Pages

Martes, Disyembre 3, 2019

Yosi, Vaping Sucks!

'Simah Herman, 18, shared her story in an August 29th Instagram post that's been liked around 600,000 times'


Hithit-buga, mandamay pa ng iba. Ang bisyong kay hirap itigil para sa iba, walang iba kundi yosi o sigarilyo. Sabi nila masama nga daw ang magyosi pero nakapagtataka at nakakatuwang isipin, na kung masama naman pala eh bakit nilikha ang isang bagay na masama naman ang epekto sa paligid at sa sarili mismo nating kalusugan? Eh kung masama bakit patuloy at marami pa rin ang tumatangkilik? Bakit tuluy-tuloy ang paglikha? Bakit may mga imahe na pananakot sa mga kaha ng sigarilyo ngunit patuloy na may nagbebenta at patuloy na may bumibili. Hindi siguro sila natatakot sa kung ano mang sakit ang kanilang kahaharapin sa paghithit ng sigarilyo.

Karamihan sa mga tao na gumagamit nito, ang pangunahing dahilan kung bakit sila naninigarilyo ay pantanggal stress at para sa iba naman dagdag porma lalo na yung mga nagvavape o yung mga pa-cool kids. Ayon sa gumagamit at tumatangkilik nito ay yung mga tao na nagtratrabaho sa mga opisina lalo na ang mga call center agents. Ang sabi nila mabisa daw ito pantanggal lamig at pressure sa trabaho. Para din naman sa iba, hindi kumpleto ang kanilang araw kung hindi sila nakakapagyosi o nakakaubos ng isa o higit pang pakete ng sigarilyo sa loob ng isang araw. Yung iba naman ay nakakaranas ng paglalaway na tila hinahanap-hanap ang bisyo lingid sa kaalaman niya ay maaaring makasama sa kanilang kalusugan.

'Nako tohl mahirap yan'

Ngayong pinatitigil na ang isa pang source ng nakakasamang usok sa katawan na Vaping ay umaasa rin ako na mapatigil na saan mang lugar ang paninigarilyo. Ako yung taong ayaw na ayaw na makakalanghap ng ganitong uri ng usok at talagang makakarinig kayo ng hindi maganda sa akin halimbawang bumuga kayo ng usok nito na malapit sa akin. Dahil ayon sa pag-aaral mas doble ang sakit na matatamo ng mga second hand smokers kaysa sa mga natural na humihithit ng sigarilyo. Kaya sana kaunting respeto naman sa may mga hika at sa mga hindi naninigarilyo sapag kalusugan ang nakasalalay dito.

Karamihan sa atin ay walang sapat na kaalaman tungkol sa dulot na kasamaan ng paninigarilyo. Ano nga ba ang sakit na maaari nating makuha sa paggamit nito? Ang mga sakit na maaaring makuha niyo sa bisyong ito ay ang mga sumusunod: kanser sa baga, sakit sa bato, sakit sa lalamunan, sakit sa puso, stroke, emphysema, diabetes, osteoporosis at marami pang iba.



Ako ay nagkaroon ng sakit sa puso hindi dahil sa paninigarilyo dahil na rin sa diabetes at dahil na rin sa hereditary ang sakit na ito sa aming pamilya lalo na sa side ng mga lalaki. Wala akong bisyo yosi man o alak pero dahil sa diabetes at mataas na kolesterol ay ito naman ang tumamang sakit sa akin. Pero salamat sa Diyos at na-overcome ko ang sakit na ito matapos akong maoperahan noong nakaraang Enero. Mahirap magkasakit tohl hindi mo alam kung anong hirap ang mararamdaman ng katawan mo. Matatakot ka at mabubuo ang mga anxieties sa isip mo lalo na kapag nararamdaman mong nahihirapan kang huminga. Nakakairita at nakakatakot mga parekoy ang pakiramdam ng kinakapos ang hininga at hindi ka nito patutulugin sapagkat paghiga mo ay para kang nalulunod ang nararamdaman mababawi mo lamang ang hininga mo kapag umupo ka ng panandalian pero pagkahiga mo ulit ay ganoon pa rin ang iyong mararamdaman. Panigurado mga tohl na katatakutan niyo ang experience na ito nasa sarili mo naman yan kung gusto niyo pang magpatuloy na mag-yosi o mag-vape. Anyway choice mo naman yan bro kung gusto mo pang ipagpatuloy ang adiksiyon mo. Sa panahon ngayon, magkaroon ka ng chronic disease o yung tinatawag na pangmatagalan na sakit mahaba-habang recovery ang pagdadaanan mo, malaking pera ang magagastos mo at mawawala ang mga oras na dapat ay nagsasaya ka. Mahirap malugmok sa tinatawag na death bed at lagi kang nag-iisip ng kung anu-ano. Lahat ng oras at panahon ay mawawala sayo.

Isa sa accomplishment ko na siguro sa buhay eh yung maiwasan ko ang softdrinks. Adiksiyon din ang mga ganitong inumin na ikinalala ng aking diabetes. Pero simula noong nanikip ang aking dibdib at nahirapang huminga noong Mayo noong nakaraang taon ay sinimulan kong tigilan ang pag-inum ng softdrinks na ito. Masaya ako dahil matagumpay kong naitigil ang adiksiyong ito. Siyempre kung kaya ko, kaya niyo rin at isipin na lang natin yung mga oras na mawawala sa atin kapag tayo'y nagkaroon ng mahaba-habang gamutan at walang katiyakan na magagamot pa. Isipin mo na lang din na mahal ang pambili ng gamot. Isipin mo na lang na ayaw mong mamatay ng maaga at marami ka pang gagawin sa buhay mo.

Re-Animator - 'Sigarilyo ni Pepe'

Kung sasabihin mo sa akin na hindi masama ang usok na nanggagaling sa vape eh nagkakalokohan lang tayo tohl. Simple lang ee, yung tambutso ng dyip kapag nalanghap mo may masamang epekto na yan sa baga mo ee. Bakit? eh may kemikal yan ee, eh yung vape juice mo ba bro masasabi mong walang halong kemikal? Maaaring mababa ang porsiyento pero kung hinihithit mo naman yan araw-araw o oras-oras eh wala rin ginagago mo lang ang sarili mo. Isa pa eh yung mga gym addicts kuno na nagpapalakas daw ng katawan nila kasama ng cardio strenthening at baga pero pagkalabas ng gym aba putangina nandoon sa sulok ng parking lot hayop kung humithit at bumuga. Again tohl, hindi ba't ginagago mo lang ang sarili mo niyan?

May pagmamahal ka ba sa iyong sarili? Mahal mo ba ang buhay mo? Mahalaga ba sayo ang buhay? Gusto mo pa bang mabuhay ng matagal? May malasakit ka ba sa iyong paligid at maging sa iyong kapwa? Kung meron at Oo, gumising ka. Hindi pa ang huli ang lahat.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento