOY (tsar), dahil sa FLAMES nageenjoy kang ipagpalagay na katotohanan ang resulta nito mapa Friends, Lovers, Anger, Marriage, Engagement, o Sweethearts man yan.


Halika tohl, flames tayo!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento