Pages

Linggo, Hulyo 1, 2018

High School Memories: Recitation

'Our  lesson for today is about the parts of the reproductive system'


Kamusta na mga batang uhugin ng dekada nobenta? Uhugin pa rin ba kayo after all these years? Pagod na ba kayo kakaaral at kakatrabaho? Sawa na ba ako tawagin ang pangalan ko at ma-call out gabi gabi? Nahahassle ka na ba sa trabaho mo? Iniisip mo bang palaging may lalabas na serbidora ng kape sa ceiling ng mga kuwadra-kuwadradong styropor sa floor tuwing magsasalita yung babae sa mikropono na "Good morning, deliveroo?" Kung sagad na sa pagoda, sige recess muna. May pag-uusapan tayo ngayon. Doon muna tayo tatambay sa mga classrooms niyo. Pikit ang mga mata at tayo'y bibiyahe 25 years pabalik sa upuan mong kahoy na may kasamang arm chair. I-set nating ang oras 8:30 ng umaga, alas dos ng hapon, o kahit anong patay na oras. Ano nga bang meron sa klasrum ng ganitong mga oras?

Titser: Our lesson for today is about the parts of the reproductive system.

(sabay taas ng kamay si Carlos)

Titser: Yes Carlos?

Carlos: Tite!

Buong klase: *Hagalpakan sa tawat't halakhakan at yung iba lumolobo pa ang ilong sa kakatawa*

Titser: (80% galit) Bastos kang bata ka ha at may tinanong na ba ako ha?

Carlos: Eh, mam sorry po pero kasama naman po talaga ang tite sa reproductive organ.

*TAWANAN NA PANGMALAKASAN*

Titser: Aba't nagdadahilan ka pa talaga? Gusto mong bisitahin ang principal? Tama ka pero hindi Filipino ang subject natin.

Sori, pero kapag alam mo na talaga yung paksa talagang gaganahan kang mag-recite eh lalo na alam mong kakatawanan at katotohanan yung isasagot mo. Ginawang takdang-aralin pero kinabisado mo na kinagabihan pa lang. Anyway, mabalik tayo. Iba-iba ang strategies ng mga estudyante tuwing recitation. Syempre kapag nerd ka o nagtatalinutalinuhan ka e mag-aaral ka na in advance para epektib ang pagpapasiklab mo. Kung row 4 ka naman eh hindi na kailangan ng aklat o notebook. Tuloy-tuloy lang ang paglalaro ng pogs sa labas kahit pa alam mong pag-iinitan ka ng titser mo kinabukasan.

Titser: O ikaw Kit (kahit hindi nagtaas ng kamay), magbigay ka nga ng kahit isang part of the Reproductive system?

(mabagal na tatayo si Kit,  lilinga-linga sa mga katabi habang ang iba naman ay nagpipigil na ng tawa)

Kit: Ah, eh, etits po! (sabay ngiti)

Titser: Magsilabas nga kayong dalawa! Labas! Nangongopya ka lang ng sagot sa kaibigan mo at hindi talaga mapigilan yang mga bibig niyo!

Kit: (nangatwiran pa) E ma'am hindi ko naman itinuring na kaibigan 'yan e.

*Tawanang pangmalakasan ang buong klase*

Titser: AYAN SIGE TUWANG TUWA KAYO SA KALOKOHAN NG MGA KAKLASE NIYO. TUMAYO KAYONG LAHAT!!! REMAIN STANDING! WALANG UUPO!!

NAGWALK OUT SI MA'M!

Green Day - "Good Riddance"

Ang sarap ng ganitong memories. Talagang itatago mo ang tawa mo para hindi ka mahuli ng titser. Mahirap din kapag masyadong seryoso sa klasrum. Kaya ginawa ang mga taong row 4 para bigyan ng kulay ang gawain natin, tulad na nga kapag recitation.

May mga pagakakataon namang halos magiba na ang klasrum sa 2nd floor dahil sa dami ng nagtataas ng kamay. May mga ibang magtatampo pa nga dahil hindi sila tinatawag para mag-recite. Kasama din ang pagkalabog ng paa, at sumisigaw pa ng "Ma'am ma'am ma'am!" "Sir sir sir!!" Halos lahat sila e naka-ulraman-raise-my-hand-stance. Kapag may tinawag sa wakas ang titser e may hihirit pa ng, "Tsk!" akala mo nalugi sa pustahan e.

Sino nga ba ang hindi nakaranas ng matinding suspense at thriller kapag Math na nag subject? Kapag multiplication table of 7 e talaga nga namang hindi mo alam ang gagawin mo para hindi kabahan. Magtatanong ang titser mo sabay tawag sa kahit sinong estudyanteng trip niyang tawagin. Kaya noon gamit na gamit ang notebook namin e, actually nagpalit ako ng notebuk noon, pinalitan ko si Jolina Magdangal covered notebook ko sa Math ng may multiplication table sa likod. Sorry na Jolina, kailangan ee. Paminsan naman ay magtatawag siya ng isang lalake at babae sabay patatayuin sila sa may aisle sa bandang likod para sa isang contest. Maglalabas siya ng mga flash card at paunahan kayong dalawa sa pagsagot. Isang tamang sagot = isang hakbang pasulong. Ang matalo, sira ang pride.

Sino ba naman batang kalye ang hindi nagkamot ng ulo sa klasrum kapag tinawag na ng guro?

Malamang sa alamang ay naranasan niyo na din ang biglang yumuko at unti unting lumulubog sa upuan kapag nagsimula na ang recitation....ooops correction GRADED RECITATION ito yung mga oras na gusto mo na ayaw mo matawag. Tangina yung daga sa dibdib mo nagwhiwhirpool ee ayaw mo naman din na hindi ka matawag kasi mabebetlog ang marka mo sa graded recitation magkamali man ang sagoit mo atleast may grade ka pa rin. Tuwing magsisimula na ang oras na 'to ay biglang mamamawis na ang mga palad ko kahit hindi ako pasmado. Parang magic na titikom ang mga bibig namin sa kakadaldal. Sisimulan kong alalahanin ang kahit anong salitang alam ko sa libro - square root, Malay at Indones, Treaty of Paris, mammals, vertebrae, non-vertebrae, mammals, Amanda Paige, Priscilla Almeda pota hindi yan... ano pa ba?

APO Hiking Society - "Saan na nga ba'ng barkada ngayon?"

"Maico stand-up!" Ayan na. Hindi pinakinggan ang aking dasal. Wala akong lusot. Ito na ang moment of truth. Tinawag na ako at nakatayo na. Unang gagawin ko ay hahanapin agad and pinakamatalinong kaklase na kaibigan ko. Bat ko sinabing kaibigan ko? Dahil kung hindi mo kaibigan ang matalinong kaklase ay 'wag ka nang umasang tutulungan ka niya. Kailangan dito magaling ka sa sign language o kaya lip reading dahil kapag  tatanga tanga bumasa ng senyales ay malamang, kung anu ano lang ang isasagot mo sa titser.

May oras naman na pagalingan sa pagtaas ng kamay lalo na kapag alam na alam ng lahat yung sagot. Yung tipong maaabot mo na ang elektrik fan sa kisame. Sorry ka hindi ka matatawag kapag ganyan. Kasama ka ba sa mga napaka-ayos magtaas ng kamay at hawak pa ng kabilang kamay ang siko ng kamay na nakataas? Sorry, hindi ka din matatawag ng ganyan. Isa ka ba sa mga nagdodrowing ng etits at lettering sa pahina ng libro o kwaderno mo? Congrats sayo. Matatawag ka, pero sa susunod na tanong ni Mam.

Recitation talaga yung pinaka hasel na oras sa skul. Mas gusto ko pa mag-exam kaysa mag-recitation. Sa exam maraming oras o tsansa para mangopya. Dito on the spot jackpot ka. Segundo lang ang bibilangin mo bago ka mapagalitan at mapahiya eh kapag recitation ikaw  lang nakatayo at kitang kita yung pagmumukha mo habang sinesermonan ka ng titser.

Pero siyempre hindi puwedeng walang diskarteng ganap sa recitation na yan. Ito ang ilan na aking naaalala.

1. Taingang-kawali style - Ilang beses nang tinawag ang pangalan mo pero hindi ka pa rin tumatayo. Kunwari eh hindi mo naririnig o kaya naman may sinusulat ka kunwari. Hindi lang makadadagdag segundo 'to. Pwede ring sumimple ka nang naghahanap ng sagot sa libro. Plus 8-10 seconds.

2. Slow-mo na pagtayo - Ito naman yung lahat ng klaseng pagpapakyut ginagawa mo para dahan-dahan ka makatayo. Nagkakamot ng ulo, pangiti-ngiti at pwede rin yung nahulog kunwari ang libro o notebook mo sa sahig. Plus 6-8 seconds rin 'to.

3. Ano po uli yung tanong? - Yan isa ring pampatagal yan. Ipapaulit mo nang ipapaulit sa titser mo ang tanong. Plus 10-15 seconds.

4. Thinking style - ito naman ang kunwaring pag-iisip nang  mabuti sa tanong sa'yo. Tumitingin ka pa kunwari kung saan-saan pero tinitignan mo talaga ang mga signals sa'yo ng tropa mo. Plus 10 seconds.

Sa mga istayl na  yan eh pwede mong gawaing isang minuto o higit pa ang oras mo para makasagoteee. May panahon ka nang intindihin ang mga signals, pakinggan mabuti ang mga bulong na sagot sa likod mo o kaya naman makahanap ng sagot sa kwaderno o libro.

Titser: Bigyan niyo ako ng isang anyong-tubig.

(Tinatapat ko na ang mukha ko sa ulo ng nasa harap ko para hindi ako makita)

Titser: Maico! Patago-tago ka pa diyan ha. Sige tayo!

(Pangiti-ngiti, ginawa ko na lahat ng delaying taktiks)

Me: Hmmmm...Swimming Pool mam!

Remain standing!




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento