Pages

Sabado, Nobyembre 19, 2016

Lolo mo Move On: Para sa mga Milenyal na di nakatikim ng Martial Law

'Hanggang paglilibing, panakaw pa rin?'


Lolo mo moved on, o baka kamot ulo ng mga lolo't lola niyo kung nasaan man sila ngayon.

Yung mga nagsasalita na pabayaan na lang at lumarga na lang puwede ho bang wag na lang kayong magbigay ng opinyon kung wala rin naman itong maitutulong at pagpapalakas ng loob na magagawa sa mga nabiktima at napatay noong Martial Law. Pwede bang itikom na lang natin ang ating mga bibig at makinig ka na lang ng musikang nais mo. Wag na sa kayong makisakay lang dahil kanyo na gusto niyo na kalimutan na lang natin lahat ito para sa spiritual healing ng bansa. Mga ulol! sinong niloloko niyo? Madaling magpakalambot ng puso at magbait baitan kunwari, napaka easy na sabihin nating patay na rin naman yung taong nagpapatay sa mga mahal niyo sa buhay eh. Eh buti nga siya may ililibing pang katawan, eh yung mga taong pinasalvage, pinatay, binaon sa lupa ni hindi nga nila nahanap yung bangkay ng mga mahal nila. Nabaon at nadurog na ang mga buto at naging alikabok na lamang at hindi na nila natagpuan ang mga kamag-anak nila. Tapos, putangina sasabihin mo lang moved on? Gago ka bang talaga. Ikaw nga eh yung puso mong nasaktan dahili iniwan ka ng boypren o gelpren mo dekada ka bago makamove on, iiyak iyak ka rin naman minsan di ka rin makakain dahil hinahanap mo yung lambing ng taong nawala sayo. Alam mo ba na ganun rin ang nararamdaman nila? eh buti ka nga eh buhay pa yung nang-iwan sayo eh yung mgakatulad ng biktima ng ML parang naglaho na lang mula sa kawalan. Hindi ko rin naman inabot ang ML pero kahit isang araw sa buhay mo naman magbasa ka ng Kasaysayan, uso rin magbasa ng history books tohl hindi libro ang Face"book" na lagi mong kaagapay sa buhay.Pwede ka rin naman magsaliksik sa pamamagitan ng panonood ng pelikulang tagalog katulad ng Dekada 70 kung tinatamad k ang magbasa ng libro. Yung sa mga nakapanood naman na Marcos Loyalist pero naantig daw yung damdamin niya at naiyak nung pinanood niya ito eh kailangan mo nang magpa check up sa leading mental health hospital na malapit sa inyo. Tanong mo na rin kung may Ritemed ang mga gamot mo, dahil gusto namin na gumaling kayo.



The most brutal stories under the Martial Law

Millenials meet Martial Law Victims

Surviving Torture under Martial Law


Siyam na taon sa kuko ng diktador. Siyam na taon na pagdanak ng dugo at paghihirap ng bayan. Ang mga taon na napasailalim ang mga Pilipino sa Batas Militar. Hindi ko ibibida ang mga dilawan dito gawa ng  EDSA Revolution sapagkat alam ko naman yun din naman ang ibabalik niyong buwelta sa akin sa huli. Pero kung walang rebolusyon na naganap eh baka wala na ako, wala ka na diyan, wala na yung mga anak mo at nalagasan ka na rin ng mga mahal sa buhay.Hindi ka makakapag social media ngayon at wala kang layang makapagpahayag ng mga sarili mong opinyon. Magsalita ka ng masama sa diktatorya bukas makalawa isa ka nang malamig na bangkay. Yan ang kuwento sa akin ng aking Lolo Jose noong nabubuhay pa siya. 

Bumagsak ang malupit na rehimeng iyon dahil na rin sa hangad ng sambayanang Pilipino ang minimithing kalayaan, kalayaan na hindi mo matatamasa ngayon kung hindi dahil sa mga nagsakripisyo noong panahon ni Marcos. Subalit nangyari na ang kinatatakutan ng lahat. Ang kanilang pagsisikap ay nawalan ng saysay at nailibing na nga ang Pangulong hindi naman naging bayani ngunit ipinilit lamang ilibing sa Libingan ng mga Bayani at Isang Magnanakaw. 

Bamboo - Tatsulok

Sinasabi ng karamihan na ito ang panahon upang ang lahat ay magkapatawaran na. Sa pamamagitan ng pagpapatawag ay susulong na ang bayan sa matiwasay na prospektibo. Pero alam mo tohl, napakahirap sa isang tao lalo na sa isang bayan na patawarin ang mga taong kailanman ay hindi naman nagsisi o humingi man lang kahit na singkong duling na kapatawaran. para sa mga hindi lang basta't kasalanan na ginawa nila sa bayan. Ipilit mo man sa kukote na magpatawad kaso hindi pa rin talaga lalo pa't hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang mga naging biktima ng diktaduryang Marcos. Sa ganitong kalagayan, lalong isang dagok sa atin na mahimlay siya sa Libingan ng mga Bayani ksama ng mga dakilang Pilipinong nanindigan para sa kapakanan ng bansang ito. Ang sabi ng ilan pumokus na lamang sa kasalukuyan, napakadaling bigkasin ngunit ang nakaraan ay mananatiling mantsa ng kahapon lalo na't nabuksan muli ang sugat at sariwa pa para sa karamihan. Tandaang ang pagpapatawad ay hindi nangangahulugang katumbas ng pagkalimot sa mga kasalanan. Ika nga ng isang presidente: "FORGET YOUR ENEMIES, BUT NEVER FORGET THEIR NAMES". Paano ka susulong sa kasalukuyan kung ang kamalian ng nakaraan ay hindi pa naitatama? Matututo ang bayan sa nakaraan. Huwag hayaang ibaon sa limot ang hirap na pinagdaanan ng mga mamamayan sa panahong ng kanyang panunungkulan.

Ngayong nailibing na si Marcos, ito'y  magsisilbing mantsa sa sagisag ng mga bayani. Hindi kailanman naging bayani ang dating pangulo, siya's isang diktador na nagpahirap sa kaniyang mga kababayan habang nagkamkam ng bilyon-bilyong salapi ng bayan para sa sarili niya at ng kanyang pamilya. Sila ang mga hari't reyna noon habang hanggang ngayon ay binabayaran ang napakalaking utang na nabuo sa ilalim ng kanyang administrasyon. Hindi mo yun naiisip dahil kinakaltasan ka lang naman eh, minsan nagagalit tayo sa tax dahil halos lamunin na ang buo mong pinaghirapang pera sa pagkayod. Kasama na ho diyan ang binabayaran mo c/o Marcos wala lang resibo. 

May mga nagsasabi sa inyo na mas maganda raw ang buhay noong panahon ni Marcos na hanggang ngayon ay paulit ulit at bukambibig ng mga kabataang hindi naman naranasan ang pagmamalupit ng rehimeng ito.
Noong idineklara ang Martial Law, tahimik bigla. Walang rally. Wala ng mga nagrereklamong estudyante at manggawa. Maski sa hintayan ng dyip, pumipila ang mga tao. Tapos maraming pabongga at pasiklab. Nariyan ang Miss Universe pageant noong 1974. Panay ang dalaw ng mga sikat na artista mula sa Amerika. Tapos laking tuwa ng marami dahil dito mismo sa Pilipinas nagbakbakan sina Muhammad Ali at Joe Frazier sa Araneta Coliseum.

At sa lahat ng ito, nandoon ang hari at reyna. Si Malakas at si Maganda. Nandoon si Marcos at Imelda. Sa kanila nakatutok ang nakakasilaw na ilaw. Sila ang bida. Walang kontra bida. Pero alam mo ba iha at iho sa likod ng nakakasilaw na ilaw, mga pasabog at pasiklab, sa mga boksingero, beauty queen at artista, tago sa lahat ng ito ang KADILIMAN - MATINDI AT NAKAKATAKOT NA KADILIMAN.

Napakahirap  tanggapin ang kasakiman, walang lelevel up na pagnanakaw. Hanggang ngayon, sumusulpot ang mga balita tungkol sa mga dinugas ng diktador. Mansyon dito, mamahaling alahas doon at ang mga putaragis na sapatos ni Imelda. Mga kawawa iyong mga maliliit na mamamayan sa lipunan - mga karaniwang estudyante, manggawagawa, madre, pari, mga tatay at mga nanay niyo, mga lolo at lola natin na nangahas kalabanin ang diktadura ni Marcos. Sa gitna ng mga pasabog at pasikat, sa kadiliman ng mga kulungan ng Batas Militar, walang katapat na kasamaan.

Nangyari ito sa mga sariling kababayan mo, maswerte ka lang at ngayon ka lamang isinilang - dun mo sabihin sa mga binugbog, ginahasa, kinuryente ang mga ari, mga pinahiga sa yelo, isinubsob sa kubeta, pinakain ng kung anu-ano, tinorture tinanggalan ng kuko, patayin ang mga minamahal nila sa buhay na marapat na kasama pa nila ngayong Kapaskuhan, dun mo sa kanila sabihin na kalimutan na lang ang lahat dahil matagal na kamo ito. Sa isang banda, masuwerte na siguro 'yong basta na lang pinatay. Hindi na pinahirapan. 

Sa panahon ni Marcos, dahil sa kanya na rin mismo, natuto ang militar nating umastang hayop - silang dapat na nagtatanggol sa kapakanan at kaligtasan ng mamamayan. Tinuruan sila ng diktador na ako lamang ang atupagin niyo at ako lamang ang inyong susundin. Kaya wag mong ibida sa akin na mas maganda ang buhay noon na nasa poder pa ng mga Marcos ang Pilipinas. Kaya wag kayong maniwala sa mga ganid na gustong maghari-harian sa bayan na gustong kalimutan ninyo na ang lahat ng naganap sa atin noong panahon ng diktadura. Huwag na huwag kayong maniniwala na mas maunlad sana ang Pilipinas kung hinayaan lang ang masarap na pagkakaupo ng diktador.

May mga disiplina "raw" noong panahon ni Marcos. Pero simple lang ang maisasagot ko diyan: Ang pambubutangero ay hindi kailanman naging disiplina.

ANG PAGNANAKAW AY HINDI DISIPLINA.

ANG KAHAYUPAN - ANG TORTURE - AY HINDI DISIPLINA,

ANG PAGHIHIKAYAT SA INYONG: "KALIMUTAN NINYO NA ANG GINAWA NI MARCOS AY LUMANG TUGTUGIN NA 'YON" AY HINDI DISIPLINA.

Sa kasalukuyang panahon napakarami pa ring buwaya sa pulitika at pangungurakot lamang ang pakay, marami pa rin ang nambubutangero at nandaraya. Pero ito ang pinakamahalagang aral sa panahon ni Marcos: Huwag na huwag kayong maniniwala pag sinabi ng isang pulitiko na SIYA LANG ANG PAG-ASA NG BAYAN, NA SIYA LANG ANG MAY SOLUSYON.

Wag kayong paloloko sa mga nagmamarunong, Sa mga nagpapanggap na bagong tagapagligtas, sa mga taong nanaginip lang idinamay pa ang Diyos sa kagaguhan. Sa kabila ng lahat binawi rin naman ang pangako,

HUWAG KAYONG MANINIWALA SA MGA NAG-AAMBIsYONG MAGING BAGONG MARCOS!

Kalimutan ang nakaraan ngunit dahan dahan ulit tayong ibinabyahe patungo sa madugong nakaraan. #MARCOSISNOTAHERO





Huwebes, Nobyembre 17, 2016

Inis Talo

'Nakakainis ang Mainis'

Sabi nila inisin o asarin mo na ang lahat wag lang ang bagong gising, pero hindi rin e may mga tao kasing tipikal na madali mainis, humangin lang ng malakas at nagusot ang buhok ay naiinis na agad, puta kulang na lang awayin ang hangin o di kaya, wag ka minura na yung hangin. Weird noh? may mga tao naman na kahit hindi mo asarin kahit bagong gising eh nakalamukos na ang muka. Akala mo galing pa rin sa trabaho yung muka niya na hindi nakapagpahinga at parang sumagot ng isandaang sup call sa sobrang init ng ulo. Minsan napagdidiskitahan pa natin ang umaga at sasabihing "ang panget naman ng umaga" tohl baka ikaw ang panget sa umaga.

Hindi maubos ubos ang dahilan para tayo mainis. Halos sa araw araw sa loob ng bente kwatro oras may mga pagkakataon na naiinis tayo sa isang bagay. Minsan umaakyat yung dugo natin sa ulo kasi hindi nasusunod at nangyayari ang gusto mo. Mayroon tayong mga bagay na hindi mahanap, may mga taong nambabasag ng trip at dun mismo nagsisimula ang pagbabago ng mood o yung tinatawag na "violent mood swing" ng isang tao.  O kaya galing sa isang taong naiinis din sayo at kaiinisan m rin naman kasi ikaw ang laging nakikita, ikaw ang laging nasisisi at ikaw ang laging may kasalanan. Pero hindi ko kinaiinisan si Ka Freddie ha.

Naiinis tayo dahil sa ating mga katrabaho na may mga sakit na Tzika Virus. Yung mabagal at mahabang pila sa MRT Station. Yung mga kasama natin sa parte ng ating buhay at yung walang mintis na traffic sa kalsada. Ilan lamang yan sa napakaraming dahilan ng pagkainis ng bawat isa sa atin.

Normal naman ang mainis, ang positive side naman ng pagkainis ay yung natural na response natin kapag tayo ay inaagrabiyado. Isa pa, ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang emosyon na mainis, dahil dito ay para kainisan yung mga maling bagay at sablay na sistema o pamamalakad sa mundo. Pero kung ito ay gagamitin natin sa maling paraan then hindi ito makakatulong sa atin at mabubuhay lang tayo sa pagka inis at stress.

Limp Bizkit - "Break Stuff"

Lahat tayo minsan nagiging iritable. Walang tao ang nakapagsabing never siyang nainis sa  tanang buhay niya. Ang mainis ay sapat lang pero ang pagiging mainisin ay hindi. Bakit? Dahil at the end of the day, may pagpipilian tayo kung anong gagawin natin sa inis natin. Pwede natin itong patulan, palalain at gawing issue, o may choice ka rin naman na palagpasin na lamang. Nasa sa atin pa rin ang desisyon.

Dapat matuto tayong mag LET GO hindi yan yung MOVE ON sa kawikaan ng pag-ibig, kaya tayo naiinis dahil sa nawawalan tayo ng KONTROL sa mga bagay bagay. Nababali ang sanga, naguumapaw na parang lava yung init ng ulo na nararamdaman. Pero sa realidad maaaring napakadaling sabihin ng salitang kontrol pero ang katotohanan hindi natin kayang kontrolin lahat. Tao lang tayo and we have LIMITATIONS. We have to LEARN to let go of the things that are BEYOND our control.

Kung sa traffic naman wala pa talaga ta yong kongkretong solusyon diyan. Just think of other things na lang siguro na pwede  mong gawin na maaaring maging BENEFICIAL para sayo kahit naistak ka sa traffic. Kung may kasama ka siguro pwede kayo magkwentuhan muna o kaya ikwento mo sa kanya yung umpisa hanggang katapusan ng Daisy Siete o kaya yung Probinsiyano mas mahaba habang kwentuhan yun.

Pero yung 2016 'nang yan, hindi maalis alis yung inis, dahil parang binili lang natin sa CDR-King. May taglay talagang kamalasan. Nakakainis!

Linggo, Nobyembre 13, 2016

Bakit Masarap Magsulat?

'Wala ng mas sasarap sa paglikom ng mga alaala hindi lamang gamit ang memorya kungdi pati na rin sa paglapat nito sa papel gamit ang utak at panulat'


Hindi ko po ikakaila na napakasarap magsulat. Bukod sa responsibilidad ng isang nilalang na kumayod para kumita at mabuhay sa bilog na mundong ito ay bigla ko lang naisip na mainam pala ang mag-isip at magsulat. Noong kabataan ko kasi sa mga CR lang ako ng eskuwelahan nagsusulat gamit ang pentel pen at nagdodrowing ng kung anu-anong maseselang bahagi ng katawan, minsan nag-iiwan din ako ng selpon number baka kasi sakaling may bading na kumontak sa akin. Di ko rin kasi mawari na magiging libangan ko ang pagsusulat bukod sa betlog ang mga grado pagdating sa Filipino at Ingles na formal themes. Asahan mo na laging tinta ng pulang bolpen ang makikita mo dahil sa mga corrections ng pinakamagagaling ko daw na teachers. Eh paano ba naman kasi yung topic lang na kung anong ginagawa ko bago pumasok sa eskuwelahan ay hindi ko man lang magawaan ng isang sentence. Ni-hindi ko man lamang mapalawak yung isang bagay na ginagawa ko na katulad ng "gumising", "mag kape", "mag-inat" eh hindi naman puwedeng yun lang ang ilagay dun. Ano yun question and answer portion lang? Nahihirapan talaga ako pero hindi ko rin naman sinabing napakagaling ko na. Syet wala pa ngang napapatunayan ang munting tahanan kong ito. Ang sa akin laman eh hindi na ako siguro mabebetlog kung sakaling makasalubong ko man yung mga teachers ko na yun sa daan at pagawain ako ng written exercise real quick. 

Stereophonics - "Mr.Writer"

Tatlong taon na rin akong nagsusulat, 193 post na ang aking na-published at 17 ang nasa draft na pilit kong tinatapos kapag libre ang oras. Hindi man tuluy-tuloy ang pagsulat...pero di ko pa rin siya nalilimutan i-update paminsan-minsan. Baka nga ako lang din ang bumabasa ng mga sinusulat ko, eh anu naman atleast may mga babalikan akong mga sariling kwento at puwede ko naman maibahagi sa mga may interes na magbasa. Teka, may naalala ako na may pumansin sa aking blog noon at nagpakilala na taga I-Juander ng GMA 7, wala lang nagpaalam lang siya kung pwede niya gamitin yung isang storya sa blog ko na katatakutan at gagamitin ata sa kanilang Halloween special at tinatanong kung kilala ko yung taong nasa kuwento. Eh wala tapos yun iniwan na ko ni mokong nung ni-research ko yung taong nasa kuwento ng aking blog at ibinigay sa taga I-Juander yung facebook account nung nasa aking blog post. Na-itchapuwera na ang Ubas na may Cyanide. Pero ayos lang atleast na sesearch na pala ang blog ko sa Google at mayroon na sa kasalukuyang 38,175 na mga kaluluwang ligaw na bumisita sa aking blog. Mayroon na ding 199 na ginusto ang pahina sa Facebook.



Ang mga sumusunod ay ang mga dahilan kung bakit hindi ako tumitigil sa pagsusulat at kung bakit kong pinipilit buhayin ang munti kong tahanang ito:

Ito ang naging tampulan ng aking mga kwento sa buhay at halos karamihan ay noong nag-aaral pa ako noong high school, nariyan ang mga classroom set-ups, mga escapades at kakulitan at kung anu-ano pang kagaguhang nakikita at pinagagawa noong mga araw na teenager pa si Shaider at kulay yellow pa ang panty ni Annie.

Marami akong nakikilalang mga bagong kaibigan sa mundo ng pagsusulat. Meron hanngang ngayon ay kaibigan ko pa rin, kahit medyo ang karamihan ay ka-social media ko na lamang. 

Naging witness ng blog na ito ang puppy love ko na nahopia. Dito ko naikwento ang pagpunit ni crush ng love letter ko na itinapon sa basurahan ng 7-11. Paano ba naman imbis na sa stationery isinulat eh sa brown na balot ng pandesal isinulat ang mga mensahe ng pagkakilig. Wala na kasing time, at wala nang ring pambili ng stationery. Baka nandiri si kras dahil may mga mumo pa ng pandesal yung pambalot. Jusko sawing pag-ibig. Ayoko na maalala pa. 

Dito ko rin naisulat ang ilang mga kwentong kathang-isip ko lamang. Mababawa man, feeling ko, eto ang magiging legacy ko. Kahit papaano naman, pakiramdam ko ay may mga naisulat din naman akong proud akong ginawa ko.

Sa blog na ito, maraming katatawanan akong nalikha, dahil gusto ko talagang magpatawa ng tao, yung hahalakhak sila hanggang lumubo ang sipon at lumabas ang utak sa ilong. Sa paglisan ko sa mundong ito, gusto kong maalala nila kong may ngiti sa kanilang mga labi.

Sa totoo lang masarap mag-back read ng blog. Minsan maiinis ka kasi sa sobrang babaw ng mga naisulat ko noon, pero di ako magiging ganito katino ngayon kung di ko maaalala yung mga pinagdaanan ko noon.

Anyway, maraming salamat sa mga nagbabasa at tumatangkilik sa mga kalokohan ko sa blog na ito. Maraming salamat sa mga nakilala ko sa blog at personal at sa mga kaibigan ko na sumusuporta, thank you din.

Magandang gabi po sa inyong lahat!


Biyernes, Nobyembre 11, 2016

UNMC Music Review: The Flaming Lips: Yoshimi Battles the Pink Robots Pt1

'Yoshimi Battles the Pink Robots pt1'

Sabi nila when the world is in chaos and the people are getting cruel there's only one thing you can do to leave this all behind for a moment. Pero kung sasabihin mong alak ang kasagutan, mali ka dun tohl hindi lahat eh kayang solusyunan ng alak. Why not try something new? Yung iba sa atin we find our comfort listening to good music. Put your headsets on! pero wag sa opisina namin kasi baka ma NTE ka "Ninja Turtle Extreme", joke notice to explain kasi bawal daw ang musika, bawal magrelax. Ang gusto nila yung mga tugtugan ni Rihanna yung work, work, work. Tanginang kanta yan pressured ka na sa ginagawang email yun pa maririnig mo sa floor. Bawal ang personal headsets kaya wala kang katahimikan. 

Back in my days and time during the early 90's, better rhythms stuck in our era, frozen in time. Kung maibabalik yung mga tugtugin na yun ngayon sa mga modern airwaves eh baka mag top 1 pa nga sa mga daily countdown ng mga radio stations. And today, I will bring up a perfect piece for you kiddos of the new millennium. This is one of my favorite bands back then, bands that create songs based on our daily life and struggles.Please listen to THE FLAMING LIPS - YOSHIMI BATTLES THE PINK ROBOTS PT1.





Her name is Yoshimi
She's a black belt in karate
Working for the city
She has to discipline her body

'Cause she knows that it's demanding
To defeat those evil machines
I know she can beat them
Oh Yoshimi they don't believe me
But you won't let those robots defeat me
Yoshimi they don't believe me
But you won't let those robots defeat me

Those evil-natured robots
They're programmed to destroy us
She's gotta be strong to fight them
So she's taking lots of vitamins
'Cause she knows that it'd be tragic
If those evil robots win
I know she can beat them

Oh Yoshimi they don't believe me
But you won't let those robots defeat me
Yoshimi they don't believe me
But you won't let those robots eat me
Yoshimi

'Cause she knows that it'd be tragic
If those evil robots win
I know she can beat them

Oh Yoshimi they don't believe me
But you won't let those robots defeat me
Yoshimi they don't believe me
But you won't let those robots defeat me
Yoshimi they don't believe me
But you won't let those robots eat me
Yoshimi they don't believe me
But you won't let those robots eat me
Yoshimi

‘Yoshimi Battles the Pink Robots’ is a story about a girl fighting against her terminal illness.

‘Yoshimi Battles the Pink Robots’ is a musical about a girl trying to overcome her terminal illness while dealing with emotional issues, depicted in real life and in her imagination.

‘Yoshimi Battles the Pink Robots’ is a musical about Yoshimi, a girl trying to overcome her terminal illness while her friend Ben struggles with her situation and his feelings towards her. The story takes place in the real world and a fantasy world, where she fights against pink robots as a metaphor of her fight against the disease. Yoshimi learns about her own strength and the people who support her during this process.

The play takes place in the real world and a fantasy world. The real world is represented as an American contemporary city, while the fantasy world is another planet inhabited by destructive pink robots, as a metaphor of Yoshimi’s disease. It could be a product of her imagination.


The space in the real world is mostly interior, built and contained. The main scenes happen at Yoshimi’s exhibition, Yoshimi and Booker’s apartment, and the hospital. The fantasy world feels wide open, considering all the battle scenes that take place here. However, there is an interior and contained space during the scenes at the doctor’s lab.


Time is linear, although it is unclear in how much time it takes place because of the constant transition between both worlds. The fantasy world is an emotional reflection of the real world, so it seems to be more ‘eternal’ and indefinite.




The mood is mainly created by music, which is basically contemporary indie rock music with some psychedelic and electronic elements. This element, along with the action scenes in a fantasy world, helps to portray the character’s emotions during the play. Overall it is a dramatic story but the elements mentioned provide an optimistic and colorful feel.



The social context is private. The story revolves around a central figure and her interaction with other characters: parents, love interests, friends and doctors. In the real world, characters have jobs and problems pretty much like ours. In the fantasy world, the main character fights pink robots and doctors research on weapon using bright chemicals. All characters seem to live in both worlds at the same time, and they speak in verse/singing.



Yoshimi’s disease and her evolving relationship with Ben drive all the plot of the play. Towards the end, Yoshimi’s disease progresses until she dies, and she realizes her feelings towards Ben. Fantasy world falls apart.


THE PLAY

                         Play at La Jolla

Based off of the Flaming Lips album of the same name and a handful of their other popular songs, the main actress, Yoshimi (Kimiko Glenn), must choose her life’s journey between two men — all while a chronic disease takes over her body and world.

Kimiko Glenn as Yoshimi
Pink robots, including one that towered over the cast at 14-feet tall, stand in the way of Yoshimi’s health and battle against the well-being of her body. The robots, whose bodies’ LED armor plating is synced up to the music, lit up the dark stage and became the unsung main characters of the evening. As much as we wanted to hate the robots that harmed Yoshimi, we couldn’t help but fall in love with their colorful suits, clever choreography, unusual sing-alongs, and high-flying acrobatics.

The musical touched on themes regarding today’s obsession with technology and smartphones, while also addressing hope, loneliness, and how the love between two people can change drastically in times of crisis. And for someone who personally went through health scares among immediately family this year, the struggle between health and illness was extremely emotional.
The show is thrilling and really unlike any musical we’ve ever seen. If you are a fan of The Flaming Lips, appreciate innovation in performance arts, or just have a love for robots, you must see Yoshimi Battles the Pink Robots before it closes.
Sources: http://itp.smorad.com/2015/10/the-world-of-yoshimi-battles-the-pink-robots/

Nagmahal.Nasaktan.Nagmahal Muli

'Magmahal ka ulit sa panibagong pagkakataon'

Sabi nga ng isang liriko sa isang kanta "Don't stop believing..." na-hopia ka man sa panliligaw sa isang pag-ibig na gusto mong makuha ayos lang yun huwag ka pa ring susuko. Magmahal ka ulet gaya noon unang beses mo itong sinubukan. Walang ibang dahilan para huminto sa paghahanap ng isang tunay na pag-ibig at  tunay mong mamahalin. Huwag mo hayaang literal na tumibok lamang ang puso mo ng walang dahilan. Tumitibok lamang ang puso mo para mabuhay ka? Bakit hindi mo ulet subukan magpatibok ng puso ng iba? Failure is failure kung hindi naging matagumpay ang journey mo sa una mong minahal. Ang puso mo ay hindi isang sirang makina kung pumalya sa unang subok na pagmamahal ay titigil na ang pagsupply ng dugo nito para manatili kang buhay sa kasalukuyan.

Tandaan mo tohl na halos 100 milyong bagong cells ang nabubuo sa loob ng katawan natin sa loob lamang ng ilang minuto at halos isangdaan din ang namamatay. Araw-araw, halos daang pirasong hibla ng buhok ang nawawala ng hindi natin namamalayan kasama na ng mga balakubak at kuto. Ngunit ang buhok ay napapalitan din lahat sa pamamagitan ng mga bagong tubo. Iyang outer layer ng balat mo, hindi ka ahas pero hindi mo alam na napapalitan yan every 35 days. Yung mga patay na kuko mo tumutubo ulit at napapalitan ng bagong kuko after 6 months. Panibagong red blood cells ang dumadaloy sa ugat mo every after 4 months. Nabubuo at nadadagdagan ka ng bagong skeletons every 10 years at nagreregenerate ang mga maskels mo every 15 years.

Meatloaf - I'd do anything for love (But I won't do that)

Kung kaya ng iba't-ibang bahagi ng katawan mo, natural mente kaya rin ng puso mo. Darating din ang araw na yung taong kinabaliwan mo noon at pinag-aksayahan mo ng oras ay magiging parte na lamang ng malungkot mong nakaraan na hindi na dapat balikan. Put everything in history books tohl. Mag-umpisa ka ulet. Mawawala din siya sa sistema mo at hindi ka na kakainin ng nakaraan. Maghihilom ang lahat ng sakit at galit na taglay at pasan mo sa araw-araw. Mas may patutunguhan ka pa sa kilay ni Liza Soberano kung magagawa mo ang lahat ng ito. Hindi man ganun kadali, mahabang panahon man ang malilikom, ilang bilyong bagong selyula man ang magpalit-palit sa loob ng iyong katawan, pasasaan ba't darating ka rin dun.Hindi natin alam, sa pagpapalit-palit na yon, maaaring dahan-dahan ding pinapalitan ang emosyon moh hanggang sa magising ka na lang na naglaho na ang dating pagtingin. At paggising mo kinabukasan isa ka nang bagong nilalang. Nakakalanghap ka na muli ng sariwang hangin, ramdam mo ang gaan ng feeling, babatiin ka ng mga kakilala mo at sasabihin "uy ang blooming mo naman today".

"Umibig ka na parang si Jorah Mormont"

At kung magmamahal ka uli, tip lang tohl tularan mo si Jorah Mormont isa siya sa paborito kong karakter sa Game of Thrones at kahit na na-hopia sa pag-ibig ay kailanman ay hindi sumuko. Isa yan sa mga susubaybayan ng lahat ng panatiko sa darating na Season 7 ng nasabing palabas sa TV. Si Jorah kasi yung akala mo bes, bes mo lang at gagawin lahat para maproktektahan ang kanyang lihim na pagsinta. Nasaktan at pinalayas na't lahat ngunit nagbalik para ibuwis ang buhay, hahamakin ang lahat hanggang kamatayan. Pero yun lang nung umamin na siya ng kanyang totoong nararamdaman ay sadyang na-hopia pa rin ang ating loverboy sa ikalawang pagkakataon bukod pa sa magiging taong bato na siya dahil sa isang scene sa serye ay nakipaglaban at nakipagtuos siya sa mga taong-bato na kapag nahawakan ka ay magiging kamukha mo si General Bato. Unti-unting nagiging stone man si Jorah ngunit ang puso niyay mananatiling hopia...este mananatiling busilak at totoo sa kanyang sinisinta.

Magmahal ka ulit sa panibagong pagkakataon gaya noong unang beses mo ito sinubukan.