Pages

Biyernes, Disyembre 4, 2020

Divi - Soryah! Soryah!

Divisoria, ang one stop shop ng bayan

 

Ilang buwan na rin ata akong hindi nakakapagsulat. Since hindi muna tayo makakapagpadyak ngayon susubukan ko muli na ihatid ko kayong mga mambabasa ko way down memory lane sa ating kabataan (ang tanong meron nga ba  talaga akong readers? hehe). Itong blog post na ito ay hatid sa inyo ng malamig at masarap magkape na panahon ngayong araw na ito. 

Kapag binanggit ang dalawang letrang DV ano agad ang mabilis na pumapasok sa isipan niyo? Marahil noong bata pa tayo ay hindi pa natin alam ang acronym na ito para sa isang mataong lugar sa Maynila. Ang karaniwang naririnig mo na DV sa mga tao na nagpasalin-salin sa bibig ng ilan ang ibig nito sabihin ay Divisoria. Kaunting trivia muna tayo bago mamasyal sa aking isipan ng mga kuwento at dahan-dahan tayong babalik sa nakaraan. Ang salitang Divisoria ay salitang Kastila na ang ibig sabihin ay mga pader na naghahati sa dalawang lugar. Sa salitang Ingles at matematika ay "Division". Sinasabing hinahati nito ang dalawang lungsod ang Maynila at ang Quezon City. Anong klaseng lugar nga ba ang Divisoria? ano ang mga bagayo kadalasang pinupuntahan ng mga Pinoy sa lugar na ito. Bakit laging maraming tao? Maupo na kayo sa time machine at makinig sa aking kwento.

"Jack, anak, bumangon ka na diyan at ayusin mo na yang pinaghigaan mo at aalis na tayo."

"San tayo pupunta, nay?"

"Sa Divisoria at dun tayo maghahanap ng uniporme mo."

Lumaki tayo, tumanda na tayo at naging kakambal na ng ilang major events sa buhay natin ang pagpunta sa Divisoria lalo na kung lumaki ka sa mga kalye ng Maynila. Mapapasko man o umpisa ng pasukan, o basta kapag may kailangan kang bilhin, Divisoria ang nasa taas ng lineup ng mga options mong puntahan. Pwera na lang kung tipong kailangan na bukas yung kailangan mo sa eskuwela at ngayon mo lang sinabi sa nanay mo ay malamang na may libre kang kotong. Kapag ganyan ang sitwasyon malamang sa mall ang bagsak niyo kung may kailangang bilhin. Pero hindi pa rin gaano lang ba pumunta sa DV kung taga San Andres Bukid ka lang. Hindi gagastos ang mga nanay natin sa mahal ng bilihin sa mall. So 97.58% of the time eh biyaheng Recto na ang sasakyan naming jeep.

Divisoria ang pambansang SM ng Pilipinas hindi pa rin yan nabebreak ng Baclaran. Pero ewan ko ba ha yung mga malapit sa DV gusto pumunta ng Baclaran. Yung mga taga Baclaran naman gustong dumayo ng DV. Kung ang SM ay makamasa ang Divisoria naman ay makatindero at tindera. Wala lang gusto ko lang i-emphasize na maraming tindero at tindera dito. Noon kahit sa mga kalsada ay may nagtitinda ee. Pero ngayon alam ko ay maayos na pero hindi mo mafefeel na Divisoria ang Divisoria kung hindi magulo at maingay noh? Noon, sa isip-isip ko ano nga kaya ang pumasok sa utak ng mga naisip magdala ng sasakyan dito? Nakasinghot ba sila ng rugby na hinalo sa Sprite?

Lahat na yata ng kaya nating maisip na puwedeng ibenta eh nandito na sa DV. Magmula sa pigurin, tela, orasan, karayom, sinulid, krayola, pulseras at kung anu-ano pa. Ilan lamang ito sa mga samu't-saring panindang makikita saan mang lupalop ng Divisoria. Pagkababa mo pa lang ng jeep around 100 meters from Divisoria's boundary marami nang nagtitinda ng kung anu-ano kasama na food trip. Pero 16 minutes kami maglalakad ng nanay ko para matunton namin ang pinaka puso ng Divisoria, ang Tutuban Mall. Ito na siguro ang pinaka high end na mall dito. Ibig kong sabihin sa high end ay ito na siguro ang pinaka closest thing as a mall, hehe. Masarap naman kung kakain sa Tropical Hut pero andami nga lang tao. Kung hindi mo trip doon sa Tutuban Mall, maglalakad ka na naman ng mahigit sa labinlimang minuto para makapunta sa Divisoria Mall. Ito ang hari ng wholesale.


Juan Dela Cruz Band - "Divisoria"

Madalas bilhin ng nanay ko ang white polo at brown pants. Idagdag mo pa ang black shoes na Bandolino, puting sando at siyempre ang Good Morning towel. Mura kasi talaga kung bibili ka ng maramihan. Habang sa paglalakad namin eh pasimple naman akong sumisipat kung saan yung bilihan ng water gun. Ang pagkakatanda ko eh sa 168 Mall pa ata kami nakabili nun. Ang hindi ko lang maintindihan eh bakit nakasama yung mga water gun sa itinitindang gamit sa kusina at punda ng unan. 

Sa mga mahinhin, teenagers at mga tita, "Divi". Sa mga barker, "Sorya!" "Sorya!"

Ang Divisoria nga raw ang mas malagkit at pawisan na utol ni Baclaran. Kung masikip sa Baclaran puta para kang si Lotus feet kung maglakad dito. Mas masikip. Kung mainit sa Baclaran, e syet na malagkit, mas mainit dito. At kung may mga ligaw na snactcher sa Baclaran, e tangina, pati brip at panty mo, itahi mo na sa pututoy at pudaday mo para hindi madenggoy sa Divisoria. 

Kailangan mo ng isang baldeng Elmer's Glue? meron dito.

Kailangan mo ng kawali na sinlaki ng bath tub? meron dito. 

At kung kulang pa ang iyong impormasyon at kailangan mo ng limang libong placemats na may nakaburdang last supper sa bawat isa, nako siguradong meron dito. Walang bagay na hinahanap mo ang meron si Divisoria halos lahat ata ng mga bagay na nawawala at hindi mo makita eh sa Divisoria mo lahat sila matatagpuan. Puwera boyfrend. Pero available din naman daw si Dodong. 

Dito ako nakakita ng mga tinderang nanghahaplos ng pera sa mga paninda nila. Para saan ba yun? Pampaswerte? Magandang feng shui ba yan ni Hanz Cua? Buena mano epek? Sa totoo lang hindi ko alam. Pero kung bibigyan mo ako ng 250% discount sa limang pirasong sandok, eh sige lang teh. Ihaplos mo yung beinte pesos ko kahit sa mukha kong oiling-oily na. Walang problema. 

Luis Biton. Aduduy. Mike, Lacosta, Calvin Climb. Andito na lahat sa Divi. 

"Miss, magkano itong LeeVice na pantalon?"

"800 po ser"

"Mahal naman. Wala na bang tawad yan?"

"Wala na po ser. Sagad na po yan."

"Ahh hanap na lang ako sa iba." (Paalis na ako, lilipat sa kabilang tindahan)

"O sige sir, 150 na lang!" 

Pumunta ka dito ngayong Pasko at lahat ng klaseng Santa Klaus eh makikita mo dito - Santa Klaus na tumatawa na parang witch, Santa Klaus na kayumanggi, at may Santa Klaus na mas payat pa kay Pepe Smith.

Kasama na ito sa kultuta ng Maynila. Kahit hindi ka masyadong mahilig bumili ng gamit o damit, eh try mo lang pumunta dito para maramdaman mo ang Divisoria atmosphere. Doble ingat ka nga lang dahil nariyan pa rin si Covid. Kung gusto mo lang naman maging unforgettable ang experience mo dito, siguraduhing magdala ng madaming cash at isuot mo lahat ng mamahalin mong alahas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento