Pages

Huwebes, Enero 1, 2015

Rated XX: Xerex Xaviera

'Unang Putok, este unang patok na istorya sa Taong 2015.'
At dahil.......

sinasakluban ang buong Pilipinas ng cold front nais nating maramdaman ang konting init ng nakaraan. This is your one stop spot reading nostalgia ang tumambay sa tabloid stand ni Mang Pilemon, Smith Street, San Andres Bukid, Manila. Onga pala kung sino mang ka-batch ko na hindi kilala si mang Pilemon, siya yung nagbebenta ng mga school supplies sa Miannis yung katapat din ng burger at hotdog stand na tambayan ng mga pa-gwapings na ubod ng kakapal ng gel  nung High School. Naging tambayan ito ng lahat dahil sa malaking salamin sa loob ng burger stand. Tangna, kung noon pa lang nauso ang selpi famous na famous na siguro itong salamin ng burger stand sa harap ng eskuwelahan namin. 

Pero balik tayo sa newstand ni Mang Pilemon, sa umaga pa lang marami ng mga tambay ang umuusyoso sa tabloid, ang iba aminin natin na ang tinigtignan lang ay horoscope sa araw na iyon, ang iba naman ay ang lotto numbers, mga kakabaihan ay tungkol naman sa showbiz ang hinahanap na balita, ang ilang teenager ay maaaring tungkol sa mga palabas sa sinehan o assignment sa eskuwela na ang sagot ay maaaring mahanap sa diyaryo. At ang mga barakong kalalakihan naman ay kakaiba ang hanap sa umagahan, isang nagbabagang almusal na nilalanghap langhap sa bandang last section page ng diyaryong ito.

Kapag nagkukuwento ako sa aking mga kakilala ng mga kung anu-anong trabahong pinasok ko noong ako ay bata pa, walang gustong maniwala. Wala daw sa itsura ko ang nagbebenta ng sigarilyo at Snow Bear candy malapit sa simbahan tuwing trip ko lang naman, dahil may kakilala ako na tinutulungan ako para sundin ang layaw ko sa trip na iyon. Sa dating bahay sumasama ako sa aking pinsan sa paglalako ng maruya, kamote que, at banana que sa San Andres Bukid. Nagtinda na rin kame sa tapat ng lumang bahay ng kwek-kwek, fishball, kikiam at squid balls.

Meron din akong kilala na ang pangalan ay Pot, taga Taal at siya naman ay isang newspaper boy. At dahil noong panahon ng kamusmusan, wala pa tayong pakealam sa oras at panahon kaya minsan sumasama akong maglako ng diyaryo kasama si Pot. Free ang oras, libre ang lahat wala kang aalalahanin kahit magtagal ka sa oras sa kalsada ayos lang basta pagdating ng ala-sais ng  gabi nasa bahay ka na at bago umistep forward sa pinto kelangan mong mag-mano sa matatanda kapag ala-sais. Ewan ko lang kung may ganyang gawain pa rin ngayon o sadyang natabunan na ng panahon. Wala na ata. Nakakalungkot.

Naging idol ko rin itong si Pot dahil sa pagtitinda tinda niya ng diyaryo ay nakakabili siya ng magagarang pantalon na katulad ng Levi's Jeans, damit at Swatch (dating sikat na relos na si Mikee Cojuangco ang modelo). Napakamura lang ng bigayan noon - parang sampung sentimos kapag tabloid at trenta sentimos naman kapag broad sheet. TEMPO, PEOPLE'S JOURNAL, at MANILA BULLETIN ang kadalasang bitbit namin dahil iyon ang mabenta. Pero nung dumating yung erpats ni Pot na galing abroad, napigil ang kanyang pagkakayod sa pagbenta ng mga diyaryo dahil hindi raw nagustuhan ng Erpat niya yung mga kantyaw ng mga kasamahan sa trabaho nang malaman na naglalako ng diyaryo ang anak. Simula noon, naging taga-basa na lang kame ng diyaryo. At naging avid fan reader ng........(mamaya na) 

Pero 'di dito nagtatapos ang kuwento. Palabok lang yan sa diyaryong 'di namin naabutan noong batang kalye pa kami. - ang ABANTE. Katulad ng sikat na People's Journal, ang Abante ay meron ding ABANTE TONIGHT. Late eighties ata sila unang nailathala, 1988 di ko sure. Hindi sila sikat noon pero biglang naging matunog ang kanilang pangalan lalo na sa mga kalalakihang barako at lolo nang madiskubre na ng bansang Pinas ang column ni XEREX XAVIERA.

Babala: Ang mga sumusunod na mababasa ay maglalaman ng mga maseselang parte ng katawan este ng kuwento kung ikaw ay isang inosente o ignorante.

Kung iisipin mo pa lang ang initials niyang XX ay talagang mapapaisip ka at mawiwindang na parang nag sisixty nine ang utak  mo e. At kung makita mo pa ang "PARENTAL GUIDANCE" sa header ng kanyang pahina ay talagang ikaw ay mahahalina. Ayos sa isang alamat at tsismis na aking nakalap sa barberya ni Mang Insiong, pseudonym lang naman ang pangalan ng columnist na ito. Para lang siyang si Bob Ong na ayaw magpakilala sa totoong buhay. Hindi rin natin alam kung siya ba ay babae o lalaki sa madaling salita di-tiyak. Nakuha niya lang daw ang alyas mula kay XAVIERA HOLLANDER na sumulat ng best-selling stateside novel na "THE HAPPY HOOKER" yan ay hango sa aking magiting na barbero na kada taon ay napapalitan din ang mga kalendaryo ng hubad na larawan sa buong paligid ng kanyang barberya. Bagong model ng White Castle Whiskey, bagong taon. Marketing strategy na rin yan ng aking barbero na hindi ka naman maiinip habang naghihintay na ikaw na ang gupitan dahil may sariling newstand at panay ABANTE at ABANTE TONIGHT ang nasa lalagyan. "Di ka maiinip."

Nagsimula ang column bilang "sex advice" page kung saan may nagpapadala ng sulat kunwari tungkol sa isang problema sa pakikipagrelasyon at sekswal na buhay. Sasagutin naman ni XX ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng payo. Nakuha nito ang atensiyon ng mga kasambahay, drivers, security guards, mga teenagers, at iba't-iba pang mambabasa (parang radio show lang ni Joe D' Mango ang dating ng pagsikat ng tabloid). Dahil dumami ang mga parokyano ay napalitan ng mga "tunay na tao" ang dating mga "fictitious senders". Nang lumaon, ito ay nag-evolve at napasama sa kategoryang erotic literary column. Kung dati ay mahaba ang payo kesa sa kwento, napalitan ito ng detalyadong kuwento tungkol sa sexual exploits at sexperiences ng mga letter senders mula sa iba't-ibang antas ng pamumuhay.

May mga kuwentong nakakatawa. Mayroon din namang nakakaiyak. May pang-MMK ang dating at meron namang "wala lang, talagang dala lang ng libog". Madalas ay kuwento tungkol sa unang tikim at karanasan. kadalasan ay heterosexual at minsan naman ay homo. May mga kwentong pangkaraniwan at meron din namang pambihira.

Sa totoo lang, dati ay hindi suggestive para sa atin ang mga salitang "sumabog ang bulkan", "maning hubad", "basa ang bukid", "diligan mo ako", "tampisaw sa disyerto", "malagkit na lihim", "rurok", "turok", at iba pang "mabulaklak" na pananalita. Si Xerex ang nagpatindi ng imahinasyon ng bawat kalalakihang Pinoy noong Dekada Nobenta. Naaalala ko tuloy ang isa kong kaibigang kapitbahay na nangungulekta ng bawat istorya ng kinababaliwan niyang column. Ipinakita niya sa aking ang maitim na lihim na nakatago pa ang putangina sa isang atache case na siya lang ang nakakakaalam ng code. Tangina ka mabuhay ka parekoy kung nasaan ka man ngayon. Hahahaha!

Hindi lang yun mga barakomates, dahil kay Xerex lumabas din ang ibang erotic na tabloid tulad ng Tik-Tik, Remate, Bulgar, Sagad at Boso.

Sa sobrang di mapigilang sagarang kasikatan ni XX, binili ng Regal films ang rights nito para gawing pelikula. Mga unang taon ng 2000 nang lumabas ang pelikula na pinagbibidahan ni Aubrey Miles kasama sila Jake Roxas, at Carlo Maceda. 'Di ko ito napanood dahil hindi naman ako mahilig sa mga ganito pero tatlong istorya daw ito na parang "Shake, Rattle and Roll."

Talagang nakuha ni Xerex ang imahinasyon at pantasya ng buong Pinas. ito ang dhailan kung bakit siya ay naging isang household name sa larangan ng mga nakakaupgrade na libido na mga kuwento. Ang kanyang paglalahad ay napapagpahusay sa makamundong pagpapantasya ng mga manyak.

Pero nasaan na nga ba si Xerex Xaviera ngayon? Yan ay isang assignment na iiwan ko sa mga mambabasa ng Ubas na may Cyanide. Kung buhay lang sana ang dakila kong barbero malamang nasagot niya na ito. 

Isang mainit na gabi para sa lahat!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento