Pages

Sabado, Nobyembre 8, 2014

Arcade: Ako si Ryu, at ikaw si Ken

'Ano pota, game laban tayo! Ako si Ryu ikaw si Ken.'
Weekend nuon. Ay di pala, Miyerkules, at kalahating-araw lang ang pasok.

Hindi ako sasabay sa school  bus. Dederetso ako sa mall na malapit sa amin. Hindi ko puwede sabihin kung saan dahil mabubuking ang author ng blogosperyong ito. Itago nalang natin siya sa pangalang SM Timbuktu.

Habang ako ay naglalakad papuntang holy land ay nagbibilang na ako ng mga naipon kong pera at dinivide-divide (dibay-dibay) para matantiya ko kung ilang tokens ang kailangan ko. Kapag King of Fighters ang lalaruin isang token lang ang kailangan, pero kapag Street Fighter eh dalawa. Ang dugas din  ng may-ari ng arcade-an na yan eh. Alam din  nila yung magandang laruin at sadya talagang dinadamihan ang required na tokens.

Ang una kong naabutan na tokens noon ay tatlong piso ang isa. Ngayon limang piso na. Minsan ay susubukan kong hampasin yung arcade na parang naglagay ako ng token kahit hindi naman talaga. Dadating ngayon si Manong Tom's World dala ang susing nakasukbit sa kanyang bewang. Bubuksan niya ang arcade at titigil sandali.

Manong Tom's World: "Naglagay ka ba talaga dito?"

Ako: "Oo Manong." (Habang kunwaring nagtataka din dahil wala namang naipit na token sa loob.)

At dahil ayaw na rin ni Manong na tumagal pa ang hassle niya sa buhay ay sinusian niya na lang at pinagana ang Istrit Payter habang nakatingin ng medyo masama sa 'kin na tila nagsasabing, "Taginang bata 'to...buraot amputa...."

Para naman dun sa mga tinatamad magpunta sa mall, meron din namang mga mini arcade-an sa mga kapitbahay. Siguradong may mga arcade-an dun na 500 in 1. Di gaanong masayang mga laro pero challenging pa rin naman di na ko choosy nuon basta may mga bagay lang na ang aim ay pataasan ng score kahit Pacman swabe na sa akin. May mga laro kang pagpipilian kagaya nga ng Pacman, Galaga, Twin Bee, Wrestling at Sabong ng Gagamba. Kaso wala ang paborito kong Istrit Payter. High class kasi ang laro na iyon noon.

Inaamin ko naman na hindi ako nagpapanggap at hindi ako magaling sa arcade. Lalo na sa putang Street Fighter na yan, sa sobrang paborito ko diyan halos nauubos ang token ko. Bwisit nga lang dahil nasa stage 1 pa lang olats na agad ang inihulog kong dalawang token. Marunong akong mag-Hadouken pero kailangan kong ulit-ulitin yung down + forward + punch bago tumama at makapaglabas si Ryu o Ken ng Hadouken. Kaso ang siste kapag tumitira naman ako ng Hadouken, puta tinatalunan lang ng kalaban ko at ako ang nasisipa sa muka g pang-ilang beses kaya minsan kelangan mo din mag-strategize kung kelan mo gagamitin yung Hadouken na yan. Sa ilang beses kong pagsubol sa larong yan e isang beses ko lang ata nagawa yung Shoryuken o ang mataas na pagtalon ng pagsapak. Talagang tsamba pa! Talagang nagwawala lang ako pagpindot tapos bigla na lang shumoryuken ayun dahil sa tsamba natalo ko sa wakas ang batang 7 years old na chumallenge sa akin. Hahahaha maluha luha na siya nuon eh dahil last token na niya. Sabi ko umuwi ka na at magsaing ka na sa inyo. Ang yabang eh. Hahahaha! Pero di niya alam kabadong-kabado na ako nun dahil close fight. Talagang kinawawa ko lang yung mga button at yung parang clutch halos matanggal na nga eh at napapatalon pa ko sa upuan. Malakas lang talaga yung Shoryureppa ni Ken kasi may apoy yung nagbabagang pagsapak niya. Nung nagawa ko yun tahimik lang ako pagkatapos para kunwari eh sinasadya kong gawin at matagal ko nang ginagawa. Sabay lilingon lingon sa gilid para tignan kung may nakakita ng pasikat kong tsamba. Ang lungkot eh noh? Hahahaha! Pagatapos nung challenge, never na ko nakalayo sa stage ng Istrit Fighter na yan, ang sumunod kong nakalaban ay si Chun-Li. Tang-inang babae 'to. Lagi akong tinatalo. Kaya binobosohan ko na lang yung athletic legs niya lalo na tuwing mag-hehelicopter kick. Hmmm, laging bagong bleach ang panty ni Chun-Li kada round 2. Fight!

Kapag sobra na akong na-stress sa paglalaro ng Street Fighter ay lilipat na ako dun sa barilan naman ng multo. Dito naman magpapaka Ghostbuster mode ako. Enjoy ako dun dahil kahit drum na walang laman puwede mong pasabugin. Triggerhappy Jack ang inyong lingkod, kahit anong object binabaril ko siyempre unlimited supplies ang bala mo e. Minsan naman ay napapatalon din ako ng paatras kapag may biglang manggugulat na multo sa screen.

Arcade-an ang paboritong playground ng mga batang kalye. Eh nakakasawa na rin naman yung punyetang mga see-saw at slide. Sabi ng murang utak ko "I want something new naman", yung tipong bago sa mata at ako ang kokontrol at ako ang bida. Tuwing weekends nun siyempre Family day, kasama ko sila ermats at erpat sa mall. Simba muna siyempre tapos rekta sa mall, hinding-hindi ko siyempre palalagpasin ang pagkakataon didiretso kame sa arcade-an at walang problema sa kanila ang tokens! Ibibili nila ko kahit alam. Ang sarap ng buhay nuon swabeng-swabe. Walang pipigil sayo, ikaw na lang mismo kung sobrang stress ka na maglaro. Pagkatapos nun kainan naman sa Jollibee kaya talagang kinakanta ko nuon yung komersiyal "I love you Sabado, pati na rin Linggo." Yehey sarap ng weekends!

Maraming tao. Maingay. Malawak. Medyo patakbo akong pupunta sa bilihan ng token para bumili. Sa thirty-pesos may anim na token ka na. Pwede na! Ang daming puwedeng pagpilian kaya lilibutin ko muna yung buong arcade-an at para makapili ng lalaruin. Habang ang mga magulang ko ay nanduon sa isang maliit na kwarto at nnagvivideoke muna sila.

Eto na.....

Run n' Gun.
Old school siya ng mga sikat na laro ngayon kagaya ng mga NBA2k14 o 2k15 na yan. Ganun ang istilo, pero kakaunti lang ang team. May New York, Boston, Chicago, Los Angeles, Miami at iba pa. Pero siyempre sa kapanahunan noon sikat na sikat ang Chicago. Kaya ayun ang pipiliin kong team. Kahit hindi naman talaga Bulls yun. May teknik diyan para lagi kang makakashoot, patatakbuhin mo lang lagi yung player mo sa pinakagilid ng three-point line sabay bitaw ng tira. Puta maniwala ka o hindi laging pasok yun 95% lagi yun swak! Pwede rin ang ang double-triple-quadruple clutch kapag nag-drive ka. Ang gaganda ng moves eh, ang sarap gayahin. Ang tagal ng hangtime Hahahaha! at puwedeng bumomba ng limang beses e!

Manika Machine.
Hindi ko talaga alam ang tawag sa laro na yan. Parang aquarium tapos sangkatutak na manika sa loob. Dito naubos ng bonggang-bongga ang tokens ko sa gustong makapag-uwi ng manika. Puta napaka-daya naman ng laro na yan eh. Sa tingin mo lang na matulis talaga yung claws pero kapag iaangat mo na yung manika at malapit na mailagay sa lalagyan para kunin sa labas ay nahuhulog ang kapit dahil ang luwang naman ng pagkakakapit sa manika kaya nahuhulog agad. Natadyakan ko talaga 'to sa sobrang inis e.

Street Fighter II.
Sa 20 arcade na magkakatabi, 15 halos dun ang puro Street Fighter II. 'Inang yan, ni hindi ko nga alam kung ano yung Street Fighter I, wala naman talaga ata nun. Barbero! Haha! Merong mga modified arcade ang larong ito e, halimbawa si Guile ang gamit mo, maraming Sonic Boom ang ilalabas na panira. Putek buong screen ang Sonic Boom e, kaya siguradong dedbol ka o di kaya naghihingalo na ang lives mo, konting kurot na lang ni Guile kay Sagat knock-out na ang mamang Thai fighter. Bakit ba halos lahat ng naglalaro nito eh si Ken ang gamit? Dumaan ba kayo sa stage na si Dhalsim ang laging pinipili niyo dahil humahaba 'yung braso at binti niya? o di kaya si Blanka na pipindutin mo lang ng sunod sunod ang punch button ng mabilis eh may lalabas na kuryente sa buo niyang katawan? "Dhalsim ka na naman? ang daya mo naman e! O ayan Dhalsim na rin ako." (hanggang sa nasa magkabilang dulo ng screen ang mga character namin, sipaan at suntukan lang ng mahabang braso ang laban, wala nang talunan hanggang sa maubos ang time limit. Ayun tangina DRAW! Parehong walang nanalo parehong uwi ng luhaan.

Masasabi mo rin talaga nuon na kapag nabanggit ang salitang arcade eh nangangahuluhan na rin na Street Fighter eh. Parang Colgate sa toothpaste, at Coke sa softdrinks. Lahat ng batag lalake nuon eh dumaan sa hundred hands ni E.Honda, thousand kicks ni Chun-Li, Tiger Punch ni Sagat at Hadouken na kala mong magkapatid na Ryu at Ken.

Naglaro kame ng pinsan ko neto e, "ano laro tayo Istrit Fighter? laban tayo? Sige ba ako si Ryu?  Sige ba ako si Ken."

Ayun nag-hadukenan lang kame buong laban. Puro draw ampucha. Pero nung Round 3 nagkamali ako sa pagpindot ng down + forward + punch. Ang nagawa ko eh back + down + forward + punch. Pinaghalong Sonic Boom at Hadouken. Ayun napa-shield na lang ako sa Hadouken ng pinsan ko at nabawasan ng ga-buhok ang buhay ko. Talo tuloy ako pagka-ubos ng time.

Dahil sa sobrang sikat ng arcade nuon eh pati sa lugar talaga namin nagkaroon na rin. At unang beses nagkaroon ng Istrit Fighter. Gusto ko maglaro pero hindi ako makasingit, hindi naman kasi ko magaling sa mga challenge at sayang lang ang token ko. Natatandaan ko maliit na tindahan lang yun na nilagyan ng arcade-an sa loob. Pagpasok mo pa lang e para ka nang na-Jack knife ni Guile sa amoy sa loob. Eh yung iba, dun na halos tumitira eh at wala nang ligo-ligo. Pero siyempre punta pa rin kame ng mga kalaro ko dun. Ang gamit na token dun parang coins ng mga Intsik. May nakasulat lang na halaga ng coin tapos may mga sulat ng Intsik. Hindi tulad ng mga silver coins sa mall na may tatak talaga ng pangalan ng arcade-an.

Kaya nuon ang saya-saya talaga namen e sa arcade pa lang napapawi na yung mga pressure ko sa iskul. Puta ang sarap talaga ng weekends at pagiging bata nuon. Nung lumaon pa mas naging masaya sa arcade-an. Walastik fantasy match ko rin kaya ang X-men vs. Streetfigher. Nakita ko pa lang yung insert coin at yung graphics na nagshake hands si Cyclops at Ryu sobrang excited na ko laruin. Ang dami pang naglabasan at halos mabaliw na ako nuon sa daming pagpipilian! Yahoooooo! Yesssss! Weekends na naman potaaahhh!!!   bo-taks na sa leading arcade-an near you! 



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento