Pages

Linggo, Abril 22, 2018

Superhero 2018 and Beyond

'Ang Tagapagligtas ng mga Broken-Hearted'


After all these years in my life nakapag decide na ko. Wala nang makapipigil sa akin, wala nang urungan. Bata pa lang ako pangarap ko na talaga ito, joke lang yung mga nilagay ko noon sa yearbook na gusto kong maging astronaut.Marami na akong napanood na pelikula pero ang lahat ng iyon ay pawang mga kathang isip lamang. Gusto ko this time kung gagawa ang mga direktor ng pelikula ay  makatotohanan. Yung true to life story at ako ang bida. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Ayoko ng kasabihan ng iba na bago man lang daw sila mamatay gusto nilang makapunta o makalibot sa iba't ibang magagandang  lugar sa ibang bansa. Ang tanging hiling ko lang bago ako malagutan ng hininga ay maging isang kapaki-pakinabang na nilalang. Yung makikilala ka sa mga kabutihang iyong mga nagawa at hindi yung puro katarantaduhan. Kung matotodas man ako ng umaga sa sakit ng pusong ito ang isa ko pang kahilingan sa mga mad scientist na pagsasamantalahan ang carcass ko ay buhayin akong muli hindi para maging zombie yun ay para maging isang SUPERHERO! Tangina! shet! kung mamatay ako dahil sa atake sa puso gusto ko ang magiging monicker ko ay Heart Attack man o di kaya eh Kuya Cardio para mas in, pangmatagalan, matikas at parang si The Flash dahil matibay sa takbuhan kasi nga ang special powers ko ay bihasa sa cardio gaming. Kung sa outfit naman ng pagiging superhero ayoko na siguro ng mga kapa kapa effects. Ipapaubaya ko na kila Batman at Superman  yung ganung outfit at hindi ako tangang superhero na kailangan isuot ang brief sa labas ng mismong costume. Simple lang ang gusto kong costume yung tipong hindi ka pagkakamalan na superhero. Okay na siguro ako dun sa pormahan ni Will Smith sa Hancock. Yung tamang naka cocky shorts lang naka shirt at may bonet na nakashades, may tiyaleko. Yung bonnet ko may burda na KC sa bandang noo. Anong powers ko? Siyempre yung may super strength yung kaya bumali ng adamantium na bakal, yung hindi na kailangan mag-gym at mag selfie para makakuha ng sapat na lakas. Tapos lahat ng makakasagupa ko bibigyan ko ng heart burn, wag muna heart attack kasi kailangan din natin sila bigyan ng chance para magbago. 

                              Aviators - No One Will Save You


Lagi kong dinarasal kay Lord na sana ay may mahulog na meteorite at ako ang makakatuklas nito pagkatapos nung magkakaroon ng mutation churva at maaangkin ko na ang ninanais kong cool na power. Naniniwala akong di totoo si Santa Claus, ang Easter Bunny o Tooth Fairy pero naniniwala akong mayroon Superhero.

Naglaho na ang paniniwala ko sa lahat ng bagay, hindi na ko naniniwala sa pangako ng mga lintek na pulitiko. Naging heretic na din ako pero hindi pa rin nawawala ang paniniwala ko na may mga taong lumilipad, may x-ray vision, may ice blast power, yung mamang kulay berde na kayang pitpitin ang mga naglalakihang trak, yung aleng kayang baguhin ang kahit anong trip niyang weather conditions, ung may laser beams na pula na naka shades forever, may kakayahang kontrolin ang mga bagay bagay, may fast cell regeneration, may kakaibang lakas at kung anu anong anik anik pang kapangyarihan. 

Yung lang ang tanging bagay na ninais kong makamit ang maging isang superhero pero nagising na lang ako sa katotohanang isang gago lang ang mag iisip na totoo ang mga ganitong klase ng tao. Kahit ngayon na nasa trenta anyos pataas na ako iniisip ko kung paano kaya kung totoo ang mga superhero? mas magiging maayos kaya ang mundo? 

Hayaan na nga natin. Wala nga siguro talagang superhero, pero lahat tayo may kakayahan para iligtas ang mundo at siguro para sa akin isa lang ang pagba-blog sa mga kakayahan ko upang baguhin ang mundo. Tulad nga sa tagline ng pelikulang Schindler's List: "Whoever saves one life, saves entire world." Lahat tayo ma y kapangyarihan magligtas ng buhay kinakailangan lang natin gamitin ang ating kakayahan, talento o kaalaman natin para magawa ito.

Hindi nga ako superhero pero may kakayahan naman akong magsulat at ilathala ang mga ito sa aking blog na Ubasnamaycyanide.blogspot.com Hindi nga siguro kasing cool ng mga superhero ang mga kakayahan ko pero at least kahit papano alam kong sa bawat nilalathala ko may isa o dalawang nilalang na natutuwa sa mga ginagawa ko at maaaring nililigtas sila sa plano nilang pagpapakamatay dahil nalaman nilang mas emo pa ako kesa sa kanila.

Well, umaasa pa rin akong maging si Kuya Cardio balang-araw. Ang tagapagligtas ng mga broken-hearted.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento