Biyernes, Hulyo 11, 2025

Tuhog Pilipinas: A Street Food Story from the 80s to Today”

 

'Pinoy comfort merienda sa hapon'

Gusto ko lang umpisahan yung kwento na ito at sabihin na buti pa yung mga nagtitinda ng fishballs, squidballs at kikiam hindi nag-aaksaya ng boses sa pagsigaw ng kanilang mga nilalako ano kontra sa mga nagtitinda ng taho at  balot na grave umeffort para lang mapansin sila ng kanilang mga parokyano pero wag ka habulin ang mga yan at sasama pa ang loob ni suki kung hindi ka tumigil sa harap ng bahay nila. Pero itong mga fishball vendor titigil lang sa isang kanto, animoy charmer ng mga tao na kusang lumalapit sa kanila para sa tuhugan at tusukan. Alam na alam ni manong fishball ang oras at tamang lokasyon niya para mapansin siya ng mga tao at lumapit para tumuhog. Ganito ang kaibahan sa kanila nila mamang taho at balot. Itong dalawang naglalako ay nomad at kailangang ikutin ang buong kalye para makabenta samantalang si manong fishball tumigil lang sa isang lokasyon katulad ng tapat ng eskuwelahan o tapat ng munisipyo ay tiba-tiba na agad sa benta. 

Pero kaming mga lumaki sa 80's at 90's alam na namin basta alas-kwatro ng hapon ay mga baryang huhugutin sa aming mga bulsa at pitaka ay panahon na para makipag-tuhugan at tusukan party ng alas-kuwatro ng hapon sa common place ni manong sa kanto. Ang iba sa amin ay nagdadala pa ng mangkok para mas marami kaming mabili at pag-uwi mukbangan na. Yung isa naman ay meron din dalang maliit na mangkok para naman sa sauce ni manong. Ito talaga kasi yung highlight ng kasarapan dahil kung hindi masarap ang sauce ng fishballs mo, balewala rin ang lahat ng itinuhog namin. 

Sa bawat kanto ng Pilipinas, lalo na sa Maynila, naroon ang makukulay na kariton ng kalsadang pagkain — ang simbolo ng kalye, kabataan, at kabusugan. Para sa mga batang 80s at 90s, ito ang tunog ng recess bell, ang aroma ng sa kahapunan, at ang lasa ng simpleng ligaya.

Filipino street food is more than just a meal — it's a memory, a culture, and a badge of local pride. From the old classics to modern creations. 

 Hindi mawawala sa tanawin ang kariton ng street food vendor. May pinturang kulay pula at dilaw, karaniwang yari sa kahoy ang cart, may gaas sa ilalim na nakapaloob sa isang kabinet. Ang lamesa sa harapan ay nahahati sa dalawang bahagi, ang isa ay para sa kalan at ang isang bahagi ay para sa mga botelya ng mga sauce ng fishball sauce na kinapapalooban ng sauce na maanghang, sauce na matamis at sauce na may katamtamang-anghang. Kadalasan may silver tray sa lamesa para duon nilalagay ang mga bagong hangong luto mula sa kumukulong mantika. Dito kumukuha ang mga suki kung ayaw nila maghintay sa bagong luto ni manong. Sa kaiton mayroong pole na nakatayo at nagsisilbing payong ni manong sa kainitan ng araw at para makasilong na rin ng bahagya ang kanyang mga suki habang naghihintay ng bagong lutong fishball, squidball, sliced hotdogs o di kaya ay kikiam. Sa pole din nakatali ang mga barbecue sticks na pangtuhog at mga plastic cups. Siyempre wala kang makikitang naka tuxedo na fishball vendor, karaniwan sila ay nakapang-bahay, simpleng sando o di kaya ay tshirt, shorts at karamihan ay naka sumbrero na humihithit ng yosi habang naghahalo ng kanyang mga niluluto gamit ang kanyang syanse at strainer. Hindi sila sumisigaw ng fishball o squidball dahil may matik na magnet si mamang fishball. Mga parokyano mismo ang lumalapit sa kanila sa pagtigil niya sa alam niyang maraming tao. Ganyan sila kaastig. Bentang benta talaga sa Pinoy ang ganitong uri ng streetfood. 

Itchyworms - Penge Naman Ako N'yan

Now let’s take a stroll down memory lane and revisit the legendary Filipino street foods — a mix of the old and the new, each with a flavor that defined our childhoods and continues to shape every Filipino sidewalk today.

Fishball – This is perhaps the king of all Filipino street foods. Made of flour and fish meat (often galunggong), these are flattened into small discs, deep-fried until golden brown, and skewered on a stick. It’s not complete without the signature sauce: sweet, spicy, or vinegar-based — sometimes mixed with chopped onions, chili, and even garlic. Sa mga batang '80s, paborito ito tuwing uwian, sabay tanong ng "Kuya, pa-halo pa!" para mas maraming balls ang makuha. Minsan ay nag-uunahan pa kayo sa pagtusok dun sa tustado. Mas masarap kasi crunchy tapos kapag kinagat mo yung sukang sinawsaw mo ay magwawater sa bibig mo. Parang gusto ko tuloy mag-fishballs habang isinusulat ko to.

Kwek-Kwek – These are quail eggs coated in bright orange batter and deep-fried to a crisp. It’s crunchy on the outside, creamy on the inside. Minsan, sinasawsaw ito sa suka na may pipino at sili. It’s both playful and filling — something that fills your hands and your gut after school. Minsan humihiwalay yung orange coating dun sa itlog tapos yung dilaw ng itlog sumasama dun sa sabaw ng suka sa mangkok mo or kaya sa plastic cups mo. Iniinom ko yan kadalasan. Sarap ng topic ngayon ah. 

Tokneneng – A larger version of kwek-kwek using chicken or duck eggs. Same crunchy coating, heavier bite. Para sa mas "grown-up" street food eaters. Hanggang kwek-kwek lang, kasi kapag tokneneng na ang usapan kapalit niyan high blood pressire at dapat lagi kang may kargang Catapress o di kaya ay Losartan. Huwag kalimutan ang moderation kahit gaano kasarap ang tokneneng mo.

Isaw – Grilled chicken or pork intestines marinated in a special soy-vinegar sauce. After boiling to clean, it's skewered and chargrilled to smoky perfection. Maalat, medyo mapait, pero ubod ng sarap lalo na kapag tinernohan ng malamig na softdrinks. Ay dito, I was never a fan of this kind of skewer, ayaw ko kasi ng may mapait na malalasahan. May poop daw kasi minsan sa intestine pero it depends, kasi may kanya-kanya tayong panlasa.

Betamax, Adidas, Helmet – These are not electronics or sportswear. These are grilled blood cubes (Betamax), chicken feet (Adidas), and chicken heads (Helmet). Each with its chewy, earthy flavors — not for the faint of heart, but absolutely adored by many. Again, not a fan of extreme skewers.

Taho – A sweet morning treat sold by men shouting “Tahoooo!” carrying aluminum buckets. It’s soft silken tofu, topped with arnibal (caramelized brown sugar syrup) and sago (tapioca pearls). This warm, sweet comfort food is often the first thing a kid tastes before going to school. Buti pa si mamang taho hinahabol di ba? kahit pupungas pungas ka pa sa umaga marinig lang ang sigaw ni mamang taho at natataranta ka na at nagkakaugaga sa paghahanap ng tasa at barya mo bago siya lumampas ng bahay niyo. Kasi alam mong one-trip lang si manong at malamang hindi na siya makabalik ng kalye niyo dahil paniguradong mauubos ang kanyang nilalakong taho.

Balut – The infamous fertilized duck egg, 16 to 21 days old, steamed and eaten with salt or vinegar. Foreign vloggers love (and fear) this delicacy. The broth is savory, the yolk is rich, and the developing embryo, well, crunchy. Love it or not, it’s uniquely Pinoy. Ang gusto ko lang dito ay yung mainit na sabaw. Hindi rin ako fan ng balut. Ito ay kabilang sa extreme street food na iniiwasan ng aking panlasa. Baka mas Pinoy pa nga ang foreign vlogger sa akin dahil nagugustuhan nila ang lasa at texture ng balot. 

Turon – Saba banana wrapped in lumpia wrapper, with sugar sometimes caramelized into a crackly shell. Minsan may langka sa loob. This sweet street snack is a golden memory of recess or merienda sa kanto.

Banana cue – Deep-fried caramelized saba on a stick. Sweet, slightly smoky from the burnt sugar. Tumatak sa dila at puso ng batang 80s. Bigla ko naalala si Aling Inday na laging nagtitinda ng banana cue sa amin sa kanto. 

Camote cue – Same as banana cue, pero camote (sweet potato) ang bida. Matigas-tigas, pero satisfying. A crunchy, sugary armor hides the soft camote inside. One of my favorite merienda bukod sa mga tusok-tusok.

Dirty Ice Cream (Sorbetes) – This isn’t dirty, but it’s the Pinoy term for street ice cream sold in colorful carts. Flavors like cheese, ube, and chocolate swirl in thin cones or pan de sal. The bell’s clang? It’s a childhood symphony. Kapanahunan din ng Selecta Ice Cream na tumatak din sa isip ko yung recorded na tunog ng kanilang kalembang. Malayo pa lang ay dinig mo na sila habang yung mga alaga mong aso ay sinasabayan yung type ng kalembang nila sa pag-ungol.

Mais (Boiled or Grilled Corn) – Often sold with margarine and cheese powder, this snack is simple but hearty. Masarap kahit basa ng ulan ang kalsada. Nag evolved na ito ngayon sa cheese corn na may kasamang creamy butter.

Tuyong Mangga at Sampalok (Elementary Days) – Vendors near schools used to sell these sour delights wrapped in plastic. The intense tamarind kick or salty green mango powder was addictively painful and pleasurable. Not for me, kasi ayaw ko ng maasim hehe. 

Cheese sticks Deep-fried cheese in a lumpia wrapper. Crunchy, gooey, cheesy — pambansang baon o recess snack. Nag evolved din ito at naging dynamite. Pinaanghang na cheeseticks na may giniling na ibinalot sa long green chili peppers na ibinalot naman sa lumpia wrapper. Malutong, cheesy, malinamnam, at maanghang to the highest level 

Tusok-Tusok Innovations (Recent years) – Today’s generation has seen Korean-inspired cheese corn dogs, flavored siomai, takoyaki, and even budget-friendly ramen or egg drops sold by kariton or pop-up stalls. There’s also dynamite (lumpia wrapper with chili and cheese), hot dogs on sticks with marshmallows, and even street shawarma. The carts have evolved — some with LED lights and Bluetooth speakers — but the essence remains: masarap, mura, at para sa masa.

Bakit nga ba mahal na mahal ng Pinoy ang street food? Because it's sulit, it’s everywhere, and it captures the soul of everyday life. From elementary kids with twenty pesos to jeepney drivers taking a break, to office workers needing a quick bite, street food has become part of our daily rhythm. It’s communal, affordable, and cooked right in front of you — walang pretensyon, puro lasa.

At bakit gustong-gusto ito ng mga banyagang vloggers? Because Filipino street food is not just about taste — it’s an experience. They are drawn to the sizzling sounds, the smoky scents of grilling isaw, the chaotic joy of dipping fishballs in communal sauces, and the thrill of tasting balut for the first time. They love the stories behind each dish, the grit and warmth of every vendor and the people around them, and the surprise of discovering something new in every bite.

Filipino street food is more than just a way to fill your stomach — it’s a bridge to your childhood, a memory of simpler times. It’s laughter shared with barkada after school, it’s the comfort food after a long day, it’s part of who we are. Whether it's an old kariton in Tondo or a neon-lit cart in BGC, Filipino street food lives on — in every tusok, every higop ng taho, at bawat subo ng turon.

Para sa lahat ng batang 80s, ito ang tunay na fast food. At kahit anong mangyari, babalik at babalik ka sa kalsada — para lang matikman ulit ang sarap ng pagiging batang Pinoy. Ano pang hinihintay niyo 4:30 na, TUHOG na!


Huwebes, Hulyo 10, 2025

"Bahog Bilat": Understanding Filipino Swear Words

 

'Anong edad ka natutong magmura?'

Swearing or cursing is a natural part of every language—it reflects emotions, frustrations, surprise, and sometimes humor. In the Philippines, Filipino curses or mga mura sa Tagalog are colorful, expressive, and deeply rooted in our colonial and cultural history. Bagaman ang ibang mura is purely native, many were influenced by over 300 years of Spanish colonization, shaping the way we speak even today. Naging bahagi na ng buhay ng mga Filipino ang pagmumura at ang iba dito ay nag-evolve sa paglipas ng panahon. Wala naman ibang tao na natuto na agad magmura habang siyay kapapanganak pa lang, lahat ito ay natutunan natin sa pakikinig, panonood o dahil sa tindi ng galit at halos araw-araw nating naririnig sa kalsada o kahit sa loob ng ating mga kabahayan ay nahawa na rin ang ilan. Ikaw natatandaan mo pa ba kung kailan ka natutong magmura? Tara pag-usapan natin. 

Historically, pre-colonial Filipinos already had their own expressions of anger or exclamation. However, most of the direct, vulgar, or blasphemous words—especially those referencing religion or sexuality—can be traced back to Spanish influence. Words like “punyeta”, “leche”, and “puta” are clear examples of Spanish-derived curses that are still commonly used today, often softened in tone depending on context or emotion.

Narito ang ilang karaniwang mura sa Katagalugan at ang mga kahulugan nito, na may halimbawang paggamit:

1. “Putang ina” – Literally translates to “your mother is a whore” but is more commonly used as an expression of anger, frustration, or shock. Ito ang karaniwang ginagamit na salita ng mga Pilipino sa Luzon kapag sila ay nag eexpress ng extreme na galit sa isang tao, o di kaya ay pagkagulat sa hindi kaaya-ayang balita na kanilang narinig. 

Halimbawa: “Putang ina ang gwapo ng may akda ng blog site na ito."

2. “Leche” – From the Spanish word for milk, but used by Filipinos to curse or scold someone, sometimes playfully. It's used to express frustration, annoyance, or disappointment, similar to saying "damn" or "crap" in Englis

Halimbawa: “Leche ka talaga, ang kulit mo!”

3. “Punyeta” – Derived from the Spanish “puñeta” (a vulgar term related to masturbation), but in Filipino, it’s used to express annoyance or anger.

Halimbawa: “Punyeta, nawalan na naman ng kuryente!”

4. “Gago” / “Gaga” – These words mean fool or idiot, used to insult someone’s intelligence or behavior.

Halimbawa: “Gago ka pala eh, bakit ka nagjakol sa harap ng klase niyo? Gago!”

5. “Bwisit” – A native term that means bad luck or nuisance, often used when something or someone causes irritation.

Halimbawa: “Bwisit na ulan ’to, hindi na naman ako makakaalis.”

5. “Tarantado” – Refers to someone reckless or beyond foolish, often with a strong negative connotation.

Halimbawa: “Tarantado ka talaga, muntik na tayong mamatay sa ginawa mo!”

6. “Ulol” – Originally referring to someone rabid or mad, now used to insult someone’s mental state or absurd behavior.

Halimbawa: “Ulol ka ba? Seryoso ako dito! Simulan na natin maghukay, sigurado ako diyan natin makikita ang Yamashita treasure”

7. "Hayop" - Literally means "animal" or "beast" in Tagalog, and is often used to insult someone's character. 

Halimbawa: "Hayop ka Regino, ang baho ng utot mo!"

8. "Hudas" - Judas was the disciple who betrayed Jesus in the New Testament. Hudas, the Tagalog translation of the name Judas, often refers to a traitor. Like, "Hudas? Das-hu!" 

Halimbawa: "Hudas ka inunahan mo na naman ako sa kaning tutong. Paborito ko yan eh!"

9. "Burat" - Filipino term for penis. Often used to express annoyance towards an unfortunate situation or a douche-y person.

Halimbawa: "Hay nako, nakakaburat na talaga 'tong traffic sa EDSA! walang asenso!"

10. "Kupal" - Kupal literally means smegma, the paste-like substance found inside the skin of an uncircumcised human penis. It often refers to a jerk, a ~prick~, or someone who's generally obnoxious. 

Halimbawa: "Sobrang kupal niyang mga tao sa comment section, inispoil yung ending ng Squid Game!"

11. "Ungas" - Another word for stupid; a more derogatory term for ignorant.

Halimbawa: "Ang ungas mo naman magdrowing. Hindi ganyan magdrowing ng tite."

12. "Hinayupak" - Much stronger word for "hayop". Hinayupak refers to someone who acts in an inhumane manner.

Halimbawa: "Makaka-move-on din ako sayong hinayupak ka!" 

13. "Pucha" - Often uttered when something came out the way one didn't expect, or as an expression of regret. It could be the closest english translation for "Dammit!"

Halimbawa: "Pucha, mukhang malelate ako sa school sa haba ng trapik dito sa Las Pinas."

14. "Pakshet" - A Filipino combined colloquial term for "fuck" and "shit". Generally used to express just about any emotion.

Halimbawa: "Pakshet sa wakas, nakuha ko rin ang tamang timpla nitong ginagawa kong love potion. Akin ka na Margarita!huehehehe"

Tubero - Kapitbahay

Punta naman tayo sa Kabisayaan. Here's a more detailed look at some Visayan curse words: ( I can't give you a sample in sentences because yours truly is unable to speak the Visayan language)

1. "Yawa" - This is a very common curse, meaning "devil" or "evil spirit". 

2. "Pisting Yawa" - A stronger curse, meaning "damned devil". 

3. "Lintik" - Literally "lightning," but used as a curse, implying a wish for someone to be struck by lightning. 

4. "Boang/Buang" -  Meaning "crazy" or "foolish," is often used to insult someone's intelligence or actions. 

5. "Litse/Leche" -  A milder curse, related to the Spanish word for "milk," but used as an exclamation of annoyance or frustration. 

6. "Gugmang Giatay" -  Meaning "damned love," a sarcastic expression often used to express frustration with romantic feelings. 

7. "Bahog Bilat" -  A very offensive phrase, literally meaning "dirty vagina". 

8. "Imong Mama" - "Your mother," often used in conjunction with other insults. 

9. "Ambot sa Kambing na may Bangs" - While not a direct curse, this phrase, meaning "I don't know, ask the goat with bangs," is a dismissive and sarcastic way to avoid answering a question. 

Mindanao Muslim communities use a mix of Arabic-derived and local swear words. Here are a few: ( ( I can't give you a sample in sentences because yours truly is unable to speak the Mindanaoan language)

1. "Al'ama" -  Means "blindness" or "damn".

2. "Hayawan" - Means "animal" or "brute."

3. "Hemar" -  Means "donkey."

4. "Qalil al'adab" -  Means "of little literature" or "ill-mannered". 

It’s important to recognize that the use of these words varies depending on tone, intent, and relationship. Among friends, some curses are used jokingly or to tease. In formal settings or around elders, they are considered rude and inappropriate. In street conversations, especially in heated arguments, curses are part of the emotional outburst and can escalate tension.

So, where did it all start? 

Pre-colonial Filipinos had their own expressions for cursing or invoking spirits, especially when angered or wronged. But the direct, insulting, and often sexualized nature of modern-day curses became prominent during the Spanish era, when Catholicism introduced concepts of sin, blasphemy, and guilt. Over time, these terms evolved and blended into our own native tongue, producing the unique blend of Tagalog curses we hear today, and evolving continuously.

In the end, curses are a reflection of emotion and identity—sometimes harsh, sometimes humorous. While it’s vital to understand their meaning and history, we should also learn when and how to use them appropriately. Language is powerful, and even the most vulgar words can teach us about our past, our colonizers, and ourselves.

Miyerkules, Hulyo 9, 2025

Araling Pambahay

 


Kuha ni teacher ang inis namin noon kapag pinakuha niya na ang aming Asssignment notebook lalo na kapag araw ng Biyernes, haays imbis na malayang makakapanood ng Looney Tunes, Mr Bogus at Garbage Pail Kids sa araw ng Sabado ay maglalaan pa tuloy kami ng oras para gumawa ng takdang-aralin. Kapag minamalas ka nga naman, minsan ay sabay-sabay pa ang pa-assignment ni mam at sir. 

Assignment na naman! extension ng seatwork sa bahay to eh. Siyempre hindi ka makakalaro agad, isama mo pa yung utos ng nanay at mga tita mo, isa na diyan ay yung pagiging runner mo sa tindahan, pabili ng ajinomoto, ng pamintang durog, ng sili at Winston cigarette ni lolo. E di walang nang natirang oras sa paglalaro. Punyeta. 

Nung bagong estudyante pa lang ako o kapag maguumpisa pa lang ang school year, excited pa akong gumawa ng mga araling-pambahay. Tapos kinabukas e excited akong matawag ng  teacher sa harap para sumulat sa pisara ng tungkol sa assignment namin. Siyempre feeling proud! May assignment ako eh! Ginawa ko agad sa bahay. Kaya mga dalawang buwan ganyan, magpapakilala ka muna kay mam. Kapag mga August or September na, medyo nagiging reklamador na ko kapag may pinagagawa na namang assignment si Ma'am. At wag lang talagang mataong may assignment sa lahat ng subjects. Minsan nga sumasabay pa ang mga projects. Siyempre kahit bata pa lang kami ramdam na namin yung pressure kasi may hinahabol na deadling yung projects tapos tatadtarin pa kayo ng mga assignments at reporting. Kaya kadalasan prediksiyon ko sa sarili ko na magkakasakit ako kapag araw ko na ng reporting. 

MayorTV - Sineskwela

Pero nakakamiss talagang gumawa ng assignment. Masinop ako pagdating sa paggawa ng assignment at talagang nirered-ballpen ko yung mga mahahalagang terms sa homework. Masarap din kasi gamitin itong ballpen ko na 4 in 1 colors sa isang ballpen apat ang tinta ko yung pinipindot ang kung anong gustong kulay ang nais mong gamitin at ipansulat. Nandun yung masarap na pakiramdam kapag natapos mo lahat ng maaga yung assignment mo yung ready kang makipagbakbakan kay mam sa mga itatanong niya sayo kaya hindi ka takot tumingin sa mga mata niya na baka ikaw ang matawag at wala kang isasagot. Pero ako hindi, dilat na dilat ako kay mam! Bilang pagbabalik-tanaw sa ating mga takdang-aralin noong araw, narito ang ilan sa mga walang kamatayang assignments courtesy of our beloved teachers:

  • GMRC/Religion: Please go to mass this Sunday and bring the gospel with you provided by the church. Please explain the gospel on your notebook and we will be having a recitation on Monday. Siyempre bilang nasa catholic school ka obligado kang magsimba ng Linggo ng umaga o kaya hapon at huwag na huwag kalilimutan ang pamphlets na pimamimigay ng simbahan kasi ichecheck yan ni sir. Pakinggan ng mabuti ang homily ni Father baka kasi ikaw ang matawag sa recitation. 
  • English: Give the superlative forms of each of the given adjectives. Pagdating naman sa English subject maraming dapat alamin katulad ng sample na ito, kumbaga sa tagalog ibigay mo yung tamang word sa mga "pinaka" o yung highest degree of quality ng isang pang-uri. Kagaya ng adjective word na "weak", ang superlative form niyan ay "weakest". Mga ganern!
  • MATH: Mostly, there will be equations that you need to answer, kung nasa elementary ka, usually addition, subtraction, division or di kaya ay ipapamemorize sayo ang Multiplication table. Pero siyempre ready ako diyan lahat kasi ng notebook ko kumpleto ang multiplication table sa likod, huwag lang mag-two digits x two digits, yari tayo diyan. 
  • Filipino: Ano ang iba't-ibang uri ng panghalip? Magbigay ng halimbawa sa isa't-isa. Ito yung mga pinahabang assignment ni mam, kasi ibibigay mo na yung mga uri ng panghalip gusto niya pa ng example. Kagaya ng panghalip na panao siyempre ito yung katumbas ng katawagan mo sa mga tao kagaya ng, ako, ikaw, siya, tayo, kayo at sila. Then use it in a sentence. Sa bahagi na yan bahala ka na gumawa ng example, kung kwela ka at gusto mo patawanin ang buong klase sa sentence na ibibigay mo diskarte mo na yan. 
  • Sibika: Isulat ang mga lalawigan, kabisera, at pangunahing produkto sa Rehiyon IV-B. Oh ayan medyo tricky kasi dalawa ang Region 4 merong  A at B. Mostly sa Sibika at Kultuta more on memorization of a certain name, dates and location. May panahon din na pagpapaliwanagin ka kung bakit nag break up si Jose Rizal at Leonor Rivera. Pakialam ba natin sa love life ni Pepe?
  • MAPE: Draw the G-Clef. Ayan lahat ng malalaking nota at maliliit na nota maglalabasan dito. Magiging composer ka once in your lifetime. 
  • Science: Draw a leaf and label its parts. Diyos ko, dito yata ako nakapag-patuyo ng dahon sa notebook at explain namin ang skeletal parts ng dahon. Kaloka.
Siguradong nagawa ang lahat ng takdang-aralin dahil kung hindi ay patatayuin ka ng teacher sa likod o di kaya ay paliliparin ang notebook mo sa bintana ng eskuwelahan niyo. Alam ko tandang-tanda niyo pa yang mga panakot ni teacher na minsan sa inis nila ay natutupad. 

Martes, Hulyo 8, 2025

Para sa mga Ipinanganak ng 1981

 


Kamusta Ka, Ipinanganak Noong 1981?

Kamusta ka na? Ikaw na isinilang noong 1981 — ikaapatnapu’t apat na taon na ang lumipas mula nang unang beses mong nasilayan ang mundong ito. Marami na ba ang nagbago? O tila ba may mga bagay na nanatili pa ring masakit, mabigat, at mahirap tanggapin? Sa loob ng 16,000 na araw na inilagi natin dito sa mundo, kamusta na? anong bago? anong meron? 

Hindi biro ang 44 taon. Halos kalahating siglo ka nang lumalaban, sumusubok, nabibigo, bumabangon, at patuloy na nabubuhay. Sa likod ng bawat kulubot sa noo, sa paligid ng mata, sa sulok ng labi, at mga pilat ng sugat sa katawan,— may istorya. Isang tahimik ngunit malalim na kasaysayan ng pakikipagtunggali sa buhay.

Naabutan mo pa ang panahong walang cellphone, walang internet, at ang pinakamasayang laro ay habulan sa lansangan, teks, pogs, at patintero. Lumaki kang may tunay na kaibigan, hindi followers, walang likes walang follow back. Ang pagkakaibigan ay puro at hindi sinusukat sa likes, sa react at sa share kundi sa yakap at sabay na tawanan sa ilalim ng araw o sa kadiliman ng pagtambay sa gabi dahil brownout at mainit sa loob ng kabahayan. 

Ngayon, 44 ka na. Marahil may mga anak ka nang malalaki. Marahil may asawa kang kasabay mong kumakayod. O baka naman mag-isa ka pa ring humahanap ng katahimikan at tunay na kahulugan ng pag-ibig. Hindi madali ang umabot sa edad na ito. Maraming gabi ang tinulugan mong may luhang hindi mo maipaliwanag. Maraming umaga ang bumungad na punô ng pag-aalala—bills, trabaho, kalusugan, at minsan... ang tanong: "Ito na ba talaga ang buhay ko?"

Paano na ang katawan? Ramdam mo na ba ang pananakit ng likod? ang nanghihinang mga tuhod? Ang mga mata mo, malinaw pa ba ang pagbasa tat hindi ka pa naka-salamin o mabilis nang mapagod? Ang dating kayang-kayang tumakbo ng malayo noon kapag naglalaro ng mataya-taya at block 1-2-3 ay kaya mo pa bang laruin ngayon? o di kaya ay hingal at nagkukumahog na kahit konting akyat. Bumabagal ang metabolism, bumibilis ang pagod. Marahil ay may iniinom ka nang maintenance. O marahil, tinatanggap mo na lang ang pananakit bilang parte ng pagiging ‘pagtanda.’

The Grays - The Very Best Years

Pero hindi mo dapat ikahiya. Ang bawat kirot, bawat pilat, ay patunay ng tibay mo. Nabuhay ka sa panahon ng kaguluhan, ng pagbabago, ng mga trahedya’t tagumpay ng bansa. Isang saksi. Isang mandirigma. Isa kang bayani sa sarili mong paraan.

At kamusta naman ang puso mo? Napagod na rin ba? O patuloy pa ring naghahangad ng pagmamahal, kahit sa katahimikan? May mga pangarap ka bang sinuko na? O baka naman may bago kang hinahabol, kahit pa sinasabi ng iba na huli na ang lahat. Hindi huli ang lahat. Hangga’t may hininga, may laban.

Kaibigan, hindi ka nag-iisa. Marami tayong ipinanganak noong 1981 na pare-pareho ng tanong, ng sakit, ng lungkot, at ng bahagyang pag-asa. Sa mundong mabilis ang takbo, minsan masarap huminto sandali at itanong sa sarili: “Kamusta na ako talaga?”

Hindi mo kailangang perpekto. Hindi mo kailangang malakas palagi. Hindi mo kailangang masaya araw-araw. Ang mahalaga, nandito ka pa. At ‘yan ang isang napakalaking tagumpay sa panahong sa araw-araw ay puwede tayong lumisan. Lumisan ng walang paalam at bakas. Makalimutan at manatiling ang mga lapida na lamang ang magsisilbing alaala ng bawat isa. 

Para sa’yo, para sa ating mga anak ng 1981 — isang mahigpit na yakap. Isang paalala: hindi pa tapos ang kwento mo. Marami ka pang kayang baguhin. Marami ka pang pwedeng mahalin. At higit sa lahat, karapat-dapat ka pa ring mahalin. Hindi base sa edad mo. Kundi base sa kabuuan mong tao — buo, tapos nasira, pero muling nabuo. At patuloy pa ring bumabangon.

Kamusta ka na talaga?

Lunes, Hulyo 7, 2025

Nobentimeline: Ano Ang Mga Nangyari Noong 1992?

Anong mga ganap ang nangyari sa buhay ng mga Pilipino sa taong 1992. Tara pag-usapan natin.

Taong 1992 ito ang taon ng pagpapalit ng administrasyon. Dito rin ay unti-unti na ang transisyon ng buhay patungo sa modernisasyon. Ang mga batang 90s na ipinanganak sa kalagitnaan ng dekada 80 ay magsisimula ng bumuo ng kanilang mga core memory ng kanilang kabataan. Bagaman nag-aalisan na ang ilang mga sundalong Amerikano sa Clark dahil sa pagsabog ng Mount Pinatubo at ang pagwawakas rin ng kasunduan sa pananatili nila sa ating bansa. Sa taong ito ang ilang mga naiwan pa sa Subic Bay ay tuluyan ng mamamaalam sa Pilipinas. Sa nalalapit namang pagtatapos ng administrasyong Aquino ay halos inalis din ang lahat ng bakas ng pamumuno ni dating Pangulong Marcos at ipinagpapatuloy din ang pag-iimbestiga sa sinasabing mga ill gotten wealth. Subalit narooon pa rin ang pagnanasa na mapag-isa ang ating bansa ay nagpapatuloy pa rin ang pagkakabahabahagi lalo na sa pulitika ito'y dahil na rin nga sa kanya-kanyang interes. Kaya naman maipapasa pa rin sa susunod na administrasyon ang hati-hating bansa. Sa taong ito ang isa sa magiging anthem ng mga kabataan ay ang Next In Line ng After Image na mula sa album na Touch the Sun, kung saan sa kahit anong oras ng araw ay maririnig mo ito sa mga radyo.

Sa taon ding ito, bagaman kumalma ang ilang mga natural disaster ay hindi pa rin naman maiiwasan ang mga sakuna, ito'y nang bumungad sa taon ang Philex mining incident nang mawasak ang isa sa kanilang mga dam kung saan nakadeposito ang mga tinatawag na tailings o yung mga residue ng minahan sa madaling sabi yung mga chemical. Tinatayang mga nasa 5 million metric tons na tailings ang dumaloy sa halos 5,000 ektaryang kalupaan kabilang ang mga taniman. Ang mga kemikal na ito ay dumiretso din sa Agno River kung saan nakapinsala ito sa ilog. Ang lindol noong 1990 ang sinasabing dahilan ng paghina ng dam. Sa sports naman, January 12 naman nang pumasok sa PBA si Aerial Voyager, Vergel Meneses mula sa Jose Rizal Unicersity, ito'y bilang first overall pick sa draft ng taong iyon kung saan sa pagpasok niya sa liga ay agad siyang makikilala dahil sa kanyang mga hang time acrobatic at nagkape pa sa moves at dahil sa kanyang galing, taong 1995 na itatanghal siyang MVP. 

 January 15 naman n ipanganak ang Philippine Eagle na si Pag-Asa, siya ang kauna-unahang Philipine eagle na na-breed in captivity sa panahon. Kasi ngayon ay kumokonti na ang bilang ng mga Philippine Eagle sa ating bansa ito'y dahil na rin sa mga panghuhuli ng mga tao sa pamamagitan ng cooperative artificial insemination technique ay isinilang nga itong si Pag-Asa. Siya ay naging simbolo ng pagpapatuloy ng buhay ng mga kapwa niya agila at maging ng mga Pilipino. Layunin ng Philippine Eagle Foundation na maparami ang lahi nitong si pag-asa kaya naman noong 2013 ay isinilang ang kanyang anak na si Mabuhay, ang anak niya sa agilang si Kalinawan.  January 26, 2021 nang bawian ng buhay itong si Pag-Asa sa edad niyang 28 dahil sa isang komplikasyon. January 26 naman na magpasimula ng mag-operate ang Sky Cable. Nai-broadcast nito ang Super Bowl at ang 1992 Summer Olympics, katuwang ang ABS-CBN at 1993 ng tuluyang dumami ang mga channels nito kung saan dagdag ang ilang mga sikat na channel international gaya ng ESPN, NBC, CNN at marami pang iba at sa pagpasok naman ng buwan ng Pebrero ay bumungad ang isang malungkot na balita ang pagkamatay ng aktor na si Jay Ilagan, ito ay dahil sa isang motor accident sa edad niyang 37 ay binawian siya ng buhay noong February 4, 1992. Itong si Jay Ilagan ay isang magaling na aktor at masasabi ring naging isang matinee idol, bagaman saglit lang ang inilagi niya sa mundo ay nakilala pa rin siya sa ilang mga pelikula katulad ng Tubig sa Ginto at Kisapmata at naging bahagi rin siya ng comedy show na Going Bananas.

 February 8, sa taong ito ay naganap naman sa Albertville sa France ang 1992 Winter Olympics kung saan nagkaroon tayo ng isang pambato lamang ang Alpine Skier na si Michael Teruel.  February 10 din sa taong ito ay magsisimulang ipalabas sa ABS-CBN ang TV show o teleserye na Valiente, ito a pinagbibidahan nila Michael de Mesa bilang Gardo Valiente, Tirso Cruz III, bilang Theo Braganza at marami pang iba. Sa mga batang 90s ang pagpapalabas nito matapos ang Eat Bulaga ay hudyat na ng oras ng pagtulog sa hapon o sa tanghali. Dahil kung hindi ka matutulog ay tiyak na magbubunot ka ng uban o hindi kaya ay mapapalo ka ni nanay o ni lola. Ipinalabas ang Valiente sa ABS-CBN mula 1992 hanggang 1995, at sa GMA 7 naman mula 1995 naman hanggang 1996. February 14 naman sa edad ng 45, ay binawian ng buhay ang premyadong TV personality na si Helen Vela, sa kabila ng kanyang kasikatan ay maaga siyang binawian ng buhay ito'y dahil sa karamdaman. Siya ay nakilala dahil sa programang Lovingly Yours, Helen sa GMA 7, ang programang ito ay nagsimula pa ng Dekada 80 sa radyo at nang bawian naman ng buhay itong si Helen Vela ay pumalit naman sa kanya bilang host ng programa ang kanyang anak na si Princess Punzalan. Sa panahong ito ay naroon pa rin at patuloy na umiiral sa bansa ang mga rebeldeng grupo na NPA kung saan ng February 15, ay inambush nila ang isang military convoy sa Marihatag, Surigao del Sur kung saan napatay ang 4 na mga sundalo.

 February 21 naman nay magbubukas ang ABC 5 TV station matapos itg maipasara noong panahon ng Martial  Law at sa muling pagbubukas nito ang istasyon ay nagkaroon ng rebranding kaya naman ang ABC ay naging Associated Broadcasting Company na. Katapusan ng taong 1991 na magsimulang mag-test broadcasting hanggang sa tuluyan na nga itong magbukas sa taong 1992. Sa muling pagbubukas, syempre nariyan ang pagkakaroon ng mga bagong programa dahilan para maraming programa sa TV ang nagsimula sa taong ito. Sa paglipas ng mga taon ay naging mabilis ang paglago ng TV station isa rin sa mga naging programa ng ABC 5 at nagbalik din ay ang programang TV news, ang news program kasing ito ay dati na ring programa bago pa man magsara ang istasyon at sa muling pagbabalik ng TV station at ang programa nitong si Tina Monzon Palma ang naging anchor nito. Kaya naman bilang batang 90s kung maalala mo kapag hindi ka pa makatulog o hindi ka pa inaantok at naglilipat lipat ka pa ng channel habang naghahanap ng mapapanood ay tiyak na madadaanan mo ang programang The Big News.

 Pagpasok naman ng buwan ng Marso, March 6 ng umere sa channel na New Vision 9 ang programang America's Funniest Home Videos o kilala din sa tawag na America's Funniest Videos. Itong programa na mula sa international channel na ABC ay isang television network sa America. Ang programa ay koleksyon ng mga nakakatawang video clips mula sa mga senders o mga viewers. Isa ang programang ito sa nagbigay ng halakhak sa mga Pilipino noong dekada 90. March 30 naman nang ipalabas sa mga sinehan ang pelikulang Miss na Miss Kita, Utol Kong Hoodlum Part 2 na pinagbidahan pa rin nitong sina Robin Padilla at Vina Morales. Ang pelikulang Utol kong Hoodlum Part 1 at Part 2 ay tumabo sa takilya na sinubaybayan talaga ng mga fan ni Robin Padilla. Sa panahong ito ay maraming gumagaya sa kanya, sa kanyang pananamit at pananalita. Dito rin sa pelikulang ito na Utol kong Hoodlum Part 2 sinasabing naaksidente o nasunog ang kamay nitong si Robin Padilla.  March 20 naman hanggang March 28 nang ganapin sa Pilipinas ang Men's Softball World Cup o kilala din sa tawag na ISF Men's World Championship isang kilalang international softball tournament. Ito ay ginanap sa mga siyudad ng Maynila at Pasig kung saan ay iba't-ibang bansa ang naglaban-laban kabilang ang Pilipinas, ang bansang Canada ang tinanghal na kampeon kasunod ng mga bansang New Zealand United States at Japan.

 Sa araw din ito March 20 ng unang lumabas ang serye ng kwento ni Combatron sa sikat na Filipino Funny Comics ang Combatron ay likha ni Berlin Manalaysay. Sa unang episode nito ay ipinakita ang kwento nitong si Empoy, isang batang ulila na makikilala itong si Combatron at ang asong mekanikal na si Askal. itong si Combatron ay mula sa Planetang Omnicron at napadpad sila sa Planetang Earth para takasan ang karahasan sa planetang ito kaya naman nang bumagsak sa mundo ang sinasakyan nilang spaceship sa pagkakataong ito ay sugatan itong si Combatron. Nang makita siya ni Empoy at dahil nanghihina na ay pinasa na lamang nitong si Combatron ang kanyang kapangyarihan kay Empoy kaya naman itong si Empoy ang naging bagong Combatron na haharap sa mga masasamang robot mula sa Omnicron. Ang Funny Comics ay isa sa mga naging libangan ng mga batang 90s kung saan ay inabangan din dito ang mga kwento ng Planet of the Apes, Niknok,  Pitit at marami pang iba. Sa taong ding ito 1992, ay magsisimula rin ang gagawing paglathala ng Precious Pages Corporation ng mga pocketbook na tatawaging Precious Hearts Romances, agad itong pumatok sa mga mambabasa kung saan merong mga nakakapagbasa ng kwento nito na dalawa hanggang tatlo sa loob ng isang araw, yung tipong habang nagsasaing tapos maamoy mo na lang yung sinaing mo na sunog na. pero kasi ako sa part ko ang binabasa ko ng mga panahong iyon ay ang mga pocketbook ng JC Files pocketbooks. Hindi ko pa nga makakalimutan ang pinakaunang issue nito ang Dugo ng Karimlan. Ilan naman sa mga manunulat na sila Martha Cecilia, Rostan Amanda Moreno, Cora Clemente at marami pang iba. Sa buwan naman ng Abril, April 30 nang ini-launch na ng GMA Network ang kanilang Rainbow Satellite, ito'y para mas lalong lumawak ang maaabot ng kanilang pag-broadcast at mga programa dahil makakarating na ito sa halos kabuan ng ating bansa at maging sa International sa Southeast Asia sa mga American cities at Latin America. At sa taon ding ito 1992, na magsimulang ma-broadcast sa IBC 13 ang charismatic group na El Shaddai na pinamumunuan ni Mike Velarde. Pagpasok naman ng buwan ng Mayo, May 4 nang umere sa ABS CBN ang programang Hoy Gising, orihinal itong segment sa TV Patrol ni Frankie Evangelista hanggang sa maging isang programa na rin ito isa itong Public Service program na tumutulong sa mga kapwa at kumakalampag naman sa mga autoridad para naman matugunan ang mga problema ng ating lipunan. Ang mga naging orihinal na host nito ay sina Ted Failon at Korina Sanchez pero sa paglipas ng mga taon ay napalitan din sila. Dahil naman sa dinaranas na ill nino ng ating bansa, sa taong ito kung saan ilang buwan ng hindi umuulan May 10, 1992, nang isinagawa ang isang prayer rally ng religious group na Jesus Miracle Crusade o JMC para humiling ng ulan ito'y sa pangunguna ng leader nila na si Wilde Almeda pero bago ang araw na iyon ay hinamon pa nga nitong si Almeda ang ibang mga sekta na sila raw ang manalangin at magpaulan para nga matugunan ang problema ng bansa sa El Niño, pero walang tumugon dito at ng araw nga ng prayer rally nitong si Almeda ay nagulat ang lahat ng biglang umulan. 

May 11 nang isinagawa ang 1992 Philippine Presidential at General Election kung san boboto ang mga Pilipino ng bagong Presidente, Bise Presidente,  kung saan pwede rin silang pumili at muling maghalal hanggang sa mga konsehal sa botohang ito ay tumakbo sa pagkapangulo itong sina Fidel Ramos, Miriam Santiago, Eduardo Danding Cojuangco Jr, Ramon Mitra Jr, Imelda Marcos,  Jovito Salonga at Salvador Laurel kung saan nanalo itong si Fidel Ramos at nakuha naman ni Joseph Estrada ang pagiging Vice President. Sinasabing ang 1992 Presidential election ng ating bansa ay isa sa pinakamakulay at kontrobersyal na eleksyon. Makulay dahil sa pagkakahati-hati ng mga boto ng bawat Pilipino. Kasi ay may kanya-kanyang gusto. Kaya nga hindi masasabing landslide ang pagkapanalo nitong si Fidel Ramos. Kontrobersyal naman dahil sa sinasabing dayaan daw na nangyari, sa panahon kasing iyon ay sikat din talaga itong si Miriam Santiago kaya naman marami ring nag-e-expect na baka siya ang manalo. Sinasabing sa mga unang araw pa nga ng bilangan ay siya talaga ang nanguna at nahabol na lang ito ni Fidel Ramos sa panahon din kasi noon ay mano-mano talaga ang bilangan kaya naman hindi rin maiiwasan ang kaguluhan at inirereklamo nga nitong si Miriam ang pagkakaroon daw ng mga power outages ay ang naging pagkakataon para magkaroon ng dayaan. Ito rin naman ang pananaw ng ilang mga Pilipino. Bagaman siya ay nagprotesta ay dinismis lang din naman ng Supreme Court ang kaniang apila. Samantala sa eleksyon ding ito ay nanguna naman sa pagkasenador ang Quezon City Vice Mayor na si Tito Sotto.

 May 16 naman nasimula namang umere ang Youth Oriented Informative at Magazine show na 5 and up sa ABC 5, kung saan ilan sa mga naging host nito ay sina Atom araullio, China Ortaleza, Zach Yuzon, Justin De Jesus at ang magkapatid na Ron at Raver Cruz, at marami pang iba. Dahil sa magandang konsepto at hatid na kaalaman, ang programa ay nakakuha ng maraming mga parangal matapos ang presidential election. May 22 na maging full pledge province na ang Guimaras mula sa pagiging subprovince nito ng Iloilo, ito'y matapos ang isinagawang plebisito na pumabor naman sa pagiging independent nga ng Guimaras at kalaunan ay na-assign dito ang kauna-unang Gobernador ng lugar na si Emily Relucio Lopez at sa bandang ito ay pinalabas sa mga sinehan ang pelikulang Aswang na pinagbidahan naman nitong sina Aiza Seguerra, Manilyn Reynes at Alma Moreno. Ang pelikulang ito ay ang isa sa mga tumatak na pelikulang aswang nung panahong iyon sa mga kabataan sapagkat sa panahong iyon ay usong-uso talaga mga kwentong aswang, manananggal at kung anu-ano pa na mulao sa Capiz at Siquijor. 

May 25 naman ng maganap ang isang tragic marketing disaster sa bansa ang Pepsi Number Fever o ang 349 incident dahil nagkaroon kasi ng promo ang Pepsi company na kung matatapat  sayo ang mga tanasn ng Pepsi, 7 Up, Mountain Dew at Mirinda na merong kaukulang halaga at security code, at merong tatlong winning number na ina-announce sa TV Patrol ay mapapasayaw sa halaga ng nakasulat sa tansan at kung tama rin ang security code nito sa unang ratsada ng promo nito ay marami ang nakatanggap ng premyo kabilang ang 1 million jackpot kaya naman humaling na humaling ang mga tao. May mga nagsasabi pa nga na kahit daw pagbili ng bigas ay binibili na ng Pepsi dahil nagbabakasakaling manalo. Kaya nga lang sa ikalawang wave ng promo kung saan naextend ito dahil nga sa paglaki ng benta ng kumpanya ng Pepsi ay nagkaroon ng aberya, kung saan sinasabing nagkaroon daw ng computer error nang ito'y makapagprint ng walong libong tansan na merong number na 349. Dinumog ang mga warehouse at ang mga bottling area ng Pepsi para kubrahin ng mga tao ang kanilang napanalunan. Agad nagkaroon ng meeting ang Pepsi dahil alam nilang merong maling nangyari. Hindi nila kayang bayaran ng napakaraming mga taong ito. Sa kabila ng paliwanag ng Pepsi na nagkaroon ng error ay hindi pumayag ang mga claimants dahilan para magkaroon ng mga kaguluhan na umabot pa nga sa nagkaroon ng binawian ng buhay. Merong ilang mga pumayag at tinanggap na ang Php500 bilang pampalubag loob dahil alam naman nila nagkamali lang talaga ang Pepsi, pero hindi lahat ng tao ay ganon mag-isip, ito'y dahil marami pa ring nagpatuloy na lumaban para makuha nila ng buo ang kanilang premyo. Meron pa nga daw mga nag-resign sa trabaho, nakipaghiwalay sa asawa, at lumawas pa mula sa probinsya. Ganoon katindi pero bandang huli ay umabot na sa Korte Suprema ang kaso. Ang naging desisyon ay pumabor sa Pepsi, ito'y dahil ang mga tansan  ng mga libo-libong nagrereklamo ay wala namang nakalagay na tamang security code para nga masabing ikaw talaga ang nanalo. Bagaman ganoon ay nagbigay pa rin ng Pepsi ng tig 30,000 sa ilang mga lumaban hanggang sa huli. Samantala ang araw din na ito May 25, ang araw din ng paglipat ng programang Television Guesters ng TVJ ito'y mula sa Island TV 13 ay lumipat ito sa ABC 5. 

Eraserheads - Ligaya ( Released in 1992)

Sa katapusan naman ng buwan, May 30 ay nai-launch naman ang bagong TV station ang SBMO Southern Broadcasting Corporation. At pagpasok naman ng buwan ng Hunyo,  June 7 ay ginanap naman sa bansa ang 30th Chess Olympiad ito ay ginanap sa Philippine International Convention Center sa Pasay. Nasa isandaan at dalawang team ang lumahok dito mula sa iba't ibang bansa kung saan sa men's event ang nagwagi ng gold ay ang team ng Russia kabilang itong si Gary Kasparov, silver naman ng Uzbekistan at bronze naman ng Armenia at sa Women's event naman naka-gold naman ang Georgia, silver naman ang Ukraine at bronze naman ang China. Sa buwan ding ito ng June 1992 ay gumawa ng ingay ang aktor na si Roy Alvarez at ang kinabibilangan niyang grupo na etcetera. Ang grupo ng mga nag-iimbestiga at naniniwala sa existence ng mga alien, kung saan ay nagkaroon pa nga ng pagkakataon na hinintay nila ang pagpapakita ng mga alien sa Manila at sa Pila, Laguna. Ang pangyayaring ito ay kumuha tuloy ng atensyon na bagaman sa bandang huli ay wala rin naman silang nakita sa kalangitan.

 June 30 ang inauguration ni President Fidel Ramos, tuluyan ng ipapasa sa kanya ang pagkapangulo ni dating Pangulong Cory. Ito'y bilang ika-labindalawang Pangulo ng Pilipinas. Ang inagurasyong ito ay naganap sa Quirino Grandstand at si Pangulong Fidel Ramos ay nanumpa kay Chief Justice Narvasa at sa bansa. Sa buwan naman ng July sa buwang ito sinasabing nagsisimula ng i-record ng bandang Eraserheads ang kanilang kauna-unahang album ang Ultra Electromagnetic Pop. July 10 nang pumasok naman sa bansa ang bagyong Onsing kung saan nag-iwan ito ng tatlong patay at July 18 naman nang magsimula ang Philippine Quiz show na Battle of the Brains na umere sa New Vision 9 o sa RPN 9 na naging host itong si David Celdran. Ang quiz show na ito ay bukas sa elementarya, high school at college level. Bago pa man ang LG quiz, Game ka na ba, Weakest link ay ito talaga ang quiz show na tinututukan ng mga mahilig matuto, mga mahilig sa General Knowledge at yung tipong sumasagot din habang nanonood lang. July 25 naman na magsimula ang 1992 Barcelona Summer Olympics kung saan ay nagpadala tayo ng 26 na manlalaro kabilang itong sina Roel Velasco at Roberto Jalnaiz sa boxing at Eric Buhain naman sa swimming. Nagtapos ang ating bansa na makakuha tayo ng isang bronze sa boxing mula kay Roel Velasco nakakuha rin sana tayo ng dalawang bronze sa taekwando mula kay Stephez Fernandez at Beatrice Lucero kaya nga lang dahil sa ang sport na taekwando ay nabibilang lamang sa demonstration events, ang kanilang mga medalya ay hindi naibilang sa medal tally ng bansa kaya naman isang bronze medal lang talaga ang masasabing nasungkit ng bansa. 

Sa buwan naman ng August ng ma- launch ng Midway Games ang video game na Mortal Kombat, isa itong itong fighting game na sisikat katulad ng Street Fighter. Lumabas ito sa mga iba't ibang game platform kabilang and Sega Mega Drive, Sega Mega Genesis at ang Super Nintendo Entertainment System. Sumikat ang larong ito dahil sa makatotohanan nitong graphics, magagandang moves at ang kontrobersyal na karahasan. Sa larong ito ay sumikat ang mga salitang finish him at fatality at dito rin magsisimulang panahon na kasagsagan ng mga arcade sa Pilipinas at panahon din na maraming nagka-cutting classes para lang makapaglaro. Agosto rin nang magsimula ang programang Showbiz Lingo, isang Philippine weekly entertainment talk show na ang host ay sina Cristy Fermin at Butch Francisco. August 17 naman nang magpasimula ang programang Mara Clara ng ABS-CBN na pinagbibidahan nitong sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes. Isa itong teleserye na merong tema ng baby switching kung saan magkakapalit ang buhay ng dalawang leading star. Si Mara o sa Judy Ann na dapat nasa mayaman ay mapupunta, sa mahirap naman itong si Clara o si Gladys Reyes. August 28 naman nang magbukas ang Edsa Shangrila, isa itong Five Star luxury hotel sa Ortigas Center na isa sa mga hotel na minamanage ng Shangrila Hotels and Resorts.  Isang kasaysayan naman ang naganap noong August 29, 1992, na makuha ang team na mula Zamboanga sa Pilipinas ang kampeonato sa 1992 Little league World Series isang international baseball tournament sa mga batang may edad 10 hanggang 12 at ito ay ginanap sa Long Beach California. Okay na sana dahil champion nga tayo kaya nga lang ay natuklasan na meron palang violation ang ating bansa, ito'y sa rules ng edad o overage at sa residency at dahil sa mga isyung ito ay nabawi ang titulo ng team ng Pilipinas. 

September 13 ang tuluyang turnover ng mga Amerikano ang Subic Bay Naval Base sa mga Pilipino at tuluyan na nga nilang nilisan ang ating bansa. Sa buwan naman ng Oktubre ng muling magre brand ang Channel 13. Ito'y mula sa Island TV 13 ay bumalik ito sa IBC na Intercontinental Broadcasting Corporation kung saan sa mga panahon ding ito ay nakikilala ang ilang mga programa lalong-lalo na ung mga Tokusatsu tulad ng Maskman at Machine Man na tinangkilik din naman ng mga batang 90s dahil halos lahat naman ng mga Tokosatsu ng panahong iyon ay talagang patok. Wala naman siguro makakalimot kay Buknoy the fighting ball. October 5 nang i-launch ang kantang Isang linggong pag-ibig ni Imelda Papin na talaga namang kinakanta ng mga Pilipino noong panahong iyon mapabata man o matanda. Ilang araw lang, October 19 naman nang magsimula sa ABS-CBN ang comedy show na Ang TV. Sinasabing hango ito sa ilang mga palabas sa ibang bansa at ang 1970 kiddie show, ang Kaluskos Musmos. Wala sigurong makakalimot sa mga salitang esmyuskee at ang "4:30 na ang TV na", sa apat na season ng programa mula 1992 hanggang 1997 ay napakaraming ABS-CBN kids and teen talents ang nakasali dito at dahil din sa kilig at kasikatan ng programa ay nagkaroon din ito ng pelikula noong 1996 ang Ang TV Movie: the Adarna Adventure.  Buwan naman ng Nobyembre, November 11 nang ipalabas sa mga sinihan ang pelikulang Aladdin na gustong-gusto ng mga bata nung panahong iyon at siyempre proud Pilipino din tayo dahil bahagi ng pelikula ang ating kababayan na si Lea Salongga kung saan ay ginamit ang kanyang boses bilang singing voice ni Jasmine.

Ewan ko na lang kung hindi ka natawa nang mapanood mo ang pelikulang Ano ba yan ni Bossing Vic Sotto  na ipinalabas naman noong November 25, 1992 at dahil naghit naman ang kuwelang pelikula ay nagkaroon pa ito ng part 2 nung 1993 ang Ano ba yan part 2, sa buwan naman ng Disyembre ay magsisimula rin ang anthology ng panonood ng mga batang 90s ng mga anime show na merong dalang kasiyahan at kurot sa puso dahil umere noong December 7 ang Cedi ang Munting Prinsipe. Kung magtatanong ka sa isang lumaki sa henerasyong ito, kung ano ang mga paborito niyang palabas nung bata siya ay tiyak na makakasama sa listahan ang Cedi. Grabe rin naman kasi ang istorya na kahit pa ang mga magulang ay kasamang nanonood ang kanilang mga anak at dahil nga sumikat din ito ay nagawan din ito ng movie version na pinagbidahan naman ni Tom Taus. December 30 naman nang tanghaling Most Valuable Player ng PBA itong si Ato Agustin mula sa San Miguel Beer. Sa season na ito ay nag-champion sa First Conference ang Shell, sa Second Conference naman ang San Miguel Beer at sa Third Conference naman ay ang Swift Mighty Meaty Hotdogs at bilang regalo din sa mga Pilipino ng ABS-CBN sa buwang ito ay nagsimula namang umere ang Home Along Da Riles isang TV sitcom na pinagbibidahan ng Comedy King na si Dolphy. Kwento ito ng Cosme family na naninirahan sa riles kasama ni Kevin ang kanyang mga anak na sina Bing o si Claudine Baretto, si Bob o si  Gio Alvarez, si Bill o si Smokey Manoloto at si Baldo o si Van Dolph. Kasama rin sa istorya ang hipag niyang si Nova Villa o si Ason na merong gusto sa kanya at ang kanyang bayaw na si Richie o si Babalu na lalong nagbigay ng kasiyahan sa nasabing programa. 

Sa Metro Manila filmfest naman ay nasama naman ang mga pelikulang Andres Manambit Angkan ng Matatapang, Bakit Labis Kitang Mahal, Engkanto, Okay Ka Fairy Ko part 2,  Takbo, Talon, Tili at ang Shake Rattle and Roll part 4.  Nanalong Best Picture ang Andres Manambit. Si Aga Muhlach naman ang tinanghal na Best Actor sa Bakit Labis Kitang Mahal at si Gina Alajar sa Best Actress sa pelikulang Shake Rattle and Roll part 4. 

Nagpatuloyang buhay sa kabila ng hirap ng mga Pilipino ay ipinagpapasalamat pa rin natin na hindi ganon kalala ang mga nangyari sa taong 1992. Ang mahalaga ng mga panahong iyon ay may nakahain pa rin tayo sa hapag at meron pa ring mga ngiti sa ating mga labi lalo na sa pagdiriwang ng araw ng Kapaskuhan at pagsalubong sa bagong taon ang taong 1993. Sa susunod ay tatalakayin naman natin ang mga kaganapan sa loob ng taon 1993 kabilang dito ang unang taon sa pamumuno ni Pangulong Fidel Ramos, ang pagputok ng Mayon Volcano, ang Pagoda tragedy at ang kasong kinasangkutan ng Calauan, Laguna mayor na si Antonio Sanchez. 

Low Profile Pogi Confessions

 

low profile lang tayo mga tohl

Sa panahon ngayon ng mga TikTok thirst traps at mga gym selfie na may hashtag na #blessedbody #NoFilterPeroMayRingLight, paano na ang mga tulad naming… Low-Profile Pogi?

Oo, hindi kami halata. Pero kapag nakita mo na kami—lalo na ‘pag naka-white T-shirt at may bitbit na kape—bigla na lang may maririnig kang “Sino ‘yun?” tapos may mapapatili sa likod.

Pagdating sa standarad ng kaguwapuhan, walang sinabi sa akin si Chiquito. Di hamak naman na mas guawapo ako sa kanya. Kahit pa si Mang Temi ng Home Along Da Riles. 

Pero seryoso. pagsating sa hitsura, ang kaguwapuhan ko hindi masyadong stand-out (oo paninindigan kong pogi ako). Ako yung tipong "pero guy". Yung sasabihin nila, 'pogi sya pero...' 'may hitsura siya... pero'. Meaning kagaya ng pagiging low profile blogger ko, low profile pogi din ako. 

Hindi naman siguro masamang panindigan na pogi ako kasi hindi naman tayo panget kasi alam kong kahit ganito ako, merong mga nilalang na nagkakagusto sakin. Meron namang mga taong natitipuhan ako. Siguro ikaw, gusto mo ko, di mo lang maamin, Sige na wag ka na mahiya, aminin mo na. 

Kaya lang dahil nga low-profile pogi lang tayo, pati ang mga nagkakagusto sakin, low profile din. Mga tipong, hindi mo lilingunin kahit ma stiff neck ka kapag nakasalubong mo sa kalsada. 

Ano nga ba ang Low Profile pogi?

Ang Low-Profile Pogi ay hindi tulad ng ibang pogi na naka-ukit ang panga, naka-tuck-in lagi ang polo, o may pangalang “thirdy” o “miggy.” Kami 'yung tipong:

- Tahimik lang, pero may dating.

- Hindi mahilig sa selfie, pero may tagong album ang mga kaibigan naming girls na candid pics namin.

- Hindi nagpapakyut. Kasi wala nang kailangang dagdag eh. Charot.

- Laging naka-jacket kahit mainit. Mysterious daw sabi ng mga taga-kanto.

- Hindi mo akalaing marunong tumula o magsulat ng isang kwento pero kapag nag-message ng “Ingat ka ha,” may kasamang kilig. Lol!

Ano ba ang mga Katangian naming mga Low Profile Pogi?

1. Pogi na Walang Alam na Pogi Siya

"Ha? Ako? Hindi ah."—classic line ng low-profile pogi habang may limang babaeng naglalaban sa comment section ng status niya na “Masarap ang Vinegar Pusit.”

2. May Malalim na Boses pero mabait sa Nanay

“Yes po, Nay.” Boom. Kahit mga tropa mong lalaki napa-“Sana all”.

3. Minsan Lang Mag-post, Pero Magulo Timeline ng Girls sa Comments

“Grabe, ibang level ‘to.”

“Nagka-post siya!!!”

(Samantalang ang caption lang niya: “Lumindol.”)

4. Laging May Pa-Mysterious Aura

'Di mo alam kung heartbroken siya, may hidden talent, o may secret mission sa Earth. Basta ang alam mo, gusto mong malaman pa.

5. Hindi Laging Present, Pero Kapag Dumating, May Pa-slo-mo sa hangin

Parang bida sa indie film. Mabagal ang kilos pero sleek. May finesse tumusok ng fish balls sa kanto. Hindi nagsasalita kapag nagbayad iaaabot niya lang yung pera kay manong dahil bukod sa kaguwapuhan honest siya sa mga nakuha niyang fishballs. 

Ang pagiging Low-Profile Pogi ay hindi about sa porma o pasikat. Ito ay tungkol sa aura, simplicity, at ‘yung power ng tahimik pero may impact at katalinuha, Hindi mo kami mapapansin agad, pero kapag nakita mo na… ay, babalikan mo sa isip kahit ‘di mo pa alam pangalan namin.

Kaya sa lahat ng kapwa ko low-profile pogi diyan…

Tahimik lang tayo. Pero deadly. 😎

Linggo, Hulyo 6, 2025

Sa Aking Mga Ngiti

 


Kung akala niyo cheesy post itong susunod na kwento ay nagkakamali kayo bigtime. Gusto ko lamang magsulat muli kung ano man ang aking naisipan ngayon. Alam kong may mga bagay sa atin na pinalalabas ang ating mga ipin at pinaaandar ang ating zygomaticus major, ang muscle na responsable para tayo ay ngumiti. Ano nga ba ang mga bagay na nakakapagpasaya sayo para ikaw ay ngumiti at makita ang mala-closer you and I na nag-iisparkle na iyong mga ngipin. Ito ang aking listahan. Sabihin natin na ang listahan na ito ay noond hindi pa ko nakakulong sa bahay dahil hindi pa ako nagkakasakit muli. 

1. MY DOG KREMA LAY HER HEAD ON MY PILLOW/ TRUST FALLS

Yes, I have never been so happy every time my dog does this like a human. When I lay down in bed and put my head on the pillow, there were times that she would lie beside me, also lying down her head on my pillow, just like she wanted to share my pillow. That put a smile on my face, and the trust falls. Sometimes she does the trust fall and drops his body on my chest. She will turn around and put her head on my chest while staring at me.

2. WHEN SOMEONE LIKES OR COMMENTS ON MY BLOG POST

Of course sino ba naman ang hindi mapapangiti kung nakakuha ka ng interaction sa pagsusulat mo lalo na kung sinabi nilang nagustuhan nila ang mga sinusulat mo. Mas masaya kung sila mismo ang nag message sayo na maganda yung pagkakasulat at napatawa mo sila. May mga nagsasabi rin sa akin na "Im a fan", fan sila ng aking munting blogosperyo. That injects me a lot of Dopamine in my body. Sobrang saya ko sa mga appreciation na natatanggap ng blog site na to. 

3. BIKE RIDES

It gives me freedom. All my bike rides were the best mapahirap man o madali ang pagpadyak, it always gives enjoyment to the soul, and the body. Yung gigising ka ng umaga, and you're preparing for rides, and you're fixing your bike bags and installing your speakers for music during the ride, it gives me a smile on my face and excitement for the coming adventure. Yung feeling na tumatama yung breeze ng lamig sa umaga at aabutan ka ng soft rays of the sun touching your face in the morning, while you're touring the MOA Seaside, was the best. That moment when you lock your bike to eat either at Jollibee or KFC, parang may kotse kang naka-park na hinihintay ka. Simple joys!

4. STRAY FEEDING

The smile on this day went up to reached my ears. Ganyan ako kasaya kapag nagpapakain ng mga asong inabandona sa lansangan. Yung makita ka nila na nasa malayo ka pa tumatakbo na sila para salubungin ka. Feeling ko na parang Pied Pier of Hamelin ako pero mga aso ang mga nakasunod sa akin para ibigay sa kanila ang adobo nilang pagkain sa food drop. Alam na kasi nila yung puwesto kung saan ako namimigay. I feed them every Monday, palagi yan at walang mintis, umulan man o matindi ang init ng araw. Namimiss ko na sila. 

5. WRESTLING SHOWS

Yes, I like wrestling so much, and the dramas behind every storyline. Kahit alam kong scripted natutuwa ako sa mga ganitong palabas. Since I was a kid, I have been a wrestling fan. Simula pa lang na uso pa ang rentak ng VHS ay nakakapanood at nakakapagrenta na kami ng WWF/WWE wrestling shows. Lalo ngayon kasi mas dumami pa ang wrestling promotions, the more the merrier. 

6. NOSTALGIC POST

Call me an old soul, but I'm really happy, and you can make me smile once I reach a post about nostalgia. Everything about 80s or 90s or something na may makakapag-paalala sa aking ng post na yun mapa-laruan man, or an object that can be used in the house, or something like an old brand that doesn't exist today brings me interest in that post.

7. COKE

Yes, during those times na puwede pa ako uminom ng malamig na Coke na dadaan sa lalamunan mo makes me happy lalo na kung may crushed ice at isasabay mo sa ulam mo sa tanghalian is a good feeling. Pero now hindi na talaga ko umiinom ng kahit anong softdrinks dahil bawal na sa kalusugan ko. I really enjoy it nung puwede pa and I kinda say na proud ako sa sarili ko kasi natigilan ko yung parang addiction na rin na uminom ng softdrinks.

8. A DOG'S COLD NOSE

I know its weird but I really don't know why gustong-gusto ko halikan yung aso ko sa ilong lalo na kung malalamig ang ilong nila. Ang ilong ng mga aso ay parang controller sa Joysticks pero malamig. 

Bruno Mars & Lady Gaga - Die With A Smile

9. END NG TRABAHO

Well, sino ba naman ang hindi mapapangiti kapag nakapag log-out ka na sa trabaho para ka nang nakakawala sa koral di ba? Freedom after work makes us smile hindi lang ako, lalo na kung last day of the week at magrerest day ka na. For me, rest days noon means bike rides. Another journey and adventure awaits!

10. KAKORNIHAN

Napakadali kong mapatawa mukha lang akong intimidating sabi ng iba. Sa totoong buhay hindi ako magaling sa comedic timing. Yung mga joke ko sa kaibigan ko eh kadalasang napagkakamalang seryoso. Siguro kapag naging stand-up comedian ako wala kayong maririnig sa audience kundi tunog ng mga kuliglig, pero ang hilig kong makinig sa mga korni na jokes. Minsan nga dito sa Facebook ay madalas akong tambay sa Regal Films Entertainment page at nakakahalakhak sa mga clips ng mga lumang pelikula nila Dolphy, Babalu at TVJ. Tapos kung tumawa ako, parang hindi na sisikat ang buwan mamayang gabi. Kahit nakikipag-usap ako ng seryoso, pumasok lang sa isipan ko yung clip na napanood ko ay matatawa ako kaya napagkakamalang baliw ako ng kausap ko. Ganun ako kababaw. 

11. KUMAIN MAG ISA

Marahil sa iba kalungkutan ang kumain na mag-isa, sa akin ay hindi. Sa mga bike rides ko lagi ako kumakain mag isa buti nga at hindi ako napiktyuran ng kung sino man at ipost sa Facebook with a caption na "ang lungkot naman ni kuya, walang ka group ride at mag-isa lang kumakain". Hindi ko naman talaga hilig ang group rides. Simula't-sapul ay panay tayo solo rides. Ayaw ko kasi nang mabagalan sa akin sa pagba-bike. Baka at the end kasalanan ko pa. Mas maganda yung rides mo, oras mo. Yung wala kang maririnig sa kasama mo at especially yung ruta ko ang susundin ko at iwas talaga ko sa mga bikers na nambubudol. 

12. MAG ORGANIZED NG MGA KAGAMITAN

Alam ko hindi lahat ng kalalakihan ay hilig ang mag organized ng kanilang mga kagamitan. Kahit noon pa man mahilig akong maglinis ng kuwarto ko at mag organized ng gamit like my CD collections, magazines etc.. Ugali ko rin na mag urong-urong ng mga gamit, yung tipong weekly ibang style kung saan ipupuwesto ang kama, ang kabinet, ang lamesa. Nasisiyahan ako kapag laging bagong itsura ng kuwarto at sabihin na rin na mahilig tayo sa mga abubot pero nilalagay natin sila sa maayos na lugar. Maaabubot ako pero hindi makalat. 

13. MAGPIGIL NG TAE

Eto mas weird pero mas enjoyable naman talaga magpigil ng tae. May naisulat na rin ako niyan dito sa Ubas na may Cyanide tungkol sa pagpipigil ng tae. Habang nagpipigil ka kasi mas marami akong thoughts na naiisip, mas maraming pumapasok na ideas sa isipan mo habang nakatingin at nakatayo ako sa aming bintana. Kapag hindi na talaga mapigil tsaka natin ibubhos ang sama ng loob sa trono. 

14. CHRISTMAS DAY

As a child who grew up in the 90s, wala nang sasaya sa pagsapit ng Pasko. Kahit nung tumanda na ay nag uumapaw pa rin ang kagalakan lalo na kapag naaalala ang childhood Christmas past. Hindi man nakakatanggap ng regalo tuwing Pasko kasi tayo naman yung nagbibigay sa mga nangangailangan. Masaya ako kasi nung nakakapag bisikleta pa tayo ay namimigay ako ng pagkain, laruan at candy sa mga bata at eksaktong Christmas Day naman ay nagpapakain naman tayo ng mga stray dogs sa kalsada at espesyal at mas maraming portion ang binibigay ko sa kanila sa espesyal na araw na ito. 

15. BIRTHDAY GREETINGS

Sobrang naaappreciate ko talaga yung mga bumibisita sa profile page mo para bumati sayo ng Happy Birthday.Aminin natin na busy ang buhay pero nakadaan sila sa profile mo para bumati kahit sa direct message. Isa yan sa mga nagpapangiti sa atin. 

16. MAHABANG TULOG

Aminado ako na simula nang bumalik ag sakit ko ay nagkulang na naman ako sa ganito. Yung kumpletong 8 to 9 hours ng tulog kalahati na lang ang nagagawa ko diyan. Sobrang ganda ng araw ko kapag may ganitong tulog ako noon. Hays sana nga lang talaga ay gumaling na ako ulit at makahimbing na ulit ng tulog. 

Lahat ng yan ay mga simpleng bagay lang pero ang importante ay yung nasisiyahan tayo sa mga simpleng bagay na yun lalo na ngayon na sobrang dami ng problema na ating pinagdaraanan. Bagamat ganun nga ang sistema, hanapin mo pa in yung mga bagay na makakapag-pangiti sayo dahil yun ang importante para mabuhay ang isang nilalang, ang maging masaya bukod sa dami ng problema.

Huwebes, Hulyo 3, 2025

Blogging Life Cycle

 

11 years of writing. 498 blog posts, 41 still on drafts, 715 page followers... still under-appreciated by personal friends:  (

Nagsimula akong magsulat bandang 2014 ng Marso, kainitang summer sa Pilipinas. Katatapos lamang magresign bilang guro sa kolehiyo. Halos pitong taon din akong nagturo at nakapag-pagraduate ng mga estudyante sa loob ng pitong taon. Sa totoo lang hindi ko talaga inaasahan na magiging teacher ako sa kolehiyo ni hindi nga ako makapagsalita ng marami sa tuwing may kausap ako kahit sa telepono, pero ganun talaga ang buhay di ba? Maraming sorpresa. Pero papatapos ang 2013 ay nakapag desisyon na ako na magresign sa pagiging teacher sa kolehiyo dahil na rin sa stress. Sa totoo lang, nakakaubos talaga ng enerhiya ang maging guro, hindi ka mauubusan ng gagawin at siguradong walang petiks time. Bukod pa sa pagtuturo ako rin ang taga-gawa noon ng mga marketing materials kapag enrollment period. Design dito, design doon ng tarpaulin. Halos umaabot kami ng alas-diyes hanggang alas onse ng gabi dahil medyo sabihin natin na kupal din ang aming CEO ng eskuwelahan. Darating siya ng alas-singko ng hapon kung kailan papauwi na ang mga empleyado tsaka siya magpapameeting or kung walang meeting ay nakasanayan na naming mahiya dahil kararating lang niya at kung babanatan mo ng uwi ay nakakadyahe rin naman di ba? May mga nocturnal person nga daw talaga pero siyempre nagtrabaho na buong maghapon tsaka mo lang maipapacheck sa kanya yung progress ng ginagawa mong campaign materials para sa marketing period. Kapag napa-check mo may mga revisions siya at gagawin mo rin that moment. Bukod pa dun ako rin ang computer laboratory manager kaya yung mga aksidenteng nasisira na mga computer units ay ako rin ang magto-troubleshoot. Minsan DJ ka rin sa mga school activities lalo na kung may mga performance numbers. Hindi ko nga alam kung bakit ako nakaabot ng pitong taong impiyerno sa eskuwelahan, bukod pa sa walang bayad ang mga overtime. Hanggang sa makapagresign na nga ay gumaan ang buhay ko nang makahanap ng bagong trabaho sa BPO. A whole new world ika nga sa Aladdin, a new fantastic point of view. It's true, dito hindi ako pagod. Nakakauwi agad ako sa oras ng uwian. Ang challenge lang, gabi ang pasok at doble ang lamig ng aircon kaya minsan balot na balot ang buo kong katawan kapag nasa floor. At dahil marami akong oras at nakahinga ng maluwang ay dito ako unang natutong mag-blog at makagawa ng sariling blogosperyo, ang Ubas na may Cyanide. 

Pero kagaya ng lahat ng bagay, ang lahat ay may katapusan at pagwawakas. Minsan nagsusulat lang ako kung nasa mood, kung may nakita akong kaaya-aya sa Internet at itoy gagawaan ko ng post, kapag may nabasang piyesa na nakakainggit ay gagawa ako ng sarili kong bersiyon. Ang paguumpisa sa blogging ay may mga stages. Dito ishashare ko kung paano ako nagsimulang magsulat at kung ano nga ba ang life cycle ng isang blogsite at ng blogger. Pag-usapan natin. 

Stereophonics - Mr. Writer

STAGE 1: EXPLORATION

Nag umpisa talaga sa pagiging bored simula nang mawala na rin ang mga online friends ko sa Yahoo Messenger at maglaho ang aming entertaining room ng mga pa-trivia games sa Camfrog. Naghanap ako ng bagong kasiyahan. Basa-basa lang muna sa google ng mga kwento. Mga kwentong bastos, nakakatawa, nakakalungkot, nakakatakot at bingo may nakita akong web page sa Multiply na nagpopost about nostalgia. Dito ko naisip na kaya ko rin gawin ang mga kwento niya lalo na at fresh pa sa isip ko ang mga kaganapan sa dekada nobenta. Natawa. Naaliw. Nainggit. Nagsulat. 

STAGE 2: FORMATION

Namili kung sa letrang B ba as Blogger o sa letrang W as Wordpress. Nag-isip ng cool na title. Dineseyuhan ang blog. Nagsulat ng unang post. Naghintay ng may magbabasa. WALA. Nag bloghop sa mga nababasang ibang blog site. Nagkumento. Nagmensahe sa chatbox sa gilid ng blog. Nag follow ng ibang bloggers sa bird app, Facebook at anumang social media. Gumawa ng Facebook page para sa nilikhang website blog. Nag request na ifollow ang page at bisitahin ang website. Nag request sa mga batikang blogger ng "link exchange" o "follow me and I'll follow back". Nakareceive ng unang follower at unang commenter. 

STAGE 3: ENCHANTMENT

Nagalak ang puso sa unang kumento. Adrenaline rush. Nagsulat ulit. Ngayon mas kontrobersyal para maging interesado ang maliligaw. Nagkuwento kung ano ang mga dahilan kung bakit tayo iniiwan ng mga mahal natin, kung importante ba ang malaking pututoy at pinaalam ang estado ng buhay ng mga Pilipino noong nagkaroon ng Martial Law sa ilalim ng pamumuno ni Ferdinand Marcos Sr. Nadagdagan ng commenters at followers. Sumunod sa mas maraming pang blog. Natutong magsulat ng mas madalas. 

STAGE 4: GAIN PROMINENCE

Araw-araw nang nagsusulat para araw-araw din may nagong commenters at followers. Naadik sa kaka-refresh ng homepage, lalo na kapag mainit-init pa ang post at kaka-publish lang. Naglagay ng kung anu-anong abubot sa paligid ng blog. Naglagay ng music sa blog. Naglagay ng themesong sa bawat kwento sa blog post para mas nakakaaliw basahin ang isang kwento. Naglagay ng stat counter. Naglagay ng flag counter kung may bumibisita bang foreign countries sa website. Meron! Marami baka kako mga Pinoy din sa ibang bansa. Naging mas mapangahas sa mga sinusulat na post pero kadalasan ay mga post na mapapahalakhak ka. 

STAGE 5: A PIECE OF FAME

Nagkaroon ng sariling pakulo sa kanyang blog. Pinaghanap ang mga readers ng kasagutan sa mga tanong na ang sagot ay makikita lamang sa mga blog post na isinulat para ma-force silang basahin ang mga kwento. Load ang premyo. Nag post ng mga tanong sa Facebook page ng hindi nila alam kung anong oras ko ipopost para lagi silang nakatuon sa aking Facebook page. Ang unang mag comment ng tamang sagot ay siyang mananalo ng 50 pesos na load. Napansin ng researcher ng GMA 7 na si Kent Ugalde ang isang blog post ng katatakutan tungkol sa Halloween at tinanong kung puwede nilang mai-share ang post sa kanilang Halloween Specials. 

STAGE 6: THEREAFTER

Nagkasakit. Di inaasahang sakit dulot ng pagpupuyat sa trabaho. Hindi kinayanan ang stress sa BPO. Natigil sa pagsusulat noong 2018. Naoperahan ng 2019. Nakabalik sa pagsusulat at nakagawa ng halos 50 post writings. Nawili sa pagbibisikleta at kumonti ang pagsusulat. Mas nawili sa pagbibiseklta mula 2020 hanggang 2023. 

STAGE 7: IS IT THE END?

Bumalik ang dating sakit at nagkaroon uli ng mga bara sa ugat ang puso. Bumalik sa blog dahil napirmi sa bahay. Inaaliw ang sarili habang naghihintay muli ng pangalawang operasyon pero walang kasiguraduhan. Nakalikha muli ng 50 blog post writing simula ng Marso hanggang kasalukuyan nang magkaroon muli ng interes sa pagsusulat. Nahack ang lumang Facebook at nawala ang page ng marami-rami na ang followers. Gumawa ulit ng Facebook page pero mukhang wala ng panahon at interes ang mga datingkaibigan at mambabasa. Kailangang maglibang habang walang kasiguraduhan sa buhay. Pero isa lang ang sigurado ang blogging ay parang printer machine na may end life cycle. 

Gusto ko lang magsulat hanggang sa katapusan. ✍️💀

Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...