Pages

Lunes, Pebrero 2, 2015

Kenned Guds: Ang mga De-lata ng ating Kabataan

'Huwag mo sabihing pagkaing mahirap at lilibing kita ng buhay.'
Ang Sabado.

Ito na ata ang pinaka the best na araw para sa ating mga kabataan nung mga dekada nobenta. Sagad sa laro, maraming cartoons na palabas sa TV, at minsan may treat pa sa Jollibee nila Tito at Tita. Eto yung tipong wala kang pakelam sa oras kahit anong gusto mong gawin at makakapagpasaya sa'yo bilang kabataan gagawin mo. Dahil kinabukasan araw pa rin ng pahinga dahil Linggo at araw naman ng pagsimba at pag nagkataon makakapag Jollibee ka na naman uli dahil kasama niyo si Erpats, Ermats, Lolo, Lola sa mga ganitong sitwasyon. Ika nga ng magpapamilyang Carmina at Zoren, "SARAP NG WEEKENDS!"

Busy din talaga minsan kapag Sabado maski ang matatanda nating kasama sa bahay nagkakatamaran. Araw din ng pahinga sa mga gawaing bahay. Meron din kasing mga extra curicullar activities ika nga. Andiyan ang magpapa pedicure si Nanay at mga Tita mo, sila erpats, lolo at mga kaibigan o kumpare naman eh nag gogood-time sa harap ng isang nakakalasing na bote.

Sa sobrang busy ng buhay ay nawawalan minsan ng panahon sina Nanay, Auntie, Lola o ang longkatuts na magluto ng pagkain natin. Pero huwah mag-alala! Andito na si Iloooooong Ranger! huh? Ah ewan. Ano nga? Anyway, buti na lang at mga de lata kina Aling Meding. Ito ang emergency food ng mga batang kalyeng tulad ko. Buksan lang ng can opener, kutsilyo, balisong o kahit ngipin mo at swak na ang almusal, tanghalian, hapunan, papakan o pulutan ng tatay mo.

NABUHAY AKO SA DE-LATA. Tanggalin mo na ang McDo, Jollibee, Scott Burger (2 burgers for P15), Minute Burger, Burger Machine at Smokey's huwag lang mga de lata ko. Please lang.

GUSTO - Pangalan pa lang talagang aangkinin at gugustuhin ko na e. Ito ang pinakapaborito ko sa lahat ng de lata dahil sa dami ng variety ng karne! May meatloaf na bilog at sakto lang sa alat kaya ang sarap-sarap sa kanin kahit hind na iprito! Shiyet na malagkeeet! Meron din silang sausage na di hamak na mas juicy kesa sa Swift Vienna Sausage! At yung putanginang sabaw inilalatag ko sa kanin at wow na wow ang sarap. May ulam ka na, may sabawa ka pa, san ka pa? Talagang gustong gusto ko ang Gusto!

555, Ligo, Master - Huwag mo sabihing pang-mahirap na pagkain at ililibing kita ng buhay. Ito naman ang hari ng almusal ko. Sardines in tomato sauce (green can), Hot and spicy (red can) at ang paborito kong Spanish style (tot can) Haha joke lang, (gold can ata yun), ito naman yung mamantikain yung bibig mo sa sabaw at may isang hiwa ng carrot at isang pirasong sili. Sabayan mo ng tutong na kanin at itlog na sunog at malutong ang gilid....may sasarap pa ba? Ang da best na panulak nito ay malamig na tubig na lasang kalawang sa gripo. Kung ang type mo naman ay masabaw at malapot na sardinas ay Hakone ang kainin. Actually hindi ito sardinas kung di "mackerel" Pero sardinas pa rin ang tawag ko dito dahil sardinas naman talaga siya at magkalasa lang naman sila. Leche may nalalaman ka pang mackerel e kahit sinong Pontio Pilato ang tanungin mo, at magpa poll votes ka pa sa mga taga Ateneo, UP at La Salle e sardinas ang sasabihin nila sa Hakone, diba?

HOLIDAY CANNED GOODS - "Sarap na sarap, kaya ng lahat, di latang magogostohan ng mga bata! What kin you see (say)?! Ha-lee-dee!!! Si Nanay, si Tatay, laging naghahanda, biplowp at susids, mitsadu at kurnbep! What can you see? Ha-lee-dee!!!"

Malamang, walang makakaalala niyang patalastas na yan, yan e nuong sa TV pa lang talaga ang pinagkakaabalahan ng mga tao, kaya nuon nung napalipat ako ng remote control sa Channel 4 may nasubaybayan akong telenobela ng mga bisaya. At duon ko rin nakita ang commercial ng Ha-lee-dee este Holiday canned goods. Da best talaga ang mga Yabis.

Hindi kame masyadong bumibili ng mga Purefoods, Swift at CDO nun dahil mahal ang mga delatang ito. Ang nakayanan lang namin noon sa medyo susyal ay ang Century Tuna dahil hindi namin matiis ang sarap ng mga iba't-ibang flavors neto. Buti na lang at dumating sa eksena ang jologs na Blue Bay Tuna Timplado mas mura kesa sa Century. Ayun naglipatan agad kame sa mas mura siyempre.

Para naman sa gatas na de lata, mas mura nuon ang Liberty Kondensada kesa sa Carnation Evap..

"Halo-halo'y walang kasing-sarap kung may Carnation Evap! Best for Halo-halo! Ting!"

Noong bata ako hindi ko maintindihan kung bakit kelangang lagyan ng dalawang butas ang lata ng evaporada o kondensada bago ito ibuhos sa champorado o bilang palaman ng pandesal ko. Ewan ko ba...ewan...haaayy ewan...

Balikan nga natin yang Scott Burger na yan, meron pa ba nyan? Naabutan niyo ba yan? Ang sabi ng ilan meron pa pero kakaunti na ang branches dahil natabunan na ng Minute Burger, Burger machine at yung pinaka bago at sikat na ngayon at maraming branches kung saan saang sulok eh yung Angel's Bakery este Angel's Burger kung saan binigyan ng tag line na "Sa unang kagat, tinapay lahat". Pero kung naabutan niyo ang Scott Burger masasabi kong napakasarap din neto pero ang sabi nagmahal na daw, ngayon ay P30 na, without cheese pa yun. Pucha ang mahal. Feeling Army Navy ang puta.

Minsan eh mas gusto ko pang ulamin ang de lata kaysa sa lutong-ulam talaga. Eto ang mga de latang tinitira sa bawat oras ng kainan.

Almusal

Ang masarap din tsibugin eh ang Hunt's Pork and Beans. Ilagay lang sa mangkok at sabayan ng mainit na pandesal eh solb na. Sisimutin mo pa ang natirang sarsa sa mangkok gamit ang huling subo ng pandesal mo.

Isa pang masarap almusalin at i-ulam sa sainangag eh ang Ma Ling Luncheon Meat. Wala akong alam na ibang tatak ng luncheon meat kundi Ma Ling. Hindi ko nga alam na luncheon meat ang tawag dito eh. Basta maling ang alam kong tawag at gusto ko siyang tustado. Napaksarap neto lalo na kapag isasawsaw mo sa Papa Catsup. Pero ano ba talaga ate Catsup or Ketchup? Peste tsaka na pagdebatihan yan.

Tanghalian

Dito maraming de latang pwedeng tirahin. Isa na sa pang-ulam sa tanghali eh ang kornbip (corned beef). Gisahan mo lang ng bawang, sibuyas at lagyan ng patatas cubes eh ulam na. Naaalala ko tuloy ang corned beef sa canteen namin nuong hayskul eh, pagkasarap at naliligo sa sabaw ang kanin. Tangna! Wooohhhh hayskul life tulakan pa sa pila eh! Isama mo na rin ang Meatloaf na tingin ko eh ginaya lang ang Ma ling. Mas hindi masarap na version ng Ma ling.

Naglabasan din ang instant ulam na de lata tulad ng mechado, menudo (ano ang pagkakaiba sa mechado?), kaldereta at afritada. Pwede mo siya iinit sa kawali o kaya kapag gutom ka na talaga eh wala nang init-init at isalpak mo agad sa kanin mo at hala lamon na.

Meryenda

Mmeron pa bang aangal kung sabihin kong pinaka-minimeryendang de lata eh ang Reno Liver Spread? Ipalaman sa Tasty at lumagok ng Coke eh wala nang swaswabe pa sa meryenda mo. May kapatid ito si Reno eh kung naaalala niyo pa ang isa pang liver spread na Rica naman ang pangalan. Parang si Susie and Geno lang ng Sustagen pero ito hiwalay na de lata. Ewan ko ba kung bakit nawala na lang ang girl version na liver spread na ito. Sayang! kasi masarap din naman. Hanggang ngayon wala pa rin makakatalo sa Reno pagdating sa liver spread. Siya ang Colgate ng toothpaste at Pampers ng diapers pagdating sa liver spread.

Hapunan

Kung ano ang de latang kinakain sa tanghalian eh yun din ang kinakain dito sa hapunan. Kung ang kinain niyo ng tanghalian ay de latang mechado eh di menudo naman sa hapunan. Kung kaldereta ang tinira niyo eh di afritada naman dito.

Ang mga pagkaing de lata ang isa sa mga kinamulatan ko sa mesa noon. Naka stock lahat 'yan sa cabinet naming nakakabit malapit sa kisame. Minsan yung mga mamahalin katulad ng Spam at imported na corned beef noon na padala ni Erpat iyon ay hindi nagagalaw at mas matagal itong naka stock, siguro kapag may bisita o may okasyon paniguradong ilalabas yun. Hahahaha! Tapos yung mga iyon eh hindi mo kailangan ng abrilata o kutsilyo o kaya ipen ang pangbukas nun. Bago pa mauso yung mga easy open can sa mga de lata ngayon eh mayroon na nuon na nauso. Ito ay dun lang sa mga imported na de lata gaya ng Spam, Bordon, Hereford at Exeter. Ito yung mga de latang may parang susi, ang gagawin mo lang iiikot mo lang yung susi na yun sa paligid ng de lata mismo at bubukas na iyon na parang zipper. Walang hassle at malambot ang lata niya sa ibabaw. Pero sa mga de latang lokal, dito ako natutong magbukas gamit ang klasik na abrelatang kulay itim, o paminsan e kutsilyo. Madali lang din naman magbukas niyan kahit hindi de susi.

Sikat ang mga de latang tatak Dole, lalong lalo na pagdating sa mga salad! Masarap papakin ang peaches kaya sermon ang inaabot ko kay ermat tuwing naghahanda siya ng prut salad. Tapos biglang tutugtog ang...

"That's Del Monte Kitchenomics!"

Ang natatandaan ko meron segment niyan sa Eat Bulaga e. Medyo boring na part 'to sa akin e. Saka parati namang nasasarapan si Coney Reyes sa mga recipe ni Sandy Daza e. Sus scripted, buti sana kung pinintasan niya lang ng kahit kaunti yung luto maniniwala pa ko. Sawang-sawa na ako pagtapos tikman, pipikit, didilat sabay "Uhhhhmmmm ang sarap", jusmiyo bawat segment parating ganun. Lokohan! Ni minsan hindi niya sinabing, "Ay sandali lang Sandy medyo mapakla ang lasa nitong spaghetti mo. Pwede bang paki-ulit?" Ilang beses ko na ring sinabi kay ermat na gawin ang kahit isa sa mga recipe na nakasulat sa likod ng balat ng de-lata ng Del Monte. Sa kabutihang palad, hindi pa rin niya ito ginagawa hanggang ngayon.

Balik tayo sa evap at kondensada. Nalilito talaga ako diyan sa dalawang yan e. Alin nga ba run ang ginagamit sa halo-halo? Saka pang timpla ng Milo? Merong isa dun na ang sarap papakin e, evap nga ba yung malapot at ma-krema?

Mapunta tayo sa klasik na eksenang pang-almusal. Kada umaga talaga nuon at hindi pa uso ang Lucky Me Pancit Canton ang laging nakahanda sa mesa sa umagahan eh Hunt's pork and beans walang tumalo nun sa Hunt's dahil wala silang kalaban pagdating sa pork and beans e. Pero hindi ko talaga sobrang gusto yun. Kasi pupungas pungas pa ko pagbangon sa higaan tapos kung titignan mo yung pork and beans parang ang lamya tignan eh, parang hindi kaaya-aya at hindi pang-ganado yung kulay ng sabaw, ang lamya! Tapos 'pag natikman mo na e talaga nga namang masarap! Teka, sa'n ba ang pork dito?! Halus puro beans naman ang laman nito e!

Kapag hindi available ang pork and beans, nandyan ang sausage, minsan Philips minsan Gusto. Kakauba abg mga sabaw  niyan, ang properties e in between tubig and mantika. Ganun ka unique! Sabi ng mga matatanda nuon sa amin e, "Bawal higupin ang sabaw. Pwede. Bawal. Pwede. Bawal. Pwede. Sluuuurrppp!" Pwede! masarap naman eh. Lasang sabaw sa balot!

Yung Ma-Ling naman eh nagkaroon ng imitation yan. As in kopyang kopya ang design at packaging. Parang mga sapatos lang na pang basketball eh. Talagang ang kakapal ng mukha e noh? Ang tigas ng mga mukhang gayahin ang nag-iisang pagkaing proper noun sa mundo. Pero may isa lang pagkakaiba. Kung ang orihinal ay Ma Ling ang kanela naman e Ma Leng. Oo yung i naging e. Hahahaha! Puta natawa talaga ko nun nung nakabili si ermat ng Ma Leng, napeke kame e at napansin na lang nung inaabrilata na para buksan. Bwisit na Ma leng yan! Hmmph!

Very useful ang mga de lata dahil pwedeng pwedeng i-recycle. Pwede ito gawing gulong ng toy car gamit ang walis ting-ting at kahon ng sapatos (salamat sa Batibot), pwede gawing laruang telepono kunyari haha kailangan lang ng mahabang tali puwede niyo na lokohin ang sarili niyo para magtwagan gamit ang dalawang de-lata ng Hakone. At oo, alam ko na ang nasa isip niyo, sa tumbang preso siyempre. Carnation Evap da best gamitin dito. Pero may naglalaro pa ba nun? Ewan. Yung mga makabagong batang uhugin kasi ngayon sa computer shop mo na din makikita, sila yung mga imahe namin nuon sa pisikal pero yung ugali ng kabataan na maglalaro sa kalye parang hindi na namin ka-imahe lalo na ngayon na napakamura na lang makapag kompyuter online dahil may mga piso-piso na sa mga computer shops. Tangna! Basta masarap kumaen ng Ligo Spanish Sardines! Letse!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento