Pages

Huwebes, Nobyembre 7, 2019

Where Are The Kids? Where Are The Carolers?

'Pasko!, Pasko! Pasko na namang muli tanging araw nating pinakamimithi


47 days before Christmas. Ramdam mo ba ang Pasko?

As early as November, nagtatayo na ng Christmas tree si ermats. Pero hindi pa magsisink-in sa akin na malapit na ang Pasko hangga't hindi nakakaapak ang araw sa unang araw ng Disyembre. Tapos nun pasaya na ng pasaya bawat araw. Napapadalas na magpa PE noon kahit hindi naman sila ang teacher ko sa PE. Talagang litaw na litaw na ang excitement e noh?

Isa sa pinakamasayang alaala ay ang mga Christmas party. Sa klase ako na rin ang pre-assigned na magdadala ng ice cream para sa Christmas party. Christmas Party! May magsusulat na sa blackboard ng isang malaking "Christmas Party" o di kaya ay "Merry Christmas and a Happy New Year"; tapos yung mga pangalan niyo ilalagay niyo sa gilid at pagandahan pa ng suot. Mga bagong bili lahat yan siyempre. Of course, hindi magpapatalo si ermat sinuotan niya ako ng chaleko at shades noong Christmas party noong Grade 2 ako. Panis!

Pero sa lahat lahat paborito ko ang pangangaroling. Ito ang pinakamasayang gawin kapag Pasko lalo na't mahaba haba ang inyong Christmas vacation. Garapalan dito e. Panahon na para hatiin niyo sa dalawa ang grupo niyo para times 2 ang kita! Lata ng Nido o Birch Tree, mga tansang ginawang tambourine, pangit na boses. Presto! all set na kayo para mambulahaw sa mga malalaking villages. 

Medley ang kantahan noon: 1) Sa May Bahay 2) We Wish You a Merry Christmas 3) Kay Sigla ng Gabi 4) Pasko na Naman - tangina, pansin mo? ganito talaga ang pagkakasunud-sunod eh noh?

Pasko Na Naman (O kay tulin ng araw)

Pero sa panahon ngayon kahit siguro yung mga matatandang nakakabasa nito eh hindi na ramdam yung Pasko. Tuluyan na nga sigurong naiwan ang tradisyong ito kalagitnaan ng taong 2010. Noon kasi alam mong magpapasko na kapag may mga boses na matitining, sintunado pero kyut pa rin na maririnig ka sa gate niyo na kumakanta ng mga awiting pampasko buwan pa lang ng Setyembre. Ngayon umpisa pa lang ng Nobyembre wala ka nang makikitang mga bulilit na may hawak na tambol na nagkakaroling.

Nasaan na nga ba ang tradisyong ito? Nasaan na yung mga kabataan nating ipinanganak noong 2010 onwards? Ah teka bakit ko daw ba hinahanap ang mga nangangaroling? Magbibigay ka ba eh hindi ba't puro patawad lang ang sasabihin mo sa kanila?

Hindi naman tsong, ang iba sa atin noon eh sadyang pinaghahandaan na ang ganitong pamimigay ng barya sa tuwingmay mangangaroling gaano lang ba ang magbigay ng maliit na barya sa mga nangangaroling, hindi ba? Iba pa rin yung nakagisnan na katulad nating mga ipinanganak noong dekada otsenta o nobenta. Kaya tayo nalulungkot sapagkat unti-unting nawawala ang espiritu ng Pasko na natutunan nating madama sa ating paglaki. Ang mga bata kasi ngayon parang ayaw nang lumaki bilang bata ang ibig kong sabihin ay yung kagaya noon na napakasimple lang mabuhay bilang bata. Ang karamihan ay nalubog na sa mga teknikal na bagay, mga gadgets, cellphones, social media at kung anu-ano pang bagay na inilalayo ka sa pagiging bata. Ang mga bata ngayon gusto agad tumanda kung alam niyo lang na kaming mga matatanda naman ay gusto naming maging batang muli baka pagtanda ng mga batang ito ay sumuko agad sa buhay dahil mga bata palang ay maaga nang napagod sa buhay. Gusto namin ulit matulog sa tanghali kahit hindi kami pinapatulog, gusto naming magbabad sa ulanan, maghabulan sa damuhan at magbahay-bahayan muli ooppsss. Payo ko lang sa mga kabataan ngayon ay ienjoy niyo lang yung kamusmusan niyo dahil sa panahon ngayon dahil sa stress ang lahat ay mabilis tumanda. 

APO Hiking Society - Tuloy na Tuloy Pa Rin ang Pasko

Kaya pangako ko talaga na kung halimbawang may makita akong nangangaroling dito sa amin ay hindi kayo makakarinig ng "Patawad" sa akin. Yung iba kaso magsasabi ng patawad eh talagang pinapatapos muna yung kanta ng mga bata bago magsabi ng patawad. Isipin na lang natin na minsan sa isang taon lang naman ang karoling kahit masabihan kang "barat" okay lang ang mahalaga nagbigay ka tsaka kasama na rin sa tradisyon ng karoling yang "Thank you, thank you ang babarat ninyo, thank you!" Isa pa, isipin mo rin na pinaghirapan nila gawin yung kanilang mga tambol, kung saan saan pa yan naghanap ng tansan bubutasan yung gitna at ilalagay lahat ng ito sa pabilog na alambre bilang musical instrument din nila sa pangangaroling, yung tinanggal yung kanilang hiya para kumanta kahit minsan sintunado tapos patitigilin mo lang sila sa isang salitang, "patawad!". Wag naman tohl magkaroon ka naman ng kaunting habag for the Spirit of Christmas sana ay maibalik natin ang tunay na diwa ng Pasko ang pagbibigayan, respeto at pagmamahalan sa isa't isa. Sa ngalan ng Dakilang Lumikha at ng Anak ng Diyos. Pagpalain nawa tayo at matupad sana ang ating mga hiling ngayong darating na Pasko!

Mula sa Ubas na may Cyanide binabati ko kayong lahat in advance ng:

MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON!!!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento