Pages

Lunes, Pebrero 13, 2017

Bida ang Sawi: Perks of being a Third Wheel (Usapang Valentine)

:' (

Kamakailan lamang binigyan tayo ni Jollibee ng mga napakasakit na trahedya ng buhay pag-ibig. Mga kwentong nagpaluha, mga istoryang kinapulutan mo ng mga mapapait na alaala dahil ito rin mismo ay nangyari sa buhay mo. Pero bakit nga ba ganun? kahit nasasaktan na tayo ay pilit pa rin nating inienjoy at paulit ulit pa nga nating pinanonood.Wala na tayong pinagkaiba sa mga masokista kung saan mas greater pain ang ipinapadama mas yun ang gusto nating damhin habang nakangiting lumuluha. Ang weird noh? Ganun nga siguro talaga ang pag-ibig napakaweirdo. Love is weird!

Dito sa Ubas na may Cyanide itutuloy tuloy na natin ang torture na m ay halong pangkiliti. Dahil wala ka din namang ka-date bukas sa Valentines, (sa mabigat na kadahilanang wala namang nagmamahal at nagpapahalaga sa isang katulad mong kaibig-ibig) bakit hindi mo muna ialay ang isang katulad mo na maging dakilang third wheel ng walang pag-iimbot at buong katapatan.

Coldplay - Clocks

Yun nga lang hindi ganun  kaganda sa tenga pakinggan kapag 'third'. Nariyan yung mga salitang Third place, Third party, Third choice?, Third stage cancer, Third runner up. 

So, Third wheel! Kumbaga sa larong basketball ikaw yung sixth man na papasok sa isang basketball game kapag ang isa sa limang manlalaro sa hard court ay minamalas o di kaya na fouled out na. Ikaw yung maasahan na makakapagbigay ng puntos para magwagi ang iyong koponan. Minsan din kase kapag third wheel ka parang gustong gusto mong dumulog sa Department of Public Works and Highways para mag rekwes ng road-widening para sa dadaanan ng kaibigan mong magjowa para hindi ka naiiwanan sa likod. Andun kasi yung pakiramdam na parang option ka lang at pwede ka namang maging narrator na lamang sa kanilang istorya. Minsan parang ikaw yung lumalabas na antagonist sa dalawa. At ang mas masakit, yung kahit sa sarili mo nang kwento hindi pa din ikaw yung bida. Isa ka lang dakilang extrangherong hinihintay na maglaho sa eksena. Yung they lived happily ever after na, nagkaanak na sila't lahat pero ikaw you're staring into the void pa rin. And yet ramdam mo yung lamig ng hanging sasambulat sa katawan mo at ipinapaalala ng lamig ng hangin ang iyong pag iisa.

Pero naman, when you look on the other side, may perks din naman ang pagiging third wheel. Ienjoy mo lang yung mga benefits ng pagka third wheel mo. At kung sakaling totoo man ang Reincarnation masasabi mo sa soul mo na "pag nareincarnate ako, third wheel ulet please!, pero Lord sana sa mayamang mag-jowa!"

*Parati kang busog. Eh ano pa nga ba, dahil lagi mo silang kasama, always kang libre kapag may date sila. Bahala silang magsubuan at magpahiran ng mga dumi sa muka nila basta libre. Huwag nang choosy. Food over feelings muna F / F.

*Pagkakataon mo nang maging instant Papa Jack pagdating sa mga relationship advices, dahil everytime yan mayroong hindi magandang pagkakaintindihan sa'yo sila hihingi ng payo dahil alam mo ang istorya ng magkabilang panig. 

*Hindi ka nag aral ng marketing strategies pero magagamit mo ito kapag nagpapicture kang kasama sila. Eh ano pa nga ba kapag magjowa marami yang mga friendships at kapag pinost sa Facebook magkakaroon yan ng maraming likes. At kapag nalaman ng ibang friends nila na single ka pa pala, malay mo maraming mag attempt na lumandi sayo.

Plumb - Stranded

*Hindi man ikaw ang Pambansang Bae, ikaw ang Pambansang Bes.Dalawa agad matik ang BFF's mo.

*Magiging feeling Professional Photographer ka tsong. Professiona in a way na kapag sinabi mong "smile!", ikaw 'tong pumipilit ngumiti sa sarili mo kasi deep inside mangilid-ngilid na yung luha mo sa inggit.

*You will learn to be happy for someone else's happiness. For future reference magagamit mo yan.

*Habang nakikita mo sila lalo kang maeexcite sa sarili mo. At iisipin mong one day, mararanasan mo yung nararansan nila. 

*Although nasa coaching stage ka nila sa kanilang relasyon pero lahat ng matututunan mo ay gamitin mo ito patungo sa iyong susunod na relationship. For short, nangunguha ka lang ng tips.

Kung ikaw  yung pangatlong gulong, sa tingin mo ba aandar ang pedicab kapag wala ka? Nilagay ang third wheel dahil mas mahirap balansehin ang  takbo kapag dalawa lang.

Sa kasalukuyan, enjoyin mo lang muna kung nasaan ka. Darating din ang panahon na mangyayari din sa iyo yung mga bagay na sa ngayon ay hanggang tanaw ka na l ang muna. Mangyayari yan sa tamang panahon at sa tamang taong nakalaan para sa'yo. At kapag nangyari yun, silang dalawa ang kauna-unahang magiging masaya para sa'yo. At masasagot mo na rin ang mga katanungan ng mga relatives mo sa tuwing meron kayong family gatherings.......

Ang mga katanungang.....

"Iho ano na, may gerlprend ka na ba?, May asawa ka na ba? Tuli ka na ba?"

At sa kauna-unahang pagkakataon ay masasagot mo sila ng: 

"Tita, Tito, Meron na po!" <3 font="">

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento