Pages

Miyerkules, Hunyo 26, 2019

Sa Tuwing Umuulan

'Mga alaala sa tuwing tag-ulan'

Makulimlim na naman ang paligid kahit mainit ang sikat ng araw. Ulan, init, ulan, init iyan ang laro ng panahon sa maghapon. Katamtaman ang ihip ng hangin, malamig din ang panahon, heto nga at naaamoy ko pa mula sa aking puwesto ang masarap na pritong daing na bangus ni Nanay, na paborito naming ulam lalo na kapag ganito ang panahon. 

Paborito ko ang tag-ulan lalo na kapag sumasapit ang dapit-hapon. Kalmado. Alam kong uulan kapag ang mga kulisap ay nagkakagulong magsiliparan pabalik sa kani-kanilang lungga. Masaya ako kapag umuulan. Nais kong maligo at magtampisaw sa malamignitong tubig. Nais kong kumawala sa init ng nagdaang araw, isang pagbabanlaw sa lahat ng pagod at hirap mula sa matinding sikat ng haring liwanag. Ibinabalik nito ang masasayang larawan ng aking kabataang araw-araw ay nais kong balikan. Ang ulan para sa akin ay isang katuparan ng pinakakaasam na kahinahunan ng mundong aking ginagalawan. Isang paghuhugas sa mga alinlangang nadarama ko sa kabila ng kabutihang idinudulot sa akin ng buhay.

Noong bata pa ako, waqla akong kalayaang magpasya na maligo sa ulan. At alam kong sa bawat pagpupumilit kong magtampisaw ay pagagalitan ako ng aking mga magulang. Kung bakit ba noon, noong bata pa ako, mas napapansin kong mas madalas ang pagbuhos ng ulan kumpara sa pagsikat ng araw. Marahil, noon pa man, umiibig na ako sa ulan. Hanggang ngayon.

At ngayong malaya na akong maligo kahit anong oras na bumuhos ang ulan. Ngayon pang mas pipiliin kong magtampisaw sa tubig nito kaysa ang manatili sa loob ng aming silid-aklatan upang magbasa ng mga panitikan patungkol sa ulan. Ngayong wala ng makakapigil sa aking magpagulong-gulong sa nakabibighani nitong tubig. Ngayong hindi ko na kailangan pang uminom ng isangbasong tubig kapag nangangamoy alimuom. Ngayon pang malaki na ako at marunong ng magpasya sa sarili, ngayon pa na kakaunti lamang ang ulan.


After Image - Tag-ulan

Ang ulan ay nagpapaalala sa aking ng mga ginupit-gupit at tiniklop-tiklop na papel noong aking kabataan. Ito ay  ang bangkang papel. Masaya magkarera nito sa kanal lalo na kapag umuulan dahil malakas ang agos ng tubig sa kanal. Kanya-kanyang gawa agad ng bangka at paunahan na. Parang hindi na nga lang talaga karera ang nangyayari eh kasi sa lakas ng ulan nagiging survival na ang labanan. Patibayan na lang ng pagsalo ng mga patak ng ulan at sa lakas ng pag-agos ng tubig. Kapag umabot sa imburnal ang bangka mo at shumoot dun eh panalo ka. Ang tibay ng bangka mo.

Sa lakas ng ulan noon ay hindi ka makukuntento ng basta sa ulan lang eh minsan ay naghahanap pa kayo ng mga kalaro mo ng parang Maria Cristina Falls. Ang rumaragasang tubig sa alulod ng mga bahay yan ang pinaka the best time ng paliligo tuwing umuulan kahit pa alam niyong sinuway na kayo ng mga nakakatanda dahil daw sa may kasamang ebak ng at ihi ng daga ang tubig na dumadaloy sa mga alulod. 

Ito lamang ang aking mga mumunting alaala sa tuwing umuulan. Tila nananariwa ang paligid, pawang naaalis ang dumi, alikabok, putik ng nakaraan at mistulang bagong Paraiso ang masasaksihan pagkatapos ng ulan.

Linggo, Hunyo 16, 2019

LIFE at Five Months after Open Heart Surgery

#HeartStrong 

On the 29th of this month will be the 5th month to date since my OHS. To recap, they bypass my blocked arteries with the saphenous veins in my legs, they done the sternotomy on my chest cut my breast bone in half, they harvest 3 veins on my left leg to bypass my three blocked arteries in the heart, they cleaned out my aortic arch, they harvest again an artery from the left side of my chest wall. What can I say? They hacked me up pretty good. 

Life has been s-l-o-w-l-y creeping back to 'normal' in the past 5 months whatever that 'normal' means nowadays. 

I have really good days when I move freely and I can accomplish a lot, physically (commuting just fine, cooking my own breakfast, a little house chores cleaning, light malling) and I have days when everything screams in pain: my chest, my back, my whole upper body, generally my hips. My left leg is still numb. Some days they aggravate me, and they feel swollen, and some days the pain is bearable, and they just feel like annoying needles poking me. There are night chills and cold sweats where my body is fighting an infection.

"Before bypass surgery, this used to be my life song, especially on the Christmas time last year." - DEMON HUNTER - The Wind

These city lights illuminate your breath
As you tell of all the ways that you feel dead
December left you cold and alone
I'm sorry but I have enough to fear on my own
Dying to care
I'm searching for some solace in this air
But the wind
It cuts to my bone
The wind
This hollow breath of cold
The snowflakes fall like ashes into dirt
Like every hope that rose and dissolved into hurt
Dying to care
I'm searching for some solace in this air
But the wind
It cuts to my bone
The wind
This hollow breath of cold
The wind
It cuts to my bone
The wind
In winter's arms, I feel at home


My blood pressure has inched itself up to close to normal values. Finally, I'm slowly recovering from hypotension the lowest BP I had is 81/55 which is considered very low and there was also my time when I got the lowest heart rate of 49. I was rushed to the emergency in the morning because of this and the doctors adjusted my medicines. Last time I took it, it was 110 over 70, so slowly getting the diastolic closer to 70 now (used to be in the 50s for months)

I am still not able to carry much weight but I can push grocery carts with my mother. Unloading and loading them from commuting is hard, so I can't do it my mother and my sister did this every time. I tried a couple of times and start panting like a dog.

My chest is very sensitive, still. My incision (full sternotomy) has keloids from space to space, and it's still very sensitive and bright red. Sun hurts it even more, so I cover it pretty carefully when I am outside. I have days when my drainage tube scars on my stomach are very touchy, as well, and sometimes itchy.

I went on a family trip overnight in Baguio City last April. The drive up there was about 5 and a half hours, and the time in the car bothered my ribs a bit in a wild turning of Baguio's zigzag road.

The trip was great, overall, but I did get very tired the one full day we were there, from walking around in the heat. There were destination spots that I can't go especially when climbing up so I just wait for them patiently until they come back. 

I have had a couple of episodes of feeling dizzy and feeling like my head is too heavy, where I have to sit down and rest a bit, but those are very rare now, maybe once a week or so, and they are very short lived. They usually come when I am extremely tired, after doing too much, or when I am in the heat. Thank God it's rainy season now. I used to like summer before but now I turned into a pluviophile emo trash person. Lol!

There are days when you feel very strong and there are days when you're really weak and drained out energy. But when I feel the weakness, I'll nap, sit on the couch, and just catch up on life.

Five months ago, or even 2 or 3 months ago, all this would not have been possible! I am amazed every day at what my body can do. I still get no warning about being tired. When I have the stamina (and that has improved amazingly over the past 5 months!), I just go-go-go and usually the following day, the tiredness hits and I have to just stop the show!

I sometimes lie awake at night thinking of my new parts inside of my heart, the saphenous veins harvested from my leg and the left internal mammary artery harvested on my chest wall. I am visualizing them, and imagining them at work, and praying and casting a small blessing on them, asking them kindly to keep working for me. Let the continuous blood flow work inside my heart and arteries. Do not block easily. It's kind of eerie what they can do nowadays. I am so grateful that I had something that could be fixed. There are so many hundreds of thousands of afflictions out there that are hopeless for so many people. For innocent babies and unborn children, even. I got lucky! I am also learning to trust them more and more and seeing them as part of me, and not a strange 'body' anymore.

 My recovery song #HeartofCourage

The one thing that open heart surgery has taught me so far, a very powerful thing, is just how much our hearts work. Right after surgery, when my poor heart was beaten up senseless, and so tired and so weak, for a month, everything, even breathing, walking up a flight of stairs very slowly, showering took a Herculean effort. Sitting up was an effort, for days and weeks. Putting my shoes on took forever, and it rendered me breathless. This is how I knew my heart was not ready to do all these things yet, it was still recovering. I never take any move of my body for granted anymore, because I know of the amazing hard work that goes into it from my heart. I am so thankful and so humbled!

The 'rhythm' of the past five months has been just 'one day at a time', and I continue to keep that stride. I never have two days alike, and every day teaches me new things about myself, and about this heart disease journey. As one of my favourite songs goes, "Mask of steel, silent words, Waiting till the coin has turned", so I'm happily carrying through until the coin has turned for me, for my time to feel fully recovered. This is a lucky journey. I have been cast on and eagerly waiting what is behind every corner, of every day.

I would also like to share this wonderful quote from my favourite Christian band, Demon Hunter:

"When the sun is shining in our lives, it's important to remember that it's raining down upon someone else. It can be difficult to truly see outside yourself - especially when everything seems to be coming up roses. When we suffer, we expect the world to stop and suffer with us... But when we're basking in the glow of good fortune, we're often blind to those whose lives are in turmoil. This is a reminder to myself, as much as anyone else, to be mindful at all times of the difficulties others face." - Ryan Clark

Always be kind to someone you don't know what storms someone has just walked through.

Much health to everyone, ALWAYS!


Lunes, Hunyo 10, 2019

Rated SPG: Kwentong Banyo

'My peace of mind rest at our banyo.'


"Love hurts...oooohhh-wooohhhh....Love hurts...." ♪ ♫

Yan ang laging kinakanta ni tita habang pinapaliguan ako nung bata pa ako. Klasik ang banyo ng isang batang kalye. Ang mga pader ng banyo ang nagsisilbing saksi sa atingmusmos na hubad na katawan at iba pang mga ritwal.

Hindi ka huhusgahan ng pader ng banyo. Kahit pa napakabaho ng tae mo ay wala kang maririnig na panghuhusga. Kahit labing-dalawa pa ang daliri mo sa paa ay wala kang maririnig. Ang mga pader ng banyo ang totoong "man's best friend". Napaka-walang basehan ng sinasabi ko anoh? 

Walang mga katulad nating batang kalye ang hindi nagkaroon ng banyong may lumot. Siguradong may isang sulok sa mga tiles ng banyo na maraming lumot.Tignan niyong mabuti yung gilid ng tiles at makikita niyo ang kulay green na hindi mo alam  kung saan gawa na talaga namang kadiri pero dahil nasanay na tayo kaya hindi na talaga siya kadiri. 

Meron ding mga banyo na may malaking bato sa lagayan ng sabon. ito ang pang-hilod. Karaniwan ay nakukuha natin ito bilang souvenir kapag tayo minsan ay nakapaligo sa beach. Yung iba talaga sa atin ay nangongolekta ng bato na kasinglaki ng sabon para ipanghilod sa ating mga katawan. Kung walang "luffa", bato ang gamitin. Siguraduhing pumili ng magaspang na bato. Tanggal na ang libag, tanggal pa ang balat.

Pagkagising sa umaga, rekta sa banyo. Sa mga lalake, siguradong matitigas ang mga manoy niyo sa umaga kaya galingan ang pag-ihi dahil talaga namang mahirap i-shoot ang ihi sa inidoro kapag naka-saludo si junior mighty meaty hotdog. Huwag na huwag sasabihin kay ate kapag nalagyan ng ihi ang sabon niya sa mukha. Bad idea.

Unang buhos ng tabo. Mahirap tumayo ng kalmado sa unang buhos. Lagi akong napapatalon at kandirit na parang boksingero dahil sa lamig ng unang buhos. Hindi ko mapigilang kuskusin agad ang aking mukha sa unang buhos ng tubig.

Baradong inidoro - impiyerno ng buhay ko. Wala nang mas nakakapanic pa sa itsura ng tubig na tumataas habang tumataas din yung tae mo na akala mo isasama ka. Nakamamatay lalo na kapag hindi sayo ang taeng umaangat. Sa mga nagtataka, oo, kilala ko ang tae ko dahil kumain ako ng mais kagabi. At hindi ko tae 'tong umaangat ngayon dahil balat ng munggo ang nakadikit sa taeng ito.

Nakakadiri talaga ang tubig na umaangat sa baradong inidoro. Pero teka....ba't ako tuwang tuwa 'pag nagsu-swimming sa baha?

"ooohhh---woohhhhh, Love hurts" ♪ ♫

Razorback -  Banyo Song

Sarili mong mundo ang banyo. Isa rin itong masayang palaruan. Walang makakakita sa'yo kundi ang apat na sulok at mumunting ilaw sa itaas. Minsan dilaw na ilaw minsan naman ay puting ilaw. Ayaw ko ng puting ilaw dahil mas cleared yung itsura ng tae mo sa ganitong uri ng liwanag. Okay na yung dilaw para medyo may filter. 

Hindi kumpleto ang banyo kung walang tabo at inidoro. 'Yang dalawang 'yan madalas kong maisip kapag banyo ang pinag-uusapan. Nawawala talaga ang poise kapag nauupo sa inidoro e noh? Mag-isip ka ng artistang tumatae sa inidoro. 'Di ba napaka wa-poise?

Pa'no ba kayo jumebs? Para bang tumutulak ng mabigat na aparador ang ginagawa niyong tunog? Wala naman sigurong humahalinghing kapag tumatae anoh? O di kaya ay ma-pride kayong hindi nag-iingay? Ang sarap kayang sumigaw habang tumatae. Try niyo kahit mamaya pagpasok niyo ng banyo.

Ako kasi ang style ko sa pagtae medyo kapag nararamdaman ko na ay gusto ko muna mapag-isa habang pinipigil ko muna. Ang sarap kasing magpigil muna bago mo ibulwak sa banyo. Pero wag ka magpipigil kapag alam mong basa ang ebak mo siguradong magtutunaw ka na Hershey's diyan sa brief mo at baka umabot pa ang sabaw sa iyong salawal.

Madalas akong naririnig ni nanay kapag tumatae, kaya tuwing natatapos ako e automatic na ang, "o-i-flash mo agad yan," samantalang ako naman e busy sa kakapanood ng naglalanguyang kulay brown sa ilalim ng puwet ko. Ewan ko ba, pangit naman ang itsura at mabaho pa ang tae, pero parang mina-magnet angmgamata ko kaya napapanood ko silang umiikot-ikot at nag-d-disintegrate. Hihinga ba ako sa ilong o sa bunganga?

Nakakakabang nakakatawa ang paliligo sa umaga. Pagbuhos pa lang ng tubig eh hindi puwedeng hindi ako sumigaw nang pakanta at magjogging in place ee. Tapos automatic nang kukuskusin ng kamay ko ang dibdib ko. Minsan e maiisipan kong maglaro at i-splash ang tubig sa tabo sa kisame hanggang sa mapundi nang tuluyan ang ilaw. 'Pag basa na ang kisame e tutulo ang tubig na parang umaambon. Realistic! Realistic talagang may latay ka ng sinturon pagkatapos ng fresh mong pagligo.

For some reasons e tuwang-tuwa akong laruin ang tubig sa tabo. Isasaboy ko sa ding-ding, sa pinto, o salamin ng banyo. O di kaya sa tao sa tapat ng banyo. Basta may mabasa lang eh tuwang tuwa na ko. Gusto ko rin 'yung thrill kapag nilulublob ko 'yung muka ko sa balde na para bang nalulunod ako. Kapag feeling ko e mamamatay na ko sa pagkalunod e iaangat ko nang mabilis ang ulo ko at mauuntog ako sa gripo. Tanga. 

May nakapaligo na ba sa inyo sa drum? Syet ito ang isa sa pinakasamasarap na naranasan ng isang batang kalyeng katulad ko yung pagkatapos niyong maglaro ay papayagan ka ng nanay mo na lumublob sa naguumapawa at napakalamig na tubig sa drum o kaya minsan naman tuwing Summer ay ipaglalatag ka nila ng mini swimming pool hindi sa banyo kundi sa gate at dun kayo magbababad. Haaaayyy ang sarap bumalik sa pagkabata anoh?

'Ligo sa drum days' (photo not mine)

Swerteng hindi naman ako nabagsakan sa paa ng malaking batong panghilod. Hassle naman ang paggamit nito dahil ambigat kaya ang hirap linisin ang buong katawan nang maayos. Basta puting Safeguard ang gamit ko e sigurado akong 99.9% of germs ang natanggal sakin. Hay, gusto ko rin singhutin ang amoy ng Johnson and Johnson's Shampoo. Yan yung nasa kulay na dilaw na bote. "No more tears."

May mga oras din naman na takot ako pumunta sa loob ng banyo kahit pa taeng-tae na ako. Dahil minsan bumibisita ang mga pinaka kinatatakutan kong mga friendly kisamehood na creepy crawlers katulad na lang ng mga giant spiders. Taena magkamatayan na ayoko maligo o tumae ng may gagamba diyan sa loob ng banyo. Bumaho na kung bumaho, magkalat na ko sa brief ayoko sila maka jamming sa loob. Alam ko ugali nila akala mo nakatambay lang sa pader pero tinitignan ka ng mga yan minsan trip nilang talunan ka. Ewan ko ba idol ko si Spiderman pero takot na takot ako sa malalaking gagamba. Di bale na ipis ok lang ako sa ipis ee. 

'Gagamba sa banyo' (Titi not mine)


Lalong tumatagal ang pagligo ko kapag kasabay ko ang mga pinsan ko. Syempre may mga kalaro na ko! Isa sa mga nilalaro namin ang patagalan sa pagpigil ng hininga. Sabay sabay  naming ilulubog ang ulo namin sa balde ng tubig at kung sino ang unang umangat, syempre siya ang talo. Ako naman ang palaging talo pero minsan eh nananalo rin ako.

Siyempre hindi rin mawawala ang bugahan ng tubig sa mukha galing sa bibig. Tapos ka na maligo at ang bango-bango mo na eh bigla kang bubugahan ng tubig galing sa bibig ng kalaro mo. Pupunasan mo na lang ng tuwalya ang mukhamo at tatamarin nang maghilamos pang muli.

Pagkatapos maligo... Tuwalya!! Yan ang palaging eksena pagtapos maligo. Out of 10 times na papasok ka sa banyo para maligo ee isangbeses mo lang maaalala na magdala ng tuwalya bago ka maligo.

Kaya ko lamang talaga naisipang isulat ito dahil barado ang aming CR. Kailangan nang tawagan ang Malabanan All-Stars.




Martes, Hunyo 4, 2019

Horoscope

'Mag-relax at makinig ng mga klasikal na musika'



LEO  (July 23 -- August 22)

Makakahiligan ang mga klasikal na musika at ito ay makakatulong sa depresyon at problema. Mababawasan ang paghanga ng isang lihim na nagmamahal dahil sa sobrang kayabangan. Lucky numbers at color for the day ang 18, 29, 38 45 at navy blue.

Yan ang sabi ng tabloid para ngayong araw. Kaya kailangan bawas yabang muna habang nakikinig ng klasikal na tugtog at naka navy blue. Pota, hindi ata ako yan.

Kapag nakakalito ang buhay-buhay, horoscope ang syang takbuhan ko sa susunod kong mga hakbang. Pumalpak man, syempre horoscope lamang ang masisisi.

Noon yun.

Nadala na ako. Ayoko na. 

Kalimitang pumapalpak ang aking buhay sa kakasunod niyan. Ngayon binabasa ko na lang ang horoscope ng ibang tao. Gemini: ang zodiac sign ng taong nagpapatibok ng puso ko. Scorpio: zodiac sign ng taong nagpapapintig ng aking puson. Binabasa ko ang kapalaran nila araw-araw para malaman kung sumasang-ayon ang mga bituin sa aking masasamang balak.



Mas trip kong basahin ang Tagalog na horoscope. May lucky numbers kasi. Na kapag tinayaan mo sa lotto ee unlucky naman. Kaya sa susunod naisip ko, bago tumaya, basahin muna ang lucky numbers, tapos ibang numero ang tatayaan. Baka mas malaki ang tsansang maka tsamba.

Ang kapalaran kasi kung minsan tsambahan. Hindi natutumbok ng kutob ng horoscope. Pero eto basa pa rin naman ako ng basa. Parang hinihintay ang hulang magpapasaya sa akin. Kung ako ang gagawa ng sariling prediksiyon, malamang ganito ang isusulat ko:

LEO (July 23 -- August 22)

Hindi ka lamang yayaman sa lotto bukas, mapapasakamay mo pa sina Gemini at Scorpio ng sabay. Kaya magrelax muna at makinig ng klasikal na musika. At para mapanatili ang lakas, limitahan lamang sa pitong beses ang pakikipagtalik.

Linggo, Hunyo 2, 2019

Tocino: The Kiddo Tocino Story

'Ang mga sugat at peklat na nagpapa-alala ng ating kabataan'


Na-miss ko na naman mag-blog ng isang bagong mala-throwback na blogisode. Medyo matagal tagal na rin ang huli kong piyesa. Kaya let's go down memory lane ulet at tayo'y magkwentuhan.

Sabado. Mga alas-kwatro ng hapon. Ayan na, matataya na ako ni Bokyong baldog! Takbo, Takbo pa! Sige! Hapit lang ng hapit! Huwag mo akong bibiguin, Sandal Bida kong kulay pula! Ayan... parang bumabagal na si baldog...ay puke! Ayan na naman siya! Takbo! Sige pa! Pagod na ako! Hindeeee! Hindi pa! Mabuburot ka 'pag nataya ka sigurado dahil bano ka sa mataya-taya! Wag! Kang! Mag-pa-pa-ta-arekup!!!

Squiiirrrkkkkk!!!! Hinto ang lahat.

(a moment of silence)

ARAAAAAAAAYY!!!

Dagsaan ang mga kaibigan ko sa akin para palibutan at panoorin nila ako habang pinipigil ko ang dalusdos ng aking luha at sipon. Ang haba ng sugat ko at kulay tocino sa pula. "Huwag niyong sasabihin sa Nanay ko." Asa pa. Siyempre nakita na ako nung bata kong kapatid at ibinalita na agad sa bahay kung anong nangyari sa akin. Dali-dali at tumakbo na si Manang para kunin ako. Kumakandirit na ako pauwi sa bahay at nanginginig nginig pa ang binti.

Pagdating sa bahay ay naghihintay na ang nanay ko, hawak ang mini-palanggana at bulak.Siyempre nakatago ang malulupit na armas na siya naman talagang magpapaiyak sayo hanggang lumuha ka ng dugo. Bago ang lahat may mini-sermon muna yan bago ka kunin at i-torture - lines tulad ng "Ayan, lalampa-lampa ka kasi eh! Sinabi nang dahan-dahan sa paglalaro eh... (Puta 'Nay kung dahan-dahan akong maglalaro eh di lagi akong taya!) Pero siyempre sa isip ko lang yun.

Pagkatapos ng sermon at hahawakan na ni Manang at Nanay ang binti ko nang napakahigpit. At 'pag naka-lock na ang kapit nila, ayan na! ilalabas na nila ang mga demonyo sa buhay ko!

Ang unang test ay ang Agua Oxinada! Ito ang unang atake.Ipapahid ito sa sugat ko. Napakalamig sa simula, tapos kapag nakita mo nang bumula ang sugat mo, pumikit ka na at mag-imagine ng mga eksena sa Takeshi's Castle dahil papatayin ka agad neto sa hapdi. Nung first time kong nagamitan ng Agua Oxinada na  yan ay nagwala ako at natabig ko ang lalagyan nito. Tumalsik ang laman at napunta sa buhok ni Manang. 

Simula pa lang yan.



Merthiolate - heto ang second layer ng parusa. Mamula-mula ito at parang katas ng sili na mas magpapahapdi pa sa naunang naidulot ng Agua. Parang sinusunog nito ang sugat mo. In other words, "niluluto ang tocino" mo.

Betadine - haay sa wakas...ito ang pinakagusto kong stage dahil hindi ako nahahapdian sa betadine na yan. Kaso nga lang, yung tocino kong mamula-mula kanina ay magiging mukhang inadobo na may ginto sa paligid. Medyo kadiri ang kulay neto dahil parang black-gold ang tuhod mo.

Lahat ng batang ka-dekada nobenta ko ay dumaan sa tocino stage. Sa mga magulang na nagbabasa neto, kapag nagkatocino ang inyong mga anak ay huwag kakalimutang sabihin sa kanila ang pinaka-comforting na words habang nilalagyan mo ng alkohol ang sugat nila....

"Hala ka... lalabas na yung pari!"

Totoo ba yun? Na kapag bumubula pa ang Agua eh madumi pa sa sugat mo? Ilang beses ako nagtiis hanggang sa hindi na bumula yung Agua ee.

Kapag natuyo na ang sugat mo eh tatapalan na ng Mediplast ban eyd (band-aid). Palagi kong tinatakasan ang nanay ko sa pagpalit nito araw-araw. Hindi ko talaga ipinapaalala sa kanya para hindi niya matandaan. Eh ang sakit kaya tanggalin ng band-aid kapag hindi pa tuyo ang sugat mo. Ilang araw ko 'to papatagalin sa sugat ko para pagtanggal ko nito, swabeng-swabe at walang kasakit-sakit. Magmamarka nga lang ito sa balat mo na parang paikot na libag.

Ang mga sugat - ito ang nagpapahasel at nagpapasira ng momentum ng pag-e-enjoy sa kalye. Parating sumasaktong sa tuhod tayo nagkakasugat para talagang hindi tayo makakalaro sa labas. Pwede namang sugat sa siko o di kaya sa tenga.

Ang sugat ay isang marka ng pagiging batang kalye. Kumbaga sa frat, ito ang patunay na naranasan mong maging kawawa pero bida pa rin sa huli. Cool pa rin 'yun!

Automatic na kapag nasugatan ako e iiyak ako. Bata e. At parating nangyayari 'to kapag nagtatakbuhan. Sa di malamang kadahilanan, matitisod na lang ako at hahalik ang tuhod ko sa tigas ng semento sa daan, o kahit sa lupa pa yan. Namumula, may kasama pang lupa at buhangin, paramg tocinong may paminta. Sarap!

Meron pang isa. Rhea Rubbing Alcohol. Walang patawad sa mikrobyo!

Ang hapdi talaga ng alkohol! Bakit ba walang gumagawa masyado nung huhugasan nalang 'yung sugat tapos sasabunan? E hindi naman masakit? Eh uso na naman ang Lifebuoy noon ah. Ang Lifebuoy yung matinding ka-kompetensiya ng Tender Care at Safeguard noon ee. Anyway, gamit ang bulak e dadahan-dahanin pa ni nanay ang pagpahid ng bulak na may alkohol sa sugat ko. Tapos iilag-ilag pa ko na para namang maiilagan ko talaga 'yung alkohol. Uhmm! Hapdeeehh! Ihip ihip ihip (na nakakunot ang noo)!

Ilang araw pagkatapos kong masugatan e sisilip-silipin ko 'yun sa ilalim ng band-aid. Tapos e dahan-dahan kong tatanggalin ang band-aid hanggang sa makikita ko na lang ang mga kamay ko na binabakbak ang sugat ko. Ang sarap bakbakin! Sana may isang malaking sugat para babakbakin ko 'yun nang babakbakin maghapon! Pagkatapos ng umaatikabong bakbakan habang labas pa ang dila ay....

Balik na uli sa kalye para maglaro.

Game!