Pages

Biyernes, Pebrero 20, 2015

50 Shades of Mang Kanor

'Tinatanggap ko ang mga kondisyon....dahil ikaw ang higit na nakakaalam kung anong parusa ang nababagay sa akin...huwag mong gawing higit pa sa kaya kong tiisin.'
Nakakakilig, nakapagpapalaya, at hahanap-hanapin ng katawan. Paano kung sabihin ko sayong meron nito sa Tagalog, naisalin ito sa wikang Filipino? Siguro mas lalo kang bibili ng libro. Ito ay isang nobelang laging sasagi sa iyong alaala, aalipinin ka, at mananatili sa'yo magpakailanman. Pero paano kung ang bidang lalake ay si Mang Kanor? Tanong ko sa mga kababaihan, bibili ka pa ba? Ang tanong ano bang hanap mo ang istorya o ang bawat galaw, aksiyon, mga tagpong maiinit sa pelikula at libro? Anong hanap mo? Sulit ba? Sa mga nakapanood at nakabasa, napukaw ba ang inyong malikot na makamundong imahinasyon?

Nang puntahan ng literature student na si Anastasia Steele ang batang negosyanteng si Christian Grey, nakatagpo niya ang isang lalaking guwapo, napakatalino, at nakapangingilag. Dahil hindi makamundo at inosente, nagulat si Ana nang matanto niya na gusto niya ang lalaking ito. At sa kabila ng nakalilitong katahimikan ni Grey, natuklasan niyang desperado siyang mapalapit dito.

Nadaig, sa kabila ng pagpipigil, na maakit sa maamong ganda, talas at kalakasan ng loob ni Ana, aminado si Grey na gusto niya si Ana--pero sa mga kondisyong itinakda niya. Nabigla, ngunit nasabik sa di-pangkaraniwang panlasa ni Grey sa tawag ng laman, nag-atubili si Ana.

Nang magsimula ang dalawa sa isang mapangahas at mapusok na pisikal na relasyon, natuklasan ni Ana ang mga lihim ni Christian Gay este Grey at inalam ang sariling mga tagong pagnanasa.

Di ko pa nababasa ang Tagalog na bersiyon nito pero ngayon pa lang naglalaro na sa imahinasyon ko ang pagbabalik ng Xerex Xaviera sa isang libro. Hindi ko mawari ang mga matutuklasan na Tagalog na salita sa librong ito. Baduy nga siguro na parang nanonood ka lang ng mga pelikulang foreign na may dubbing ng Pinoy ganun nga siguro ang nilalaman ng libro. Pero siyempre iba pa rin kung mababasa mo talaga. 

Maaaring brutal ang mga linya, eh ano nga ba ang tagalog ng sex, nipples at (bleeepp) at (bleeepp). Pasensiya na di ko talaga mawari kung ganito: "Wag mong kagating ang labi mo Anastasia, kung hindi sisibakin kita dito sa elevator". It sounds so wrong, pero Tagalog yan e, mas hardcore, mas brutal. Oh diba parang datingang Mang Kanor lang at Jill Rose. 

Sabi ng ilang ito daw ay maihahalintulad sa isang porno, girl-porn dahil karamihan mga kababaihan ang tumatangkilik at nanonood. Kung lalake kaya ang nanood dalawa lang yan. Una pinilit ng girl friend manood o gusto rin ng boyfriend mo si Christian Grey. Basta ang gusto ko si Sasha....

Nagsalita rin ang isa sa sikat na manunulat sa Pilipinas at ito ang kanyang sinabi sa libro na ginawang pelikula:

"50 Shades of Grey was mentioned in my conversation with a group of young female students. Looked like they liked the book. No, I haven’t read it, but I got toread a chapter by chapter outline and reviews. It is NOT romantic, it is NOT liberating but rather abusive, destructive and undignifying to a woman. It scares me to think that young girls would accept that kind of relationship as normal. You can go read the book and watch the movie if you want, but girls, keep in mind that even if reading or watching the sex scenes raises the erotic in you, you would not want to have that in real life. As a psychiatrist pointed out, if you submit to that kind of relationship, unless you get out of it on time, you will end up dead. Definitely, NOT a valentine story!"

-Lualhati Bautista
(Author of Dekada 90)

At para sa kanila.....ang sabi ko naman "oo nga naman".

Warning: Adult content (pero may blurred image naman, kaya pwede na!)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento