Pages

Huwebes, Enero 22, 2015

Onion Overdose

'Anong kinalaman ng sibuyas sa pagiging mahalay kong nilalang?'
Mukhang natagalan akong muli bago makapag-blog halos siyam na araw rin ang pagitan ng huli kong isinulat. Ayaw kong mawala ulet ang passion sa ginagawa kong ito. Kahit pa sabihin mong imahinasyon lang ang lahat ng taong sumusubaybay sa blogosperyong ito ay masaya pa rin naman ako sa aking mga ginagawa at obra maestrang pagsusulat. Pakelam ko ba sa inyo kung hindi niyo trip magbasa. Wapakels ako basta ang mahalaga ay naeehersisyo ko ang aking utak at kaisipan. At mula sa siyam na araw na pagka-bakante umpisahan natin ang kwentuhan tungkol sa "sibuyas."

Ang sobrang L ko daw ay dala ng sobrang kain ng sibuyas. Napangising aso lang ako. Ano naman ang kinalaman ng sibuyas sa pagiging mahalay kong nilalang? Nakita niyo lang ang almusal kong hilaw na mangga na merong kamatis at bagoong na nilagyan ng maraming ginayat na pulang sibuyas, e mataas na ang libog sa katawan.

Ang totoo niyan, kumakailan lang ako nahilig kumain ng sibuyas. Gusto ko kasi na laging amoy sibuyas ang aking bawat paghinga. Gusto ko kasi maraming ma-turn off sa akin. Gusto ko kasi iwasan muna ang letseng pag-ibig na yan. At higit sa lahat ayaw ko muna i-share ang magandang lahi ko.

Yun ba ang malibog?

Kung ang isang tao ba ay mapusok kelangan meron tayong sisisihing gulay? Ewan ko. Pero naniniwala akong walang kinalaman ang gulay na yan kung bakit mataas ang aking libido. Ang kailangan ko ngayon ay ang magpahupa ng aking kahinaan.

Habang ang iba ay naghahanap ng sex-pagibig, ako naghahanap ng away. Biro lang. Hindi ko muna iniisip ang mga ma kesong moments at mainam na iwasan muna yan sa panahon ng Pebrero ang season nila Victoria, Sogo at Mahal Kita Inn (Pasay) Mas pinag tutuunan ko ng pansin ang mga mahahalagang problema. Gaya ng kung paano hiwain ang sibuyas na hindi umiiyak.

Hindi nawawala ang sibuyas sa almusal, tanghalian at hapunan ko. Maging pulutan - onion rings. Kaya't malimit three times a day napapaluha ako. Ang sabi nila, puwede maiwasan ito kung palalamigin muna ang sibuyas. O kung hihiwain ito na nakalubog sa tubig. Puwede ka rin magpa andar ng electric fan na iihipin ang ano mang kemikal mula sa iyong hinihiwa palayo sa iyong mga mata.

Pero iba ako. Nagsusuot ako ng goggles. Para siguradong di makapasok ang naka iiritang gas na yan sa aking mga mata. Pagod na pagod na kasi itong tear glands ko.

Kung ang sibuyas merong kapangyarihang magpa luha ng tao, bakit walang gulay na may kakayahang makapag patawa naman sa atin? O baka di ko lang napapansin.

Pero paano kung totoo ang sinasabi nilang nkapagpapalibog nga ang sibuyas? Hindi puwede ito. Ayokong gawin ang bagay na siyang iiwasan ko. Mahirap mag move-on kung merong malisyang naglalaro sa iyong isip. Hindi muna ako padadarang. Hindi muna ako kikiligin ngayong tag-init. Pasensiya na kung prospect niyo ako. Ayoko muna ng mga chick....chickbalang. Dahil simula bukas, wala munang sibuyas sa aking Argentina corned beef.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento