Pages

Biyernes, Oktubre 31, 2014

Halo-Halloween Kuwentuhan Special (Koleksiyon of Iskeri Stories) Part 1

'Famous Ghost photos: A woman sitting on a tombstone.' Picture credits from Bachelors Grove Cemetery.
Magandang hatinggabi! At Happy Halloween sa lahat ng tagasubaybay ng Ubas na may Cyanide. So? nakapag selfie ka na ba sa mga nitso sa sementeryong napuntahan mo at nagcaption ka na ba sa picture na yun na "so scaryyyyy". Naman ugali na yan ng mga ilan nating kababayan. Tatanggi ka pa? Eh kahit nga yung simpleng sugat gawa ng nadaanan ng talim ng kutsilyo ang daliri eh ipopost pa sa Facebook, parang ipinagsigawan mo na rin kasi yung katangahan mo. Anyway, kamusta naman ang araw niyo, nakapagpiknik na ba kayo kanina at nag bingo sa mga nitso ng inyong mga mahal sa buhay? Naging masaya ba naman ang parang fiesta ng mga buhay sa tahimik na lugar ng mga patay? 

Sa ganitong panahon, di maiiwasan ang mga kwentong kakatakutan, mga pag-aalala sa mga ekspiryensyang hindi makakalimutan dala ng mga tinatawag nating "supernaturals", mga bagay na hindi maalis sa ating isip dahil hindi pangkaraniwan. Ano nga ba talaga ang nasa dako pa roon? Halina't tuklasin ang mga nakakapanindig balahibong mga kwentong ating nilakap para sa inyong mga mambabasa. Ito ang ilang mga kuwentong hatid ng ating mga kababayan na nakaramdam ng mga bagay na di pangkaraniwan sa mundong ating ginagalawan.

"Nangyari to nung 3rd Year HS palang ako. Kasama ko mga kabarkada ko ( 3 kami). Gabi na yun at halos kakatapos lang ng event sa school namin kung san part kame ng nagaayos ng mga sound system etc(for dagdag grades pero di compulsory). 2008 ata yun, napagkasunduan namin magkakaibigan na mag.ghost hunt sa school namin kasi may balita na may multo daw sa second floor ng HS building namin sa CR ng girls. Nung mga oras na yun bawal na ang umakyat kasi madilim na nga pero nakatsempo kami na wala yung guard na nagbabantay kaya nakasalisi kami sa taas. Tapos bago kami pumasok ng CR yung dalawa kong kasama nagOn ng Video Recorder ng Cp niya yung kaibigan ko. Pumasok silang 2 sa cr tapos ako ang look out sa labas kung sakali na dumating bigla yung guard. Habang nasa loob ang mga kaibigan ko may naririnig silang umiiyak sa huling cubicle ng cr, habang nasa loob sila may narinig akong malakas na sigaw ng babae, nagulat ako kasi alam ko impossibleng may ibang tao na dun kasi 7pm na yun at yung hagdan na dinaanan namin nlang ang hindi nakalock. Paglabas ng mga kaibigan ko sa labas tinanong ko yung isa kung may narinig silang sumigaw kasi nasa bandang pintuan lang siya di siya pumasok gang sa loob ng c.r, sabi niya wala daw siyang narinig. Pagtapos nun bumaba na kami ng building na yun para icheck yung videos na kinunan ng kaibigan ko. May video siya sa labas at loob ng cr(magkahiwalay na file). Pagkacheck namin hindi na namin makita yung video na nakunan niya sa loob ng cr."
-ALLEN ACLAO/Cainta, Rizal


"May anak nko lahat lahat dko makalimutan itong karanasan na 2, nang yare e2 nung 2001 sa tagaytay grupo kmi ng mag bbrkada mga nasa 15 kame nasa isang van kame at isa sa amin ay may bday kaya naisipan namin na mag inom sa bundok kung saan kita ang buong tagaytay, at pag katapos nag iinom kami at kada tapos ng isang bote ay binabato namin pababa ng bundok. at khit anong ingay namin at gulo ay walang sumisita sa amin kaya p2loy pdin kame sa inuman at nang tumagal na 5 na lng kami ang natira at ang iba ay 2log na sa loob ng ban sa kalasingan at nkasarado pa ang pinto. yung isa naming ksma ay sumusuka na sa gilid at biglang tumakbo sa amin sabay ang sabe may bumato daw sa kanya, kaya dali kming rumesback! sabay sigaw namin mga PI kayo lumabas kyo dyan! ng malaman nyo! maya maya wlang sumagot nang nag lalakad na kame pabalik sa inuman namin ay biglang umulan ng mga bato at d namin alam kung san nang ggling!!! sabay katok sa may ban at nag maamdaling pumasok at sabay may bumatong npkalaking bato sa ban at kumalabog at ngsing mga nasa loob ng van sabay sabe namin ! " PARE NA EENKANTO TAYO!!!!" alis na kme bgla at iniwan nnmin mga inumin namin! mrami kaming nkasaksi nun! kya naniwala kame na d dapat sila naggmbala. . . nasa paligid lng natin sila!... SANA NGING ARAL AT NSIYAHAN KYO..."
-MJ TORIO/Pasay City


"I was working sa call center nito. So umuuwi ako ng 10am. Di ako nakakatulog agad normally 2pm ako dinadapuan ng antok. Isa lang kwarto sa bahay namen dati. Apartment type kasi kami nakatira nun. For better description after ng main door na may katabing bintana konting sala na at bedroom door na. So yun. That afternoon umalis pamilya ko di ko matandaan san sila nagpunta. So ako lang magisa sa bahay. So nilock ko na yung main door since may susi naman sila mama. Sinarado ko na din yung bedroom door at ready to sleep na. Naalala ko nag ffb pa ko nun bago ko tuluyang matulog narinig kong bumukas yung main door (so akala ko sila mama dumating na) tapos binuksan yung bedroom door (akala ko sinisilip lang ako kung tulog na ko.) i even saw yung anino nya since hapon pa lang yun at pagbukas mo ng pinto ng kwarto ay talagang magliliwanag yung kwarto. Then narinig ko yung yapak na pumasok sa kwarto. Kinilabutan ako di ko alam kung bakit. Then naramdaman ko na pumatong sya sa kama (nakatalikod ako nun nakaharap ako sa pader) then sinilip nya ko. Ang nakita ko lang ay yung noo nya at yung mahabang buhok. Sobrang puti ng noo nya parang tshirt na puti. Pero alam ko na hindi tao yung sumilip sakin. Nung nakita ko yung noo nya. Nagsimula akong magdasal. Di pa natatapos yung dasal ko. Bigla syang tumalon mula sa kama at palabas ng kwarto. I specifically heard yung tunog ng paa ng kabayo, pero patakbo. Next thing i heard balibag ng pinto. At bumalibag din yung main door. After that tumayo ako at binuksan ko yung pinto ng kwarto. walang tao sa loob ng bahay. Then binuksan ko yung main door wala din tao sa labas mg apartment. Sobrang takot na takot ako. Umalis ako ng bahay. At hinintay sila mama sa labas ng apartment. This is one of my scariest experiences. Happy Halloween."
-BRYAN MAY RAMIREZ AVELLANA


"Monday night naka duty ako sa rescue, sa hindi inaasahan, may tawag kami sa isang lugar dito sa Ilagan, Isabela, isang VA (Vehicular Accident) involving a motorcycle with two riders, the passenger was able to walk, the driver ia critical with a head trauma, we rushed him to the hospital, at the emergency room the doctor said he was critical. We did our best though. After namin siya mai endorse, we went back to base, two of us EMS went for a night's roving duty with our same ambulance that made that emergency run. Then my buddy and I had a little chat about our patient earlier. A couple of minutes later the door at the rear entry of the ambulance suddenly opened. We're sure that those doors were locked, and it is a perfectly good door. I told my buddy that our rear hatch doors were open, then we noticed that we are right in front of the citu cemetery, that brought the creeps out of us. I told my buddy to lock it again. Pero grabe kung tayuan kami ng balahibo. I don't what happened to our patient later that night, I do hope he is ok, but what happened there in our ambulance is pretty scary. Minsan naman our ambulance just suddenly turn its lights on without someone hitting the switch. Well, ambulance, I suppose you know what to expect."
-WARREN CABRERA


"I will share my experience about sa dopelganger na nandito po sa Hotel benilde na pinapasukan ko ngayon. sa may 2nd flr. meron doong cr sa dulo. medyo meron akng mabigat na nraramdaman at prang lumalaki ang ulo ko, madilim yung hallway at may isang ilaw na parang mapupundi na kasi patay sindi, sobrang tahimik pa yung tipong mabibingi ka sa katahimikan. minsan nung nag cr. ako, nag flush mag isa yung toilet bowl pero hinayaan ko lang kasi palabas na ako. tpos 2nd time sa may elevator sa pantry sa may 2nd flr. may bata na nag lalaro papasok lalabas sa elevator akala ko guest na nka check-in sinabhan ko pa na wag mag laro dito kasi service elevator ito. yun pala ang sabi nila walang nka check in sa 2nd flr. kasi wala naman yung mga guest room doon. then on the other day nasa cr ako sa 2nd flr ulit. isa lang ksi yung banyo doon na pwedeng dumihan. sinilip ko ung sa ibaba na may uwang kasi nkasarado. pag silip ko may bata na nakatingin sa akin tapos ang tanong nya saakin. "Nakikita mo ko?" sbay sumigaw sya. nagulat ako at npatakbo sa sobrang taranta. nag halo halo na yung emotion na nraramdaman ko."
-AARON RAFAEL DELA PEÑA

"This story happened when i was 7 years old. right after my fathers interment, our house is under construction so that we couldnt sleep at the floor so that we slept at the wooden table made by my uncle.

Around 1 to 2am in the morning im weirdly awake So weird, because i never awake as early as 1am in the morning, then suddenly i saw a man sitting in a laundry chair, he's looking at the other side of the house, i feel my whole body is paralized im so scared, so shocked ... that's my father!! i hide myself with my blanket, a minutes ago i look up again at the direction where he is sitting but theres no one there aside from the laundry chair.

I tell my mom what happened last night she said that my father is trying to say goodbye to me, because im his favorite child back when he is alive."
DALE BORJA JR.


"Isang gabi sa aming tindahan natatandaan ko maghahatinggabi na nun.magsasara na kami ng my lumapit na mama ky tata.naka sumbrero sya tapos mhaba ang damit nya na parang suot ng mga karaniwang detective sa pelikula.sabi nya manong pwede pong pasindi ng sigarilyo.inabot ko ky tatay yung lighter at sinindihan ni tatay.laking gulat namin kasi ang kanyang mukha ay parang tinagpi tagping balat ng tao.nanindig ang balahibo namin ng tatay at hnd kmi makagalaw na tila nahipnotized kmi.at minasdan namin habang papalayu sya yung paa nya hindi nakaapak sa lupa kundi sya lumulutang.d namin inaasahan na ang inakala naming ordinaryong taong ito ay isa pa lng d pangkaraniwang nilalang."
-MARVIN ADVINCULA


"Elementary po ako nun, nakikitulog kami sa kwarto ng lola naming may sakit. Ako, ung ate ko at ung katulong nila, sa sahig lahat kami, tapos may maliit na kama, dun natutulog yun lola naming may sakit, may sugat sya sa lower spine nya sa likod na hnd nag dadry, hnd sya gumagaling, 
So that night is simbang gabi second night, yung katulong nila ang kasama namin ni ate mag simbang gabi kaya dun kami nakikitulog. Normal night lang kaya bukas alng ang mga bintana, although may screen din kahit papano. Around 7 pm yun nang natulog kami. Tahimik na ang lahat ng magising ako kasi malamig masyado, ber month na ei, chineck ko yung oras sa cp alas 11 palang, kala ko simbang gabi na, hnd ko muna sila ginising, nakita ko yung kumot, hawak ng kapatid ko, so kinukuha ko, habang nag aagawan kami napatingin ako sa bintana. May pair of red small eyes na nakatingin saakin, eh half asleep pa ako kaya hnd ko nagets agad? Nakipagtitigan ako? May papikit pikit pa ako kasi malabo pa mata ko at kakagising lang. Lumapit ako para makita ko ng mas maayos yung red dots. As in naka dikit na yun mukha ko sa screen ng bintana, d ko parin ma gets. Tapos maya maya umusog yung mata, nakatingin na sya ngayun sa lola ko, tapos nag blink sya, dun nako napaatras sa bintana, hinaltak ko yung kumot sa ate ko tapos nagtalukbong ako, tapos pray lang ako ng pray, hnd nako nakatulong hanggang mag sisimbang gabi na."
-JONN MARVY OCBIAN SANTA MARIA 


"Nag ddrive ako ng tricycle nung gabing yun, nang may nakita akong nakasakay sa tricycle ko, itim lang as in parang nakaitim, ganon, wala naman ako pasahero, pero that time nag tapang tapangan ako at hindi ko nalang pinansin, pero syempre may nerbyos dn, binilisan ko ang takbo. Pag uwi ko Samin kinwento ko agad kila mama at sa tita ko mga arround 11pm na yun. Kinabukasan pumunta yungbtito ko sa bahay namin at sinabi niya patay na daw lola ko(tita ng daddy ko) ayun nag katinginan an kami 3 ng mama ko at ng tita ko. Sabi nila ayun na daw yung nakita ko nung gabi. Haha katakot! Tumatayo balahibo ko!"
-ANGEL BELDA


"Nung kadate ko shota ko sa mai tabing dagat na tabi ay sementeryo . pauwi na ako nung nakita ko ang babae na suot2 ang damit ng gf ko .. tinawag ku yung babae peo hindi sya lumingon . biglang mai boses akong narinig na ang sabi ay takbo .. binaliktad ko agad ang damit ko sa lakad ng mabilis . di ako tumakbo baka kasi pinagtitripan lang ako .. nung malapit na ako sa boarding house ee narinig ko nanaman ang salitang takbo kaya di ko napigilang tumakbo."
-DHOJIE ARAY


"Nangyari to nung bata pa kami.. naglalaro kasi tagutaguan. medyo maliwanag pa nun pero pagabi na i think.. so sa isang bahay na walang tao kami nagtago, nasa iisang corner kami like a V style corner, ako ang nasa pinakasulok ng corner, then may kumagat sa akin, mga 9y/o ako nun, imagine maliit pa ako nun and yet ang bite mark sa gilid ko is naliit din, naramdaman ko talaga ang ngipin and umiyak talaga ako, then we found out na yung bahay na pinagtaguan namin is dati daw bahay ng said to be " aswang" .. i dont know if its true.. bata pa kasi kami.. ayun lang. feeling ko dwende ang kumagat sakin nun."
-MARK ANTHONY PASTRANA


"Noong sa elementary pa ako ang bahay namin ay tabi ng sementeryo syempre bata pa ako at wala akong kaalam alam sa mga ganun. Isang araw gabi mga 9 pm pumunta kami ng mama ko sa bahay ng tita ko kapit bahay lng namin sila pero malayo layp kunti nag patulong ako gumawa ng Assignment kaya sinamahan ako ni mama, natapos na ang mga assignment ko mga bandang 10 pm dumaan kami sa sementryo kung saan may nakita kami naka upo at nag sisigarilyo di makita yung mukha niya kaya akala ni mama si Tito lng un pero napansin niya kahit malapit na kami kunti di makita yung mukha tapos naka damit pambabae ito nag taka ako bat tinapunan ni mama ng libro kasama mga assignments ko pero parang di siya natamaan sabi ni Mama si Lola daw yun nanginginig siya tanong ko eh si Lola naman pala un eh bat ka tumakbo. Anak patay na ang lola mo. Nagulat ako at nag simulang tumayo ang balahibo ko. Mga 12 midnight na di ako makatulog kasi may nag dridribol pa ng bola sa labas pero nakakapag tataka bat ganitong oras nag lalaro nag silip ako sa bintana gumolong yung bola papunta sa Tindahan sa tabi ng Sementeryo. Kaya kinuha ko agad yung kumot at binalot ko sa katawan ko. Pag kainomagahan binlikan namin ni mama yung libro sa sementryo mga madaling araw kasi kailangan ko un pero pag tingin namin Punit punit na yung libro. Hanggang ngun nag tatanong ako ano kaya o sino ang pumunit nun kasi maaga kami pumunta at wala pang tao sa sementryo So Creepy."
-EZEKIEL JOSHUA MARTIN


"Nakatambay kami sa bahay ng tropa ko mga 8pm na ng gabi, 6 kme tapos pumasok ung may ari ng bahay yung isa namin tropa gusto makiinom kaya sumunod ito bago nya mabuksan ang pinto bigla syang bumalik sa kanyang upuan at nanginginig at kami ay nag taka sabay tanong sakanya ano ng yare tol? Bat ka namumutla sabay sabi nya tol may dumaan na mabilis na bata sa harap ko at 1st di ako na niniwala at natawa pa ako at bigla akong may naramdaman at kusa akong napalingon sa likod na likod ng bahay ng tropa ko at pag tingin ko sa sira sira at lumang ihawan may batang maliit na nakasilip at tumatawa bigla ako naluha sa takot at nag aya ng uwian simula nun di na kami nakakatambay ng gabi! Sana nag enjoy kayo."
-JELO BOTOR


"Nangyari to dto mismo sa bahay nmin, 20 yrs old n ko ngaun nangyari un nung 17 plng ako. pumunta ko sa bahay ng pinsan ko na katabi lng nmn ng bahay nmin then nag c.r ako nung Mga panahong un d tlga ko naniniwala sa mga gnung bagay e un nga hbng nsa c.r ako ptpos n ko nun saktong nka tingin ako sa gripo umikot ng mabilis at bumukas ako nmn d ntkot ksi d ko p naisip pinatay ko si gripo at Lumabas n ng c.r nun at bumalik n ko kung nsan ung pinsan ko. eto ung sa tingin kong medyo ntakot ako kausap ko pinsan ko ng d ko sinasadyang mapatingin sa bahay nmin naglalakad sa loob tatay ko na my nka sunod sa knya n sa tingin ko babaeng nkalutang na nkasuot ng mahabang puting dmit sobrang puti at sa tingin ko nka yuko sya ung buhok nya tanda ko nsa harap tpos hnggng tuhod tinuro ko sa pinsan ko wala nmn daw pero ako nkkita ko e ang gnwa ko pinuntahan ko erpat ko pero pag lingon ko ulit wala n tinanung ko erpat ko kung my ksama b sya sabe nya wala. D tlga ko naniniwala pero nkita ko na e. D ko nlng sinabe. Isang araw lng nngyari yan at sa pagkakaalala ko mga 2pm plng ng hapon nun kaya kitang kita ko lahat."
-ROAN NATO


"Yung last retreat namin sa may silang mga 4 days kami dun bago umuwi sa kani kanilang bahay 2 beses ko to naramdaman at sobrang nakakakilabot kinaumagahan maayos ang lagay namin masaya kaming naglalaro ng basketball at iba pa nung nung bandang 6pm na dun na ako kinilabutan nakalaro ko ung mga tropa ko hanggang 8pm tapos nung pumunta na ako sa aming kwarto lahat sila nan dun na at nakabulagta na nagsawalang malay nalang ako at hinintay ko nalang mag umaga at tinanong ko sila kung san sila galing nung mga bandang 6pm ng hapon ang sabi nila nasa galaan daw silang lahat at hinahanap pala nila ako dun na ako sinimulang matakot para bang nawala ung pagkalalake ko ung time na un sa tingin ko pinag laruan ako ng engkanto O dwende ang sabi ko sa teacher namin na kung pwede na ba akong umuwi kasi di ko na kaya tumagal sa lugar na un na para bang may sumpa ung court na pinaglaruan namin!!! (Eto ung pangalawang araw) nagising ako ng 1am. ng madaling araw at sobrang init pawis na pawis ako di ko alam ang gagawin ko hindi ako mapakali para bang tanghaling tapat ang temperatura nung lagay na un ginigising ko ang isa kong kasama na samahan ako sa banyo at maliligo ako pero ayaw nya magising dahil sobrang himbing ng tulog nya nag desisyon ako na ako nalang mag isa ang manpunta dun at maligo mga 5 mins ako nasa banya kasi sobrang nagmamadali ako dahil kinikilabutan ako nung araw na un pagkatapos ko maligo nagpapalit na ako ng damit sa banyo edi nagulat nalang ako na may biglang pumasok sa banyo nag tanong ako sabi ko SINO YAN walang nasagot naka 4 na beses ako nagsalita nun pag labas ko ng pinto nagulat nalamang ako na merong nag shower sa tabi ng pinagluguan ko nag dalawang isip ako kakatukin ko ba o tatakbo nalang ako sa kwarto nalaglag ang tuwalya ko nun at napatingin sa ilalim nung makita ko na walang tao sa shower room lumambot ung binti ko gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa dahil sa sobrang takot sumigaw nalang ako at narinig ako ng isa kong ka room mate at tinulungan akong makapunta sa kwarto sabi ko sa kanya umalis na tayo dito pinaglalaruan tayo ng dwende o ano mang masamang elemento matapos nun mahigit isang linggo akong tulala at para bang binagsakan ng langit at lupa dahil sa nangyari!!!"
-DANIEL CRISOSTOMO

Huwebes, Oktubre 30, 2014

Araw ng mga Buhay?


'Yung totoo Araw ng mga Buhay o Araw ng mga Patay'
Teka...Anong petsa na ba? Ang alam ko lang sweldo ngayon eh dahil atrenta. Oktubre na pala at dalawang araw na lang Nobyembre na, at pagkatapos nuon Disyembre na, makakatikim na naman ako ng keso de bola at hamon. Pero alam mo ba na bawat Kapaskuhang nagdaraan ay duon natin maaalala ang mga mahal natin sa buhay bukod sa pagdiriwang ng Undas. Dahil sa Pasko mo mararamdaman na kulang na ang pamilya at mga kamag-anak. Ang kasiyahan sa Pasko ay napapalitan ng sandaling pagkalungkot dahil sa matatamis na alaala ng nakaraan nuong kasama pa natin ang ating mga minamahal. Pero ganun talaga unahan lang talaga yan, di mo alam kung kelan ka susukbitin ni Kamatayan, kaya dapat lagi tayong handa. 

Taon-taon sa tuwing sasapit ang November 1, (kung saan ay All Saints Day and not All Souls Day), lahat ng tao ay dumadagsa sa sementeryo maging nasa probinsiya man o Metro Manila. Sa ating mga Pilipino eto ay naging tradisyon na upang dalawin ang mga mahal natin sa buhay na namayapa na. Para sa ibang bansa naman, kung saan Halloween ang katawagan nila. Ito daw ay para sa mga kabataan sa pamamagitan ng pagsasaya sa tradisyon naman nilang "Trick or Treat" kung saan parang karoling na nagbabahay-bahay pero hindi kakanta. Nakasuot ang mga kabataan ng mga nakakatakot na mga maskara o kasuotan kakatok sa inyong mga pinto at magtatanong ng trick or treat? Mapa trick man o treat ang piliin mo ihanda mo na ang mga kendi o chocolotes na ibibigay sa kanila. O kung ayaw mo magbigay puwedeng ikaw ang manakot sa kanila para umalis sila sa tapat ng inyong bahay. 

Sa mga lumipas na taon, kapansin-pansin lang din na paunti na ng paunti ang mga dumadalaw sa puntod ng kanilang mga yumao. Eto ba ay dahil sa hirap ng buhay? dahil ba masyadong nakakatakot bumiyahe? O mas napaaga ang kanilang pagdalaw, o sa ibang araw sila dumadalaw dahil ayaw nilang sumabay sa kapal ng tao sa mga sementeryo.

Mapapansin mo rin na ang ibang dumadalaw ay para na lamang namamasyal sa parke at para lang silang nagpipicnic. Mayroon namang bagay na hindi nagbago. Eto yung mga naghahanap buhay sa araw na ito. Ang mga bulaklak na nagtaasan ang presyo, P100 o higit pa na parking fee, mga nagtitinda ng pagkain at kung anu-ano pa. Ang mga ganitong okasyon ay nagiging pagkakataon na lamang sa mga tao upang makapaganap-buhay. Oo makapaghanap-buhay sa araw ng mga patay! Cool!

Matutunghayan sa araw na ito ang pagkakabuklod ng pamilyang Pilipino. Marami ang umuuwi sa probinsiya at may ilan na galing pa sa ibang bansa, hindi lamang para magbakasyon, kungdi para ipanalangin ang mga kailanma'y di malilimutang yumaong kapamilya.

KATATAKUTAN O KASIYAHAN, hindi ito ang mga diwa ng Araw ng mga Kaluluwa. Higit pa ito sa pag-aalay ng bulaklak, pagsindi ng kandila, pagdarasal at pagbisita sa puntod ng yumaong minamahal. Bagkus, maganda itong pagkakataon para pagnilayan natin ang ating tungkulin sa lupa at gampanan ng mabuti habang tayo ay nabubuhay pa. 

At para sa mga taong ginagawang parang pista sa kasiyahan ang araw na ito, katulad na lamang ng pagiinuman, pagkakantahan ng videoke, pagpipiknik at pagsasakla sa sementeryo, ipinapaalala ko lang po na hindi ito ARAW NG  MGA BUHAY, kaya maraming respeto na lang po kaibigan sa kanilang tanging araw, ANG ARAW NG MGA PATAY.

Miyerkules, Oktubre 29, 2014

San Juanico Bridge Bloody Foundation

'Ang San Juanico Bridge' - Totoo nga ba ang malagim na nakaraan?
May kasabihan na hindi lahat ng bagay na nakikita mo sa pang-labas na kaanyuan ay maganda. Ang ibang lugar ay may mga malalagim na nakaraan bago maging perpekto. Ang SAN JUANICO BRIDGE ay isa sa mga atraksiyon na lugar sa Pilipinas, ito ay bahagi ng tinatawag na Pan-Philippine Highway kilala din bilang sa tawag na "Maharlika", ito ay may lawak na 2,185 milya at may kalupunan na mga daan, tulay at mga ferry services kung saan konektado ang mga isla ng Luzon, Samar, Leyte at Mindanao at kilala na  rin bilang sentro ng mahabang transportasyon sa Pilipinas. Ang tulay ay nagsisimula sa probinsiya ng Laoag, Ilocos Norte at nagtatapos sa dulo ng probinsiya ng Zamboanga City.

Ang tulay ay plinanong gawin ni Pangulong Ferdinand Marcos noong 1965 upang masimulan. Naniniwala ang kanyang Gobyerno na sa ganoong paraan, maaaring magboost ang kalakal lalo na sa industriya ng agrikultura ng Pilipinas. Ang paggawa ng tulay ay suportado ng mga loans at grants galing sa ibang bansa at gamit ang pondo ng World Bank. Nabuo ang plano at mga arkitekto at sinimulan ang pagconstruct ng bridge noong 1969 at nakumpleto sa taong 1973. At nakilala na  rin sa buong mundo bilang pinakamahabang tulay sa kasaysayan ng mundo.

Ngunit ang tanong sa apat na taong coverage at pag konstrukta ng naturang tulay, merong mga kwento na ang tulay ay nagdaan sa malagim na pagtatapos baka ma-perpekto. Totoo nga ba ang mga kahindik-hindik na pangyayari?

Totoo nga na ang mga tulay ay isa sa pinakamahalagang konstruktura na naimbento ng tao, dahil dito puwede kang makapagtravel na hindi ka na dadaan sa mga obstacle na kagaya ng karagatan, mahahabang ilog at kung ano-ano pang anyong tubig. Ginawa ang tulay hindi lang para daanan, ito ay ginawa para sa maraming kadahilanan.

Ang tulay din minsan ay naging simbolo rin ng pag-ibig ng dalawang magkasintahan, dito sila lihim na nagkikita sa kadahilanang ayaw ng kanilang magulang para sa isa't-isa. At meron din namang mga trahedya, katulad ng pagtitiwakal ng ilan na sobrang inabot ng kamalasan sa buhay at mas pinili na lang tumalon sa tulay upang mag-suicide. Ang tulay din naman ay nagsilbing "barter" o palitan ng mga produkto ng magkalapit na bansa at tulong na  rin sa pag-unlad ng ekonomiya. Ang iba pa ay ginagawang tambayan at kuwentuhan ng mga magbabarkada.

At meron din naman mga tulay na nakakapanindig-balahibo at kinatatakutan, at isa na dito ang San Juanico Bridge. Sa pelikula maraming pangyayari na namamatay sa tulay katulad nga ng aking nasabi na pagtitiwakal. Ang iba ay pinapatay sa ibang lugay, at itinatapon ang bangkay sa ilalim ng tulay. Ganoon din sa totoong buhay. 

Maraming kwento at maraming haka-haka na kung gusto mong mapatibay ang isang bagay na itinayo kailangan mong mag-alay ng buhay para dito. Maraming mga ritwal upang mapatibay ang pundasyon ng tulay. Ayon sa alamat, ang nagpapatibay sa pundasyon ng tulay ay dahil sa mga inialay na mga inosenteng batang lansangan na ipinadakip daw ng kung sino. Kidnapped ang nangyari, at dahil wala naman silang mga pamilya, walang hahanap sa kanila. Ang mga kawawang kabataan na ito ay sumailalim sa mga demonic rituals at mga pagano. At nung oras na para ialay sila sa pundasyon ng tulay. Pinaglalaslas lang kanilang mga leeg at ang kanilang mga dugo ay ikinalat sa buong lawak ng tulay. At nung wala na silang lahat buhay at mga bangkay na lang ay pinagsesemento ang katawan nila sa mismong daan ng tulay. Ito daw ay makakapag garantiya na ang tulay ay hindi basta basta masisira at mas magiging solido ag pundasyon kung tamaan man ng bagyo o lindol. Ang ibang kwento naman ay imbis na ikalat ang dugo, inihalo daw ito sa semento ng mga construction workers at ang pinakanakakarimarim na isipin, ang mga bangkay daw ng mga kabataan ay inihulog sa cement mixer. Sinasabing si Imelda Marcos ang in charge sa pagbuo ng nasabing tulay. Kung totoo man ito, marami ang dapat mabigyan ng hustisya.

At ang itong mensahe na ito ay hango sa isang article na nagsasabing:


At sa inyo ko na po iiwan ang paniniwala sa mga nangyari o hindi. O sadyang gawa lang ng isang malikot na imahinasyon at paninira sa rehimeng Marcos.

Martes, Oktubre 28, 2014

Aswang Association Inc.

'Ano ang nasa dako pa roon...?'
Anong akala nyo mga toda at homeowners lang ang mga may asosasyon? Diyan ka nagkakamali. Dito sa Ubas na may Cyanide iisa-isahin natin ang mga miyembro ng Aswang Association Inc. Sila yung nagbigay takot sayo habang tayo ay mga bata pa at kasalukuyang lumalaki. Nakalakihan na natin ang mga katatakutan at hiwaga kung sila nga ba ay tunay na nag exist sa mundong ito o sadyang gawa lang ng ating malikot na imahinasyon.

ASWANG


Ang mga aswang ang labis na kinatatakutan dahil sa likas na anyo ng mga ito. Kung meron ga silang asosasyon na lelevel sila bilang Presidente at lider. Sila yung pinakamataas na uri g creatures of the night. Ang aswang ay general term at nahahati bilang mga witches o mangkukulam, bampira, mananaggals, nagbabalat-kayo o shapeshifters, tiktik at mga halimaw. Sa probinsiya ng Quezon ang tawag sa aswang ay "bal-bal" o "maninilong". It comes from the rootword "silong" kung saan favorite na hunting ground ng mga aswang ay sa ating mga silong. Kaya siguraduhin niyong walang butas ang inyong mga silong at laging gumamit ng Vulca Seal para wala siyang malusutan ng kanyang dila, lalo na kapag may mga buntis. Dahil ang aswang ay takam na takam sa sanggol na dala ng Ina. Sa mga kwentong Filipino maraming nabibiktima ang aswang na buntis, pinahahaba ng aswang ang kanyang dila sa silong para kunin ang fetus na nasa  tiyan pa ng Ina. Gayun na din ang pagkamatay ng Nanay dahil binubutas ng aswang ang tiyan upang makuha ang sanggol. Trip na trip nila kumaen ng fresh na apdo at puso ng mga maliliit na bata. Sa gabi maaari silang mag bagong anyo into a creatures katulad ng pusa (siyempre laging itim, sanay na ko sa mga pelikula ni Mother Lily), baboy (actually baboy-ramo para hardcore), at ang pinaka common ay aso hindi ordinaryong askal, kung di malaking aso basta hindi pangkaraniwan (pero siyempre laging itim para ramdam talaga ang forces of evil empire). Kahit pa raw noon sa panahon ng Kastila, marami nang sightings ng aswang at dahil dito ang mga Espanyol na mismo ang magsabi na ang aswang talaga ang pinaka kinatatakutan na dark creature sa Pilipinas.

MANANANGGAL


Buti sana kung manananggal ng lakas ng isang lalake pero hinde. They described as "hideous" and "scary" maihahalintulad sa bampira pero mas malaki ang dipirensiya kung ikukumpara. Itong  mga ito kaya nilang hatiin ang katawan mula bewang at yung upper part astig dahil nagkakaron sila ng pakpak na parang sa logo ni Batman. Pero bago mahati ang katawan meron silang ritwal na ginagawa. Sa tuwing manonood ako ng horror films about manananggal, gustong gusto ko yung scene dahil medyo steamy at hot. Nagpapahid sila ng langis sa buong katawan, na habang parang niroromansa ang sarili, habang merong naninilip at yung naninilip na yun ang unang mabibiktima. Yan ang problema sa pelikula ni Mother Lily alam mo na ang susunod na mangyayari. Hanggang sa tuluyan nang mag transform ang ating manananggal, bigla na lang siyang papangit at magkakaron ng dugo sa bibig habang lumalapad at tumutulis ang mga pangil at kuko. Hardcore diba? Astig! Tapos nito lilipad na siya na parang flying ipis at maghahanap ng magbabalot sa gabi para mabiktima at ubusin ang dugo. Bakit kaya hindi na lang siya mangholdap sa blood bank ng Red Cross? Pwede naman siguro siya mag request ng blood bags kay Rosa Rosal. Ahhh pano sila mapupuksa, alam ko yan! Kailangang mong hanapin yung kaputol ng katawan. Nasa bahay lang niya yun palagi at laging naka standing ovation. Isang spices lang ang kinakailangan. Ang ASIN! Oo asin pero hindi yung ordinaryo required na kasi ng Department of Health dati Sen. Juan Flavier ang IODIZED SALT tanda mo pa ba yung kanta? "Mag iodized-salt, mag iodized-salt tayo" paulit-ulit yan at nakakarindi. So yun lang, napaka basic pumatay ng manananggal di ba? No worries parang papatay ka lang ng bulate dahil bubudburan mo lang ng asin yung kaputol na katawan niya at dahil dun hindi siya makakabalik hanggang abutin siya at sikatan ng araw. Kaya teypok si MANANG nanggal. Minsan ga di ko maikspleyn, dahil bigla na lang sumasabog yung katawan nila pag nasikata ng araw. Ewan ko lang, baka may chemical reaction. 

MANGKUKULAM


Ito pa ang isa sa pinaka nakakatakot, ang trip naman ng mga ito ay magbigay ng sakit sa katawan mo na walang kagalingan sa pamamagitan ng mga evil spells. Maaring gumamit sila ng litrato mo, buhok at mga bagay na pag-aari mo para ka nila makulam. Pero ang pinaka medium na ginagamit nila ay  manika at karayom. Kung saan ituturok ang karayom sa manika duon ka makakaramdam ng kirot at sakit sa katawan. Kaya yung mga selfie selfie mo sa Facebook nako ipagdedelete mo na at baka may maiinggit at ipakulam ka pa. 





MAMBABARANG


Kung gusto mo ng kadiring paraan ng pagkamatay, dito ka kay aleng Mambabarang. Maihahalintulad mo sa kulam, pero gumagamit sila ng mga magical insects para saktan ang mga mabibiktima. Insekto na lalabas na lang sa ilong, bibig o kaya tenga, tiyan o puwet. Mga insektong katulad ng langaw, bangaw, bulate, gagamba, tipaklong, ipis at kung ano-ano pang creepy crawlers. Puwede ka ring tubuan na animoy mga pigsa sa katawan at mula duon maglalabasa ag mga isektong nabanggit. 






NUNO SA PUNSO


This is literally goblins o duwende. Karaniwang nakatira sa lupang animoy maliit na bundok oh yung tirahan ng mga langgam. Kapag aksidente mo daw matapakan ang kanilang bahay, puwede ka nila bigyan ng kamalasa sa buong buhay mo at bigyan ka ng sakit na walang kagalingan. Sa buong aspeto ng buhay mo taglay ang kamalasan na iyon, maaaring sunod-sunod na pagkamatay ng mga mahal sa buhay, pagkawala ng trabaho at lovelife. Kaya iwas na iwas ako diyan sa punso na yan wala na nga akong lovelife eh, baka habambuhay pa ko bigyan ng kamalasan sa buhay pag-ibig. Kapag daw dadaan ka malapit sa punso, puwede ka manghingi ng permiso para hindi mo sila magambala. Sasabihin mo lang ang mga katagang "Tabi-tabi po." Kapag nabiktima ka ng nuno sa punso ay puwede ka mag-alay ng dasal at manok, hindi po Chooks-to-go o Chickenjoy ang kailangan nila ay live chicken at gigilitan yun sa leeg at iaalay ang dugo sa punso. Kumbaga, peace offering. 

TIYANAK


Ang grupo ng mga sanggol na hindi nabigyan ng baptism rites bago sila mamatay. Sa kanilang paglisan sa mundo ng hindi pa nabibinyagan, mapupunta sila sa Limbo, parte ng Impyerno kung saan ang mga taong hindi nabinyagan at namatay ay dito mapupunta at maari silang mag transform bilang mga evil spirits. Ang tiyanak ay puwede ring mga aborted fetus na bumabalik para maghiganti sa mga malalanding Nanay na pinili lang magpakasaya at kapag nabuntis, putangina, walang-awang pinalalaglag ang bata sa sinapupunan at mas piniling patayin ang sariling anak. Hindi man lang pinasilip ang mundo sa kanyang sariling dugo't-laman. If tiyanaks see a human, they will transform into what looks like a normal baby. At kapag lumapit na ang mabibiktima at hawak na ang sanggol, bigla na lang magbabagong anyo at kakainin ang kanyang biktima.

TIKBALANG


O taong-kabayo, half man-half horse. Ulong kabayo pero katawang tao na may six pack abs. Ang totoo niyan inggit ako sa katawan at tangkad ng tikbalang. Malaki ang pangangatawan at macho. Yun lang mukang kabayo. Iba ang trip ng mga ito, medyo makamundo dahil gumagala sila sa gabi at nangrereyp ng mga babaeng natutulog. Hindi pisikalan na reyp dahil ginagawa nila ito ng hindi sila nakikita at parang sa panaginip lang. The raped women will then give birth to more tikbalang. Ag tikbalang din ang gumagawa para maligaw ang ilang mga nasa bunndok at forest areas particularly mga mountaineers. Mapaglaro ang mga tikbalang sa tao, dahil may kakayahan silang pasukin ang isip ng tao para mag-imagine ng mga bagay na hindi totoo. Sometimes a Tikbalang can drive a person crazy. At kasabihan din ng mga lolo at lola natin na kapag umuulan habang tirik ang araw sa katanghalian, meron daw kinakasal na Tikbalang.

KAPRE


Parang mga taong-grasa at marurumi yan ang bagay na tag para sa mga kapre. Malahigante ang laki at nagtatago sa malaking puno ng akasya na merong hawak na tabako at mapupula ang mga mata. Kapre scares away children who play at night. Kapag natigil ka raw sa isang lugar na hindi mo alam, ang siste pinaiikot ikot ka lang at napaglaruan ka na ng Kapre. Pero meron naman daw pangontra, ang kailangan lang ay baliktarin ang iyong T-shirt at suotin mo para mapunta ka sa tuwid na daan papunta kay NoyNoy, gawin yan para hindi ka na maligaw. Hindi ko lang alam kung pati salawal o brief kailangang baliktarin. Puwede mo yan gawin kung sa tingin mo hindi epektib ang una.

BAL-BAL


Ito ay isang halimaw na nagnanakaw ng mga bangkay sa punerarya o sementeryo para gawin hapunan. The "corpse-eater". Malakas ang kanilang pang-amoy sa mga bangkay na katawan. Meron silang matutulis na kako at ngipin para sirain ang damit ng namatay. Since kumakain sila ng bangkay, sobrang baho ng hininga ng mga ito.

At yan muna sa ngayon ang ating mga miyembro ng Kapisanan ng mga Aswang ng Pilipinas. Hanggang sa muli, at sana'y harinawang makatulog ka sa gabing tahimik. Talasan ang pakiramdam at laging magdadasal dahil isa rin sa kalaban sa pagtulog ang BANGUNGOT.





Linggo, Oktubre 26, 2014

Ouija Board

'Wag na wag na wag, lalo na kung hindi ka eksperto.'
Yamang in-na-in na ngayon sa TV, social media at mga sinehan ang mga nakakatakot na palabas at mga paksa. Busugin na natin ang ating sarili sa mga katatakutan. Tutal isa ka rin naman sa mga katulad  nila na mapaglaro. Mapaglaro in a way na, tinutulak ng iyong isip ang pagiging mausisa sa mga bagay na hindi mo pa nabibigyang pansin o nararanasan. Kagaya na lang ng katanungang TAMA BANG MAKIPAG-UGNAYAN SA MGA PATAY SA PAMAMAGITAN NG OUIJA BOARD? at iba pang pamamaraan tulad ng spirit of the glass, coin at bolpen.

Kung personal na opinyon ko ang tatanungin mo, hindi ko gagawin yun dahil sa posibleng panganib na maaaring idulot ng ganitong hakbang sa mga taong gumagawa nito. Maliban na lang kung ikaw talaga ay isang eksperto at may katanggap tanggap rason kung bakit mo ito gagawin.

Kung gagawin lang itong katuwaan lalo na sa mga hanay ng mga kabataan ay magyaring wag na ituloy dahil sa posibleng masamang mangyari lalo na kapag nabuksan ang pintuan sa mababang antas o dimensiyon kung saan nananahan ang mga negatibong espiritu.

Mayroong mga kuwentong kapag nahalili sa isa sa inyo ang kaluluwa, maaari kayong kontrolin at bigla na lang mababago ang inyong pag-uugali. Mula sa inyong pagiging masayahin maaaring mapalitan ng kalungkutan at paghihiganti at pagiging bayolente. Dahil hindi mo alam kung anong klaseng kaluluwa ang maaari nyong matawag. Pinakanakakatakot na atang lumitaw ang matataas na uri at makapangyarihag kaluluwa, malas mo kung sikat na demonyo sa impyerno ang maka appointment niyo. Siguradong kamalasan at kamatayan ang idudulot nito sa iyo at sa iyong buong pamilya.

Mayroon akong kuwento, hindi siya nangyari sa isang pagtawag ng espiritu, hindi sa Ouija board o kahit anong medium na puwede tumawag ng espiritu. Ito ay ang istorya ng aking nakababatang pinsan na babae. Mula sa likod ng bahay, at labahan open-air at tanaw ang bukid. Maaliwalas sa umaga at dilim kung dilim sa gabi. Dito sa aming likuran maraming nagkalat na kahoy, uling, at piraso ng yero dahil na rin sa mga nagdaang bagyo dito na lang pinagsama sama ang mga ito para na rin merong pang dingas sa tuwing mag-iihaw ng aming pagkain. Ang pinsan ko na ito ay mahilig magsulat at magdrowing ng kung ano-ano hanggang sa may nakuha siyag piraso ng yero, makinis, malinis at nakakaaya talagang sulatan. Hawak ang pulang pentel pen gumuhit siya ng bilog at star sa gitna, tila animoy pentagram na nakasulat sa pulang tinta. Hindi niya iyon sinabi sa pag-aakalang wala lang yun at guhit lang ng imahinasyon dulot na rin ng mga napapanood sa TV. At dumilim na, iniwan niya ang kanyang iginuhit na nakaharap sa pinto sa likuran.

Yamang bakasyon sila ng aking tita sa aming bahay, dito sila matutulog sa amin ng isang linggo. Kinagabihan sila ermats at tita ay sa baba natulog at kame ng mga pinsan ko ay sa taas naman humimbing ng tulog. Sa tagal rin na hindi nagkita ni ermats at tita ay nagsawa silang magkwentuhan sa aming sala. Alas-dose na ng gabi ay gising pa sila, dahil bumaba ako nun para uminom ng tubig at mag CR. Ang kwento, alas dos ng madaling araw daw ay umalulong ang aking alagang aso na hindi naman usually na ginagawa. Sinaway nila ito at paulit-ulit pa rin na ginagawa. Natahimik din naman ang aso, pagkalipas ng labinlimang minuto ay nagising ulit sila dahil mayroon silang naririnig na tila nag-uusap na hindi maintindihan sa loob mismo ng bahay, ibang lengguwahe at hindi maintindihan, mga bulong na parang sa ilalim ng lupa ang kanilang narinig ng gabing iyon. 

Kinaumagahan, nagkwento sila sa amin at nagkaron na ng takutan. Bandang ala-sais ng gabi naman ng sumunod na araw, kumukuha ng litrato ang aking kapatid at pinsan sa harap ng aming mahabang pa-vertical na salamin. At nang subukan nilang tignan ang resulta ng mga kuha nilang litrato ay animong may humugis na pigura ng isang babaeng naka suot na puti at tila pamburol, karaniwan na suot ng isang white lady. Talagang sobrang sindak at takot ang naramdaman namin ng gabing iyon at ang matindi pa ang nangyari kila ermats nuong unang gabi ay nangyari pa ulit at sa parehong oras umalulong din ang alaga kong aso. Nuong gabing iyon halos lahat kame ay hindi na natulog, dahil kapag ka kame ay nahimbing baka hindi namen alam ang susunod na mangyari habang tahimik ang gabi. 

Umaga na at lahat kame ay napuyat, nung naglalaba na sila ermats ay nakita niya ang sign na idrinowing ng aking pinsan. Maaaring ito nga ang dahilan at kung saan mayroong nabuksan na gateway ng mga kaluluwa sa aming bahay. Pinagsabihan nila ang aking pinsan na huwag na ulit gagawa ng mga ganung signs at hindi niya alam ang simpleng kapangyarihan ng pagguhit ng mga ganoong bagay. Itinapon at isinilid ang yerong pinagsulatan at isinama sa basurahan para kunin ng trak ng basura. At nagpausok na rin kame ng insenso at nagdasal noong umaga. Noong gabing iyon ay mapayapa na at wala ng nangyaring ganoong insidente. At hindi na rin umaalulong tuwing alas dos ng madaling-araw ang aso kong si Garci.

Batay sa aking nalalaman, ang paggamit ng Ouija board, at spirit of the glass ay mabisang paraan para mabuksan ang pintuan ng kabilang dimensiyon lalo na sa daigdig ng mga patay. Ngunit ang panganib dito ay hindi mo matiyak na ang tinatawag mong pangalan ng sumakabilang buhay ay siya nga ang biglang darating sa sandaling ginawa niyo ang ugnayan.

Ito ay sa katotohanan na ang mga negatibo o masasamang espiritu ay maaaring magkunwaring sila ang inyong tinatawag para lamang makapasok sa daigdig ng mga buhay. Ibig sabihin, kahit sinuman sa mga espiritu sa kabilang dimensiyon ay maaaring magsabing sila ang inyong tinatawag ngunit sa katotohanan ay kampon pala sila ng kadiliman na nais lamang makipaglaro sa ginagawa niyong ugnayan sa kabilang dimensiyon.

Para sa akin hayaan na natin sila manahimik na lang at wag na gambalain pa dahil lang sa gusto nating maranasan at dahil na lang din sa curiosity ng tao. Kung meron man silang mensahe sa atin, ay marami silang paraan na gawin yun tulad na lamang ng pagpapakita sa ating panaginip, pagpaparamdam sa atin, pagpapakita sa atin kahit na tayo ay gising.

Hayaan na lang natin na sila ang magparamdam para sabihin ang kanilang mensahe hindi yung tawagin natin sila para maka-ugnayan. Ngunit may mga pagkakataong kailangang kailangang gawin, ngunit ito ay dapat na gawin lamang ng mga taong may sapat na kakayanan na isakatuparan ito sa ligtas na pamamaraan.

Kaya kayong mga totoy at specially mga nene wag na wag nyo itong gagawin at baka bigla na lang matawag ng mga nene ang pangalang K.......A......N........O........R.......... mahirap na at baka kayong mga nene ay madonselya ng ganyang espiritu. Sa mga totoy naman hinay lang sa pag toma dahil wala ng mas lalakas na espiritu kapag sinapian ka na ni San Miguel at Ginebra o di kaya'y ang Pulang Kabayo at yan naman ang kalakasan ng espiritu ng ALAK.

Malapit na ang Undas uwag natin silang kalimutang dalawin at mag-alay ng bulaklak, kandila at dasal.

PS: sabi ni Lolo sa puntod, huwag daw kalimutan ang kanyang yosi.......


Sabado, Oktubre 25, 2014

Halloween Special Throwback from 90's

Malapit na ang Undas, sayang wala ng Magandang Gabi Bayan Halloween Special :'(
Mga ilang araw na lang at malapit na mag Undas, ang araw kung saan dinadalaw natin ang lahat ng ating kamag-anak na namayapa. Ready ka na bang bumisita sa kanila sa sementeryo? Handa ka na bang umapak sa mabato at mabuhanging mga nitso. Nakabili ka na ba ng mga kandila at bulaklak na iaalay para sa kanila? Naayos mo na ba ang mga rekado at putahe na gusto nilang kainin nuong sila ay nabubuhay pa. Naihanda mo ba yan lahat? Mahigit isang linggo pa ang preparasyon mo para magawa mo lahat yan. At kung hindi, sige ka gusto  mong sila ang dumalaw sa iyo? Siguro sa akin ok lang, mga kamag-anak ko naman sila. Pero siyempre may limitasyon, ok na sa akin yung mga konting paramdam, wag na lang silang magpapakita at magsasalita sa tenga ko dahil madali akong makaramdam ng takot. Pero para wag na silang dumalaw at baka maligaw pa ang kanilang kaluluwa, ako na lang po lolo, lola, tita, tito ang dadalaw sa inyong mga puntod at mag-aalay ng pag-aalala sa inyo at dasal.

Kapag ka mga ganitong araw, lalo na kapag Halloween night ng Oktubre 31 hindi talaga maiiwasang magtakutan. Dahil daw naglalabasan ang mga kaluluwang ligaw sa lalim ng gabi at baka daw sumunod sa inyong kabahayan at duon na sa inyo tumira. Lahat daw ng mga tropang supernaturals naglalabasan kung saan, dahil ito ang kanilang kapistahan lalong lalo na kapag kabilugan ng buwan. 

Noong dekada nobenta para sulit ang takutan sa gabing madilim, mayroon kaming inaantay nna special edition ng palabas na yun sa TV. Ito ay ang MAGANDANG GABI BAYAN ni VP Ka Noli de Castro, hindi naman ganun kagabi ang palabas, alasais pa lang kumpleto na kame ng aking mga pinsanin at kapatid ko na nagkukumpulan na sa sofa with matching harutan at kilig habang pinanonood ang naturang katatakutan na edisyon ng programa. Talaga nga naman sa boses palang ni Kabayan matatakot ka na hindi katulad ngayon na pahahabain nya pa yung TeeVeeeeeeeeeeeeeeeee bago sabihin ang patrol. Medyo nakokornihan na ko sa kanya at "in na in" na rin siya sa mga buhay artista at buhay ni Kris Aquino sayang si Kabayan naimpluwensiyahan ata siya ni Korina Sanchez at Manong Ted Failon. 

Ok balik tayo sa topic, noong bata pa tayo napakadali nating disiplinahin. Isang sabi lang ni Nanay ng "....may mamaw diyan!", ay matatakot na tayo at susunod na sa kung ano mang gusto niyang mangyari. Kapag may panakot na tungkol sa multo. Otomatik na yun susunod ka sa kanila. Sa tuwing malapit na ang undas ay bigla tayong binabalikan ng ating pagkabata upang takutin sa mga aswang, kapre, white lady, duwende, tikbalang, masasamang espiritu at kung anu-ano pang mga bagay na hindi natin maipaliwanag.

Pero teka bago tayo pumunta sa MGB, ano nga ba talaga ang Halloween, All Saints Day, at All Souls Day? Bakit ba sa tuwing sumasapit ang okasyon na ito ay kailangan nating takutin ang mga sarili sa mga bagay na pinaniniwalaan nating nakakatakot?

Sa TV, halos lahat ng palabas sa huling Linggo ng Oktubre ay marathon ng mga nakakatakot na palabas. Biglang ipapanood sa TV ang Shake, Rattle and Roll na mayroon na yatang isandaang sequels. Ang tibay rin ng palabas na ito, nagsimula kila Manilyn Reynes, Aiza Seguerra at Roderick Paulate hanggang sa mga future na artista ngayon na kagaya nila Yasmien Kurdi, Erich Gonzales, Carla Abellana at Dennis Trillo. Nakalakihan na rin talaga nating mga kabataan ang horror series na ito dahil ito ay ika 15th edition na. Halos lahat ng channels ay pare-pareho ang tema - ang walang kamatayang nakakatakot na mga kwento ng mga namatay na nagbalik sa mundo upang patayin sa takot ang mga taong di pa namamatay.

Pero ito na nga, kahit pa pelikula yang mga yan. Itong kay Kabayan ay real life stories. Walang sinabi ang mga movies na kathang-isip lamang, ito totoo at kapana-panabik bawat kwento. Ang totoo, napakaraming dokyu at iba pang espesyal na pagtatanghal mula sa iba't-ibang shows mula sa iba't-ibang TV channels pero wala yatang tumapat sa MGB pagdating sa mga ganitong klaseng presentation. Ang hindi manood tatawaging "duwag" kaya kahit umuurong na ang bayag ko sa takot ay pilit ko pa ring hindi ipinapahalata. Ang malupit pa nito, pinapatay pa ang ilaw habang nanonood para mas "feel" daw ang mga istorya. Paksyet, siguraduhin mo dapat na hindi ka uminom ng maraming tubig bago mag-MGB para hindi ka magbanyo dahil tatakutin ka ng mga kasama mo pag nagkataon.

Sabi ko nga kanina, panalo sa boses si Ka Noli. May kung ano siyang angking talento upang maramdaman mo ang lahat ng kanyang sinasabi. Napakaseryoso rin ng muka at maniniwala kang totoo ang mga kuwento. Hayup din sa setting nila sa sementeryo na punong-puno ng mga tirik na kandila at usok mula sa fog machine. Tapos biglang mawawala si Kabayan na parang kaluluwa. Putangina haneeeppppp! Biglang mapupunta kung saan. Puta ayokong tumingin noon sa screen ng TV at baka may makita akong kaluluwa sa mga nitso. Iniisip ko kasi na maaari nilang magambala ang mga kaluluwa sa kanilang shooting.

Anu-anong mga kwentong kababalaghan ang naaalala mo sa MGB? Ito ang ilan sa mga episodes na napanood ko na hindi nagpatulog sa akin ng ilang gabi at hindi ako binigyan ng lakas ng loob upangmapag isa ng ilang araw.

Ang BLACK LADY sa ekuwelahan. Unique diba? unang beses ko ito narinig sa MGB, kadalasan kasi diba "white lady" ang ating naririnig. Dito siya nalaos sa kuwentong ito. Dito ang bida ang babaeng naka-itim. Binabanggit pa lang nakakapanindig-balahibo na, bakit kaya siya itim dahil panay poot at galit at paghihiganti ang nasa puso niya? Mas makapangyarihan ba siya sa mga puti? Ayon sa napanood, bigla na lang nagpapakita ang Black Lady sa mga estudyante habang nagkaklase. Sa murang edad ko noon, nasa isip ko na wala kang ligtas sa ganitong multo dahil kahit maraming tao at tirik na tirik pa ang araw nagagawa niyang magpakita. Ilang buwan din kaming hndi naghiwa-hiwalay ng mga kaklase ko sa pangambang baka makita namin ang itim na babae.

MANANANGGAL. Simula nang mapanood ko ag pelikula ni Bistek na Kumander Bawang, naniwala na akong may mga ganitong klaseng nilalang. Lalong pinatindi ng MGB ang paniniwala ko dito. Kahit sa aming lugar noon sa San Andres Bukid mapapansin mong may mga nakasabit na bawang ang mga bahay-bahay dahil sa paniniwalang may gumagalang manananggal. Nagsimula ito sa probinsiya dahil sinasabing ito daw ang pinanggalingan ng aswang na ito.

Napanood ko rin yung tungkol sa BARANG. Ipinakita kung paano ginagamot ng albularyo ang isang na-"barang". Ang barang ay mas matindi sa kulam. Makikita mo sa TV ang mga ipis, alupihan, gagamba at kung anu-ano pang mga bagay na galing daw sa mukha ng isang nabulungan na biktima. Naniwala rin ako sa barang, dahil na rin sa kwento ng aming titser sa PE na naranasan na niya ito. Kaya, huwag basta-basta magmumura lalo na sa ibang tao, lalo na kung di kayo close, dahil baka magsisi ka sa huli.

Kapag mga re-enactment pa lang matapang pa ko nun. Pero kapag mga actual videos na unti-unti na akong nagtatakip ng mga mata. At unti unti kameng nagdidikit ng mga pinsanin ko. Biglang nagtatabi-tabi. Pati ang mga magulang at mga tita at tito ko nakakaramdam ng pagtayo ng balahibo.

Madalas nambibiktima naman ang MASASAMANG ESPIRITU, kadalasan estudyante pa rin ang mga nabibiktima lalo na kapag liblib ang paaralan sa inyong probinsiya. Kuhang-kuha sa kamera ang mga batang nagwawala o mga "napopossess" ng mga engkanto o kaluluwang pinaniniwalaang nakatira daw sa tinitirikan ng eskuwelahan. Nag-iiba ang kanilang mga boses at nagsasalita sa ibang wika. Lumalakas din sila kahit hindi naman sila kumain ng spinach ni Popeye, at kailangang nasa apatna tao ang umalalay. Parang yung mga scenes sa "Exorcist". Klasik.

Natatandaan ko rin ang isang video na talagang hindi ako muling pinatulog sa kakaisip. Ito ay isang malabong imahe ng batang dumaan daw sa harap ng kamera habang ang isang programa sa ABS-CBN ay nagbabalita. Halos isang taon nakatatak sa isip ko ang eksenang iyon.

Marami pang ibang nakakatakot na kuwento pero ayoko nang alalahanin dahil natatakot na ako habang ito ay aking isinusulat. Marami pa akong kababalaghang kuwento pero next time na lang katulad ng "Mga Nawawalang Tsinelas sa Harap ng Pintuan ant mga nawawalang tao." Kulto naman daw ang may gawa nito. Noon daw wala ng tsinelas na iniiwan sa labas ng bahay halos lahat ng tsinelas nasa loob na g bahay at baka daw mabulungan. Pero next time ko na yan ikwekwento.

Noong ako ay bata pa, inaabangan namin ang Holloween Special ng Magandang Gabi Bayan upang makaramdam ng katatakutan. Ngayong matanda na, ang tanging multong alam kong dapat katakutan ng lahat ay ang multong gawa ng bawat sarili.

Narito ang ilang piling video ng MGB. Panoorin.