Pages

Sabado, Nobyembre 19, 2016

Lolo mo Move On: Para sa mga Milenyal na di nakatikim ng Martial Law

'Hanggang paglilibing, panakaw pa rin?'


Lolo mo moved on, o baka kamot ulo ng mga lolo't lola niyo kung nasaan man sila ngayon.

Yung mga nagsasalita na pabayaan na lang at lumarga na lang puwede ho bang wag na lang kayong magbigay ng opinyon kung wala rin naman itong maitutulong at pagpapalakas ng loob na magagawa sa mga nabiktima at napatay noong Martial Law. Pwede bang itikom na lang natin ang ating mga bibig at makinig ka na lang ng musikang nais mo. Wag na sa kayong makisakay lang dahil kanyo na gusto niyo na kalimutan na lang natin lahat ito para sa spiritual healing ng bansa. Mga ulol! sinong niloloko niyo? Madaling magpakalambot ng puso at magbait baitan kunwari, napaka easy na sabihin nating patay na rin naman yung taong nagpapatay sa mga mahal niyo sa buhay eh. Eh buti nga siya may ililibing pang katawan, eh yung mga taong pinasalvage, pinatay, binaon sa lupa ni hindi nga nila nahanap yung bangkay ng mga mahal nila. Nabaon at nadurog na ang mga buto at naging alikabok na lamang at hindi na nila natagpuan ang mga kamag-anak nila. Tapos, putangina sasabihin mo lang moved on? Gago ka bang talaga. Ikaw nga eh yung puso mong nasaktan dahili iniwan ka ng boypren o gelpren mo dekada ka bago makamove on, iiyak iyak ka rin naman minsan di ka rin makakain dahil hinahanap mo yung lambing ng taong nawala sayo. Alam mo ba na ganun rin ang nararamdaman nila? eh buti ka nga eh buhay pa yung nang-iwan sayo eh yung mgakatulad ng biktima ng ML parang naglaho na lang mula sa kawalan. Hindi ko rin naman inabot ang ML pero kahit isang araw sa buhay mo naman magbasa ka ng Kasaysayan, uso rin magbasa ng history books tohl hindi libro ang Face"book" na lagi mong kaagapay sa buhay.Pwede ka rin naman magsaliksik sa pamamagitan ng panonood ng pelikulang tagalog katulad ng Dekada 70 kung tinatamad k ang magbasa ng libro. Yung sa mga nakapanood naman na Marcos Loyalist pero naantig daw yung damdamin niya at naiyak nung pinanood niya ito eh kailangan mo nang magpa check up sa leading mental health hospital na malapit sa inyo. Tanong mo na rin kung may Ritemed ang mga gamot mo, dahil gusto namin na gumaling kayo.



The most brutal stories under the Martial Law

Millenials meet Martial Law Victims

Surviving Torture under Martial Law


Siyam na taon sa kuko ng diktador. Siyam na taon na pagdanak ng dugo at paghihirap ng bayan. Ang mga taon na napasailalim ang mga Pilipino sa Batas Militar. Hindi ko ibibida ang mga dilawan dito gawa ng  EDSA Revolution sapagkat alam ko naman yun din naman ang ibabalik niyong buwelta sa akin sa huli. Pero kung walang rebolusyon na naganap eh baka wala na ako, wala ka na diyan, wala na yung mga anak mo at nalagasan ka na rin ng mga mahal sa buhay.Hindi ka makakapag social media ngayon at wala kang layang makapagpahayag ng mga sarili mong opinyon. Magsalita ka ng masama sa diktatorya bukas makalawa isa ka nang malamig na bangkay. Yan ang kuwento sa akin ng aking Lolo Jose noong nabubuhay pa siya. 

Bumagsak ang malupit na rehimeng iyon dahil na rin sa hangad ng sambayanang Pilipino ang minimithing kalayaan, kalayaan na hindi mo matatamasa ngayon kung hindi dahil sa mga nagsakripisyo noong panahon ni Marcos. Subalit nangyari na ang kinatatakutan ng lahat. Ang kanilang pagsisikap ay nawalan ng saysay at nailibing na nga ang Pangulong hindi naman naging bayani ngunit ipinilit lamang ilibing sa Libingan ng mga Bayani at Isang Magnanakaw. 

Bamboo - Tatsulok

Sinasabi ng karamihan na ito ang panahon upang ang lahat ay magkapatawaran na. Sa pamamagitan ng pagpapatawag ay susulong na ang bayan sa matiwasay na prospektibo. Pero alam mo tohl, napakahirap sa isang tao lalo na sa isang bayan na patawarin ang mga taong kailanman ay hindi naman nagsisi o humingi man lang kahit na singkong duling na kapatawaran. para sa mga hindi lang basta't kasalanan na ginawa nila sa bayan. Ipilit mo man sa kukote na magpatawad kaso hindi pa rin talaga lalo pa't hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang mga naging biktima ng diktaduryang Marcos. Sa ganitong kalagayan, lalong isang dagok sa atin na mahimlay siya sa Libingan ng mga Bayani ksama ng mga dakilang Pilipinong nanindigan para sa kapakanan ng bansang ito. Ang sabi ng ilan pumokus na lamang sa kasalukuyan, napakadaling bigkasin ngunit ang nakaraan ay mananatiling mantsa ng kahapon lalo na't nabuksan muli ang sugat at sariwa pa para sa karamihan. Tandaang ang pagpapatawad ay hindi nangangahulugang katumbas ng pagkalimot sa mga kasalanan. Ika nga ng isang presidente: "FORGET YOUR ENEMIES, BUT NEVER FORGET THEIR NAMES". Paano ka susulong sa kasalukuyan kung ang kamalian ng nakaraan ay hindi pa naitatama? Matututo ang bayan sa nakaraan. Huwag hayaang ibaon sa limot ang hirap na pinagdaanan ng mga mamamayan sa panahong ng kanyang panunungkulan.

Ngayong nailibing na si Marcos, ito'y  magsisilbing mantsa sa sagisag ng mga bayani. Hindi kailanman naging bayani ang dating pangulo, siya's isang diktador na nagpahirap sa kaniyang mga kababayan habang nagkamkam ng bilyon-bilyong salapi ng bayan para sa sarili niya at ng kanyang pamilya. Sila ang mga hari't reyna noon habang hanggang ngayon ay binabayaran ang napakalaking utang na nabuo sa ilalim ng kanyang administrasyon. Hindi mo yun naiisip dahil kinakaltasan ka lang naman eh, minsan nagagalit tayo sa tax dahil halos lamunin na ang buo mong pinaghirapang pera sa pagkayod. Kasama na ho diyan ang binabayaran mo c/o Marcos wala lang resibo. 

May mga nagsasabi sa inyo na mas maganda raw ang buhay noong panahon ni Marcos na hanggang ngayon ay paulit ulit at bukambibig ng mga kabataang hindi naman naranasan ang pagmamalupit ng rehimeng ito.
Noong idineklara ang Martial Law, tahimik bigla. Walang rally. Wala ng mga nagrereklamong estudyante at manggawa. Maski sa hintayan ng dyip, pumipila ang mga tao. Tapos maraming pabongga at pasiklab. Nariyan ang Miss Universe pageant noong 1974. Panay ang dalaw ng mga sikat na artista mula sa Amerika. Tapos laking tuwa ng marami dahil dito mismo sa Pilipinas nagbakbakan sina Muhammad Ali at Joe Frazier sa Araneta Coliseum.

At sa lahat ng ito, nandoon ang hari at reyna. Si Malakas at si Maganda. Nandoon si Marcos at Imelda. Sa kanila nakatutok ang nakakasilaw na ilaw. Sila ang bida. Walang kontra bida. Pero alam mo ba iha at iho sa likod ng nakakasilaw na ilaw, mga pasabog at pasiklab, sa mga boksingero, beauty queen at artista, tago sa lahat ng ito ang KADILIMAN - MATINDI AT NAKAKATAKOT NA KADILIMAN.

Napakahirap  tanggapin ang kasakiman, walang lelevel up na pagnanakaw. Hanggang ngayon, sumusulpot ang mga balita tungkol sa mga dinugas ng diktador. Mansyon dito, mamahaling alahas doon at ang mga putaragis na sapatos ni Imelda. Mga kawawa iyong mga maliliit na mamamayan sa lipunan - mga karaniwang estudyante, manggawagawa, madre, pari, mga tatay at mga nanay niyo, mga lolo at lola natin na nangahas kalabanin ang diktadura ni Marcos. Sa gitna ng mga pasabog at pasikat, sa kadiliman ng mga kulungan ng Batas Militar, walang katapat na kasamaan.

Nangyari ito sa mga sariling kababayan mo, maswerte ka lang at ngayon ka lamang isinilang - dun mo sabihin sa mga binugbog, ginahasa, kinuryente ang mga ari, mga pinahiga sa yelo, isinubsob sa kubeta, pinakain ng kung anu-ano, tinorture tinanggalan ng kuko, patayin ang mga minamahal nila sa buhay na marapat na kasama pa nila ngayong Kapaskuhan, dun mo sa kanila sabihin na kalimutan na lang ang lahat dahil matagal na kamo ito. Sa isang banda, masuwerte na siguro 'yong basta na lang pinatay. Hindi na pinahirapan. 

Sa panahon ni Marcos, dahil sa kanya na rin mismo, natuto ang militar nating umastang hayop - silang dapat na nagtatanggol sa kapakanan at kaligtasan ng mamamayan. Tinuruan sila ng diktador na ako lamang ang atupagin niyo at ako lamang ang inyong susundin. Kaya wag mong ibida sa akin na mas maganda ang buhay noon na nasa poder pa ng mga Marcos ang Pilipinas. Kaya wag kayong maniwala sa mga ganid na gustong maghari-harian sa bayan na gustong kalimutan ninyo na ang lahat ng naganap sa atin noong panahon ng diktadura. Huwag na huwag kayong maniniwala na mas maunlad sana ang Pilipinas kung hinayaan lang ang masarap na pagkakaupo ng diktador.

May mga disiplina "raw" noong panahon ni Marcos. Pero simple lang ang maisasagot ko diyan: Ang pambubutangero ay hindi kailanman naging disiplina.

ANG PAGNANAKAW AY HINDI DISIPLINA.

ANG KAHAYUPAN - ANG TORTURE - AY HINDI DISIPLINA,

ANG PAGHIHIKAYAT SA INYONG: "KALIMUTAN NINYO NA ANG GINAWA NI MARCOS AY LUMANG TUGTUGIN NA 'YON" AY HINDI DISIPLINA.

Sa kasalukuyang panahon napakarami pa ring buwaya sa pulitika at pangungurakot lamang ang pakay, marami pa rin ang nambubutangero at nandaraya. Pero ito ang pinakamahalagang aral sa panahon ni Marcos: Huwag na huwag kayong maniniwala pag sinabi ng isang pulitiko na SIYA LANG ANG PAG-ASA NG BAYAN, NA SIYA LANG ANG MAY SOLUSYON.

Wag kayong paloloko sa mga nagmamarunong, Sa mga nagpapanggap na bagong tagapagligtas, sa mga taong nanaginip lang idinamay pa ang Diyos sa kagaguhan. Sa kabila ng lahat binawi rin naman ang pangako,

HUWAG KAYONG MANINIWALA SA MGA NAG-AAMBIsYONG MAGING BAGONG MARCOS!

Kalimutan ang nakaraan ngunit dahan dahan ulit tayong ibinabyahe patungo sa madugong nakaraan. #MARCOSISNOTAHERO





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento