Pages

Huwebes, Marso 19, 2015

Textmate, Chatmate...Anyone?

'Tumunog ang message alert tone ko, punyeta network promo lang pala'.
Medyo seryoso na ang problema ko sa social life. Dumadaan ang pitong araw/isang linggo na walang nagti text sa akin. Totoo. Binilang ko talaga. nakakahiya man aminin pero malimit ginagamit ko lang cellphone ko para sa alarm para magising ng ala-una ng madaling araw para pumasok sa trabaho (hindi po ako call boy, nililiwanag ko lang...madaling-araw shift sa isang call center). Minsan naman calculator, bilang pag kompyut naman sa mga utang. Sa mga bihirang panahon na tumunog man ang message alert, kahit naka upo pa ko sa inidoro, iiwanan ko ito at sabik na babasahin na tila ito'y galing sa Presidente ng Pilipinas o sa Santo Papa.

Punyetski. Network promo lang pala. Text A daw para sa ganitong ringtone, text B para sa true tone and so on. P25 per download. Ako pa gulangan niyo ha. Urur! Delete message. Stop alerts? P2.50 per sent yun a. Delete message.

Delete message icon lang ang laging nagagamit sa CP ko. Gayon man di ko pa rin iniisip na walang silbi ang gadget na ito sa akin dahil kahit papano ay meron naman. Inuubos ko na lang ang battery nito sa kakalaro ng paulit ulit na games para higitan ang sariling high score. O makinig ng ring tones para matulog. Napakalungkot ng buhay e, pina-hele ang sarili sa ring tone. Pasensiya na lumang model na kasi it
ong cellphone na ito. Nag e expire lang ang load ko na hindi ko man lang nagagamit. Minsan naka-unlimited na limang text lang ang na send. Dyahi rin kasi mag forward ng mga chain messages e. Na kapag di daw naipasa ay magbibigay ng sampung taon na bad luck. Namputa kung aanga-anga ka eh magpapaload ka pa at isesend mo yung mga cursed messages na yun. Tanga!

Ito na siguro ang bad luck.

Marahil sa tindi ng pagkakalugmok, boredom naeengganyo akong subukan ang ipinangangalandakang UZZAP sa TV. Aba'y ayos din naman. Nakakapag YM ako habang kumakain ng isaw sa kanto. Bigla, nag 360 degree turn ang aking text layp ng mga panahong iyon. Pati pag chat dito di ko na pinalampas.

Pero iba na  talaga mga chatrooms ngayon maging sa cellphone. Hindi pa ko nakakapag hi o hellow, gud am o wats up, care 2 chat at iba pang papansin na pagbato e, inuunahan kaagad nila ako ng ASL pls. O di kaya ay MMS pls. Ganun lang talaga siguro ano para madali. Madali mong masasala ang trip mong ka chat/txt base sa edad, kasarian, at lokasyon. At siyempre panlabas na anyo.

'Ang abnormal na si Simsimi'.

Mukang mas gaganahan pa ako maglaro ng paulit ulit na games ko. O makinig ng ringtones bago matulog.

Pinatulan ko nga din i-chat yung mokong na auto response robot ba yun o tao lang din na hindi ko nakikita na ginagago lang ako kapag nirereplayan ako. Sino nga yun....si Simsimi. Di ko rin minsan maiwasan na mapikon sa mokong na robot na yan. Malakas pa mang-asar sa akin e. Pero tinigilan ko rin ang kabaliwan sa pagkausap sa kanya. Olats ako e.

Pero minsan, isang araw.....

Akala ko napaka bastos ko nang tao. Kahit anong mahahalay na usapan sa chat kaya ko. Pero nung mag flash sa CP ko ang tanong na "malaki ba TT mo?".....

Log off.

May hiya pa pala ako. Wala naman talaga akong maisasagot dun e dahil HINDI KO NASUSUKAT. In inches ba? centimeter? dangkal? Sana mga wholesome na mga tanong na lang, maaaring masagot ko pa. Gaya ng "anong size ng paa u?"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento