Pages

Miyerkules, Marso 18, 2015

Hello Summer!

'At sadyang nabago lang nung dumating ang summer na kailangan ko nang magpa-tuli'.
Ngayon ko lang talaga napagtanto ito. Ang summer ay para lamang sa mga bata.

Ilang summer na ba ang aking pinalampas? Pinalampas na parang hindi ko man lang naramdaman ang init nito. Sa kabila ng walang tigil na pagpapawis ng aking kili-kili at walang humpay na paghuhubad slash pagbababad sa banyo araw-araw hindi ko maramdaman ang saya ng tag-init.

Nais kong magliwaliw. Bisitahin ang malalayong kamag-anak at kaibigan para malaman nilang buhay ako. Gusto ko magtampisaw sa batis doon sa probinsiya sa Bulacan, ibig ko rin kasing maranasan ang paglalaba with nature's touch. Mag-swimming at hanapin si Nemo sa pusod ng dagat. Mag-iistambay sa beach. Maglasingan. Magpa-cute.

Gusto kong ma enjoy ang summer. Sana. Ito ang pangalawang event na pinakagusto ko sa Planet Earth bukod pa sa Pasko. Ang lamig ng Kapaskuhan at ang lagkit ng tag-init.

Pero habang maraming bills ang dapat bayaran, ang aking mga paa ay nakatali sa mas mahahalay mahahalagang bagay.

Ibang iba noon, maniwala ka. Noong piso pa lamang ang pamasahe sa traysikel at  beinte singkong barya pa lamang ang stork at white rabbit. Ang summer ay parang isang malaking playground. Kung babalikan ko ang aking paslit life in slow motion hindi mawawala sa isip ko ang mga akyatan sa puno ng chico at bayabas, araw-araw pinipitasan ng bunga kahit wala nang hinog, ang mag tumbang-preso sa tindi ng sikat ng araw pagkatapos pananghalian, ang maghabulan, magtayaan sa hapon. At ang pinaka main event ay ang maglaro ng basketball with contruction kids bago lumubog ang araw. Marami pang exra curicullar activities gaya ng magtampisaw sa malaking palanggana sa puno ng tubig para kunyari nasa beach kami. Kahit nanggagalaiti na ang aking Lola dahil siya ang nagbabayad ng aming tubig sa Nawasa. Masaya din ang aming pag-galugad sa mga malalaking puno para maghanap ng gagambang aming pagsasabungin habang may dalang garapon at barbecue sticks. Ito ang mga nagbigay kasiyahan sa murang isip ko tuwing sasapit ang tag-araw.

At sadyang nagbago lamang nung dumating ang summer na kailangan ko nang magpatuli. At mula duon sa balat na tinanggal sa aking pfffftttt duon naiwan lahat ang kasiyahan ng aking tag-araw.

At simula nuon, ang aking summer ay puro na lang pagjaja pffffttttt at pagmamaktol. Sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon Happy Summer sa inyong lahat,  huwag muna kayong magpatuli.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento