Pages

Miyerkules, Marso 8, 2017

The Peklat Project

'Show me all of your scars'


Madalas nating tuksuhin ang mga kalaro natin kapag ito'y tadtad ng peklat sa binti, sa kadahilanang gusto lang natin mang-asar o di kaya ay may layunin talaga tayong paiyakin yung ating kalaro. "Ay ang dami mo namang singko at piso sa binti...hahahahaha...." *sabay turo sa kanyang binti* ito ang maririnig mo habang sila'y nagtatawanan. At ang pobreng bata naman na nasa sentro ng tuksuhan ay unti unti makukusot ang mukha habang sinisigawan ng "iiyak na yan!, iiyak na yan" at tuluyan na ngang nagngangawa ang bata at tumakbong papalayo ng luhaan at magsusumbong kay Nanay at Tatay. Subalit kung matapang ka, ito'y di papatalo at gaganti rin ng tukso. "Eh ikaw nga eh may poknat ka sa ulo at kasinglaki ng pwet ng baso, hahahaha!" sabay turo sa kalbong ulo ng kalaro.

Masarap alalahanin ang mga panahong tayo'y paslit na bata pa. Walang muwang, walang inaalala, wala pinu-problema, walang takot na matulog hangga't kelan mo gusto, walang gigisng na alarm clock sayo ng alas kwatro ng umaga para mamalantsa, makipaglaban sa lamig ng tubig sa madaling-araw habang naliligo at pumasok sa trabaho. Ang sarap maging bata uli. Ang tanging gawi at tanging iniisip lamang ay ang maglaro at magtampisaw sa tubig ng ulan o baha, gawing mini falls ang alulod ng kapitbahay at maglaro ng sari-saring larong Pinoy naman sa kalsada sa kasikatan ng araw kada hapon. Ang maghabulan, magbaril-barilan, magbahay-bahayan sa mga batang kababaihan (owow!) at magtagu-taguan sa kabilugan ng buwan. Ang saya talagang maging bata, wag lamang magmistulang isip-bata.



Lupe Fiasco & Guy Sebastian - Battle Scars [Official Music Video]


Ngunit ang sarap ng pagiging bata ay minsa'y may kaakibat din namang mga mapapait at masasakit na alaala. Mga alaalang nanunumbalik kapag minsang nakakapa natin o nahahawakan at napapansin natin ang peklat sa binti, o sa kamay, sa mukha at ibang bahagi ng katawan. Peklat na sanhi ng ating katigasan ng ulo, ang hindi natin pagsunod sa simpleng "wag kang malikot, huwag mong galawin/gawin," yan na batid ng ating mga magulang ay doon tayo napapahamak para masugatan na magmimistulang marka na lang sa iyong balat dahil sa ating mga kakulitan noong tayo'y napaka pasaway pa. 

Ang peklay ay maaaring isang pisikal na bagay sa bahagi ng ating katawan na dulot ng isang sugat na natamo. Gumaling man  at maghilom nag-iwan naman ito ng mga kakaibang hugis na marka na siya ngang tinatawag nating peklat. Meron din namang tayong mga peklat na hindi natin nakikita subalit nadarama natin. Peklat na dulot ng mapapait na karanasang pinagdaanan sa buhay na patuloy na nag-iiwan ng  malungkot at mapait na alaala. At minsan, yung pinakamalalim na sugat ay yung mga hindi natin nakikita  ngunit ramdam natin ang lupit ng sakit na dulot nito.

Pero tsong ang nakaraan ay di na dapat pang maging dahilan upang tayo'y di umusad at magtagumpay at manatili na lamang luhaan at talunan, bagkus ang peklat na natamo, maging ito man ay pisikal o rekta sa puso o isipan a y dapat maging daan upang lalo pang maging kapaki-pakinabang, masipag at magpunyagi upang marating at  makamit ang ating mga pangarap.


At sa parteng ito ay nangulekta ako ng may pinaka masesexy na sugat sa balat ng tsiks:





Abbie



Criselda


Sekai


Arnhem



















Rui



Angela
Kim



Klea


Angelica



Toni



At muli sa buhay dapat mong pahalagahan ang bawat oras. Huwag tatakasan ang problema, at harapin mo ito dahil hindi lang malulutas ang problema mo, may matututunan ka pa. Sa bawat sugat, may iiwan na peklat. 

Kaya wag kalimutang mag sebo de macho.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento