Menu

Biyernes, Disyembre 12, 2025

Why No One Wants to Read Anymore — And Why Reading Books and Blogs Is Still Fun

 

Sa panahong punô ng notifications, short videos, at walang katapusang pag-scroll, tila unti-unting nawawala ang interes ng marami sa pagbabasa ng libro at blog. Sanay na tayo sa instant entertainment—isang swipe lang, may aliw na agad. Kaya bakit pa magbabasa ng mahabang artikulo kung puwede namang mapanood sa loob ng ilang segundo? 

Another reason kaya siguro wala na gaanong nagbabasa ay dahil sa time pressure. Many people feel tired after work or school, choosing passive entertainment over active reading. Reading requires focus, imagination, and mental energy—things that feel scarce in a fast-paced digital life.Napalitan na ng mabilisang aliw ang mga tao dahil mas nakakatanggal pagod na nga naman ang may mapapanood ka kumpara sa mga impormasyong babasahin mo pa. 

There’s also the illusion of information overload. Because content is everywhere, people assume they already know enough. Headlines replace deep understanding, and summaries replace thoughtful reflection.

Pero sa kabila ng lahat ng ito, nananatiling makabuluhan at masaya ang pagbabasa. Ang libro ay nagbibigay ng pagkakataong bumagal, mag-isip, at pumasok sa ibang mundo. Hindi ito minamadali—ikaw ang may kontrol sa oras at takbo ng kwento at nagiiwan din ito ng excitement dahil dito walang spoiler. Kung ano yung iniwan mong nabasa ay magmimistulang yun lang din ang kwento sa isip mo at kung maganda ang kwento ay babalikan mo ito dahil gusto mong malaman ang katapusan. Yung tahimik on your own private space, yung walang alinlangan na mabubunyag ang kwento sayo. 

Ang mga blog naman ay parang personal na kwentuhan. May boses, may damdamin, at may karanasang totoo. Hindi perpekto, pero totoo—at doon nagiging relatable.

Ang pagbabasa ay nagpapalawak ng imahinasyon, empatiya, at kakayahang mag-isip nang malalim. Ikaw ang bumubuo ng eksena sa iyong isip. Hindi ka lang tagapanood—isa kang kalahok.

As a writer, I have also been deeply inspired by the books I’ve read and by other writers. Their words push me to write—not just for myself, but for my readers. Reading fuels writing, and writing keeps reading alive.

Higit sa lahat, ang pagbabasa ay isang tahimik na anyo ng paglaban. Sa mundong maingay at nagmamadali, ang pagpili na magbasa ay pagpili ng lalim, katahimikan, at tunay na kahulugan.

"Reading is not dying—it is waiting for those who still choose to listen." Ang pagbabasa ay hindi nawawala—hinihintay lang nito ang mga handang huminto at makinig.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento