Pages

Martes, Nobyembre 4, 2014

Pasko Pakbet: Balik-tanaw sa Pasko ng Kabataang Pinoy

'Pasko sa puso ng kabataang Pilipino.'
So.......biyaheng Pasko na tayong lahat?

Unang linggo pa lang ng Nobyembre, pagkatapos ng Undas nagtatayo na si ermats ng Christmas Tree. Ilalabas na ulet ang pinaka tago-tagong kahon nung nakaraang taon. Alikabok at di mabilang na bahing na lang ang uli kong naalala nung ipinahanap niya sa akin ang mga pang dekorasyon sa nalalapit na Pasko. Pero kahit na maitayo namin ang Christmas Tree hindi pa magsisink in sa akin na malapit na ang Pasko hangga't hindi pa December 1. Pag-apak ng buwan ng Disyembre nuon pasaya na ng pasaya bawat araw. Parang nagkakatamaran na magturo yung mga teacher ko sa school. Hindi kapani-paniwala na mas napapadalas na ang subject na P.E. kahit hindi naman talaga P.E. at hindi kame naka jogging pants at P.E. t-shirt P.E. na kahit anong oras. Talagang litaw na litaw ang excitement eh noh? Malufet!

Andiyan na magkakaroon na ng Christmas Party, hindi ko pinoproblema ang exchange gift dahil si ermats na ang nag-aasikaso nun.

Yung putanginang picture frame 'yan! Yun na lang daw para hindi na madali maghanap ng ipangeexchange gift, bukod sa madali hanapin, madali din ibalot sa gift wrapper.

Sa klase naman, kanya-kanyang toka yan. Siyempre hindi mawawala ang spaghetti, hotdog o hotdog on sticks, barbeque, fried chicken, cake at ice cream. Ako ang pre-assigned na magdadala ng hotdogs para sa Christmas Party. Walang kasing-saya, may magsusulat na sa blackboard ng isang malaking 'CHRISTMAS PARTY' minsan  may drowing pa ni Santa Claus at  mga parol, tapos 'yung mga pangalan niyo isusulat nyo sa paligid. Kadalasan pagbalik ng klase ng January andun pa rin yun bilang remembrance ng nagdaang Kapaskuhan. Sa party pagandahan din ng suot! Aba siyempre hindi ako magpapatalo, 90's pa lang ginawa ko na ang mga pormahan ni Bruno Mars, darating akong naka chaleko at may sumbrerong parang kay Waway na pabilog. Pucha sabi ko sayo swabeng-swabe ang dating ko  nun at ang buhok ko hinding-hindi mo magugulo dahil naka Spraynet. Siyempre hindi rin mawawala sa party na maliligo kayo sa glitters para medyo kumikinang ang dating.

Peyborit ko rin ang pangangaroling. Garapalan noon. Panahon na para hatiin ang barkada sa dalawang grupo para 2 times ang makokolektang pera. Lata ng Nido o Birch Tree, mga tansang ginawang tambourine, pangit na boses, talino at diskarte yan ang puhunan sa pangangaroling!

Medley: 1) sa may bahay 2) we wish you a Merry Christmas 3) kay sigla ng gabi 4) pasko na naman -tangina, ganito talaga ang pagkakasunod-sunod eh noh?

Nagawa ko rin sumulat kay Santa Claus dati. Iniwan ko sa aming terrace yung sulat na nakalagay sa Burlington socks. Sana nakuha niya. Oh di kaya nilipad lang ng hangin tapos napulot ni erpats kaya nakuha ko pa rin yung mga wish ko. Happiness! Ganyan si Santa misteryoso ang hinayupak na yan eh, nagkakaron ako ng regalo kahit wala kaming chimney, diba duon daw hinuhulog ni Santa ang regalo ng mabait na batang gusto niya regaluhan. Sa akin bakit ganun? sa ilalim ng Christmas tree? sarado naman ang pinto at bintana san siya dadaan? Dyahe naman kung sa inidoro siya lumilitaw. Pag sa kagayang bansa na Pilipinas ganun sa inidoro lumilitaw? Grabe naman napaka filthy naman ng Santa Claus version ng Pilipino. Siguro ga si erpat lang si Santa Claus?

Bago mag-alas dose  nagpapalabas ng mga pelikula noon na pampasko ang tema sa TV. Panonoorin ko yun habang kumakain ng frozen salad. Walasttik, bihira lang akong umabot nang ganung oras sa  buhay ko dati. Heaven!

Grabe talaga ang kasiyahang dinudulot ng Pasko sa mga katulad kong kabataan nuon, easy access lang ako kasi sa mga ninang at ninong ko dahil kapitbahay ko lang sila. Kaya konting lakaran lang e may tig-200 na akong aginaldo sa kanilang dalawa. Shet di matapos ang saya! Anbilibabol talaga! Bakit aginaldo ang tawag? Swerte!

Nung Noche Buena na, sabi ko tanginang keso de bola yan! Masarap ba yun? Napakalayo naman ng lasa sa Ques-o e! Mapait na matigas at ag sagwa ng pakiramdam sa bibig. Pwe! Hahaha! Pero ayoko naman magmukhang galit sa paparating na Pasko. Actually gustong-gusto ko ang Pasko. Maraming alaala na naman na alam kong naranasan din ng kapwa ko batang kalye.

Pag-usapan ulet natin ang gifts. Ako kapag nakakatanggap ako ng regalo ayaw na ayaw ko yung malambot. Bakit? 90% kasi nuon maaaring damit o di kaya yung putanginang Good morning towel na nakasulat sa pulang tinta at may Chinese symbols. Alam kong damit yun ano naman gagawin ng isang 8 years old na batang katulad ko nun sa damit. Oo alam ko isusuot pero naman tsong wala pa talaga kong pakialam nuon sa mga sinusuot ko batang kalye nga eh, kaya malamang nakahubad baro pa ako nuon habang nakikipaglaro sa mga batang kalyeng katulad ko. Medyo natuto pa nama ako magmura ng mga panahong yun kaya sinasabi ko sa 8-year old min ko, "Tangina, aahin ko naman to! Di ba puwedeng kahon naman ang regalo para sure ball na laruan?!!!" 'nyeta.'

Sa mga tugtugan naman sa radyo noon, kahit saan mo ilipat sa FM parang na conquer o nabili na ni Jose Mari Chan ang airwaves dahil sa walang kupas na kinginang "whenever I see gels en boys..." na kantang yan. Pero salamat na rin sa kantang yan dahil natutong mag English ang mga kapitbahay kong skwating na sina Boyet at Mon-Mon. Magaling sa Karoling ang mga hung-hang na yan! Bago pa mag-ala sais eh naikot na nila yung buong lugar namin at napiga na ang bulsa ng lahat ng mayayaman sa mga village na malapit dito sa aming gillage (gilid-gilid at barong barong na kabahayan). Aaminin ko talo kame sa grupo ng dalawang mokong na yan. Paano ba naman kasi yung partner ko sa karoling, lata na nga ng Nido yung gamit, wala pa sa tyempo ang boses at mali-mali pa ang lyrics ampootah.

"Pasko, pasko, pasko na namang muli

Balang araw naming pinaka-iigsi

Pasko, pasko, pasko nanamang muli

Ang pag-ibig ng may-ari!!!"

Imbes na tatlong piso ang ibigay sa amin eh tsoknat na lang tuloy. Siyempre hindi mawawala yung mga taong "patawad!" lang ang peyborit sabihin sa amin. Ok lang yun kakantahan pa din naman namin sila ng "tengkyu, tengkyu, ambabait ninyo pakyu!" (Sawa na kasi kame sa "ambabarat" e overused na).

Lechon - lagi kame meron nyan kapag Pasko, hindi yan mawawala sa hapagkainang Pilipino with matching Mang Tomas. Hasel nga lang kasi, isang buwan kayong kakain ng lechon paksiw. Hindi naman nagrereklamo ako. Ang sinasabi ko lang ay pagdating ng January, pati yung mga bully sa school ay hindi na ako hihingan ng ulam dahil sawa na rin sila. Yun lang naman ang akin.

Iba talaga ang pasko sa kalye. Walang kasing happy. Sa isang lingo e New Year naman. Ihanda na ang mga kwitis, bawang at Super Lolo. Papalapit na ang annual appearance ko sa Magandang Gabi Bayan New Year's Special.

"....Sampung mga daliri, putol ang isa...."

Kapag pasko lang talaga gumagaan ang kalooban ko, makakita lang ako ng parol at Christmas Tree napapawi lahat ng maliliit na problema nung kabataan ko, nakakahinga kame sa mga pressure sa eskuwelahan sa mga recitations, quizzes at mga periodical exams. Sa mga kumukutikutitap pa lang na mga Christmas lights sobrang heaven na talaga ang pakiramdam ko nun sabay sasabayan pa ng kanta sa radyo ni Gary V. ng "Pasko na Sinta ko".

May isa pa akong natandaan nuog kame ay nagkaroling sa isang malaking clinic. Inaasaha kong malaki ang ibibigay sa amin sa pangangaroling dahil napaka garbo ng mga display na Christmas lights at mga snowman at reindeers sa labas ng bahay. Ang tagal naming kumanta ng medley ng iba't-ibang klaseng pampaskong awitin. Lumabas yung may-ari, paglabas bentsingko ba naman ang binigay samin. Tapos ang sabi pa samin huwag na kaming babalik. Ang kapal ng muka ampucha! Ayoko na ga kantahan ng tengkyu tengkyu e.

Eto lang pala ang hindi OK kapag Pasko. Pinapatulog na naman kame ng tanghali ng December 24 para mamayang Pasko daw eh alive na alive at gising na gising kame. Yan na siguro ang pinakamatagal na tanghali sa akin. Pipilitin ko naman matulog at kapag hindi nakatulog, kelangan ko na naman umarte na bagong gising ako. Konting stretching at tanggal ng muta (kunwari) sa mata. Ayos na. Haselicious!

Oh paano ba yan 50 days exactly today bago na naman mag Pasko. Sarap bumalik sa kabataan noh? Ngayon hindi ko lang alam kung masaya pa sa mga simpleng kabataan ang kanilang Pasko. Wala na nga rin masyadong nangangaroling eh, tapos yung mga parol lagi na lang bili, dati kasi kung ano yung proyekto niyo sa eskuwelahan na gumagawa kayo ng sariling parol, yun na rin ang ginagamit na display sa bawat tahanan. Masaya pa nga kaya ang mga kabataan ngayon? O tila dinurog na talaga ang mga kaisipan nila ng lintek na mga gadget at kompyuter games na yan. Sayang hindi nila naranasan ang aming naranasan kung saan mas masarap ipagpalit ang mga teknikal na bagay at maranasan ang sarap ng pagiging kabataan lalo na kapg sumasapit ang Kapaskuhan. Mas masarap talaga at mas ramdam pa talaga ipagdiwang ang Pasko noon kesa sa ngayon.

Ito naman ang paborito kong kanta na ang tema ay Karoling:


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento