Pages

Linggo, Oktubre 15, 2017

Sentihan 101: Hanggang Saan Ako Dadalhin ng Aking Pag-Ibig?

 
'PagdaramDAMN'

Hindi ko na alam mga lodi kung bakit 14 entries lang ang aking naisulat sa loob ng taong 2017. Marahil ay nawawalan na ng gana ang inyong lingkod dahil ako lang din naman ang fan ng blog na ito (drama). O di kaya'y unti unti nang naglalaho ang aking mga inspirasyon para magsulat ng isang petmalung piyesa. May mga pagkakataon din siguro na nasesentro ang aking sarili sa mga bagay na nakakapaglayo sa aking pagsulat katulad ng panonood ng Rick and Morty o ang pagsunod at pagtangkilik sa drama ni Bojack Horseman sa Youtube at ilang mga dark secrets na inihahain sa akin ng Internet.

I miss having something to write on, having someone to write for. Natutuyo na siguro yung utak ko, marupok na ang mga gears ng aking mga ugat, hindi na ganun kalakas ang kuryenteng nagpapagana sa aking sintido para makagawa ng isang malupit at dambalasek na post dito sa blog na ito. Minsan gusto ko na lang i-delete ang lahat dahil unti-unti na ring nawawalan ng saysay. Ang dami ko sanang gustong isulat, ang dami kong gustong ilathala at ikwento pero putangina lagi akong tinatalo ng katamaran. Ay, baka yun nga ang numero unong suspek kaya hindi na ako makakapagsulat. Pero hindi eh, minsan kasi kung makakatanggap ka lang ng kaunting komplimento sa mga mambabasa mo dun ka lalong mas ginaganahan. Oh well, the mere fact na may nagtitiyaga magbasa sa sinulat ko e nakakatuwa talaga, lalo na yung mga hindi mo talaga kakilala. Dati halos araw-araw kahit yung masakitna ipin ni Bimby papatulan ko at gagawan ko yun ng mahabang sanaysay, ngayon? wala eh hanggang isip at title na lang tapos wala na... hanggang draft na lang.Delete!

Gusto ko magsulat muli...gusto ko magsulat pa sa inyong lahat. Gusto kong magsulat para sa "kanya" (landi), pero di ko magawa. Gusto kong maramdaman  yung dating enerhiya at sinasapian ng sari-saring thoughts kapag may hawak na panulat, ewan ko ba pero susubukan kong muli. Kaya eto na tama na ang introduksiyon, sisimulan ko nang muli sa mga katanungang "Hanggang saan ako dadalhin ng aking pag-ibig?"

Dun tayo lagi sa Tagalog na salita para mas ramdam ang malulupet na emosyon na bibitawan kong salita. Love. Sabi ng propesor ko dati sa Art Appreciation class, isa lang daw itong "FEELING". Damndamin. Damdamin. Ganun ka simple ang konsepto ng pag-ibig para kay prop. Para sa akin kasi, hindi lang yun ee, marami pang iba. Ang pag-ibig ay hindi lang ukol sa puro damdamin o nararamdaman ng isang tao. Pota, kung puro ganoon lang, e bakit parang hindi ko naman nararamdaman? Hindi ba't nasa aksiyon din naman ang pagpapakita ng pagmamahal? Sa damdamin nga lang ba ng isang tao masusukat ang terminong paulit ulit niyang ipinararamdam sa isang tao? Hindi ba't dapat mong ipakita? (hindi ang tralala ha) Dahil hindi rin naman sapat kung panay paramdam lang, ano ka isang entity? multo? tangina paranormal ka lang ba? Syempre nararapat na may aksiyon din. May katapat din na aksiyon sa bawat damdamin na ating nararamdaman. Hindi puro palipad hangin lang. Aba, eh kung puro ganun lang din, olats ka na, hopya ka pa at hindi ka rin mamahalin ng taong iniibig mo, kaya wag na lang subukan kung wala namang tapang ang inihaing kape sa kanya.

Sabi ng ilan ang sarap daw talagang umibig. Kahit hindi pa masyadong seryoso, puppy love at mga bata pa ay masaya daw talaga ang umibig.


Kevin Roy - "Kailan pa man"

Hindi ko maintindihan
Pangakong magpakailanman
Nagsinungaling ka lang diyan

Ang bukas mo't sino man
Ay di nakikita at di maisasalba
Kung tangayin sa agos ng panahon
Kaya pangsamantala habang nandito pa
Tanggapin mo ang pag-ibig ko ngayon
Hanggang sa dulo ng mundo
Magmamahalan tayo dito
Huwag kang mangakong ganito
Mahal ang pamasahe mo
Kaya pangsamantala habang nandito pa
At di man kailan pa man ang ating samahan Sarilihin ang pagkakataon
Makulimlim man ang panahon
Tanggapin mo ang pag-ibig ko ngayon Tuwing kapiling lang kita Ang mundo ko'y sumisigla
Buhay ang buhay ko ngayon



Hanggang saan ako nadala ng aking pagmamahal?

WALA.

Wala pa akong napuntahan. Wala pa, wala pa namang nakapagpapatunay na meron nga talagang pag-ibig na nageexist sa mundo ko ngayon. Dahil hindi ko alam kung nao ngaba ang sinasabing tunay na pag-iibog. Sino ba ang may alam kung ano ang orig? WALA PA TOHL! di ba?

Sige recitation. Ano ang pag-ibig? Yun nga ba yung pakiramdam? Yung kung paano mo maramdaman ung mga kuryente sa palad mo pag hinawakan niya ang kamay mo as in HHWW? Baka naman carpal syndrome lang yan? Kung paano ka sumigaw at tumalon pag nagtext siya sayo o kung i-like niya ang mga post mo sa Facebook? Ganun ba yun?! Kung paano niya hawiin ang nakaharang na buhok sa muka mo, at pagkatapos, hahalikan ka niya sa iyong mga labi?

PUTANGINA!

Kung ganun ang pag-ibig, edi matagal ko nang natagpuan ang hinahanap ko...Kung ganun lang ka-smooth ang lahat, walana sanag umiiyak at nasaktan sa walang-hiyang pag-ibig na yan. Wala na sanang pumatay at nagpakamatay dahil sa pag-ibig. Hindi lang naman puro ganun di ba? Wala. Wala pang nakakapagsabi kung ano ang tunay na pag-ibig at kung saan lupalop na dimensiyon ka nito madadala.

Ano? ano nga kamo? Langit? Langit daw. Hindi ba't eto ang isang lugar kung saan napupunta yung mga namatay na? Edi pucha, patay na pala ako. At paulit-ulit pang namatay. Double dead? Triple dead? Quintuplet dead? Hahahaha! at mamamatay pa ulit ng paulit ulit. Tangina mga lodi, lakas pala maka walking dead ng pag-ibig.

Sa kabilang banda,, kahit ano pa mang kayang idulot ng pag-ibig na yan, wala akong pakealam. Alaws pakels! Masarap ang umibig at ang kapalet na ibigin. Ang tunay na pag-ibig ay pagtanggap mo kung ano siya lahat ng meron siya. Yayakapin mo kahit yung mga pinakapangit na bagay sa buhay niya. Bisyo, ugali, toyo sa utak. Ganun talaga mga paps. Kapag nagmahal ka, hindi mo iisipin o ipagwoworry yung mga bagay na hindi maganda sa kanya. Kapag nagmahal ka hindi mo kailangan malaman kung hanggang kailan at kung hanggang saan kayo madadala ng pag-ibig na inyong sinimulan. Basta ang isipin hanggat naroon ang pangangailangan sa isa't-isa, ang paghahanap at pagbibigay ng pagmamahal, ang pagnanais makasama sa bawat araw na meron ang kalendaryo nananatiling tunay at tapat ang pag-ibig.

Hanggang kailan ko kayang ipaglaban ang pag-ibig?

SAGOT: 'Pag wala nang ipis sa mundo, titigil na ko.

Hanggan saan ako makakarating sa pag-ibig?

SAGOT: Hindi ko alam. Pero kaya kong libutin ang mundo (kasama yung taong minamahal ko). Pero wag na pala, wag tayong mangako ng ganito. Mahal ang pamasahe natin, kaya't magmahalan tayo dito. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento