Pages

Huwebes, Nobyembre 6, 2014

Marcela Santa III

Walang masama sa pagbabasa pero........pero naman!!
Nice trolling son!

"Hindi naman ako sumusulat bata para batikusin ang iyong mga gawa, bagkus ay dapat kang bigyang pugay dahil sa mga gawang mong libro na  tungkol sa pag-ibig, crushes, mga kilig sa eskuwelahan at pati na rin siguro yung pagtutuos ng pag-ibig vs. dota sa isang relasyon. Wow ang heavy, high tech vs. love realationships. Ang galing galing mo nga eh ang dami mong tagasubaybay mostly mga teenagers, most of them high school and elementary pupils ang mga nagbabasa ng libro mo. Eh isama mo na rin siguro yung mga badaff mong followers at di mawawala siyempre yung mga jejemons na katulad mo."

"Kaibigan napakalakas ng impluwensiya mo sa kabataang Pilipino, oo ang dami nilang libro galing sa'yo. Alam mo ba na yung mga likha mong libro, ay mga best-selling ano nga yun? "Para sa Hopeless Romantic na Jejemon? at yung isa "Para sa Broken Hearted?" ang cheesy cheesy mo talaga,  konti na lang maiinlab na rin ako sa mga na-published mong libro eh. Shit! sandamukal na nga yung libro mo duon sa National Bookstore, halos sakop mo na yung isang shelf, tapos ang daming kabataan dun eh. Mga nakasalampak sa sahig ng bookstore habang ngumingiti ng walang dahilan, habang binabasa ang ilang jeje lines sa gawa mong libro. Grabe ka pala kumuha ng attention ng isang Grade 4 pupils, parang maiihi na nga siya sa kilig dun sa mga kwento mong pag-ibig. Siguro mga ilang buwan o taon pa may mga boyfriends na yan eh. Tapos alam mo yun? dahil sa mga kalandian mong panulat maaari silang makaramdam ng hindi pa nila nararamdaman bilang mga musmos pa lang. Puta Grade 4 or 5 iniiyakan na ang tungkol sa pag-ibig at relasyon? Ohh shet ang agang nalason ng isipan ng mga kabataan na ito sa hatid mong kalandian sa buhay Marcela. Kaya ayun si Nene hindi na natapos ang Hayskul at lumobo na ang tiyan. Hindi ba't ang dapat na hawak nilang libro ay tungkol pa sa Siyensiya at Sibika at Kultura? Hindi ko mawari minsan kung ang tinta ng iyong panulat ay kulay "fuchsia pink" at ang takip ng iyong bolpen ay Hello Kitty." 

"Meron din namang mga nalalason ang isipan sa putanginang Wattpad na yan. Dahil sa mga istilo mong kajoklaan marami nang gumaya sa iyo. Mas matalino ka pa kay Gat. Jose Rizal eh, ang dami mong alam! Bakit hindi ka na lang naging bayani para naman gagawan ka ng monumento ng followers  mo yung tipong may hawak kang pluma, at naka upo, nagsusulat pero.........meron kang gumamela o kaya sunflower na nakasukbit sa iyong tenga habang naka crossed-legs."

"Oo Romance novels are the best-selling themes through the years, kahit sa ibang bansa. Naniniwala naman ako na 'Love is a Universal theme', pero naman tsong wag mo naman sabihin na the best yung sa'yo dahil best-selling. Tangina naman, eh ang mga followers  mo naman mga 12 to 18 years old, di na ko magtataka na dumadami na talagang jologs na kabataan ngayon. Eh ano ba talagang makukuha ng isang tao sa kilig? Kapag nakalikom ba tayo ng maraming kalandian, uunlad na ang ekonomiya ng Pilipinas?"

"Hindi ba't kapag nag-aral din tayo ay mayroon din naman tayong madaraanan na kwentong pag-ibig sa piling ng ating mga guro, katulad na lang ng mga likha ng ating sariling pambansang bayani. Ikaw may natutunan kaba sa El Filibusterismo at Noli Me Tangere? Meron din namang kwentong pag-ibig diyan. Oh kamustahin mo naman ang pag-iibigan nila Florante at Laura. Hindi ko naman sinasabing magpaka-old school, pero mas magaganda ang kwento at ang mahalaga MAY MAPUPULUTAN NG ARAL sa mga nobelang ito kesa sa hmmmmm.....pagpipilian ang Girlfriend o DOTA? Dotangina naman Marcela!"

"Sana at sana baguhin mo ang isipan ng ating mga kabataan na tumatangkilik sa'yo, mag-iba ka naman ng tema na babasahin nila. Ikaw ang nasa highlight reel ngayon, puwede bang iba naman? Yung tipong tema ng pagsusulat na mapapakinabangan nila habang sila ay lumalaki at namumulat sa totoong buhay dito sa mundo. Mga kagandahang-asal o di kaya ay pagpapahalaga at pagsunod sa mga magulang. Yung babasahing progresibo para sa kanilang kinabukasan at maging kapanapakinabang na kabataan. Mas maganda ba yun Marcela Santa III?"

"Malinaw naman diba hindi kita binatikos? Actually papunta na ako ng bookstore bibili ako ng obra maestra mo. Itatapon ko na nga itong mga libro ni Bob Ong, Lourd De Veyra, Eros Atalia, Vlad Bautista at Jessica Zafra para sa'yo. Ang bagong rebolusyon ng mambabasang Pilipino laganap na. Mag-iipon na ko ng mga jeje books. Nyeta nahuhuli na ako sa uso. Shet!"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento