Pages

Miyerkules, Nobyembre 5, 2014

Paracetamol

'I-headbang ang masakit na ulo.'
Halos isang linggo na rin sumasakit itong ulo ko. Nakakatakot na nga at baka tinubuan na ako ng sungay. Tila namuo ata sa utak ko ang mga katatakutang dulot ng malilikot na imahinasyon nuong nakaraang Undas. Lord, wag naman. Pangako magpapakabait ako hanggang Pasko. Buti naman at nawawala ang sakit sa tuwing iinuman ko ng gamot. Kaya kahit papano heads-up pa rin at naka-smile pa rin ako sa buhay.

Dati noong papalapit na ang aking Kaarawan lalong kumikirot itong ulo ko. Napa ngiti na naman ako. Ayos may rason akong hindi mag celebrate! Ako kasi yung taong merong birthday blues. Tuwing papalapit ng papalapit ang kaarawan ko ang tangi kong nasa isip ay Gillette Ruby, gusto kong maglaslas ng pulso, mag Russian Roulette, o tumawid bigla tuwing may humaharurot na 10 wheeler truck sa kalye. Ayaw na ayaw kong merong cake, ayaw ko rin na may kumakanta ng Happy Birthday at ayoko ng nakakairitang mascot.

Ang tangi ko lang gusto ay tagay lang. Baka sakaling malunod ako sa alak at makalimutan kong huminga. Oo gusto ko lunurin ang aking sarili sa alak.

Pero naisip ko rin na marami na ring pinagdaanan na crucial at pressure ang walang kuwentang buhay na ito. Marami na ring dapat i-selebreyt. Gaya nitong tahi ko sa ulo, yung tahi ko sa likod o yung mga pilat at peklat ko sa puso. Pagka-ilang beses na rin nailagay sa karet ni kamatayan pero eto pa rin at patuloy na pumipiglas at nagigising sa araw-araw. Masamang damo? Oo maaari. Pero wag ka, para sa akin achievement ito. Yebaahhh!

Kaya kahit gusto kong iuntog ang ulo ko ng pagka ilang ulet sa pader, pinagbigyan ko na ang mga kaibigan kong uhaw na uhaw sa sex at alak. Ayos lang sa akin na walang matanggap na regalo. Kahit pinitas lang na santan, gumamela o yung bulaklak na isinasambit ang "she loves me, she loves me not", matutuwa na ako. Pero ang ipagluto ka ng mga kaibigan mo, aasikasuhin ang lahat at ipapasara ang isang restaurant bilang sorpresa para sa akin na hindi alam ng may-ari, e higit pa sa regalo. Malamang sagad na tayo sa happenings niyan.

Walang halong-biro, nakakataba yun ng puso. Ang makitang pinapasaya ka ng mga kaibigan mo ay higit pa sa bisa ng SAMPUNG PARACETAMOL, at pagka inom mo ay sasabihin lang sa iyo ng isang lalake sa patalastas ay "INGAT". Kingina di ko kailangan ng pag-aalala mo. Sa kasiyahang natamo parang ayaw mo na iuntog ang sarili  mo. Sa nararamdaman ko parang ansarap MAG HEAD BANG! Dudurugin ko na lang ang mga gamot na ito at isasama ko sa alak para HIGH ON DRUGS na tayong lahat. 

Ingat!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento