Pages

Linggo, Enero 22, 2017

Gymnuary Belly

'Let me hear your body talk'

Gymnuary

So, kamusta na pala yung mga nag gym, nagzuzumba, mga nagtetratraining ng iba't-bang klaseng pisikal na aktibidades para lumiit ang mga bilbil bago magbuwan ng romansa't-pag ibig sa Pebrero?

Hindi ko maikakaila na ang pagpapaliit ng tiyan ay parang trapik armageddon sa EDSA - nakakainip - nakamamatay.

Ilan sa mga remembrance sa aking mga pagpapasakit ay ang mag-push ng pagkaraming beses na naka-angat ang paa habang pinapanood ang aking mga nakolektang exercises mula sa Pornhub Youtube videos. Umakyat, bumaba, magmanhik manaog ng hagdan nang isang oras at ang magjogging ng mabilis palayo sa tumatahol na nakawalang pitbull ng kapitbahay para lang lumiit ang walastik na tiyan na ito. Yun bang para kang hihimatayin at aatakihin sa puso ang pakiramdam.

Kaya't ang aking sigaw itigil na yan. Itigil na sana ng lipunan ang ganitong pagpapahirap at pagpaparusa sa mga taong nagkakabilbil. Tama na. Sobra na. Uwian na wala pang nanalo, malaki pa rin tiyan ko.

Dati naman talaga nung mga araw pa ng kolehiyo, sana'y akong tumakbo ng isang kilometro araw-araw, sabayan pa ng apat na set na laro ng basketball. Natigil lang yun nung nailipat ang 7am subject ko sa alas diyes.

Noong nakaraang taon naisipan kong bumalik sa pag e exercise nang minsang kapusin ako ng hininga habang nanonood ng Desperate Housewives at Girls Jumping on Trampolines. At kahit gusto ko nang itigil ang mga kalokohang ito naniniwala pa rin ako sa salitang "HOPE" kahit sa kasalukuyan ang Hope na yan ay nagmimistulang brand na lamang ng isang sigarilyo. Higit pa sa maliit na tiyan ang inaasam ko. Gusto ko yung may anim na pandesal sa labas ng sikmura.Ewan ko, hindi ko alam kung paano gagawin yun. Goodluck.

Olivia Newton John - Physical

Ayon sa mga kuro-kuro at mga nagmamagaling da best pa rin daw na ABS exercise ang cardio o jogging o yung pagtakbo. Bakit hindi? tanong ko sa inyo, may nakita na ba kayong isnatcher na malaki ang tiyan? At dahil hindi na ligtas ang ating mga kalsada ngayon, sa tingin ko mainam na substitute ang SKIPPING rope. Ma-heart attack ka man sa kakatalon at least home sweet home kang mamamatay nasa privacy ng iyong tahanan.

Ang alam ko lang dati na pag exercise sa ABS ay ang pag-ubo. Sa tuwing dadapuan ako ng sakit na ito, sumasakit din pati ang mga abdominals ko sa kaka-ubo, di malayong para ka na ring nag crunches ng isangdaang beses sa isang oras ng buong araw. Buti na lang may Ritemed, kaya wag mahiyang magtanong.

Ayon ulit sa aking mga ibon ng karunungan, nauso daw nuon ang exercise na Inversion therapy. Ito ang pag ehersisyo na nakalambitin ka na patiwarik na parang paniki. Mainam daw ito sa back pains. Pero naimagine ko ang sarili ko kung gayon, baka matapos na ang isang araw hindi ko pa rin mahila ang sarili ko pataas na hindi sumisigaw ng saklolo. Samantalang napakahirap ngmaitupi ang tiyan habang nagmemedyas at nagsisintas. 

Pero dahil na rin sa likas na kaugaliang hindi pagsuko, ginawa ko pa rin ang inversion therapy at baka mapabilis ang paglabas ng six-pack pandesal ko. Minsan ko lang ginawa at hindi na muling inulit. Natanggalan lang ako ng snowflakes sa buhok, nagkalaglagan lang ang mga balakubak ko. At napagtanto kong hindi pala mabisa ang Head and Shoulders na yan.

Para mas lalo kang mamotivate sa ginagawa mong adhikain sa GYM, dapat rin daw meron kang KASAMA yun bang taga paalala, taga alalay, taga punas ng pawis at taga salo kung nafa-fall ka na. Hinikayat ko rin minsan ang isang kaibigan na sumama. AYAW niya raw, kesyo he is in shape daw. ROUND is considered a shape pa rin daw. Wala eh, pilosopiya niya yun eh. Wala tayong magagawa dun. 

Ikaw na nagbabasa nito, mga ilang patatas na ba ang lumitaw sa tiyan mo, may kalahating dosena na ba? o kamote pa rin?

At sa gabing malamig ako'y matutulog ng mahimbing habang nananaginip ng tungkol sa pandesal, patatas, six packs at inversion therapy.

Bahala na.....

Martes, Enero 10, 2017

Totoy Big-O

'This post is brought to you by Dolce & Banana'


Isang mabilisang kapilyuhan lamang habang ramdam natin ang lamig ng pagtunaw ng yelo sa Siberia. Teka mali, may bagyo nga pala ang sabi ng PAG-ASA.

May nakita lamang akong thread na nagpagana ng aking malikot na pag-iisip ngayong gabi. Isang anunsiyo mula sa bansang Japan ang aking nabasa! Para sa tropang "Salvacion" nagkukulang na raw ng aktor na lalaki para sa mga adult films ng Japan. Pagkakataon nang maging isang matikas at matulis na Shiba Inu. Ayon sa bilang, 6,000 ang aktres at pitumpu (70) lamang ang mga lalaking aktor na nagwiwiggle ng kanilang tralala sa harap ng kamera. 

Kung ikaw ay magiging isang sikat na pornstar sa kahit anong bansa, ano ang trip mong gamiting screen name?

Ikaw ba si Boy Big Coke? TitiK Man? Bakatsky? ewan ko, ikaw na ang bahala dahil ikaw rin naman ang kakarga-da sa sarili mo kung sakaling ikaw ay isang magiging matalim na Samurai warrior.

Maganda rin sana yung Totoy Mola. Tunog malaking kargada. Kaso may nagmamay-ari na ng alyas na yan. Kilala naman natin ang magaling na aktor na si Jay Manalo kaya dyahe na gamitin.Kung para sa akin, mas fit siguro ang Totoy BIGo na lang. Hindi ganun kalaswa ang tunog pero bagay. Kailangan ko pa bang sabihin ang dahilan kung bakit? 

Huwag kayong mabahala kung (kayo'y nababahala man). Hindi ako bitter. Paborito ko lang talagang ulamin ang ampalaya nitong mga nagdaang araw pero hindi ako kasing pakla ng ampalaya. Alam kong sanay na akong mawalan ng lablayp. Single man. Solitary man wala na akong pakialam kung ano mang kataga ang ibato niyo sa akin.

Pero mas katanggap tanggap kung  tatawagin niyo akong Totoy BIGo.

Marcy Playground - 'Sex and Candy'

Ngayon nama'y nakakatawa na akong kuli. Lalo na't tambay ako sa katanghalian at nakakapanuod ng mga lumang pelikula ni Rene Requestas, Panchito't Dolphy at ni Jimmy Santos sa Pinoy Box Office. Hindi kagaya noon na lagi kong naiisip kung paano ko karumal dumal na paslangin ang me pakana ng kabiguang ito.

Dati gusto kong hugutin ang saksakan ng mga radyo ng kung sino mang nagpapatugtog ng mga romantic love songs. Para akong bampirang tinutunaw sa ilalim ng araw kapag naririnig ko ang mga kantang love songs ng Backstreet Boys, yung putanginang "Show me the meaning of being Lonely" na yan para akong kandilang nauupos sa tuwing pinapasok ng ritmo ang aking tenga, puso't-kaluluwa. Pero ayos na ako ngayon kahit patugtugin mo sa harap ko ang "Alone" ng Heart wala na akong pakiramdam. Naging malaking tulong din ang pagbabasa. Ang pagbabasa ng children's book, ang mga alamat ng kung anu-ano at ang mga kwento ni Lola Basyang. Naiiwasan ko nang maging bayolente at mas nakakrelate ako ngayon sa Cartoon Network o kaya Disney Channel. 

Hindi ko na kailangan ng paliwanag ng siyensiya kung paano ako nabago. Malaking bahagi ng pagmomoved on ang panonood ng TV. Lalo na kapag balita. Yung mga balitang patayan, aksidente, tokhangan, kalamidad, holdapan, etsetera, etsetera....Yun bang mapapagtanto mong mapalad ka pa rin at safe ka at puso lang ang masakit sayo. Samantalang sa mga oras na ito maaaring may mga nalulunod sa barko, mga naaksidente sa kalye o di kaya ay mga nabalian ng buto sa kahit anong sports na naglalaro ngayon. Malaking bonus na lang kung may balita tungkol sa sumasakit na ipen ni Bimby, o kaya kung kulay na naman ng buhok ni Yeng Constantino. Yung bang mga ganun. Kahit papaano ay maaaliw ka sa masalimuot nilang buhay.

Okay na ako. Nabigo man, patuloy na magiging mapusok. Sumusugal pa rin sa lablayp.Kasing-bilis pa rin ng alas kwatro kung mainlab. Kahit kung minsan nagtatagal ng limang minuto ang akala mong relasyon -libog lang pala. Pero ok na rin kesa sa wala. Ilang five minutes ba sa isang oras. Kung minsan masaya rin ang mag move-on. Challenging. Challenging na parang yung mga role ng mga adult actors at actresses ng Japan pagdating sa mga mala-erotikang scene. 

Pero kung magiging stable ang buhay sa ganito, walang pinagka iba sa porn star. Parang....hmmm parang masayang gamitan lang. Ayaw mong masaktan pero gusto mong ma in love. Ayaw mo na gusto. Ang gulo.

Kaya nga tama na yung naisip ko hindi mo mapaghahalataang mahalay pero malaki malakas ang dating. Ako si Totoy BIGo. Pwede na.




Biyernes, Enero 6, 2017

Jollibee: Bida ang Saya Ngunit Nasan na Sila?

'Wer art thou?'

Una sa lahat wala akong natanggap na supply ng thigh part sa Jollibee kapalit ng pagsulat ko sa post kong ito. Ito'y bilang pag-alala na rin sa ating mga musmos na isipan noong panahon na pinatatahan tayo ni Jollibee sa pag-ngawa sa tuwing susumpungin tayo ng bugnot noong ating kabataan. Bukod sa karaniwang panakot ng ating mga magulang na mayroong kukuha sa ating mama sa tuwing nasa loob tayo ng simbahan, mayroon din namang ibang pinaka sweetest na paraan upang tayo ay mapatahan sa ating pag-iyak. Iyon ay ang pangalang "Jollibee". Ganito ang dating ng mahika ni Jollibee sa mga bagets, sabihan lang na ipapasyal tayo para kumain nila Nanay at Tatay sa Jollibee pagkatapos ng misa ni Father ay kung anong mirakulo na lang na bigla tayong mananahimik sa pag-ngawa, siguro dahil naiinitan  tayo sa loob ng simbahan o di kaya'y habang karga ka ni Nanay ay may nag faface making na tao sa likuran, siguro nginingitian tayo o binebelat tayo kaya minsan iiyak na lang o di kaya ay bored na bored ka sa homily ni padre. 

Jollibee 1992 Old Commercial - 'I love You Sabado'

Hindi ko mawari pero kasi si Jollibee animo'y anghel na bubuyog na pinababa sa langit para magbigay ng kasiyahan sa mga bata. Gusto ko rin kasi yung lagi akong niyayakap lalo na pag fluffy ang itsura. Minsan na rin ako humawak sa paa ni Jollibee habang hinihila niya ko habang naglalakad siya, ok lang kahit naging human map ako noon, wala naman sa akin yun eh kasi nga bata. Gawin ko kaya ngayon yun, malamang ang iisipin ngayon ng tap ay may sayad ako, kaya hindi na lang. Pero sa edad kong ito nakukyutan pa rin ako sa bubuyog na yan eh. Si Jollibee yung dapat na maging inspirasyon ng mga kabataan. Aba naman nag evolve na ang bubuyog na yan hindi lang siya nagpapasaya sa mga bata kundi nariyan na rin ang pagtulong niya sa mga matatanda. Meron akong nakitang picture at video niyan na itinatawid ang mga matatandang may ka-edaran na sa pedestrian lane. Makabayan din ang ating pambansang mascot sa mga larawang nakikita ko sa mundo ng social media. Kaya kayo Mc....palitan niyo na yung mascot niyo, naku lalo na nitong mga nakaraang buwan nauuuso ang mga killer clowns. 

Jollibee helps an old lady across the street

Kilala niyo ba si Tony Tan Caktiong? aba tohl siya lang naman ang CEO ng Jollibee. Kung hindi niya siguro nakilala ang management consultant na si Manuel Lumba noong 1975 ay walang kabataang napapatahan ngayon, siguro binaha na  tayo ng luha ng mga bata sa simbahan, baka di na tayo nakatikim ng pinakamasarap na thigh part. Ang tsika ay mas naunang pagkaabalahang business ni Ginoong Tony ay ice-cream. Nagkaroon siya ng dalawang ice cream parlors sa Cubao. Hindi rin naman pipitsuging sorbetes dahil may brand din naman ang Magnolia. Sumikat din naman ngunit hindi siya huminto na hanggang ice cream lamang. At dahil na rin siguro sa pag aaral ng entrepreneurship ni Lumba ay napagtanto niyang sa mga panahong yun mas mataas ang demand ng mga hamburgers. At kahit pa sikat na noon ang Mc Donalds ay hindi pa rin nagpakatinag ang dalawa at dito na nagsimula ang isa sa pinaka tanyag na fast food chain sa bansa and the rest is history. Nagbukas ang unang Jollibee franchise noong January 28, 1978 sa Quezon City.

Bukod sa kyut na tutubi mayroon pang ibang mascot na tropa ni Jollibee pero sa paglipas ng napakaraming taon bigla na lang silang nawala at hindi na natin masyadong nakikita. Ito ang mga ilan.

CHICKEE



Si Chickee ang kumakatawan sa Chicken Joy. Ang pagkakaalam ko siya ay isang inahen, matabang manok kulay puti, may palong at dilaw ang paa. Isipin mo na lang kung anong itsura ni Big Bird ng Sesame street ngunit nagkakaiba sa kulay. Wala na si Chickee ang kontrata niya sa Jollibee ay hanggang 1993 lang. Asan na kaya siya ngayon?

LADY MOO AT MICO



Silang dalawa naman ang kumakatawan sa Milkshakes. Si Lady Moo ang pa-girl na baka kulay pink at animo'y ballerina ang get-up, may tatlong rosas ang ulo at
naka pink na stilleto. Si Mico naman ay human, aww pinagpartner pala dito ang baka at tao. Nagkaanak kaya si Lady Moo at Mico? Si Mico ay may sumbrerong may pagka magician na kinortehan lang ng handle ng tasa para magmukhang tasa ang sumbrero.Naka americana sa loob at may kurbatang kulay kahel sa labas na suot naman ay mukhang V-neck na sando at nakapajama. Puta anong porma yan. Mas naunang natapos ang kontrata ni Mico dahil 1985 pa lang nasibak na siya, samantalang si Lady Moo umabot hanggang 1993.





CHAMP



Champ represents the premium burger offered by the fast food chain. Si Champ  naman yung pinaka astiging mascot ng Jollibee. Minsan na rin napagkamalan kong Street Fighter character si Champ dahil na rin sa parehas nilang get-up ni Balrog. Isipin mo lang kung anong itsura ng boxer na may manas yun ang itsura ni Champ. Natapos ang kontrata ni Champ noong 1984.




MR.YUM



Si Mr.Yum cool kid, bagets, na kung pagmamasdan mo siya yung batang laging nabebeat ang energy gap. Ang kanyang sumbrero ay hamburger. Siya ang nagrerepresent ng lahat ng regular burgers may keso o wala. Natapos ang career ni Mr. Yum noong 2008 dahil muka na rin kasi siyang fuccboi.






TWIRLIE



Si Twirlie yung tita mo na nagbihis ng pang teenager. Twirlie represents Sundae ice creams. Siya yung naka skirt pero may leggings sa loob na naka boots. Blonde ang hair na korteng Sundae twirl, muka ring troll ang buhok pero mas galante tignan. Meron siyang headband na may disenyong double star. Nasibak si Tita Twirlie noong 2008 kasabay ni Mr.Yum.




POPO



AY! eto ang pinaka paborito ko sa lahat. Popo represents french fries! Si Popo yung pinaka fit sa get up palang. Naka pormang pang jogging, naka jacket at jogging pants na blue tapos naka sun visor. Mukang reggae na blonde ang buhok na yari sa french fries. Ngunit natapos din ang takbo ni Popo noong 2008.





HETTY



Kung mauuuso ulet ang bangs sa mga babae gusto ko yung katulad ng hair style ni Ms.Hetty. May dalawang pony tails sa magkabilang gilid at nakabagsak ang blonde na bangs. Makukumpleto ba ang Jollibee kung walang spaghetti that Hetty represents? Hetty probably is the cheerleader of your dreams. She can cheer up those childrens who had the saddest face in that day. Pero ayun hindi rin pinatawad ng kontraktwalismo si Hetty at nasibak noong 2008.




I wonder if nag-apply silang lahat sa Krusty Krab kung saan lahat ata ng nag-aapply ay tinatanggap.

Sana ok lang silang lahat. Lagi na lang kasing si Jollibee ang nabibigyan ng projects. Minsan kailangan nating ibagsak ang patriarchy.